Chapter 2

I miss you

SEULGI'S POV

*bumangon bigla* " SHET! ANONG ORAS NA?!?!" - pasigaw kong sabi ng mapagtanto ko na 3:30am nga pala ang usapan. Agad akong bumangon at kinuha yung phone ko para tignan kung anong oras na.
"Oh, great! 3am na! shet talaga i'm dead!" - agad akong bumangon para gisingin si papa, at dumeretso ako sa kusina para mag init ng tubig. After mainit yung tubig nagmadali agad ako papuntang CR para maligo after 15mins. nagbihis agad ako at nag-ayos at pagkabukas ko ng gc gising na ang mga babaita.
Pero syempre di ko sinabi na late ako nagising ang sinabi ko nalang eh hindi pa ko nag bibihis kasi inaantay ko pa naman si wendy dahil sabay kaming pupunta.

Sa taglay na kabaitan ni father bear, sinabi nya naihahatid na daw nya kaming apat sa university kasi wala pa kaming masasakyan na jeep ng ganong oras which is totoo naman talaga dahil 6am pa daw pag nag jeep kami.

Saglit lang halos ang byahe dahil madaling araw palang at wala pang masyadong mga sasakyan.

Nung makarating kami sa university, sabay sabay kaming apat napamura nalang shet talaga.

DAHIL SOBRANG DAMI NA NUNG TAO SA LABAS! 

3hrs kaming nakatayo sa labas ng university dahil 7am pa daw sila magbubukas, sobrang daming tao kaya siksikan din. Feeling ko anytime mag cocollapse na ko non kasi siksikan talaga kahit malamig pa kasi madaling araw palang eh mainit na kasi nga para na kaming sardinas huhu, tas eto pa 2hrs lang yung tulog ko while yung iba ko namang kasama eh hindi na daw natulog, ang saya diba at di pa kami kumakain non, buti nalang kamo at girls scout kami, at maraming dalang pagkain na aakalain mo eh mag pipicnic kami hahahaha.

Nung mag 7am na binuksan na yung gate at sa kasamaang palad eh, yung mga may number lang at form yung pwede pumasok nung marinig ko yun para kong nabuhusan ng malamig na tubig kasi, LECHE ILANG ORAS KAMI NAGHINTAY LIKE PUTEK TALAGA!!. Tas yung number pa na pinamimigay nila naubos agad kasi since 11pm palang daw may nakapila na para kumuha ng number, shet kung alam ko lang na pwede na pala kumuha ng number ng ganung oras edi sana dun na ko dumeretso nung umalis na kami ng divi, nako talaga.

Pero buti nalang... buti nalang talaga! at naawa samin yung isang may katungkulan sa univ. at pinapasok kami at pinapila bago kumuha ng form, kaso nga lang kailangan pa namin bumalik day after tomorrow for admission and payment for exam.

Well di naman kasi ako magpupumilit at magtyatyaga na maghintay dun kung wala kong hidden agenda eh, charot hahahaha.
Kaya ko gusto mag try dun at mag college dun dahil alam kong doon sya nag aaral at 4th yr college na sya :(.

Since nung grumaduate sya ng highschool sa school namin nung grade 8 ako after nun di ko na sya uli nakita, well siguro may times na nakikita ko sya sa mall pero di ko sya inaapproach kasi nahihiya ako sa mga kasama nya kahit naman kasi close kami, nahihiya pa rin ako hahahaha

Naalala ko kaya ko sya nakilala nung sumali sya sa singing contest noon sa school namin, at sobrang napanganga talaga ko nun kasi sobrang galing at napakaganda talaga ng boses nya, nung araw na yun di ko alam dun na pala magsisimula magbago ang buhay ko, chos hahahaha.
After nung event na yun sinimulan ko na hanapin yung mga social media accounts nya para ifollow at iadd hehe, stalker mode si ate nyo.

*you sent a friend request to bae joohyun*

at dun na nagsimula ang lovestory ni joohyun at seulgi... JOKE wala silang lovestory walang ganon na naganap, so sad.

*flashback*

*kinabukasan after iadd ni seulgi si joohyun*

SEULGI'S POV

"Good morning world!!" - sabi ko ng nakangiti dahil napanaginipan ko sya , well sino pa ba edi si joohyun! hehe
Agad kong kinuha yung phone ko para tignan kung may update ba sa gc naming mag kakaibigan, at di ko inaasahan na mag taka kung bakit mayroong 1notification,  pag ka tingin ko dito, di ko napigilan na di sumigaw sa sobrang tuwa!

" OH MY GOD! AM I DREAMING?! SHET WAG NYO NA PO KONG GISINGIN KUNG DREAM NGA TO OMG!" - napasigaw talaga ko as in kasi di ko ineexpect na iaaccept nya yung friend request ko, tama nga sila sobrang bait talaga nya. Full package na sya mga bes huhu sobrang ganda, magaling kumanta, marunong mag gitara, sobrang talino, humble, sobrang bait to the highest level and sobrang sweet. Para ngang di ko na sya makitaan ng flaws eh kasi sobrang ganda nya inside and out, ang swerte lang din talaga ng magiging boyfriend nya, hays :( promise pag nalaman ko talaga na may nanloko sakanya or nanakit sa kanya kakalbuhin ko ng buhay! kasi naman how can they do it lalo na't sobrang perfect nya na, for me.

and with that we started talking from a simple chat then naging close kami at totoo nga lahat yon sobrang bait nya, napaka caring at sobrang sweet, and with that di ko na namalayan na unti unti na pala kong nag kakagusto sakanya, which is bad dahil alam kong straight sya and parang bunsong kapatid lang din ang turing nya sakin. Tanggap ko naman yun at least close kami at nakakausap ko sya, at ang sweet pa nya hahaha.

*end of flashback*

After nya grumaduate ng highschool dun na nag simula na hindi na kami madalas nag kakausap at nag kikita hanggang sa wala na talaga di na kami nagkakausap at kung makikita ko man sya, sa mall lang at bihira lang talaga mangyari yon.

At ngayon na mag cocollege na ko gusto ko sana na makita syang muli at makausap sya, kaya naman pinush ko na mag try dun sa university na pinapasukan nya ngayon.


SEULGI'S POV

Dumating na yung araw na babalik na uli kami sa university para makapag bayad na at para makuha na namin yung schedule kung saan at kailan kami mag eexam, medyo kinakabahan pa ko kasi eto na bes this is it na talaga, your future architect is coming! hahahah

Nagkita kita uli kami at ang mga walangya anong oras na mga hindi pa nag oonline, nag papanic na ko kasi baka mamaya malate sila ng gising at di na kami makaabot sa admission, buti nalang talaga nung mga 4am na nag paramdam na ang mga gaga.

-GROUP CHAT-

           3:40am
Seulgi: mga mamsh ihahatid daw tayo ni papa!!
Seulgi: guyssss!!!!
           4:00am
Wendy: ano ulit dadalin?
Wendy: hehe okay
Seulgi: pagkain and patience? hahaha
           4:09am
Joy: eyyyy
Joy: papunta na ko guys!!!
wendy: okie alis na din me for real
Seulgi: okayyy ako dinnnn
Yeri: huy ako din!!! paalis na kooo see you guys!


Nung makarating na kami sa university 5am na at himala dahil binuksan na yung gate, kaya naman di na namin naranasan makipag siksikan uli at payapa kaming nakapunta sa pila for admission which is sobrang haba talaga ng pila, my goodness hahaha

Habang nakapila kami eh etong si Joy na di ko alam eh super friendly pala nagulat nalang ako nag chichikahan na silang dalawa ni ate girl na nasa unahan nya sa pila, sa tagal ata mag bukas nung admission office talambuhay na nung dalawa yung pinag uusapan nila, samantalang kaming tatlo nila yeri ay wendy ay nag oomegle lang dahil di pa daw na try ni yeri to.

Hanggang sa nagbukas na yung admission office at nung nakaupo kami kasama namin si ate girl na mukhang bff na ni joy ngayon eh pinakilala sya ni joy samin. 

"Guys eto nga pala si Jisoo, taga *toot* university daw sya, magpakilala kayo isa isa" - sabi samin ni joy at isa isa naman kaming nag pakilala

"Ano nga palang course na kukunin mo?" - tanong ko sakanya kasi para di nya isipin na suplada kami hahaha

"Nursing hehe" - nahihiyang sagot ni jisoo

"Nice! Edi sa stem ka?" - tanong ko uli

"Ay hindi eh haha, abm ako ang gulo ko noh? hahaha" - sabi nya, ayan medyo hindi na sya nahihiya. Grabe pareho naman pala kami ng sitwasyon netong si ate girl eh i feel her hahaha.

"Nako okay lang yan, pareho pala tayo, architecture kukunin ko pero nasa abm strand din ako hays hahahah" - sabi ko

"Bakit di ka nag stem?" - curious na tanong ni jisoo

"Ahmm ano kasi eh, ahmm di ako magaling sa science :( hehe" - nahihiyang sagot ko, kasi naman mga mamsh di ako biniyayaan ng katulad ng brain ni joohyun unnie :( hahaha

"Napag aaralan naman yun ah?, pero okay lang yan makakaraos din tayo hahahaha" - sabi nya, at nag nod nalang ako at tumawa din hahaha

After nun bumalik na uli kami sa kanya kanya naming ginagawa habang nakapila...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
KimTaefanyhwang
Thank you for the subscribes and votes, I hope you enjoyed reading my story 😄xoxo

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 4: awwww :(( pero unrequited love is the purest form of love talagaaa huhu btw otornim!! taga-bulacan ka baaaa? HAHAHAHAHAHA
Unakase
#2
Chapter 4: T_T , I felt the same... but we'll just be contented to what we have even though were not the one's who make their heartbeats fast and the one for them to love atleast we can be a part of their lives as a friend . <3