The Day
Stolen kissWala paring pinag bago ngayong araw ganon parin marami paring pasyente si wendy pero isa lang ang surgery niya ngayong umaga na ito.
Pero shempre marami paring nag papa check up sa kanya.
Nadagdagan nga pala ang mga kasama niya shempre ang mga kaibigan niya dito sa hospital dahil dumating si jisoo at mina.
School mate at dorm mate niya sa Harvard.
Yes, sa Harvard nag aral si wendy, jisoo at mina.
Sa Harvard kinuha ni wendy ang kanyang Doctorate. Bumalik lamang siya ng korea pag katapos niya mag aral upang kumuha ng lisensya sa korea at mag trabaho sa kanila hospital.
Oo, kung hindi niyo pa napapansin tatay ni wendy ang may ari nitong hospital na ito. Pamilya sila ng mga Doctor Mag mula sa kanyang Lolo sa kanyang ama hanggang sa mga anak nito at sa kanilang mag kakapatid.
Pero walang nakakaalam na anak siya ng may ari ng hospital nito maliban sa mga kaibigan niya, si Taeyeon na pinsan niya, ang girlfriend nito at ang sekretarya ng kanyang ama at ina.
Dahil ayaw ni wendy na makilala siya bilang anak ng may ari ng hospital na ito o bilang anak ni Son Jun ho at Song Hye Kyo. Ayaw din niyang tratuhin siyang special ng dahil sa kanyang apilyedo. Gusto niya i earn ang respeto at pag kilala sa kanya bilang Son Wendy hindi dahil sa kanyang mga magulang.
Hindi rin naman siya pinag bawalan ng mga magulang sa mga ka gustuhan niya. Yun ang pinag papasalamat niya sa kanyang mga magulang dahil supportado sila ng mga ito. Hindi sila tulad ng mga nakikita niyong sa mga palabas na nasasakal ng mga magulang at sunod sunuran.
Hanggang wala silang ginagawang masama at wala silang natatapakang tao hindi mangingi alam ang kanilang mga magulang at hahayaan silang maging masaya.
Yun nga lang wala pa siyang naipapakilala sa kanilang magulang. Alam ng kanyang magulang ang sekswalidad niya at hindi ito malaking bagay para sa kanilang magulang.
Naalala niya nung pinaalam niya ang sa kanyang magulang ang kanyang sekswalidad.
Niyakap lamang siya ng kanyang ina at kanyang ama at sinabing walang nagbago at walang mag babago ng dahil lang sa sinabi niya.
Pero shempre hindi parin na aalis ngayon ng kanyang mga magulang ang mag tanong kung wala parin ba siyang napupusuang babae.
Hindi niya naman din masisisi ang kanyang mga magulang dahil 26 years old na siya at hanggang ngayon wala pa siyang naipapakilala sa kanila at wala pa siyang napupusuang babae na nakikita niyang mag cocommit siya.
Naging abala kase siya sa pag aaral na wala na din siyang oras para punuan ang mga bagay halimbawa na lamang ang kanyang buhay pag ibig. Masyado siyang abala sa buhay studyante niya at wala naman siyang pinag sisisihan dahil nakamit niya ang mga gusto niyang makamit.
Nandito siya ngayon sa cafeteria kasama ang mga kaibigan. Kasama na rin pla nila ngayon si Jisoo at Mina.
Sakto sa oras ang kain ni wendy ngayon sa tanghalian dahil wala naman siyang gaanong inoperahan kaya’t napag pasyahan ng mga kaibigan na sa cafeteria na lamang sila kumain at huwag ng umorder pa ng pag kain sa labas.
Habang nag kwekwentuhan sila mag kaibigan sa cafeteria nagulat si wendy ng biglang may naglagay ng mushroom sa kanyang pinggan ng tignan niya ito bumungad ang naka ngiting mukha ni Mina.
“Favorite mo yan, diba?” Sabi sa kanya ni Mina
“Meron naman ako. Okay na sakin to walang ka na tuloy” akmang ibabalik ni wendy
“Okay lang hindi naman ako mahilig sa mushroom. Sayo na yan” ngiti ulit ni mina
Nang dahil dito naka tanggap naman ng pang aasar si wendy mula sa kanyang mga kaibigan.
Napayuko na lamang si wendy habang umiiling iling. Ang ingay ng mga kaibigan niya nakakakuha na naman ng attensyon ng tao. Hindi pa nga humuhupa ang nangyari kahapon sa conference room tapos ito na naman.
Speaking of kahapon. Hindi alam ng kaibigan niya maliban kay seulgi ang tungkol kay Dr. Bae na pinag hihinalaan niya (scratch that) sigurado siyang ang nag nakaw ng halik sa kanya.
Nalaman niya din ang pangalan ng Doctor na ito ng dahil kay seulgi. Nang makita ni Wendy ang babae agad na itunuro niya ito kay seulgi na siyang hindi naman pinaniwalaan ng kaibigan.
Hindi naniniwala ang kanyang matalik na kaibigan na ang inaakusahan niya ay si Dr. Irene Bae.
Naaalala niya pa ang sinabi ng kanyang best friend I quote “Wannie, sigurado ka bang nangyari yun? O baka lasing ka lang at nag i’imagine ka lang o di kaya may crush ka kay Doctor Bae at inimagine mong hinalikan ka?”
“Gago ka ba seul? Eh first time ko ngang makita yung babaeng yun”
“Wannie, kahit sino sigurong sabihan mo tungkol kay Dr. Bae walang maniniwala sayo. Eh hindi nga daw makalabas ng bahay yun base kay suzy, tapos sasabihan mo pang nagpunta sa bar? Tska wannie kilala si Dr. Bae na iniiwasan ng doctor dito dahil masungit daw yun lalo na sa mga lalaki at sobrang hinhin nun hindi nga yun makabasag pinggan eh tapos pag aakusahan mo pang may hinalikan ka? Ikaw na ata may problema wannie eh”
Napa takip naman Si Wendy sa kanyang mukha ng naalala ang usapan nila ng ng matalik na kaibigan
“Sorry” mahinang sabi ni Mina sa kanyan
“Okay lang. maingay lang talaga sila. Pasensya na” sunuklian niya ng ngiti si mina.
“Ang benta talaga ng best friend ko sa mga chikas.” Pang aasar ni Seulgi
“Kaya nga. Pero hanggang ngayon wala paring jowa” Ani ni chanyeol
“Tigilan niyo nga ako” asar na sabi ni wendy
“Totoo naman sinasabi nila, wen.” Saad ni jisoo na naka tingin kay wendy at balik ng tingin kay Mina.
“Oops. Mukhang may tea tayo dito” ang chismosong si chanyeol
Habang natatawa naman si jisoo
“If hindi niyo alam, ito si mina” sabay hawak sa balikat ni Mina “crush itong si wendy ng nasa states pa kami” turn naman ni mina na mag blush
“Kaso ito Si Wendy wala daw oras para sa pag ibig at ayaw niyang masira ang pag kakaibigan nila ni Mina” pang aasar niya kay wendy
“Oh... kaya pala single parin itong kaibigan natin.” Saad ni krystal
“Pero may oras na si wan ngayon” bumaling siya ng tingin sa kanyang best friend “diba, wan?” Pang aasar naman ni seulgi
Hindi nila alam na may nakikinig si kanilang likuran. Nakatalikod ito kaya’t hindi nila mapapansin.
Sa tabi ng lamesa at sa likod ni wendy nandoon kumakain si Irene na katabi si joy at sa harap niya ang bagong dating na kaibigan nito na sina solar at chorong na galing sa kani kanilang bakasyon.
Nadinig niyang nag salita ang kaibigan ni wendy na si chanyeol.
“Pero Mina marami kang kalaban ngayon. Naalala niyo ba yung pangalan ng may gusto kay wendy sa psychiatric department” tanong ni chanyeol kela seulgi at krystal
Kinabahan naman si Irene ng nadinig ang departament nila.
“J ba nagsisimula pangalan nun?” Si chanyeol
“Tanga! J ka diyan si Eunha yun” saad naman ni seulgi
“Tama, tama! Naalala mo nung inabutan siya ni wen ng kape sa vendo kase sabi niya naiwan niya wallet niya? Tapos ng inabot sa kanya ni wen yung kape pulang pula siya hahaha” chismis ni chanyeol “tska sabay sabi ni wendy ayaw niya naman daw bumalik yung babae kase mapapagod siya tapos sinabihan niya pa ng cute na lalong nagpa pula sa babae. Papol amputa” dagdag pa ni chanyeol
“Totoo naman kase ikaw kaya mag pabalik balik tska cute naman talaga siya” sabi ni wendy
“Gusto mo siya?” banat na tanong naman ni chanyeol
“Sinabihan ko lang na cute gusto agad? Nag sasabi lang naman ako ng totoo” balik ni wendy
“Pero simula nun lagi na siyang binabati at binibigyan ni eunha ng kape” saad naman ni seulgi
“Meron ding may gusto kay wendy sa department namin” saad ni Krystal
“Kilala niyo si Kim Minjoo? May gusto kay wendy yun. Napapansin ko tuwing binabati ni wendy namumula siya tapos inaasar siya lagi ng mga co-doctors namin na kaibigan niya” dugtong ni Krystal
“No way! Si Kim Minjoo? Shet, wan! Ang ganda nun! Sana all mabenta! Patulan mo kaya” tanong ni seulgi
“Seulgi, maraming may gusto sayo. Tanga ka lang na pinipilit mo parin ang sarili mo sa isang tao” pang aasar naman ni wendy sa kanyang best friend
“Burn” sabay na sabi ni Krystal at chanyeol
Nagtawanan ang lahat ng nasa mesa na iyon maliban kay seulgi na masama ang tingin sa kanyang best friend
“Nga pala wag niyong kakalimutan yung welcome party mamaya” sabay tingin kay Mina at Jisoo “kasabay ng celebration ng pagka promote kay ate taeyeon” ani ni seulgi
“Oo nga saan pala gaganapin?” Tanong ni chanyeol
“Sabi Carpool Restaurant” sagot naman ni seulgi
“Of course, sabay sabay nalang tayo mamaya since sabay sabay naman tapos ng shift na right?” Sabi ni Mina na napatingin kay wendy
“Hahabol nalang ako guys. May operation ako before ng party” sagot naman ni wendy
“As always. Masanay na kayo dito sa masipag kong best friend” sabi ni seulgi
“Atleast hahabol siya diba, wendy?” Ani ni mina
Tumango naman si wendy bilang pag saang ayon
Nag papaalis na sila wendy ang ang kaibigan nito bumulong naman sa tabi niya si Joy
“Unnie, Mukhang madami kang kaagaw kay Dr. Son” pang aasae ni joy
Ang dalawa niyang kaibigan sa harapan na si solar at chorong na kanina pa nagpipigil ng tawa ay tuluyan ng natawa sa itsura ni Irene.
Mukha kase siyang constipated
Alam nila na matagal ng gusto ni Irene si wendy at alam din nila ang nangyari sa bar.
Hindi nga lang sila nakasama dahil nasa bakasyon sila kasama ang kani kanilang pamilya
Nung una nagulat din sila sa nagawa ng kaibigan dahil hindi nila akalain na magagawa ito ni joohyun lalo na’t nakilala nila itong mahinhin at hindi mahilig lumabas ng bahay.
Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig nakakabaliw at hindi mo na nakikilala ang sarili mo.
——————————
Nagmamadaling pumasok Si Wendy sa Capool restaurant. Kakatapos lang ng ginawa niyang operasyon buti na lamang ay malapit lang itong restaurant sa hospital nila.
Pagkapasok ni wendy sa restaurant sumalubong sa kanya ang mga pamilyar na mga mukha na bumabati sa kanya. Pamilyar na mukha ng mga nagtratrabaho sa hospital mula sa ibat ibang departamento.
Nang makita niya si suzy na assistant nurse ng kanyang matalik na kaibigan saka niya ito tinanong kung nasaan ang kaibigan nito saka naman tinuro ang lamesa na kinaroroonan ng best friend niya at iba niya pang kaibigan.
Lumapit Si Wendy sa kinaroroonan ng mga kaibigan at nakita rin na naroroon ang kanyang pinsan na si Taeyeon katabi nito ang kasintahang si Tiffany.
-----------------------------------------
“Sorry katatapos lang ng operation” hingal na sabi ni wendy
“Hi, cou—Dr. Son buti at nakahabol ka” sarkastikong sabi ni Taeyeon
“Hi, Wenwen!” Bati naman ni Tiffany
Tinarayan ni wendy ang kanyang pinsan saka ngumiti kay Tiffany
Shempre walang ding nakakaalam na magpinsan sina wendy at taeyeon sa hospital maliban sa mga taong nakakaalam din na anak siya ng may ari na pinag tratrabahuan ng mga ito.
Napatingin sa sa nag iisang bakanteng upuan at nanlaki ang mata niya dahil sa tabi nito ang ang babaeng pinaka iniiwasan niyang makita yun ay walang iba kundi si— Bae Irene
“” bulong ni Wendy
Siya namang tingin niya sa kanyang best friend na si seulgi na ngayon ay nakataas ang kaliwang labi at nag pipigil ng tawa
Sinisenyasan niya itong umurong sa upuan na dapat ay para sa kanya. Umiiling lamang ang kanyang best friend at inalis ang tingin sa kanya para bang wala talaga nag papahiwatig na hindi siya aalis sa upuan niya.
“Oh. Wen wen, Pinsan ko nga pala same department kami, Bae Joohyun totoong pangalan niya but for close friends lang ang Joohyun she prefers Irene” Turo ni Tiffany sa pinsan
“first kiss stealer” bulong ni wendy saka naman lahat ng kamay kay Irene at sabay sabi ng “Hi, Dr. Bae! Nice meeting you! I’m Dr. Son”
“Dr. Bae” Tanggap naman ni irene sa kamay ni wendy “ If I’m not mistaken nag meet na tayo, right? Kahapon? Sa Conference room?” Sabi ni Irene na may halong pang aasar
“Right.” Sarkastikong sagot ni wendy saka umupo sa tabi ni Irene
“Really, Joo joo? Bakit di mo sinabi sakin?” Masiglang tanong ni Tiffany
“You went to ate taeyeon after ng conference” Sagot ni Irene sa pinsan.
“Yeah, right. Pano pala kayo nag meet?” Tanong ni Tiffany
“Ah si Dr—" hindi natapos ni Irene ang sasabihin ng sumabat ni Wendy
“Umorder na kayo?” Tanong ni Wendy kay Tiffany
“Yes. Kakaorder lng namin” sagot ni Tiffany
Tango tango naman Si Wendy
“Asan pala si Mina?” Tanong ni wendy kay seulgi
Turo naman ng kaibigan niya sa may bandang dulo ng lamesa nila
Bali ganito yung pwesto sa unahan ng lamesa sa left side si seulgi, siya, si irene, yung kaibigan ni Irene na kasama niya sa bar at dalawang babae na parang kaibigan din nila Irene at si Chanyeol na katabi ang jowa na si Dr. Seohyun ng Ortho dep at katabi na si Dr. Hyo at sa right na tapat nito sila Jisoo, Mina at Krystal katabi nila sina Dr. Sooyoung ng Gynecology and Obstetrics Dept, Dr. Sunny ng Ped Dept, yung pinsan niyang malandinat ang kasintahan nito at sa harap niya sa Dr. Yuri Kwon at sa tapat ng kanyang best friend ay si Dr. Yoona.
Kinawayan niya naman ang mga kaibigan at nginitian si Mina na nakatingin sa kanya.
“Wen, kamusta operation mo? Yun ba yung transplant? Ilang taon nga yun?” Tanong ng babae sa harap niya na si Kwon yuri
“Okay naman po, doc. For monitoring nalang. 13 years old yung patient and yung donor is yung father niya. I wrap it up earlier than I expected because i have a good team.” Sagot ni wendy
“Oh. It’s because you have the best skills too wenwen” sabat ni Tiffany
“Yeah. Couldn’t Agree more” sabi naman ni Taeyeon
“Well, useless din yung skills ko if I don’t have the best team” ani ni Wendy
“Here we go again. Alam niyo namang humble yang si wendy” sabat naman ni Yoona na co-GS dept nila
“Oh. Right, muntik ko ng makalimutan” kamot ni yul sa ulo
Umiling iling nalang si wendy. Saka ang pag dating ng kanilang order.
Carpool is know mostly for their different cuisines most especially their pastas and wendy is a pasta er.
Isa sa mga paboriti niya dito sa carpool ay ang Pasta Puttanesca shempre nauna na siyang kumuha.
Halos maubos niya na ang pastang kinakain ng biglang may naramdaman siya sa kanyang hita.
Binaliwala niya naman ito at pinag patuloy ang kinakain. Kumuha naman siya ng isang slice ng pizza
Naramdaman niya naman ulit na may kamay nga sa kanyang hita. Muntik na siyang mabulunan sa kinakain na pizza. Napatingin naman siya sa katabi niya sa kaliwa na ngayon ay naka smirk
“Best friend, okay ka lng?” Tanong naman ni seulgi
Inabutan naman naman siya ni Taeyeon ng tubig
“Dahan dahan lang kase di ka mauubusan” sa ng kanyang pinsan
Saka naman siya uminom ng inabot na tubig ng pinsan
“Restroom lang ako” sabi ni wendy
Hindi niya na hinintay ang sagot ng mga kasama at dumiretso siya sa cr at saka kinalma ang sarili buti nalang walang tao sa loob kundi siya
“Ano ba ang ginagawa ng babaeng yun sakin? Baliw na ata yun” sabi ni wendy ng nakaharap sa salamin at nag huhugas ng kamay
Habang nag aayos si wendy ng sarili sa lamesa hindi niya namalayan ang pumasok sa restroom
“Hi, Dr. cutie” bati naman ng babae na may ngiti sa mga labi, na ikinagulat ng doctor na kanina pa kinakalma ang sarili
“Ikaw! Ikaw yung babaeng humalik sakin sa reve bar! Ikaw yun diba?! Tapos mag mamaang maangan ka pang hindi mo ko kilala. Thief” gigil sa sabi naman ni wendy
“Yeah. Ako nga” tugon na irene na may nakakalokang ngiti sa mga labi
“Knew it was you at nag mamaang maangan ka pa Mag nanakaw!” Inis na sabi ni wendy na saka naman nagpatawa kay Irene
“Stalker ka ba? What do you want from me?” Tanong ni wendy
“Excuse me ako stalker? Sa itsura kong to? Do I look like one” sagot naman ni Irene pero napag tanto niyang stalker nga siya dahil 2 years niya ding sinusundan Si Wendy pero shempre di siya aamin
Tinignan naman siya ni wendy “Bakit mo hinawakan yung hita ko? Sure akong hinawakan mo! Ano bang kailangan mo sakin at sinundan mo pa talaga ako dito”
“I want you” sagot naman ni Irene na nagpa laki naman ng mata ni wendy
“Ano?!” Sagot ni Wendy
“I mean. I want your number” tugon ni Irene
“Baliw ka na nga and why would I give my number to the person who stole my first kiss” agad na napatakip si wendy ng bibig. At pinalo ang ulo dahil hindi niya sinasadyang masabi sa baliw na babaeng to na first kiss niya yun. God, this is embarrassing
Sinukliaan naman siya ni Irene ng nakakalokong ngiti “first kiss huh” at lumapit sa kanyang tenga “because I stole your first kiss” at saka kinuha ang cellphone ni wendy sa knyang kamay buti nalang at walang password ito at tinipa ang kanyang numero upang tawagan
Samantalang si wendy hindi parin nakakabalik sa katinuan sa ginawa ni Irene sobrang lapit ng labi ni irene sa kanyang tenga ng itong nag salita.
Samantalang si Irene naman ay masayang binalik ang cellphone ni wendy sa mga kamay nito at bago sa umalis ay hinalikan niya sa wendy sa pisngi nito at bumulong ulit sa tenga
“See you later, Dr. Son” at saka lumabas ng restroom
Saka namalayan ni wendy na kanina pa pala niya pinipihilan ang pag hinga kaya ngayon hinahabol niya ang hininga na para bang tumakbo ng napaka bilis.
Nang bumalik na sa katinuan si wendy saka siya nag tipa ng mensahe sa kanyang best friend
To: Seulbear — Best friend, uuwi na ako sumama yung timpla ng tiyan ko. Naparami ata yung pasta. Dala ko naman yung car ko. Pakisabi nilang kela Ate Taeyeon and sila yeol at tal na nauna na ako. Thank you, seul. See you tomorrow. Ingat sa pag uwi.
From: Seulbear — kaya mo bang mag drive? Ingat ka and rest well. Alam kong pagod ka. See you, best friend. Pagaling ka.
Saka naman siya nag tipa ulit para I text si Mina
To: Mina
—Min, sorry di na ako naka pag paalam sumama kase yung tiyan ko pauwi na ako. Hope you, enjoy the party. Ingat ka ni Jisoo sa pag uwi and please tell her nalang din. I’ll see you tomorrow.
From: Mina
— OMG. Dapat sinabi mo para hinatid kita. I’ll tell jisoo. Drink some meds and Drive safe, wen. Hope you feel better. I’ll see you tomorrow.
To: Mina — No need I brought my car naman and It’s your welcome party dapat nandiyan kayo at nag e’enjoy. I’m sorry dapat andiyan ako. Bawi nalang ako. Need din ng body ko mag rest.
From: Mina — it’s okay, wen. Take care and rest well. Text mo ko pag nakauwi ka na
To: Mina — I will, min. Thank you!
Tumingin ulit Si Wendy sa salamin at ng nakita na niyang mukhang maayos na ang itsura niya saka siya lumabas ng restroom at dire-diretso sa pinto.
Samantalang sa lamesa naman nila
“Mauuna na raw si wannie, Ate Tae. Sumama daw pakiramdam niya.” Saad naman ni seulgi
Lumingon naman si Irene sa may banda kung saan ang cr pero wala siyang nakita. Inilipat ni ang tingin sa pinto ng restaurant saka niya nakita ang nagmamadaling wendy
“Itetext ko nalang siya. Sana nag sabi siya para maihatid man lang.” saad ni Taeyeon
“Dala niya naman daw sasakyan niya kaya naman daw niya” sagot naman ni seulgi at tumango naman si Taeyeon.
Sumandal naman si joy sa kanya at sumandal “anong ginawa mo kay Dr. Son”
Ngumiti lamang si Irene. Masaya siya ngayon. Dahil nakuha niya ang number ng 2 years crush niya at lalong lalo nang nalaman niyang first kiss pala ni wendy ang halik na iyo
Kinuha niya ang kanyang cellphone upang isave ang number ni Wendy “My future” ang kanyang nilagay ni pangalan nito at nagulat naman ang katabi niyang si Joy. Dahil nasagot na ang tinanong niya kanina.
Ibang iba talaga ang mga kinikilos ng kanyang joohyun unnie kay Dr. Son. Ganito ba talaga pag patay na patay ka? Nakakatakot at ayaw niya itong maranasan.
Nag tipa naman ulit siya ng mensahe
To: My Future — Drive safely, Dr. Son. See you around *with kiss emoji*
Nakarating na si wendy sa building parking lot ng building na kanyang tinitirhan at ng icheck ang kanyang phone may dalawang mensahe siyang nakita isa ay galing sa kanyang pinsan na si Taeyeon at ang isa galing sa unknown number
Nag tipa muna siya ng mensahe para kay Mina bago basahin ang mga mensahing natanggap.
To: Mina — I’m home na. Ingat sa pag uwi
At sinend ang mensahe saka naman nagpunta sa inbox at binuksan ang mensahe galing sa kanyang pinsan
From: Fave Couz (si Taeyeon ang nag save) — Wannie, nasabi sakin ni seulgi na umuwi ka daw. Okay ka lang ba? Gusto mo puntahan kita? Dapat sinabi mo para naihatid ka man lang. pagaling ka, couz! Lemme know if you need anything. Tiff and I are worried. Wag ka ng pumasok Tomorrow.
To: Fave Couz — I’m fine, ate. I can manage. Sumakit lang yung tiyan ko uminom na rin ako ng gamot. I’ll be fine. Enjoy your celebration ate. Congrats, again. I’m so proud of you. I’ll see you tomorrow. Drive safely.
Pagkatapos niyang i send ang mensahe sa kanyang pinsan tinignan nman ni Taeyeon ang minsahe galing sa hind niya kilalang numbero
From: 09*********
— Drive safely, Dr. Son. See you around *with kiss emoji*
“I hope i won’t ” sabi naman ni wendy
Huminga siya ng malalim at saka sinave ang numero “Crazy thief” ang kanyang nilagay
At saka lumabas sa kanyang sasakyan upang umakyat niya sa kanyang tinitirhan.
Happy WenRene Day, Everyone! Hope you’re having a good day. Let me know your opinion about this chapter and I hope you enjoyed.
Comments