Baekhyun- Cellphone [First Shot]

OT10 Oneshots

I might translate this into english if requested. ^_^

PS: I WILL SURELY ADD BS AT THE SECOND SHOT, STAY TUNED.

 

-BYUN BAEKHYUN-

 

“Baekhyun oppa! Saranghae!”

“Baekhyun oppa marry me!”

“Baekhyun OPPA!!!!!”

 

Nakakabinging tilian pero ang sarap pakinggan sa tenga. Kahit na halos mapaos sila ng kakasigaw ay tinutuloy lang nila ito. Gusto ko mang alisin ang hoodie at mask ko ay hindi pwede dahil wala pa kaming make-up.

 

Kaliwa’t kanan na sigaw ng mga babae ang naririnig ko habang nagmamadali kaming lumabas ng building dahil tapos na kaming mag perform para sa comeback stage namin. Inayos ko nalang ang suot kong hoodie at mask. Sumunod ako sa mga kasama ko at mabilis na sumakay sa van.

 

Pagkasakay na pagkasakay namin sa van ay sabay sabay na naming inalis ang mga hoodie namin.

 

“SUCCESS GUYS!” sigaw bigla ni Suho hyung.

“Wow parang bagong tae lang ah.” Pang-aasar ko naman at nagsitawanan kaming lahat.

“GUYS! Trending tayo! Kahit na hindi naman tayo kasali sa competition?” nagtataka na natatawang sabi ni Chanyeol habang nag s-scroll sya sa cellphone nya.

 

Speaking of cellphone... TEKA!

 

Agad kong kinapa ang bulsa ko. WALA! Kinuha ko pa ang bag ko at hinalungkat ang laman nito, hindi ko parin makita kaya iniladlad ko lahat ng laman nito.

 

“ANAK NG PUCHA.”

“Kuting.” Pambabara ni Chanyeol.

“INANO KA NG KUTING? WAG MO SILANG SASAKTAN!” nagtatakang tanong ni Lay.

“Tange nagtatanong sya ng anak ng panocha! Yung maning matamis!” pananagot naman ni Tao.

“Nawawala yung cellphone ko!” sigaw ko naman at hindi na pinansin ang mga joke nilang napaka waley naman.

“Oh pake namin?” pambabara ni Kyungsoo kaya sinamaan ko sya ng tingin. Nag belat naman sya sa akin. “Tatanga tanga ka kasi ayan tuloy. Saan mo ba naiwan?” pagdagdag nya pa.

“Dun ata sa table sa dressing room natin. Babalikan ko!”

“Bumili ka nalang ng bago!” sagot ni Suho hyung.

“Hindi ko saulado yung mga number dun, atsaka sayang yung sim ko dun!”

 

Hindi na sila sumagot pa. Sinabi ko na sa driver namin na bababa ako at kukunin ang cellphone ko. Ipinarada nya nalang ang van sa may likod ng building upang hindi na ako mapansin ng mga fans. Sinuot kong muli ang hoodie pero iniwan ko na ang mask ko at pasimpleng naglakad papasok sa likod ng building. Wala namang guard dito kaya agad akong nakapasok.

 

Mabilis akong tumakbo paakyat sa dressing room namin. Nag b-bow naman ako sa bawat makasalubong kong sunbaenim at mga staffs. Mga ilang minuto pa bago ako nakarating sa may tapan ng pinto ng dressing room namin.

 

I was about to hold the knob nang may marinig akong tinig... tinig ng isang babae?

 

Hey girl yeongwon gatdeon challa
nareul han sungan ttulkoga
neon nae ireum bulleojumyeo naegero dagawa

 

Curiosity kills the cat kaya naman hindi ako nakatiis at sumilip ako sa siwang ng pinto. Then I suddenly felt my heart beat faster than its normal rate. Parang bigla akong kinabahan? What the hell is wrong with me?

 

Isang babaeng mahaba ang buhok, naka hoodie lamang sya, naka pants at simpleng rubber shoes pero gandang ganda ako sa kanya. Conservative much? She looks cute and cool. Napaka-amo ng mukha nya, mukha syang anghel na wala pang bahid ng kahit anong kasalanang nagawa. She’s the girl next door type and probably, my type.

 

Tila ba binabasa nya ang lyrics sa isang papel at kinakanta ito.

 

“AISH! Konti pa, konti pa Cyria (SY-RI-YA) masasaulo mo din yan.” Binaba nya ang papel. “Sige dance steps muna.”

 

Nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. Inalis nya ang hooded jacket nya kaya naka black fitted sando nalang sya ngayon. Ipinuyod nya din ang mahaba nyang buhok ng paikot at napalunok ako nang makita ko ang maputi nyang batok. Napansin ko pang may tattoo sya sa batok nya.

 

Inalis ko muna ang paningin ko sa kanya at sumadal muna ako sa pader na katabi ko at nagpaypay sa sarili ko. TANGINA! Ang kinis, ang puti, at ang ganda ng kurbada ng babaeng ito. Baka hindi ako makapagpigil. ! From innocent pure lady to a freaking hot women?! She’s my type of girl! Damn hot, damn y, and her voice! Wala pa syang ginagawa pero nag-iinit na ako dito. She’s putting too much imagination in my mind!

 

Nagulat ako nang marinig ko ang Call Me Baby na biglang tumunog. Sumilip muli ako at nakita kong nag pplay ito sa cellphone nya na nilapag nya sa table at dun ko nakita ang cellphone ko! OO NGA PALA! Kailangan ko nang makuha ang cellphone ko!

 

Pero bigla na syang nagsimulang sumayaw. Natigilan naman ako dahil sa galing nyang sumayaw! Kaka-release lang ng MV namin pero paanong nakuha nya na agad ang steps? Ganun sya kagaling?!

 

Hanggang sa umabot na ito ng chorus. Napalunok na talaga ako. THAT BODY WAVE! THAT HIPTHRUST! DAMN! SHE’S DRIVING ME CRAZY! Idagdag pa na nakikita kong natulo ang pawis nya... sa... sa... mula sa leeg pababa sa...

 

Muli akong sumandal sa pader na katabi ko at nagpaypay sa sarili. Muli akong sumilip at napansin ko na ang tattoo sa maputi nyang batok.

 

Agad akong napangisi.

 

Byun Baekhyun

 

Yun ang nakalagay na tattoo sa batok nya. So... does it means that she likes me? That she’s one of my fans? At nagpatattoo pa sya?

 

Inayos ko ang buhok ko pati ang hoodie ko. Bigla akong nagka lakas ng loob na pumasok dahil sa tattoo nya sa batok nya. Kaya naman agad kong binuksan ang pinto at nagkunwaring nagulat na makita ko sya.

 

“Ay sorry miss! Nakalimutan ko lang yung phone ko!” acting ko at nagkunwari pa akong naaligaga upang hindi nya mahalata.

 

DAMN! She’s much more prettier when she’s nearer!

 

Agad na namilog ang medyo singkit nyang mga mata. Agad nyang kinuha ang jacket nya at tinaklob ito sa may dibdib nya at saka nag bow sa harap ko.

 

“S-Sorry po sa pagpasok sa dressing room nyo! A-Akala ko po kasi pwede na akong mag p-practice dito kasi wala nang tao.”

 

Dahil sa pagyuko nya ay mas malinaw kong nakita ang tattoo nya na lalong nagpalawak ng ngisi ko.

 

“Uhm it’s okay. Naiwan ko lang talaga yung phone ko pero pwede na namang mag stay dito.”  Sabi ko at tumunhay na sya.

 

Nginitian ko sya at lumapit ako sa kanya.

 

“Teka pangalan ko ba yang nasa tattoo mo?”

 

Umatras naman sya bahagya. Bawat hakbang ko papalapit sa kanya ay sya namang pag-atras nya. Atras sya ng atras habang nakayuko. Hanggang sa natrap ko na sya sa may pader.

 

Hmmm... I’m starting to love this game.

 

Sinadya ko talagang bahagyang lumapit sa mukha nya pababa sa may leeg nya upang kunwari’y titingnan ang tattoo nya habang hinahawakan ito. Naaamoy ko na ang pabango nya at SHT baka hindi na ako makapag pigil!

 

Napansin kong namula sya at lalong humigpit ang hawak nya sa jacket nya na nasa may dibdib nya.

 

“O-Oo. K-Kasi idol talaga kita. Y-Yung boses mo, at yung galing mo din sa pag sayaw. Ang cute mo kasi.

“Ha? Ano yung huli mong sinabi?” kunwari kong tanong pero rinig na rinig ko yung bulong nya.

“W-Wala po. S-Sabi ko po gusto ko din pong maging kagaya nyo. Makapag-perform sa harap ng maraming tao, at...” tumunhay sya at nagkasalubong ang titig namin kungsaan ako naman ang bahagyang napa urong. “... sumikat gaya nyo. Andaming nagmamahal sa inyo, sa EXO. Kaya gusto ko ding maging kagaya nyo. K-Kaya po nag p-practice ako ng mabuti, n-nagcocover din po ako ng mga performances nyo para sakaling sumikat. Kaso hanggang dito lang ata talaga ako.” Tapos pilit syang ngumiti at yumuko.

 

Okay? Biglang nawala lahat ng kalokohan sa utak ko at napalitan ito ng pagka amazed sa kanya.

 

Nag EHEM naman ako at umalis sa pag t-trap sa kanya. Ako naman ang hindi maka-imik ngayon. Siguro kasi once din akong nangarap gaya nya, at once din akong nagsikap gaya nya kaya siguro hindi ko magawang lokolokohin sya ngayon.

 

“S-Sige po. A-Aalis na po ako. S-Sorry po ulit.” At muli syang yumuko at kinuha nya na ang bag nya. Agad syang tumakbo at hindi na ako naka-imik pa ulit.

 

Naalala ko bigla ang dahilan kung bakit ako nandito. ANG CELLPHONE KO!

 

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa table pero may napansin ako. YUNG CELLPHONE NYA NAIWAN NYA! Kinuha ko ito at hahabulin ko sana sya pero wala na sya. Napatingin nalang ako sa cellphone nya at napagdesisyunan ko nang kunin ito kesa sa iwan ko dito dahil baka janitor pa ang makakuha nito. Sayang din.

 

 

**

 

 

“Oh? Kinuha mo lang ang cellphone mo nadagdagan na ng isa?” tanong ni Chanyeol nang makasakay ako ng van.

“Wala, naiwan lang to nung babaeng nakita ko.”

“UY! CHICKS BA?” singit naman bigla ni Sehun.

Nag dalawang isip ako kugn sasabihin ko bang chicks o hindi. Kapag sinabi kong oo, paniguradong magkakainteres din sila dito... “HINDI PRE SOBRANG PANGET. TANGINA NO CHOICE LANG AKO.”

“Hala! Hindi ka ba nya sinaktan o pinwersa?” bigla silang nagtawanan sa biro ni Sehun. “Alam mo na, baka sasaeng na nagbabalak kunin yung mga naiwan nating gamit dun.” At tumawa silang muli.

“Be careful with your words Oh Sehun. Hindi porket pangit ang itsura ay huhusgahan na agad. Atsaka a sasaeng fan will never practice our dance steps like a professional, a sasaeng will never dream of being an idol like us, and a sasaeng will never act the way SHE acted at me a while ago.” I looked at him intently. “I know she’s different. Very different...”

 

Kumunot naman ang noo nila sa sinabi ko na tila walang naintindihan. Pero di nalang sila ulit umimik.

 

**

 

 

Pagod na ako, antok, at gusto nang magpahinga pero sumagi sa isip ko na buksan ang cellphone nung babae. I know na mali itong gagawin ko pero I wanna know her more.

 

I tried to unlock her phone but it has a passcode. Hindi na ako nagulat na ako ang nandun sa wallpaper nya. Kaya ang ginawa ko nalang ay manghula ng passcode.

 

Una kong nilagay ang 1234 but no. I tried other numbers hanggang sa last passcode turn ko na. Pag pumalpak ako, baka bukas ko na ulit ‘to masubukang buksan.

 

“Trying to unlock it?”  tanong ni Chanyeol.

 

Tumango nalang ako at nagisip pa ng maaaring passcode.

 

“Why not try birthdays?” biglang singit ni Lay.

 

Napaisip ako. Hindi ko naman alam ang birthday nya so paano? Kung iisa isahin ko naman ang birthdays ng EXO ay sobra yun dahil ang hinihinging passcode ay apat lamang.

 

Biglang nagflash sa utak ko ang tattoo ng pangalan ko sa batok nya.

 

Birthday ko?

 

I typed my birthday as 0506.

 

Nanlaki ang mata ko dahil nabuksan ito! Napatayo ako sa kama ko at napatingin kay Lay. “Bro nabuksan!” sigaw ko at tumabi na sila sakin.

 

Sabay sabay naming tiningnan ang cellphone nya at sabay sabay din kaming nagulat sa wallpaper nya.

 

Edited picture namin? SHT ANG GANDA NYA DITO! Atsaka parang totoo!

 

“Yan na pala yung itsura ng pangit ngayon huh?” nakangising tanong ni Chanyeol.

“Yung katabing lalaki mukhang alalay oh, sino ba yun?” tanong naman ni Lay.

 

Kukutusan ko na sana sya pero bigla syang nag peace sign. Binalik nalang namin ang atensyon sa cellphone ni Cyria.

 

“Check mo yung Photos dali! Yung sa camera roll!” suggest ni Chanyeol.

 

Kagaya ng sinabi nya ay binukasan namin ang Camera roll nya. Madaming videos, may mga selcas pero mas marami ang... pictures ko. WOW.

 

In-open namin ang isang video. Sa una ay nakaharap sya dito at parang inistandby nya lang ito upang mag record. Tapos biglang nag play ang MAMA.

 

Her dance steps, and her emotions while dancing... it’s all perfect! Parang member din sya ng EXO sa galing nya sumayaw! Kopyang kopya nya ang bawat moves namin! Pati yung power ng pag sayaw namin ay nagagawa nya!

 

“Bro she’s a good catch!” bilib na sabi ni Chanyeol.

“Pre baka yan ang pumalit satin.” Natatawang sabi ni Lay.

 

Ako? Hindi ako maka-imik. Seryoso ko lang na pinapanood ang choreo nya. Madaming videos dito, pinanood na namin lahat ng dance steps nya hanggang sa may video na dilim lang. Tipong kapag pi-nlay mo, tsaka mo lang malalaman ang laman nito.

 

Pi-nlay ko ito. Hindi na umiimik sa tabi ko si Chanyeol at Lay, nanonood nalang din sila.

 

Mga ilang segundo nang lumabas ang mukha nya sa screen. Pugto ang mata nya, medyo namumula pa ito na para bang kakaiyak lang.

 

“Baekhyun-ah.” She wipped her tears na natulo nanaman. “Bakit naging kayo ni Taeyeon?” after that narinig ko na ang hikbi nya.

 

Biglang pinawisan ang kamay ko. Ewan ko ba pero nakaramdam ako bigla ng matinding kaba.

 

“Bro itigil mo na yan.” Ani ni Chanyeol at kukunin na dapat ang cellphone sakin.

 

“No. Umalis muna kayo ni Lay dito.” Sabi ko habang pi-nause ko ang vid.

 

Hindi na sila umimik at umalis na.

 

Tiningnan ko ulit ang cellphone nya. Nakapause ito sa part na nagt-teary eyed sya at yung likod ng palad nya ay nasa may ilong nya. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at parang nagka-lump sa lalamunan ko.

 

“Itutuloy ko pa ba ‘to? Alam ko namang ‘di mo ‘to mababasa o mapapanood pero gusto ko lang sabihin na...” tumigil sya at huminga ng malalim. “Mahal na ata kita?” tas kunwari syang natawa pero nakita kong may luhang tumutulo sa mga mata nya.

 

Tumingin sya sa camera at para bang nagtagpo ang mga mata namin.

 

Bigla akong nakaramdam ng kung anong mabigat sa dibdib ko.

 

“Tanda mo ba noong EXOST? Ako ‘yung nagbigay sa’yo ng bulaklak.” Ngumiti sya. “Sobrang saya ko nun kasi tinanggap mo yung bulaklak na bigay ko. Kaya ewan ko ba pero bigla akong na-inspire. Kaya ayun, naisipan kong ma-diet.” Tapos may tumulo nanamang luha mula sa mata nya. This time, hindi nya na pinupunasan ang mga luha nya. “Instead na exercise, pinapractice ko ang mga dance steps nyo. Araw araw ko ‘yung ginagawa. Nakakapagod pero iniisip ko nalang na isa itong way para makita mo ‘ko.” Tumingin ulit sya sa camera. “Para mapansin mo ‘ko.”

 

Huminga sya ng malalim at tinuoy ang pagsasalita nya. “Pero nakalimutan ko ‘yung distansya natin. Tipong ayan ka, nasa taas... tapos ako, nasa pinakababa.” Napansin ko nanaman ang pagbabadya ng luha nya.

 

Tama na please...

 

“Hindi naman ako sasaeng, wala kasi akong pera na pangsunod sa’yo. Hindi naman ako mayaman, hanggang sa pagsayaw at pagco-cover lang ako ng mga kanta nyo. Hindi ako makapag-regalo ng mga sobrang mahal na sapatos, shades, or cellphone gaya ni Polarlight.” Ngumiti s’ya pero nangingintab yung mga mata n’ya. Nakatingin lang s’ya sa camera, na para bang kinakausap nya talaga ako. “Pero susuportahan parin kita. Kahit na sobrang sakit.

 

Alam nyo ba yung feeling na ang bigat ng dibdib mo pero wala kang luhang mailabas. Ewan ko, nagulat ata ako sa mga sinabi nya...

 

“Kita mo ba ‘tong tattoo ko sa batok ko?” inimis n’ya ang buhok nya at ipinakita sa camera ang tattoo n’ya sa batok nya. Bumalik muli s’ya sa posisyon n’ya at muling tumingin sa camera. “Pinatattoo ko ‘to noong nagkapera ako dahil sa pagsali ko sa contest gamit yung sayaw n’yo noong Growl.” Ngumiti muli sya to the point na halos maningkit na ang mga mata nya. “Don’t worry, kahit anong mangyari... hindi ko ‘to paaalisin. Kahit na may mahal ka na, ‘yung tipong mamahalin mo pang habang buhay... hindi ko parin ‘to aalisin, kasi mahal parin kita...

 

She wiped her tears and smiled. Then she turned off the camera.

 

Uupo sana ako ng ayos pero bigla akong nahulog sa kama ko. Ang sakit.

 

To be continued...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
chanbaekedt
#1
Chapter 1: ang bilis ma-fall ni baek ㅋㅋㅋ