005
High School Crush OnUmuwi akong may weird na nararamdaman. Di na ata maganda to, akala ko mawawala na to that same day pero takte, nakalipas na isang linggo pero yung bwiset na Winter na yun walang palyang pinapakaba ako tuwing malapit sya sakin or what. Sinusubukan ko talagang pigilan kung ano man yung nararamdaman ko pero ang hirap mga bes, yung gusto mong umiwas pero tae isang tingin nya lang or ngiti or kahit anong gawin nya and you’re a goner na agad jusko. For now ang pinag aaralan ko ay kung paanong kumalma sa harap nya katulad ng dati, nababara ko pa rin naman sya pero alam kong may nag bago na talaga. Jusko Karina, bakit sa kaibigan mo pa.
Napatingin nalang ako sa may mini garden namin, andito kasi ako sa labas ng bahay ngayon nag iisip isip kung ano bang dapat at hindi ko dapat gawin when Wnter is around. I’ve come to realization na kahit anong pigil ang gawin ko di ko mapipigilan kung ano man tong nararamdaman ko para kay Winter, leche talaga yung babaeng yun. Napabuntong hininga nalang ako then biglang umilaw yung screen ng phone ko, may nag text.
From: Wintermelon
May event bukas, pwede daw mag civilian. Paalala lang.
Natawa ako, normal na samin tong mag kakaibigan na nag uupdate kung anong ganap sa school. Di ko alam pero ganon naman dapat pag mag totropa diba? Or baka kami lang yung ganon? Anyways nag type na ako ng reply.
To: Wintermelon
Alam ko pero thank you sa pag update hahahaha.
From: Wintermelon
Kilig ka naman HAHAHAHA.
Comments