Where are you?

Letter(tagalog fic)

 

 

 

Eight years

 

Hindi alam ni Sehun kung paano o ano pero walong taon na pala. walong taon na pala.

 

Hindi niya rin maintindihan kung ano ang nag udyok sa kanya para balikan ang mga nakaraan. Bakit nga ba siya andito sa bahay na pinundar nila ni Luhan? 

'Ay oo nga. Binebenta ko na nga pala to.' bulong niya sa sarili. Bungalow type. Maganda yung ambiance. May swing pa na pinasadya dahil sabi ni Luhan 'for star gazing. para sweet' 

'Reasonable na yung 3 million para sa 197sq/m.' Pero sa totoo lang wala na siya pake kung magkano mabenta yung bahay. Ayaw na lang niya. Ayaw na niya makita ito. Ayaw na niya tumira rito.

 

Masakit. Oo masakit. Masakit maalala na dito nabuo ang mga alaala nila ni Luhan. Dito ang masasaya at matutunog na tawa, mga iyak na di na sinasadya, ungol ng pagmamahal at tiniginang puno ng pag ibig. Nandito lahat at masakit. Masakit para kay Sehun na tumira rito kung alam niyang lahat ng iyon ay wala na.

 

Napaupo si Sehun sa swing habang tinitignan ang luntiang damo at malaking bahay na maya-maya ay hindi na niya pag aari. Walong taon. Sa loob ng walong taon, sa wakas. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na umusad. 

 

Nang siya ay patayo na, nadampi ng kanyang kamay ang ilalim ng kanyang kinauupuan. Kaniyang hinugot ito at isang liham. Alam ni Sehun ang liham na ito. Alam na alam niya

 

I'll be home soon, love.

Wait for me. 

 

Luhan

 

Sehun wrote back:

No.

Don't.

Wait for me.

I'll be there soon. Real soon.

I love you

 

Sehun

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet