Chapter 5

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

"Malapit na daw sila dalian niyo nakakahiya". Sigaw ko sa mga kasama ko especially kay Madam Joy. Overnight lang naman kami pero ba't parang ang daming dala?

"Kalma te makikita mo din yung prinsesa mo." Panunukso sakin ni Lisa habang inuubos yung kape niya. Katabi niya si Krystal na mukhang inaantok pa.

Papunta kami ng beach ngayon kasama sina Irene. Buti nalang napapayag ko ang barkada na sumama nalang sa grupo nina Irene. Pero syempre napakadaming panunukso at panunumbat muna ang natamo ko bago sila pumayag. Kesyo pinagpapalit ko daw ang friendship namin sa babae. If I know gustong gusto din naman ng mga baliw na to. Lalo na at libre ni Eunwoo at Suho ang sasakyan at gas. Naysss!

Dalawang sasakyan ang gamit namin. Yung isa si Eunwoo ang magddrive. Kami ang passengers nina Irene, Seohyun, Yoona, Eric at Yonghwa. Sa kabila si Suho ang nagddrive ksma sina Krystal, Lisa, Joy, Wendy, Jokwon at SeokJin.

"Hi Irene." Nakangiti kong bati kay Irene pagbukas niya ng pinto ng sasakyan.

"Hi Irene. Pwe! Pumasok ka nalang kaya ng sasakyan." Sabay tulak sakin ni Lisa. Taena nun pinapahiya pako sa harap ni Irene.

Napatawa lang naman yung mga nasa loob.

"Tara na Seul." Bahagyang umusog ng upo si Irene. Ako nalang kasi ang kulang sa sasakyan, meaning kami ang magkatabi. Sana malayo yung pupuntahan namin. haha

---

Dalawa yung kwarto sa nirentahan naming bahay. Okay naman yung laki ng mga kwarto kaso tig dalawang kama lang bawat isa. Yung iba matutulog nalang sa lapag, may may extra mattress naman. Sa kabilang kwarto yung mga boys na ikinasaya naman netong si Jokwon.

 

"O siya luto na muna para sa lunch later. Yung iba kung gusto maglakad lakad muna gora lang." Narinig kong sabi ni Seohyun habang inaayos yung mga gamit sa kusina.

"Tulong ako!"

Since may representative na kami ng grupo, si Wendy, nagkayayaan na yung iba na magexplore sa beach. Di naman sa wala kaming kusa, pero mas gugustuhin nilang huwag na kami tumulong sa kusina haha

"Mukhang uulan pa yata." Nakasimangot na sabi ni Irene habang naglalakad at nakatingin sa langit. 

"Wag naman sana baka hindi tayo makapagswimming." Meron naman kami nakikitang lumalangoy kahit medyo malakas yung alon. Tag-ulan na kasi talaga pero maganda yung panahon nung mga nakaraang araw kaya di namin iniexpect na baka umulan.

"Ang inaalala ko baka hindi tayo makapag island hopping." Napangiti ako nung pagtingin ko kay Irene nakapout siya at nakacross yung mga braso sa harap niya.

"Seul!" Napalingon ako sa napakalakas na boses ni Joy pero tubig ang sumalubong sakin.

"Pota Joy baka mabasa yung shorts ko susuotin ko pa to bukas." Medyo lumayo kami kina Joy na nasa gilid ng dagat. Natalsikan din kasi si Irene lalo na at nakisali din sina Yoona at Jokwon sa pagbabasa.

"Wag kang KJ! haha" Sarap kutusan ng babaeng to pero masaya ko na nakakatawa na ulit siya ng ganito.

"Tara dun tayo." hinila ni Irene yung kamay ko papunta sa bench na nasa lilim ng puno. Bago pa man nag sink in na hawak niya ang kamay ko, binitawan niya na ito ng umupo na siya. Dapat pinuwesto tong upuan na to sa malayo eh.

"Mukhang nagkakasundo yung mga friends naten." Natatawang sabi ni Irene.

"Mukhang wala tayong magiging problema kung sakali." nakangiti kong sabi kay Irene. Matagal niya ko tinitigan sabay kurot sa tagiliran.

"Aray! haha joke lang po." medyo masakit yung kurot ni Irene pero okay lang kung kurutin niya pa ako ng isa.

"Wow yang confidence mo ha." sambit ni Irene pero nakangiti ito at nakatingin sa akin ng diretso.

Di ko kinaya takte. Binawi ko din ang tingin ko sakanya at napatingin ako sa malayo. Nakita ko si Krystal at nakaakbay si Lisa sakanya. Kasama nila si Suho at Eunwoo bumibili yata ng ice cream dun sa batang naglalako.

"Gusto mo ng ice cream? Bumibili yata sila don." Tinuro ko sina Krystal kay Irene.

"Ayoko gutom nako eh, hintayin ko na yung luto nina Seo. Gusto mo ba?"

"Hindi, hintayin ko na din yung lunch. Mag-aala una na din pala."

"Dito nalang muna tayo." Umusod papalapit sakin si Irene at ipinatong ang kanyang ulo sa kanang balikat ko.
Kagaya nung una, bumilis pa din ang tibok ng puso ko. Kahit medyo matagal na kami magkachat at minsan magkausap sa phone, iba pa din yung feeling pag kasama ko na talaga siya.
Tinapangan ko na ang loob ko at dahan dahang hinawakan ang kamay niya.
Napangiti ako nung pisilin niya pabalik yung kamay ko.

Saglit pa kaming nagkakwentuhan hanggang sa nagtawag na si Jin para kumain.


----

Pare parehong dismayado ang mga mukha namin ng sabihan kami nung kuya na dapat magdadala samin sa kabilang isla na hindi daw pwede tumawid hanggat malakas yung alon. Pinayuhan din kami na huwag magswimming sa malayo.

"Ano ba yan sayang naman yung outfit naten." nakasimangot na sabi ni Joy.

"Okay lang sakin yung outfit ng mga boys." sambit naman ni Jokwon. Dinaan nalang namin sa tawanan ang lahat.

"Tara para di masayang ang outfit pic

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha