Final Chapter

payong

Naglalakad si Kyungsoo pauwi galing palengke. Inutusan kasi siya ng nanay niya na bumili ng mga rekadong kakailanganin nila mamayang gabi sa selebrasyon ng kaarawan ng tatay niya. Hindi naman na bago kay Kyungsoo ito dahil taon-taong ganito ang set-up ng pamilya niya. Mamalengke siya, magluluto sila ng nanay niya, kakain sa gabi kasama ang pamilya ni Chanyeol pero iba kasi ngayon.

 Dalawang taong wala si Chanyeol sa mga ganitong okasyon, bukod pa doon kinakabahan si Kyungsoo sa sasabihin ni Chanyeol kapag nagkita sila ngayong gabi.

Kagabi kasi ay may inabot ang nanay niya sa kanya. Sulat, sulat galing kay Chanyeol.

 

"Nak, pinabibigay ni Chanyeol."

"Ano daw 'to Ma?"

"Hindi ko alam e. Hindi ko naman binasa kasi para sayo yan."

"Oh okay po"

"Ay nga pala nak, sabi rin pala ni Chanyeol kausapin mo daw siya pagkatapos mong mabasa. Agad daw."

"Ah sige po. Salamat ma"

 

Binasa din naman niya agad ang sulat kagabi. Pagkaakyat na pagkaakyat niya sa kwarto niya ay binuksan niya agad ang sulat. Hindi kasi si Chanyeol yung taong mahilig magsulat, higit pa sa lahat, ano namang sasabihin ni Chanyeol sa kanya? Napansin ni Kyungsoo na luma na ang sulat dahil sa papel nito at kitang-kita na ang pagkabakat ng ballpen na ginamit ni Chanyeol.

 

"Pero bago ako umalis may gusto muna akong sabihin sayo. Matagal na Soo. Sobrang tagal ko nang gustong sabihin sayo 'to..."

 

"Mahal kita Kyungsoo."

 

Kung tutuusin hindi na valid ang sulat na 'to. Two years ago pa kasi ito. Kung tutuusin hindi na dapat maapektuhan si Kyungsoo kasi ano ba dalawang taon na ang nakalipas. Pero may panibagong sulat na dinagdag si Chanyeol sa baba.

 

"Alam kong two years ago na 'tong sulat na 'to. Pero Kyungsoo, kung ano man yung sasabihin ko sayo two years ago, ganon pa din. Hindi ko nagawa noon kasi nawalan ako ng lakas ng loob, natakot ako. Kyungsoo, ngayon malakas na loob ko at hindi ko na hahayaang pangunahan ulit ako ng takot. Kaya please pagkatapos mong basahin 'to kausapin mo ako. Wala akong karapatan na hingin 'to sayo. Wala akong karapatang makiusap sayo dahil sa ginawa ko. Pero Kyungsoo please sana pagbigyan mo ako this time. Bukas sa birthday ng papa mo, mag-usap tayo ha?"

 

Abala si Kyungsoo sa kakaisip sa sulat na binigay ni Chanyeol kaya hindi niya rin pansin na makulimlim na pala ang langit at nagbabadya nang bumagsak ang ulan. Patuloy pa rin siya sa pag-iisip. "Ano ba kasi yun?" "Kung yun nga yun, bakit hindi niya ako kinausap ng dalawang taon?" "Kung tama nga yung hinala ko, bakit siya umiwas?" Paulit-ulit yan sa isipan ni Kyungsoo hanggang sa naramdaman niyang bumuhos na pala ang ulan. Dali-daling naglakad si Kyungsoo, pagkaliko niya sa kanto ng bahay nila ay nakita niyang muli ang dalawang batang minsan niya nang nakitang magkasukob sa iisang payong. Tulad ng dati basang-basa ang dalawa ngunit hindi nila ito alintana dahil sa pagtatawanan nila.

 

"Ano ba yan, nananadya ba talaga ang tadhana? Ang bastos ha."

 

Pero tila mas nanadya pa ang tadhana nang tumigil si Kyungsoo para kunin ang payong na nilagay niya sa bitbit-bitbit niyang sako bag.

 

"Fck, bakit wala? Hala baka nahulog ko. Fck ang lakas na ng ulan e."

 

Walang nagawa si Kyungsoo kundi maglakad ng mabilis ngunit mas lumakas pa ang buhos ng ulan.

 

"Fck talaga"

 

Maya-maya pa'y naramdaman niyang wala nang pumapatak na ulan sa kanya. Napatingala si Kyungsoo para tingnan kung tumila na ba  ito. Pero payong, payong ang nakita niya.Tumingin siya sa likod at nakita niya si Chanyeol.

 

"Yeol"

"Soo"

"Bakit-" Bakit ka nandito ang gustong itanong ni Kyungsoo.

"Bakit wala kang dalang payong? Magkakasakit ka niyan." Kita sa mga mata nito ang pag-aalala.

 

Gusto sanang sumagot ni Kyungsoo pero hindi niya alam ang isasagot niya. Bakit ganito? Bakit naman sa lahat ng oras ngayon pa? Ngayon pang naguguluhan siya dahil sa sinabi ni Chanyeol sa sulat?

 

"Soo"

"Yeol"

"Nabasa mo na ba?"

"Ang alin?" Maang-maangang sagot ni Kyungsoo. "Ahhh yung sulat?"

"Oo. Soo, kasi ano, kasi ganito-"

"Kasi ano? Ano ba yung sasabihin mo?" Kabadong tanong niya.

"Kasi Soo, mahal kita."

"Ha?" Hindi sa hindi narinig ni Kyungsoo dahil malinaw niyang narinig ang sinabi ni Chanyeol pero bakit parang nangyari na 'to?

"Sabi ko, mahal kita matagal na."

"Parang magkapatid diba? Yeol, alam ko yun."

"Hindi parang magkaibigan o parang magkapatid. Hindi ganun Soo. Ganito."

 

At unti-unting pinaglalapit ni Chanyeol ang mga mukha nila ni Kyungsoo. Hindi alam ni Kyungsoo kung bakit hindi siya umiwas. Hindi niya alam kung bakit hinayaan niya lang na halikan siya ni Chanyeol.

 

"Sorry Soo. Sorry kasi natakot ako noon. Natakot ako sa possibility na kapag sinubukan natin tapos hindi nag-work-out mawawala ka nang tuluyan. At ayoko yun Soo. Pero two years. Two years kang nawala sakin nang wala pa tayong nasisimulan. Two years na hindi tayo nag-uusap. Two years na nasayang kasi ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Ang tanga-tanga Soo. Sobrang tanga ko. Sobrang tanga." Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang pagbagsak ng mga luha ni Chanyeol at Kyungsoo. Hinawakan ni Kyungsoo ang mukha ni Chanyeol at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata nito at muling pinagdikit ang kanilang mga labi.

 

"Ano ba yan Yeol. Ayusin mo nga yung payong nababasa ako. Baka magkasakit ako. Lagot na naman tayo sa mga nanay natin." Biro ni Kyungsoo.

"Ang liit mo kasi haha"

 

Wala pang maayos na usapan kung okay na sila, kung ano sila. Pero masaya si Kyungsoo sobrang saya ng puso niya dahil narinig niya mula sa mga bibig ni Chanyeol na mahal siya nito. At sapat na iyon. Sapat na iyon para simulan ang kwentong hindi pa man nagsisimula noon ay natapos din agad. Sapat na iyon para simulan ang kwentong bubuuin nilang dalawa sa mga susunod na araw, linggo, taon na magkasama sila.

 

 

Notes:

Sobrang naging ty na siya haha originally kasi angst 'to, walang happy ending talaga pero chansoo deserves a happy ending hehe. Sorry talaga naging ty but sana magustuhan niyo pa din~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kyunginja
Hi guys~ it's almost a month since I uploaded "payong"'s first chap. Anticipate chapter 2 tomorrow

Comments

You must be logged in to comment
almostalwaysclueless #1
Chapter 1: Wow! This is the first Tagalog ChanSoo fanfic I've ever read!!! Thank you, am so happy kasi fellow Pinoy na ChanSooist! ?
Ariana_ChanSoo
#2
First Tagalog chansoo na nabasa ko . huhuhu sana marami pa
J_Range
#3
HALA ATE MASAKIT OMAYGOSH?#?#?#??#?#?!?#?