One

Saturn

 

Irene’s POV


Ilang beses na ‘ko pabalik-balik sa lugar kung saan tayo unang nagkita.

 

Umaasa pa rin kasi ako na babalik ka. Sabi mo naman kasi diba babalik ka? 

Pero wala.

Naiinis na ko sa'yo. Kung nakikita mo lang hitsura ko ngayon, alam ko tatawanan mo ko.

 

Pero huli na 'to. Nagpasya ako na umuwi nalang sa tinutuluyan nating bahay kasi wala ka naman yata talagang plano na magpakita pa.

 

Kung biro man 'to Seulgi, hindi ako natutuwa.

 

 

Tanging picture nalang nating dalawa ang nandito sa loob ng kwarto.


We were lying under the stars..

 

Napangiti ako sa mga naaalala ko. 

Kasi habang nakatingin ka sa kawalan, ang sabi mo,
“Tama lang pala yung decision natin na dito na mag-settle.. Tahimik.. Yung mga tao, sobrang babait. Simple lang lahat. Simpleng buhay.. Kasama ka..”

 

Biglang nagtama ang mga mata natin at sabay ngumiti.

 

At sa mga mata mo, nakita ko ang buong mundo ko.

 

Iniwan natin lahat ng meron tayo sa Maynila.. Pamilya, kaibigan, trabaho..

 

 

"Hyun, wake up.." Mga bulong at halik na gumigising sakin tuwing umaga..

 

Ang sarap lang sa pakiramdam na sa pagdilat ng mga mata ko, ikaw yung unang masisilayan ko.

 

At wala nang iba pang mahalaga sa atin kundi ang isa't isa.

 

Here.. In Batanes.

 

 

And we were very happy back then.

 

 

 

Pero bumalik ako sa ulirat nang mabingi ako sa sobrang katahimikan.

 

Hawak ko pa rin ang litrato nating dalawa na hindi ko alam pero natutuluan na ng mga luha.

 

Pilit kong binabalikan lahat ng ala-ala.

 

Kung pano tayo nagsimula.. 

 

Nagmahalan..

 

At nagpasya na magsama habang buhay sa lugar na 'to.

 

Lahat!

 

 

 

Pero bakit unti-unting nabubura?

 

 

 

Seulgi-ya...

 

 

 

 

 

Nasaan ka na ba?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
538 streak #1
Chapter 3: Crying a river over this
zekeyboy18 #2
Chapter 3: Sakit </3
Highseul
#3
Chapter 3: I felt really really sad while reading your story and when I was done, I listened to the song you have linked and I just couldn't help it, i actually cried while thinking of your storyline T^T It was a really wonderful story author huhuhu the angst T^T

Thank you for making this author and I hope i'll get to read more seulrene stories from you!
kiara216
#4
Chapter 1: :O

May kasunod pa to diba? :O