Chapter 2

Choice
Please Subscribe to read the full chapter

“Good morning!”

“Nagpuyat ka no? Kakagames mo nanaman yan” tanong sakin ni Krystal pagkakita sakin.

“Hindi ah! Hindi nga ako naglaro kagabi eh.” Hindi naman to kasinungalingan. Kaso hindi ko na sasabihin kung bakit ako napuyat. One week na kami magkatext ni Irene. Jusko tama nga yata ang mga hinala ko. Wala naman masamang umasa.

“Oh bakit ngingiti ngiti ka diyan?" sabay upo sa tabi ko may dalang dalawang plato na may sinangag at hotdog.

"Wala lang." nakangiting sagot ko habang ginugulo ko yung buhok ni Krystal.

"Ano ba! Kumain ka na nga.” nilayo niya ang kanyang ulo saka inilapit yung isang plato sa harapan ko. Mahal talaga ko ng babaeng ito kahit napakasungit.

 

“Sige pagalitan mo yang mokong na yan puro games ang inaatupag.” Itong si Joy mukhang tanga lagi nalang nanggagatong.

“Kumain ka na nga lang diyan! Naliligo na yung dalawa?” Narinig ko din kasing bukas ang shower sa dalawang bathroom kanina.

“Oo nauna na sila kumain. Ay Stal, sabay ako sa inyo ni Seul ah. Hindi ako masusundo ni Hyunwoo.”

“Wag kang bagal bagal kumilos ah baka malate kami dahil sayo!” pasigaw kong sabi sakanya, medyo may pagkaVIP kasi tong si Joy laging nagpapahintay.

“Ay sasakyan mo ba gagamitin te? Nakikisabay ka rin lang naman nagrereklamo pa.”

“Ah basta hindi ka namin hihintayin kung bagal bagal ka.”

“Sige na sige na bilisan niyo kumain tapos na yata maligo si Wends” pag-utos naman nitong si Krystal sa tabi ko.

 

---

 

Andito kami ngayon malapit sa school dahil nagyaya mag milk tea si Joy.

 

“Uy kanina nung lunch break natin nakita ko tumatawag si Chanyeol sa phone ni Lisa kaso pinatay niya lang. Break na ba talaga yung dalawang yun?” tanong ni Joy

“If I’m not mistaken two months ago pa daw.” sagot ni Krystal

“Eh di ba two years na dapat sila nung june? Mukhang tanga mga yun, di naman nagsasabi tong si Lisa.”

“Pag tinatanong ko siya lagi niya lang sinasabi na ayos lang siya. Niyayaya ko nga mag-shot eh kaso~hala ano ba yan para kang bata.” agad ako kumuha ng tissue at pinunasan yung tumulong milk tea sa damit ni Krystal.

“Seul ako na.” bahagyang itinabig ni Krystal ang kamay ko at kinuha niya yung tissue sakin.

“Nahiya pa to.” pabulong kong sinabi pero narinig ni Krystal at tinignan ako ng masama. Ang cute niya lang pag nahihiya haha

 

“Seulgi! Krys!” isang napakagandang ngiti mula sa napakagandang dalaga ang nasilayan ko paglingon. OA na kung OA pero shet ba’t ang ganda?

“Irene! Ikaw lang?” sumulyap ako sa likod niya at sa may bandang pinto.

“Take out lang sana ako eh, pero if you don’t mind?” nakangiting tanong ni Irene.

“Dito ate Irene.” hinila ni Krystal yung isang upuan sa kabilang table at umupo si Irene. Nasa gitna namin siya ngayon ni Krystal.

“Si Joy nga pala ate, barkada din namin. Hinihintay din namin yung iba”

“Hi Joy!”

“Hi po. Ang ganda niyo po talaga.”

“Pag order na kita Irene, anong gusto mo?” agad ako tumayo at kinuha ang wallet sa bag ko.

“No! Ako nalang magoorder.” Hinawakan ni Irene ang braso ko at pinaupo. Medyo na tense ako dun ah, pero diko naman pinahalata.

“Di, okay lang. Ako naman ngayon, dali na sabihin mo na kung ano yung gusto mo.” sana ako nalang ang gusto mo. charot!

“hmm” ang cute niya mag-isip “Pipili pa ko eh, sabay na tayo pumila.” sabay tayo niya at hinila ako sa counter. Pinilit kong hindi kabahan dahil nakapulupot na ang kamay ni Irene sa braso ko kaya nagfocus nalang ako sa mga menu sa counter.

 

---

Napatingin sina Krystal at Joy sa dalawa na pumila na sa harap ng counter. Unang nag-alis ng tingin si Joy at hinarap si Krystal.

“May naaamoy ako.”

“Tang ina yang si Seulgi nagpalibre sakin tapos manlilibre ng iba.”

“Haha! Tignan mo ang sarap ng ngiti mukhang tanga! haha”

“Mukhang tanga talaga!”

“Hayaan mo na, mahigit isang taon na din naman nung nag break sila ni Yooa di ba?”

“Malay ko dun. Ayan na sina Wends.”

“Asan si Seulgi?” tanong agad ni Wendy pagkaupo.

“Ayun sa counter may kalandian” tumatawang sabi ni Joy.

“Pota? Akala ko gawa gawa lang ni bakla na close daw sila ni Irene!” nanlalaki ang mata na sabi ni JoKwon.

“Kachat niya daw lagi eh.” kwento ni Lisa.

“Lipat tayo ng table, di tayo kasya dito. Tapos order na kayo.” seryosong sabi ni Krystal. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang siya na badtrip. Siguro kasi nagoyo nanaman siya ni Seulgi. Sisingilin niya ito next time.

 

---

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
OwlCity09
Joke lang pala yung "M" haha

Comments

You must be logged in to comment
Vivian_Odal #1
Chapter 7: Sana seulstal Ang end.
Cha-03 #2
Chapter 9: I love seulrene hehe

pero sana seulstal endgame 🙏
kang_ddeul
#3
namimiss ko itong story na toooo! huhu pls update otor :((
Liannman
#4
Chapter 10: may pa i love you na huhu
ynylsc30518 #5
Chapter 9: Krystal HAHAHAHAHAHA!

Mas bet ko yung Seulstal dito. Hahahah
aira_rcm
#6
Chapter 9: Seulstal sana endgame otor hehehe
nikuzumi #7
Chapter 9: kaloka si ate mong krystal hahahaha! Okay lang magka pigsa, willing to sacrifice otor basta seulstal ang end game sksksk. ;)
Irishbish #8
Chapter 9: Seulstal talaga bet ko huhu
kang_ddeul
#9
Chapter 9: i love seulrene para safe. HAHAHAHA ano na otor, nalilito na ako kung seulstal bet ko o seulrene hahahaha huhu
Liannman
#10
Chapter 9: I love seulrene (auko ng pigsa haha)

Yung singsing haha