Ang Pagtatapos

Cool Off

            Sa pagmulat ng aking mga mata, nakita ko ang dahilan ng aking matamis na ngiti, ikaw. Napakasarap isipin na ang isang katulad mo ay mamahalin ang isang lalakeng ni hindi man lamang pinapansin noon ng ibang tao. Ang aking mga daliri ay dumampi sa iyong malambot na pisngi at ang iyong napakapayapang mukha ay siya namang rason kung bakit ako biglang naiyak.

 

 

Wag ka munang magalit
Ako sana'y pakinggan
Hindi ko balak ang ika'y saktan
Hindi ikaw ang problema,wala akong iba
Di tulad nang iyong hinala

 

 

            Sa paggising mo ba mamaya ay hahanapin mo ako? Mararamdaman mo ba ang pagluwag ng kama dahil mag-isa ka na lamang? Iiyak ka ba o magagalit kung malalaman mong umalis na ako? Mamahalin mo pa ba ako pagkatapos ng gagawin ko?

 

 

 

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman. Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita,Pero kaylangan ko lang mag-isa

 

 

 

            Mahal kita, alam nating pareho iyan. Ikaw ang nagbasag sa konkretong semento na unti-unting naitayo habang ako ay lumalaki. Ikaw ang nagtunaw sa nanlalamig kong puso noong natutunan kong hindi na magmahal uli. Alam kong masasaktan kita, ngunit patuloy lamang na lalalim ang sugat kung ako'y patuloy na mananahan sa iyong tabi. Mahal kita. Mamahalin mo pa ba ako pagkatapos ng gagawin ko?

 

 


Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa

 

 

 

            Ang pag-alis ko ay hindi nangangahulugang hindi na kita iniibig. Tandaan mo na sa gagawin kong ito, mas lalo ko lamang sasaktan ang sarili ko. Ngunit wala akong magagawa, hindi ko gustong magtagal sa isang lugar na sinasakal ako.

 

 

            Ilang beses na nating napag-usapan ito, ngunit nauuwi lamang sa away at sigawan. Basag na mga kagamitan at magugulong damit ang nagiging resulta ng ating usapan. Ayokong makulong sa isang lugar na alam kong unti-unti akong pinapatay. Ayokong maging isang bangungot ang pagsasama natin nang dahil sa sitwasyong kinakaharap ko, natin. Alam kong ipaglalaban mo ako kahit anong mangyari, ngunit hindi ko maaatim na saktan ka rin nila kung patuloy mo akong pagtatakpan at sasagipin.

 

 

 

Wag ka sanang lumuha
Sana`y intindihin
Ito ang dapat nating gawin
Upang magkakilala pa
At malaman kung tayo
Ay para sa isa`t isa

 

 

 

            Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Noong naging iisa ang puso at damdamin natin, ang salitang "masaya" ay hindi sapat upang ilarawan ang nadarama ko. Ngunit habang tumatagal, nagbago ako at bumuti ang ugali ko ngunit kasabay noon ay unti-unting nasira ang pagkatao ko. Nabaliw ako sa sobrang pagseselos nang dahil lamang sa simpleng hawak o salita mo sa iba. Nabagabag ako na baka kapag nalaman nila ang ating bawal na relasyon, paglayuin nila tayo at idikit ka sa iba. Dumalas ang away natin at hindi ko man lang sinabi sa iyo ang tunay na dahilan, dahil ayaw kong masaktan ka.

 

 

            Ayokong lumayo ka sa mundong ginagalawan mo at samahan ako sa kadilimang kinasanayan ko. Isa kang perpektong tao para sa akin, ngunit ako'y unti-unting naging dahilan ng pagkabagsak mo. Isa kang perpketong tao at ako ay puno ng imperpeksyon. Hindi ko na nakilala ang sarili ko dahil sa bawat araw na gumigising ako, sinusubukan kong maging perpekto, katulad mo. Sinubukan kong maging ibang tao, upang bumagay sa isang anghel na tulad mo. Sinubukan kong linisin ang maitim kong kalooban at alisin ang pagnanasa ko, ngunit hindi ko kaya. Naging ibang tao ako at hindi ko na alam kung sino ako sa araw na ito at sa susunod. Nawala ang personalidad ni "Jaejoong" dahil sa sobrang inggit ko. Ikaw ang bagay na hinahangad ko at kinaiinggitan ko. Ikaw ang bagay na gusto kong alagaan, ngunit ikaw din ang bagay na gusto kong sirain, upang hindi ka na mahawakan ng iba. Mamahalin mo pa ba ako pagkatapos ng gagawin ko?

 

 

 

Wag mong pigilin ang damdamin
Sa aking pagkawala,Makahanap ka bigla ng iba

Ngunit pakakatandaan
Na mahal pa rin kita,Pero kailangan ko lang mag-isa

 

 

 

            Maiintindihan ko kung makakahanap ka ng iba sa pagkawala ko. Maiintindihan ko kung sa pagbalik ko, wala na ang dating ikaw na minahal at tinanggap ang buong pagkatao ko. Ako ang nagkulang sa ating dalawa, hindi ikaw. Ako ang nagagalit nang walang rason at unti-unting sumira sa ating relasyon na pinangarap mo. Ako ang sumira dahil gusto kong maging perpekto tayo, ngunit hindi pala pwede. Masyado akong gago para sa isang katulad mo.

 

 


Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa


 

 

            Lumipas ang ilang taon ay heto ako, umiiyak dahil lamang sa kagaguhan ko. Kung bakit ko sinayang ang relasyon natin, ang kung bakit hindi ko sinabi sa iyo ang totoo. Heto ako, nagmumukmok at nagpapakalasing. Sinusunog ko ang baga at sikmura ko para lamang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Mukhang sa paglayo ko sa iyo ay lalo akong nasira, lalo akong nag-iba, at lalo akong nalugmok sa kadiliman. Mula sa napakalayong distansya ay pinapanood kita, marami ka na ring ipinagbago. Lalo kang naging perpekto sa paningin ko, ngunit hindi ko kayang tignan ang iyong mga mata, na siyang nagsasabi sa akin noon kung gaano mong hinangad na mahalin kita.

 

 

            Ang iyong mga matang sa akin lamang nakatingin kahit saan ako magpunta ay sa iba na ngayon, iba na rin ang kinang ng mga ito. Iba na ang ngiti mo, lalo kang naging malaya noong nawala ako. Ngunit nag-iba ang dating mo, malaya ngunit maingat ka sa mga galaw mo, mas maingat noong huli kitang nakasama, noong ako pa ang nakatayo sa tabi mo at hawak ang iyong nanginginig na kamay.

 

 

 

Sarili ay di maintindihan
Hindi ko malaman,Ano ba ang dahilan
Nang pansamantalang paghingi ko ng kalayaan
Minamahal kita, Pero kilangan ko lang mag-isa

 

 

 

 

            Tama ba ang desisyon ko? Tama bang lumayo ako dahil hindi ko na kilala ang sarili ko? Tama bang umalis ako dahil ayokong hatakin ka pababa dahil lamang sa pagiging makasarili ko? Tama bang umalis ako bago pa lumala ang sitwasyon? Tama bang pinalaya ko ang sarili ko sa posas na unti-unti nilang inilalagay sa akin? Tama bang bago pa ako tuluyang makulong ay tumakas na ako? Tama bang iniwan namin kayo?

 

 

            Mali ba ang desisyon ko? Mali bang umalis ako nang hindi man lang ipinapaliwanag sa iyo ang tunay na dahilan ng pag-alis ko? Mali bang inisip kong baka magsawa ka sa akin kung patuloy tayong mag-aaway dahil lang seloso ako? Mali bang hangarin kong maging mabuting tao na babagay sa isang anghel na katulad mo? Mali bang hangarin kong maging perpekto katulad mo?

 

 


Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating...

 

 

 

Mahal kita, tandaan mo 'yan.

 

 


Wag mong isipin na hindi kana mahal
Sarili ko`y hahanapin ko lang
At ang panahon at ang oras ng aking pagkawala
Ay para rin sa ating dalawa..

 

 

 

Mahal mo pa ba ako pagkatapos ng ginawa ko?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jetsora
#1
Chapter 1: Tengene. Ayoko na nagkakaganto ang feels ko...

Sad and confused. Wae you must do diiiiisssss T____T
believeinred
#2
Chapter 1: Araaaay. Oh ano daw sagot ni Yunho? Hahaha
angst mameehhnnn ♥