The Letter
When I Met Her
One Monday morning at nakahiga pa si Cian sa kanyang malambot na kama. Matagal syang nakatulog kagabi dahil na
rin sa late na syang nakauwi. Matagal bago nya napagtanto na umaga na pala. Bumagon sya and shook his head.
"Damn, man, I got a headache. What should I do? Pagagalitan ako ni Rhever kapag nag-absent ako." Wika nya
sa kanyang sarili. Again, he shook his head and stood up. Pumunta sya sa kanyang bathroom para maligo. Hinubad nya ang
kanyang pantulog at pumunta sa shower area at binuksan ang shower rain.
"Hay naku, papasok na naman sa eskwela." Ani nya sa kanyang sarili. Napalingon siya sa pinto nang marinig
nya ang pagbukas nito.
"Dean, nalili-" Napatingin si Yhowhan sa kanya habang naliligo. Nabigla naman si Cian dahil sa biglaang
pagpasok ng kanyang ama sa banyo.
"A-Anong ginagawa mo dito!?" Pasigaw na tanong ni Cian sa kanyang ama at agad na isinara ang shower curtain.
"Akala ko kasi hindi ka pa gising kaya naisipan kong pumasok. Sorry ha? Nakita ko ang katawan mong walang
damit." At tumawa ito.
"At anong tinatawa-tawa mo dyan!?" Pagalit na sigaw ni Cian sa kanyang ama.
"Wala lang, bawal bang tumawa?" Tanong nito sa kanya.
"Ewan ko sa iyo! Lumabas ka na at maliligo pa ako!" Pasigaw nya.
"Okay, sige." At umalis na ito.
"Kahit kailan talaga!" Paghihimutok nya sa kanyang sarili.
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
Pababa ng hagdanan si Cian ng makasalubong nya si Seff sa may paanan ng hagdan.Ngumiti ito sa kanya. As
usual, umaga pa lang, pinapalabas na naman nito ang killer smile nya.
"Good Morning, Cian." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Same here." Nakasimangot na sagot nito sa kanya. Agad namang napansin ni Seff ang pagiging wala sa mood nito.
"Not in the mood, Buddie?" Pag-uusisa nito sa kanya.
"At sinong tao ang hindi mawawala ang mood kung umaga pa lang bad trip ka na!?" Hawak nya ang mga balikat ng pinsan at shini-shake.
"E-Easy ka lang, pinsan. Bakit ka nga ba bad trip?" Tanong nito sa kanya.
"D-Daddy saw it!" Parang nananakot ang boses nito. Nalito naman si Seff sa mga pinagsasasabi ng kanyang pinsan.
"Ha? Anong daddy saw it?" Pagtataka ni Seff.
"Daddy saw it! Daddy saw my everything!" Mahigpit na ang pagkakahawak ni Cian sa kanyang mga balikat.
"A-Aray! N-nasasaktan na ako!" Angal ni Seff sa kanya. Binitawan naman iyon ni Cian at nagsenti.
"Naliligo ako kanina sa banyo tapos nakita niya ang buong katawan ko na walang saplot." Halos pabulong na
wika ni Cian. Agad namang natawa si Seff sa sinabi ni Cian.
"Paranoid ka ba pinsan? Para yun lang nagsi-senti ka na. Natural lang yan noh."Napapailing na wika ni Seff at
tinapik-tapik ang kanyang balikat.
"Anong natural lang!? Hindi iyon natural para sa akin!" Pasigaw nya. Nilingon sya nito at ngumiti.
"Sorry ha? Para kasi sa akin, natural lang. Sabay kasi kaming naliligo ni Daddy eh."
"S-Sabay kayong naliligo ni daddy Yhu!?" Shock na tanong ni Cian. Tumango lang ito sa kanya.
~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~
Nasa parking lot na ng Ashford University sina Cian at Youseff ng makita nila ang buong grupo.
"Too bad. Ba't ang tagal nyo?" Tanong ni Keith sa kanilang dalawa. Ngumiti si Youseff.
"Man, stop smiling dude, masyado mo nang pinaninindigan yang killer smile mo ha?" Reklamo naman ni Sync kay Seff.
"Pasensya na Sync ha? Talent ko kasi itong killer smile ko." Ani nya. Nagyayabang ang boses nito. Natawa
naman si Sync dahil sa sinabi ng kanyang barkada.
"Mayabang ka rin ano? Kailan mo pa natutunan yan?" Natatawang tanong ni Sync sa kanya. Ngumiti lang ulit
ito sa kanya. Tahimik lang na nagbabasa si Rhever sa isang tabi. Napansin naman agad ni Youseff si Rhever.
"Rheve, anong binabasa mo?" Tanong ni Youseff sa kanyang barkada. Nilingon sya ng lalaking naka eye glass.
That serious eyes stared at him so deeply.
"I'm reading this one." At ipinakita ang cover ng libro. Napatingin ang pitong Atomic Heartthrobs.
"The secret beyond?" Paninigurado ni Rouque sa kanya. Tumango lang ito.
"Speaking of, we should get inside or else we're going to be late." Ani nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa
kanyang big bike na pula at itim.Nagpauna na sya sa paglalakad.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Naglalakad si Cian sa hallway patungong locker area ng SpeD. Sumisipsip ng strawberry juice. Nang nasa
harap na sya ng kanyang locker ay may napansin syang isang blue envelop with a sealed heart on the center. Binasa nya
ang likod 'non.
"To Youseff Keiji Fender from your secret admirer, hmmm, hindi siguro nya ito napasok nang maayos kaya
nahulog." Ani nya at binuksan ang sariling locker. Maraming strawberry candies at juices ang nasa loob ng kanyang locker.
Kumuha sya ng isang supot ng strawberry cupcakes at binuksan iyon.Kumakain sya ng strawberry cupcakes habang
naglalakad sa hallway ng S.E Department patungong cafeteria. Napatingin sya sa table kung saan doon pumupwesto ang
barkada nya. Lumapit sya at tuluyang umupo sa tabi ng kanyang pinsan na si Youseff.
"Where have you been?" Masuyong tanong ni Youseff sa kanya. Placing a soft drink on his front.
"Sa locker lang, Buddie, di ako umiinom ng soft drink di ba?" Paalala niya sa kanyang pinsan. Ngumiti ito sa
kanya ng pagkatamis-tamis.
"Seff, kulang na lang langgamin kami dito dahil dyan sa ngiti mong pagkatamis-tamis." Wika naman ni Keith.
Tumawa naman si Youseff.
"Hindi ba guyz, bukas ipapaskil ang top 20 most admirable students sa SpeD at Gen.Ed?" Tanong naman ni
Sydney sa kanyang mga barkada.
"Oo, excited yata ako dyan sa top 20 most admirable students, hah?" Wika naman ni Sync.
"Surely, kuha na ni Rheve ang top 1, ikaw ba naman magbukas ng locker nya na halos puno ng mga letters,
matatalo mo pa kaya iyon?" Natatawang saad ni Youseff. Hindi naman kumibo si Rhever sa pinagsasabi ni Youseff, patuloy
lang ang kanyang pagbabasa ng libro.
~~~~~~~~~~~~~~
Uwian na sa Ashford University. Naiwan si Cian na mag-isa sa silid-aralan ng Atomic Heartthrobs. Nililigpit pa
nya ang kanyang mga gamit nang iwan sya ng kanyang barkada. He was about to leaved the classroom ng makita nya ulit
ang letter na nakita nya sa locker ni Youseff. Doon lang nya naalala ang letter na pinulot nya kanina. Pinulot nya iyon at
iniipit sa kanyang libro at nilisan na ang classroom. Nasa harap ng kanyang study table si Cian ng makita nya ang letter na
nakaipit sa kanyang libro. Kinuha nya iyon at napagdesisyonan nyang basahin iyon.
Seff,
Sorry to bother you with this letter but I just want to tell you na
since nung 9th grade pa lang, I had a crush on you. Hindi mo ko
kilala dahil nasa Gen.Ed ako. Gusto ko lang na malaman mo na
crush kita. Nag exceed na ang crush ko sa iyo into love. Hindi ko hinihiling
na mapansin mo pero gusto ko lang talagang malaman mo ito. First time
kong magsulat nang ganito sa isang lalaki, kaya pagpasensyahan mo na.
Your Secret Admirer,
Cleanne
"Cleanne, nice name." Tanging nasabi ni Cian sa sarili. Pinatay na nya ang lampshade sa kanyang study table
at agad na humiga sa kanyang bright green king size bed. He really feelexhausted dahilan para makatulog sya ng
mahimbing.
Comments