Dalaga na si Lee Sungmin

Dalaga na si Lee Sungmin

"Uweeeee~ Uweeee~ Uweee~" Pasayaw sayaw pa sya sa tugtugin ng intro ng encantadia habang sinisipat sipat ang kanyang ayos sa harap ng salamin. Kinuha nya ang eyebrow brush at muling inayos ang on fleek nyang kilay. (Kilay is life daw kasi mga bes) at sabay kumuha ng nagsusumigaw at animo nananampal na pulang lipstick. Nag pout sya upang makita kung ka lips nya na ba si Ann Curtis. Nag wink wink at pumose pose na animo model ng FHM.

"Anak ano ba kanina ka pa dyan sa Salamin ah? baka naman mabasag na yan." Puna sa kanya ng kanyang Ina na si Mrs. Lee. Nilingon na ito at binigyan ng matamis na ngiti.

"Mother Earth maganda na ba ang junakis mo?" tanong nya at pakendeng kendeng na lumakad papunta sa Ina. 

"Oo anak maganda ka na kaya lang.. bat naman ganyan ang pula ng labi mo?" tanong ni Mrs. Lee

"Mother ganyan talaga ang uso ngayon. Lips na akala mo mananampal sa pagka red. Hay nako sige na gogora na akis ng maka awra na ko sa school. Kailangan ko pang makita si bebelabs ko" Sabi nya habang inaayos ang kanyang pink na pink na bag.

"bebelabs? Sino yun? Hoy Sungmin ah, hindi porke pinayagan namin ng Ama mo yang kabaklaan mo eh lalandi ka na. Jusko bata ka pa ayoko pa magka apo!"

"OMG mother, as much as gusto ko mag buntis, hindi pwede. Kahit i ooh aahh ako ng i ooh aahh e walang mabubuo dahil di ako biniyayaan ni emre ng matris!' Litanya nya with matching ayos ng bangs.

"Emre? sino yon?"

"Mother, yun yung bathala sa encantadia! Yung walang muka! Ay nako sige na gogora na akis! bye Mother. Mwahhh" at lumakad na sya palabas ng kanilang bahay para pumasok sa school.

 

[ S C H O O L ] 

"Bes di pa ba tayo pupunta ng classroom? kanina pa tayo dito. Sino bang inaantay mo? tsaka bes ah, tangina ng labi mo para kang bisugo sa pula. Ano bang meron?" Inirapan na lang ni Sungmin ang kaibigan na si Ryeowook. Panira ng moment eh. Muka daw syang bisugo, duh ang dyosa kaya nya. 

"tumigil ka nga. Kung ako bisugo ikaw muka kang hator. Sandali lang okay? aabangan ko lang si bebelabs ko. Para naman may inspirasyon ako sa klase natin" Napa ismid naman si Ryeowook sa sinabi ng bespren nya.

" Bes wag ako ah. Anong inspirasyon sinasabi mo dyan eh puro pagde daydream nga lang ginagawa mo sa classroom natin." 

"Excuse me hindi kaya!" deny nya sa kaibigan. 

"Weh? Nung tinanong ka nga kung ano ang Capital ng Korea, sabi mo K. proud ka pa sa sagot mo. Engot" Nag pout sya at tinignan ng masama ang kaibigan. 

"Eh kasi naman di nililinaw yung tanong eh. Malay ko ba!" Napailing na lang si Ryeowook. Minsan kasi mahirap makipag talo sa bespren nya. Maya Maya pa nagulat na lang sya ng bigla syang hampasin nito. At kinikilig na animo ine epilepsy. 

"Huy. Ano ba! Umayos ka nga!" saway nya dito. Muka na kasing tanga si sungmin. Akala mo baklang sinapian na inepelepsi bigla. 

"Bes ayan na sya bes. Si bebelabs ko. ASDFGHJKL" napatingin naman sya sa direksyon na tinitignan nito. Ah kaya naman pala, Uma awra sa School President nilang si Cho Kyuhyun. 

"Lakas mo bes. School President pa talaga yang napili mo ah. Well goodluck na lang sayo." Sabi nya sa kaibigan. Halos himatayin naman si Sungmin ng dumaan sa harap nila ang Bebelabs nyang si Kyuhyun. Amoy na amoy nya pa ang napaka bango nitong Perfume. At yung pag smile sa kanila. Shet Kilig Pepe sya. Lakas tama talaga sya dito. Napangiti sya ng may maisip na ideya, Kailangang mapansin sya ni Kyuhyun. At kailangan maging Jowa nya ito. By Hook, or by Crook. 

"Bes. May oplan tayo." sabi nya kay Ryeowook.

"Huh? Oplan? anong Oplan"

"Oplan Dalaga na si Lee Sungmin" 

 

 

 

 

 

HELLO GUYS. HAHAHA ANG ACTIVE KO NO? SARREH BINUBUHAY KO LANG TONG KYUMIN FEELS. DON'T WORRY MAY CHAPTER 2 PA YAN. ABANGAN NYO NA LANG. SINONG EXCITED SA 21? SA KM MOMENTS? TAAS KAMAY AT PAA! WE ARE GOING TO BE ALIVE AGAIN! KAYA KAPIT LANG JOYERS! 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
sweetsmirk
#1
EMERGHERD ENCANTADIA WAAAHHHHHHHH STAN KO SI AMIHAN WHAHAHAHAHAHAHA YBRAMIHAN FOR LYFEU cheret shet next chap pls
sweetsmirk
#2
Babae si tukmol dito? Whaahhahahah
kyuminsauce
#3
Chapter 1: yes excited ako sa next chapter at kyumin sana magka kyumin moment bago mag army si bukbok