017

High School Crush On
Please Subscribe to read the full chapter

I am staring, staring, and staring sa taong nasa harapan ko ngayon para ata akong nabingi mga bes. Umiwas ako ng tingin at napabuntong hinga. Paano ko ba kasi sasabihin sakanya ng hindi ako nakakasakit, kasi sa totoo lang ayoko namang makasakit. Wala namang ginagawang masama yung tao sakin. Tumingin ako sa mga tao sa baba bago ako nag salita.

“Sorry, Lucas.” Kako, di ko kayang tumingin kasi baka maawa ako at di ko magawa yung dapat kong gawin.

“Bakit?” Tanong pa nito. Huminga ako ng malalim bago ako humarap sakanya.

“Hindi lang talaga ako interesado.”

“Gagawin kitang interesado. Pwede kitang ligawan kung gusto mo.” Pangungumbinsi pa nito. Napahinga nanaman ako ng malalim. Paano nga ba kami napunta sa gantong sitwasyon? Basta isang araw nalang pumupunta na sya dito sa classroom then hahanapin ako tapos mag uusap kami.

Tapos hanggang sa parang naging routine nya na yung pag punta dito sa classroom namin, wala naman talaga akong nakikitang problema sa ginagawa nya. Sinabihan na rin ako nung tatlo na posibleng may gusto si Lucas sakin, di ako nakinig kasi wala namang sinasabi yung tao sakin pero yes, di ako manhid, ramdam ko naman e atsaka alam ko rin yung ginagawa nya pero katulad nga ng sinabi ko wala namang sinasabi or inaamin sakin yung tao kaya hinahayaan ko lang.

Tsaka paano kung wala naman pala talaga syang gusto sakin diba. Paano kung mali pala yung nararamdaman ko about sa mga ginagawa nya. I just don’t want to assume things. Paano kung pakikipag kaibigan lang pala yung gusto nung tao diba, wala naman akong nakikitang masama don.

Kaya ngayon, though may idea na ko about sa nararamdaman nya nagulat pa rin ako nung umamin na sya. Confirmed mga bes, may gusto nga sakin ang mokong. I feel sorry sakanya since di naman ako interesado simula nung una palang.

“Hindi mo naman kailangan gawin yun.”

“Kailangan ko para—”

“Lucas.” Tawag ko pa sakanya at agad naman syang tumigil, yumuko ito at nag iwas ng tingin.

“Hindi ako interesado.” Pag uulit ko sakanya.

“May... may nakakuha ba na iba ng interest mo?” Tanong pa nito na hindi pa rin nakatingin sakin. Jusko, kakasabi ko lang na ayaw kong makasakit pero ito sya ngayon sa mga tanong nya. Napapikit ako ng sandali, sumasakit nanaman ata ulo ko ah.

“Meron.” Maikling sagot ko. Nakita ko syang tumango bago sya tumingin sakin. Di ko malaman kung lungkot ba yung nakikita ko sa mga mata nya or what. Umiwas ako ng tingin kasi ayokong makunsensya at gumawa ng bagay na hindi ko naman gusto.

“Sorry, Karina di ko naman alam.”

“Ayos lang.”

“Pero hindi na ba talaga pwede? Alam ko may mga ex ako baka yun yung iniisip mo, na baka lokohin kita. Karina seryoso ako, gusto kita. “

“May iba na akong gusto, Lucas.” Ayan ang kulit mo kasi e, nasabi ko tuloy. I’ve been trying to be nice na nga tapos ikaw tong mapilit. Tumango tango sya bago sya huminga ng malalim.

“Then pwede ka bang pumunta sa graduation ko?” Tatanggi palang sana ako kaso inunahan nya na ko agad.

“Please, last na yon Karina. After non aalis naman na ako dito sa school. For the last time, please?” Napakagat nalang ako ng labi ko at napatingin muli sa mga tao sa baba. Jusko, ganto pala kahirap ang mang basted.

“Okay.” Tanging sagot ko. Humarap ako sakanya and what he did next is kinagulat ko. Hinila nya ko at niyakap.

What the ?

Di ako gumalaw sa pwesto ko. Humiwalay na sya kaya agad naman akong dumistansya.

“Thank you, Karina.” Sabi pa nito na may malawak na ngiti sa kanyang mukha. Binigyan ko lang sya ng isang pilit na ngiti at tumango, gulat pa rin kasi ako sa ginawa nya. Baka masaya lang talaga sya kaya nya nagawa yun. Lumingon ako sa pinto ng classroom namin at tinuro yun.

“Yun lang ba? Pasok na ko.” Kako. Tumango naman ito at ngumiti sakin. Bago pa sya tuluyang umalis e pinaalala nya ulit yung graduation nya na kailangan ko ng puntahan ngayon since umoo nga ako sa gusto nya diba. Sabagay last naman na yun sya na rin naman nag sabi atsaka aalis naman na talaga sya dito sa school at sa manila na mag aaral ng collage. Paano ko nalaman? Nasabi nya dati sakin.

 

 

 

 

Pagkapasok ko sa classroom masama na yung tingin mo sakin. Tumingin ako kila Selle at Ning pero ang mga gaga tinawanan lang ako. Kibit balikat akong nagpatuloy papunta sainyo at ngumiti ng malawak sayo nung makaupo na ako sa upuan ko sa tabi mo.

“Hi.”

“Hi mo mukha mo.” Masungit mong sagot sakin bago mo pa ko inirapan. Napakunot naman ako ng noo.

Eh? Kanina lang okay tayo ah.

“Bakit?”

“Tanong mo daw kay Lucas, teh.” Sagot ni Ning bago pa sila nag apir ni Selle. Ah, si Lucas pala pero hindi ko ma gets kung bakit. So nagtanong ulit ako.

“Bakit?”

“Puro ka bakit, kairita.” Masunigt mo nanamang sagot sakin. Anakng, anong ginawa koooo. Tapos yung dalawa pa nating kaibigan di pa nakakatulong sakin dahil puro tawa lang ang ginagawa ng mga gaga. Di man lang ako bigyan ng idea kung bakit ka ganyan.

“Ba—”

“Isa pang bakit mo Karina, tatamaan ka sakin.” Napakunot ako ng noo at napabusangot.

“Bakit Karina na ulit? Ako si babe diba? Tsaka tinamaan naman na talaga ako sayo, Win.” Kako bago kita sinilip since sa kabilang side ka nakatingin. Nakita ko kung paano ka namula tapos yung ngiti na pilit mong pinipigilan. Nakaramdam ako ng pag hila sa buhok ko at agad naman akong napatingin kila Selle at Ning.

“Masakit, bwiset kayo.”

“Respeto samin, yun lang naman hinihingi namin gurl.”

“Makapaglandi kala mo walang mga kaibigan na single e.” Pag rereklamo nitong dalawang kaibigan natin. Nakita ko yung pag galaw ng balikat mo so hinayaan ko nalang yung dalawa at sinilip ulit kita. Nakahinga ako ng malalim nung makita kitang tumatawa ng tahimik bago mo nilayo yung mukha ko sayo. Ngumiti lang ako ng malawak sayo hanggang sa tumigil ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Urnzone
So yes. The End. Thank you sa lahat ng sumuporta sa unang story ko dito sa mga baklang ito, charot. Sa mga nagbasa, silent reader man o hindi. Sa mga nag walang sawang nag cocomment ng thoughts nila every chapter. Sa mga naghintay kahit may times na matagal yung update, sobrang thank you sainyo <3.

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
548 streak #1
Sobrang cute talaga netong balikan hehe
TakuyaKen
#2
Chapter 17: kinda confused in the end pero cute hehe
yurielle
#3
Chapter 7: karina bading
yukimin
#4
Chapter 17: Wahhhh shet ang cute kinabahan ako akala ko nirewind lang yung panaginip eh ang lawak lawak din tuloy ng ngiti ko.Thankyouuu for this author mwahhh
yukimin
#5
Chapter 15: WAHCJCJJSJSJD HOYYY ANONG ORAS NA KINIKILIG PA KO MAAAA
yukimin
#6
Chapter 14: tangina minura HAHAHAHAHAH
eunbisandpizza #7
Chapter 17: aw tapos na, ang kyut ng story otor, thank you sa pagsulat nito hehe
ayrenecutie
#8
Chapter 17: uwu ang cute ng story love it to the bone🥰
ayrenecutie
#9
Chapter 8: kinilig ako rawr di ko pmapigilan na mapangiti :)
ayrenecutie
#10
Chapter 4: damang dama ko ako si winter sa storyang ito eh kaso yung feelings ko para kay karina huhu