Chapter 3

I miss you

After 1hr malapit na di kami sa admission mga 8persons nalang then kami na.
Sa kasamaang palad nung si jisoo na yung nag bigay ng requirements eh, wala pala syang nadala na grade nya nung 2nd sem nung grade 11 kaya need nyang bumalik, at nung narinig ko yun naawa ako sa kanya kasi ang aga nyang nagpunta at pumila dito, tas babalik pa sya, kaya ang ending point nya is umuwi na sya, balak pa man din namin syang isama pag kumain kami ng lunch after mag bayad.

So ayun nga, natatakan na yung photocopy ng card namin kaya off to cash register. Nag kahiwalay kami apat, kasi nauna kami ni Wendy para hanapin kung san kami mag babayad, dahil yung dalawa eh hinatid si jisoo sa sakayan ng jeep. Hanggang sa yung sinusundan namin na nauna sa pila kanina eh, mukang naligaw din kaya shet di naman alam kung san kami pupunta ni wendy.

ikot lang kami ng ikot dun sa kinatatayuan namin hanggang sa napagdesisyonan namin na mag tanong sa isa sa mga estudyanter don, at dahil nga mahiyain kami pareho nag turuan pa kami kung sino magtatanong, para kaming tanga diba, antanda na namin mga mahihiyain pa rin nako po hahahaha, at syempre nanalo ako at si wendy yung nagtanong. 

At ayun nga tinuro na ni kuya  kung saan yun at napamura nanaman kami kasi sobrang haba nanaman ng pila, yung tipong pati yung nasalikod namin sa pila nauna pa samin, hays kung hindi lang kami naligaw eh.

Nung mareach na namin yung pinakadulo ng pila, sakto naman na tinawagan ako ni joy at tinatanong kung nasan kami, which is nag panic ako kasi di ko rin alam kung san banda to ng university, tinanong ko si wendy kung alam nya, at malas dahil di rin nya alam buti nalang talaga at mabait si ate na nasaunahan ko at mukhang narinig kami.

"Nandito tayo sa may malapit sa valencia" - biglang sabi ni ate saken, ganda ni ate infairness pati ung isang kasama nya
"Ay thank you po hehe" - nahihiya pa ko kasi ang tanga tanga talaga namin hahaha
Nginitian nalang kami ni ate.

Hanggang sa dumating na yung dalawa.

nung umusad na ng umusad yung pila, sakto yung nakatapat namin eh mga upuan kaya umupo na kami agad.
At di ko rin napansin na katapat pala nung mga upuan na yon eh yung stairs paakyat sa floor kung nasan ang mga journalism students. At napagtanto ko na journalism nga pala ang course, nung maisip kita biglang bumilis tibok ng puso ko, iba pa rin talaga ang tama ko sayo ilang taon na ang nakakalipas pero ikaw pa rin. Sobrang lakas pa rin ng impact mo sakin.


At sa hindi inaasahang pangyayari.....

Biglang tumigil ang tibok ng puso ko ng makita ko ang isang sobrang pamilyar na figure sa hindi kalayuan...
At walang duda ikaw nga..
Halatang kakapasok mo palang kasi 8am palang non at naglalakad ka non papuntang journalists room, kahit na saglit lang ang mga pangyayari, para sakin tila ba parang nag slowmo lahat pati na yung pag lalakad mo na medyo mabilis eh parang nag slowdown, sa saglit na oras na yun andami kong nakitang pagbabago sa physical features mo, short haired kana which is sobrang bagay na bagay sayo mas lalo kang naging mukang mature, nakamake up kana din pero light lang, lalo kang gumanda, sobrang ganda, aphrodite ika nga, napansin ko rin na ang laki ng pinayat mo at napaisip ako kung sobrang stress ka ba or nag dadiet ka talaga, sana wag ka maistress at gain more weight please feeling ko kasi magiging sakitin ka, wag naman sana. Habang nag lalakad ka ang cool mo tignan at nasabi ko na ba na sobrang ganda mo talaga? kasi sobrang ganda mo talaga nung nakita kita ngayon, nakaearphones ka at patuloy lang sa naglalakad di ka tumitingin sa gilid mo kaya siguro di mo rin ako nakita, kasi sa daan lang or kaya naman sa sahig lang nakafocus yung mga mata mo na tila ba marami kang iniisip.

"Joohyun unnie?" - sinabi ko ng medyo malakas dahil akala ko maririnig nya ko, pero di ko napansin na nakaearphones ka pala :(
"uy si joohyun unnie, bes!" - sabi ko kay yeri at tinuro kita habang nag lalakad ka paakyat.
"di nga bes? si joohyun unnie yon? hala bes anlaki ng pinayat nya, at sobrang gumanda sya lalo ngayon" - sabi ni yeri na tila ba nakakita ng artista at nagfafangirl
"oo sya yun, sobrang ganda talaga nya" - sinabi ko ng kalmado

Makalipas ang 20minuto

Di ko na napigilan na ichat sya, dahil gusto ko talaga syang makausap

Seulgi: joohyun unniieeeeee, nakita po kita HAHAHA
Seulgi: paakyat ka po tas nakablack kaaa?? :D


After 25 minutes nareceive ko yung reply mo, di ko napigilan mangiti at sobrang bilis ng tibok ng puso ko

Joohyun: Yes deaaaaaar hahahaha nasan ka
Joohyun: Nandito ako sa feeed 
Joohyun: Nandito na si ate, deaaaar


Kasalukuyan kami nakapila parin pero malapit na kami sa registrar, 10persons nalang then kami na, at sakto naman at chineck ko yung messenger ko para tignan kung nag reply kana, at nagsimula nanaman tumibok ng sobrang bilis yung puso na halos kumawala na sa katawan ko nung nabasa ko yung reply mo.
Sobrang sweet pa rin nya hanggang ngayon, namiss ko yung pag tawag nya sakin ng dear :')

Agad naman akong nagreply pag kabasa ko nung message nya.

Seulgi: Nagbabayad po unnie HAHAHA

at bago pa ko makareply uli eh sumigaw na ng next yung nasa registrar meaning na ako na yung mag babayad, at di ko na napansin na nag reply pala sya sakin, eto yung reply nya sakin nung binuksan ko yung message nya after ko magbayad at lumabas nung office.

Joohyun: Nyeeeeh sino kasama mooo

Pag kabasa ko nun magrereply na ko habang nag lalakad kaso hinarang ako nung guard and sobrang nakakahiya kasi mali ung dinaanan ko at tinuro sakin ni manong yung right way walangya yung mga yon after mag bayad di man lang ako inantay sa labas ng pinto! hmpf!


Kaya naman nung after sabihin ni manong kung san, nag simula na ko maglakad palabas, at nagtatype na ko ng reply ko ng biglang...........
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
KimTaefanyhwang
Thank you for the subscribes and votes, I hope you enjoyed reading my story 😄xoxo

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 4: awwww :(( pero unrequited love is the purest form of love talagaaa huhu btw otornim!! taga-bulacan ka baaaa? HAHAHAHAHAHA
Unakase
#2
Chapter 4: T_T , I felt the same... but we'll just be contented to what we have even though were not the one's who make their heartbeats fast and the one for them to love atleast we can be a part of their lives as a friend . <3