A Perfect Shot

From A Far [Luhan Fanfic]

"HAAAAAAAAAY !" sambit ko saka ko nag-unat-unat dahil namamanhid na ang paa ko kakatayo. Nga pala isa akong FanGirl :))) tagahanga sa tagalog.

Nandito ako ngayon sa tapat ng SMTown. Bakit ? May gusto lang akong makita. Kahit sa malayo, gusto ko syang makita. Kahit hindi nya na ako mapansin, makita ko lang yung ngiti nya solve nako ! XD mwehehehe, ang landi ko no ? :D

Hindi naman :) alam ko ang limitasyon ko. Alam ko kung hanggang saan lang ako lulugar. Hindi ako katulad ng ibang fans na nakikipagpatayan pa para lang makita sila. Ok na sakin yung makita ang mukha nya. Kahit pa nandito ko sa pinakadulo :) it's worth it after all.

NAKNGPUTCHA ! XD daldal ako ng daldal, hindi pa pala ko nagpapakilala. Hayaan nyong ipakilala ko ang sarili ko :)

Ako nga pala si Luna De Guzman. Isang totally at absolutely EXO fangirl. Katulad ng iba, nandito ko sa labas ng SMTown. Kung saan nagpa-practice ang EXO. Actually marami kami dito. May mga mas nauna pa nga sakin eh. Kaya naman nasa dulo ako, huhuhuhu TT^TT nahuli ako eh ! Masyadong early bird ang mga fans dito.

Ang hirap makisabay lalo na pag mga hayok na hayok sila ^________^v

Inayos ko na yung camera na dala ko. Ready nako kumuha ng stolen shots nila,specially nya.

Nang makarinig na ako ng mga sigawan at tilian. Inumpisahan ko nang i-zoom in sa tapat ng labasan ng SMTown yung camera ko.

Kuha dito. Kuha don.

Hahahahaha ! XD Si Chanyeol ba yon ?! Halos lahat ng picture nya sakin derp yung mukha nya ! Pakshet na yan XD

Ohhhh ! Si Chen ! XD mukha na namang aburido ohh ! XD laging ganyang yung kuha ko sa kanya, kundi mukhang troll laging aburido.

Lalalala ! Si Yixing ! parang nawawalang ewan ah ! XD di alam kung saan yung van ? Jusmiyoo ! Jugigo ! XD

OMG ! Si Kai ! *u* bakit ba lahat ng anggulo na kuha ko dito ang hot nya tingnan ? kahit pa stolen !

Linipat ko naman sa kabilang direksyon ang camera ko. Kaya naman, nakuhaan ko din nang magandang shots sila Baekhyun at Sehun na naghaharutan. Pati si Kris at Tao na parang tore sa tangkad. Si Xiumin na pagkataba-taba ng pisngi nakuhaan ko din !

Kahit si Suho na pinakamaliit nakuhaan ko din ! XD pati nga si D.O na nakaluwa pa yung mata naspot-an ko ehh !

Isa na lang ang di pa nakukuhaan ng camera ko. Ang nakakainis pa don, hindi pa sya lumalabas ! >_____< tapos alam nyo ba na kapag sya na yung kukuhaan ko, kung hindi blur yung kuha, hindi nakikita yung mukha nya o kaya naman hindi ko sya nakukuhaan kasi sinisiksik ako ng mga pusit dito ! Mga peste ! >O< nasa dulo na nga ko hindi pa rin sila magbigay ! kakaasaaaaar !

At dahil hindi pa lumalabas yung hinihintay ko. Saglit ko munang tiningnan yung mga kuha ko sa EXO. Nakakatuwa kasi lahat sila naka-smile :)) sana pagnakuhaan ko sya ng picture, yung naka-smile sya. Hindi blur at lalong sa mukha nya nakatapat !

Nang makarinig ulit ako ng ingay, itinutok ko na ulit yung lens ng camera ko saka ko ini-ready yung daliri ko para sa pag-click.

Ayan na sya ...

Papalabas na sya !

OH MY GOD ! konti na lang nasa hagdan na sya pababa.

Ready na sana kong pindutin yung buton dito sa camera ko nang biglang may tumulak sakin mula sa likod.

"AHHHHHHHHHH !" sigaw ko. Dahil mahalaga sakin ang camera na yon, yinakap ko itong mabuti dahil alam kong babagsak ako.

Nang maramdaman ko yung sakit ng pagbagsak ko. Saka ko naman nakita na nakasakay na sya sa van.

Shemaaaay ! >______< wala na naman akong picture nya na matino ! bwiset kasi tong mga sasaengs na to' ehh ! Yun na yun eh ! Pipindutin ko na lang ! Sana mamaya na lang sila nanulak ! ARGGGGGGGH !

ANG MALAS MALAS MALAS MALAS MALAS KOOOOOOO ! >__________<++

Wala na nga kong kuha nya meron

pa kong souvenir galing sa sahig ! Shetness .. dagdag galos na naman !

Napatitig na lang ako sa papaalis na van habang mahigpit kong hawak ang camera ko.

Parang dati lang ....

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

Flashback

[1st Year Highschool]

Bagong lipat lang kami ni lola dito. Ibinenta na namin yung dati naming tinitirhan dahil na rin sa dadalwa na lang kami at masyado nang malaki yun para samin.

Wala na sila Papa at Mama. They died when I was in grade 3. Plane crush accident ang nangyari sa kanila. Oo, umiyak ako pero hindi yung sobra na halos ikamatay na. Bakit ? Simula bata ako, lagi silang wala. Kundi nagtatrabaho lagi lang silang wala as in. Saan nagpupunta ? Business trip. Business here, business there. But don't get me wrong, mahal ko mga magulang ko yun nga lang mas close ako sa lola Rosy ko :)

Dahil nga laging wala noon sila mama, si lola ang nag-aalaga sakin hanggang ngayon.

First day of school ko ngayon. Kaya medyo kabado ako lalo na sa ibang school ako mag-aaral. Wala akong friends ! ang masaklap pati kakilala *face palm*

Minsan ko lang naman gagawin to' first time kumbaga. Kinakabahan ako dahil baka mahuli ako ni lola T______T

Magka-cutting ako eh. Ayoko pumasok ! baka may mga bullies. Hindi nakakapagtataka yon, dahil private school tong pinasukan ko. Aish !

Kaya naman dito na lang ako pumunta sa tapat ng isang malaking building. Malayo naman ako, pero tanaw yung malaking building.

May nakita akong malaking puno, hindi sya kataasan pero sapat lang para makaakyat ako. Oo ! -_____- aakyat ako, nakakawala ng poise pero ayos lang. Wala namang makakakita at lalong wala namang may kilala sakin dito.

Nang nagsisimula nakong umakyat bigla na lang may isa't kalahating pakialamero na nang-gulat sakin.

"BOOOOOOOO !" pang-gugulat ng hinayupak na kung sinuman yon.

At dahil nga magugulatin ako. Tuloy-tuloy akong bumagsak sa napakabait na sahig at pinamumukha nito ang kaengotan ko -___-

"ARAAAAAAAAY !" malakas kong sigaw habang hawak ko ang pang-upo ko. Walanjo ! >< ang saket !

Humahagalpak naman sa tawa ang hayop na nanggulat sakin. Agad-agad akong tumingin sa kanya. Kung nakakamatay lang ang tingin ko panigurado plakda na sa sahig tong nilalang na to' +_______+

Hindi ako mamamatay tao pero sinisimulan ko nang murder-in sa isip ko ang sira-ulong nasa harapan ko na patuloy pa rin sa pagtawa.

Tumayo ako at walang sabi-sabing sinapak ko sya. Ayuuuun ! natigil sa kakatawa. Gulat na gulat sya sa ginawa ko.

Bago ko lumayas don ay dinuro ko muna sya.

"IKAW ! SA SUSUNOD NA GAWIN MO YON TATADYAKAN NA TALAGA KITA !" sigaw ko habang nakaturo pa yung forefinger ko sa kanya.

Saka ako tumalikod at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo nang bigla syang sumigaw.

"HEEEEEEY ! ANG CUTE NG SHORT MO ! MS. HELLO KITTY ! BWAHAHAHAHAHA !" sigaw nya.

O_____________O

"NICE MEETING YOU ! BY THE WAY, I'M LUHAN !" dagdag nya pa.

>/////////////<

Sana linamon na lang ako ng lupa dahil sa sobrang kahihiyan ! Asdfghjkl ! Paksheeeeet !

Agad-agad kong tiningnan ang palda ko at ibinaba ang naipit nitong parte sa shorts ko. Pagkatapos ay nagmadali nakong tumakbo.

SHEEEEEEEET ! >____<

KAHIHIYAN.

Bunga ng KATANGAHAN.

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

Hay, ang saklap ng buhay no ? naglalakad ako mag-isa pabalik ng dorm. Yep, nakadorm ako. Si lola ? sad to say .. iniwan na rin nya ko last year. Na-diagnosed sya na may colon cancer, stage 4. Hindi agad naagapan dahil hindi pinaalam ni lola ang condition nya sakin. Ayaw nya daw na mag-alala ako. Madami na raw akong problema sa pag-aaral, dadagdagan pa daw ba nya ? Alam ko kapakanan ko lang talaga inaalala ni lola pero bulls-hit naman ! kahit gaano pa kadami ang problema ko sa school. Hindi ibigsabihin niyon ay dagdag pasanin sya sakin. Sya na nga lang naiwan sakin, nawala pa ...

Malayo-layo pa ang dorm ko dito. Ayoko mag-taxi, aksaya lang sa pera yun. Iipunin ko na lang para sa next sem. Nakakainis ! dapat pala sinama ko na lang si Sheen dito ! >_____< para naman may kasama akong umuwi. Lintek, alas-kwatro pa lang ng hapon pero ang langit parang alas-sais na !

"Pagkamalas-malas nga naman ! Oo, alam ko olats ako pero putcha naman ! wag mo nang dagdagan paghihirap ko ohh. Wala kong dalang payong ! PLEAAAAAASE !" pagmamakaawa ko sa mahabaging langit nang marinig ko ang malakas na kulog at nagbabadya na ang malakas na ulan. Pinagsalikop ko pa ang dalwa kong palad.

Hindi pa nakatulong ang damit na suot ko. Shete naman, bakit ba naisipan ko pang mag-dress ?! take note yung above the knee pa ! pagka-engot engot nga naman oh. Dahil siguro hindi na matiis ng langit ang pagpipigil nya. Bumuhos ang malakas na ulan, dahilan para kumaripas ako ng takbo at yakapin ang camera ko.

Hindi nako tumitingin sa daan, nakayuko na lang ako. Kaya naman hindi ko nakita ang lalaking tumatakbo din papasalubong sakin.

*BOOOOOGSSSHHHHH !*

Bumagsak ako ! Natural ! laking bulto nung bumangga sakin. Plakda ako sa kalsada. Puro putik na din ang sapatos at damit ko.

Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. S-hit lang diba ?! napakamalas ko ! mula kaninang umaga hanggang ngayon ! basang-basa nako ng ulan. Buti na lang may lalagyanan yung camera ko kundi basang sisiw na rin sya katulad ko.

Impit na hikbi lang ang maririnig sakin. Yung bastusing lalaki na bumangga sakin ?! ayun ! alam ko kumaripas na nang takbo yon ! Pakshet ! napaka-gentle dog !

Iyak pa rin ako ng iyak nang mapansin kong wala nang bumabagsak na ulan sakin. Agad akong napatingin sa taas. Para lang magulat sa nakita ko.

D-AMNSHEEEEEEEEEET ! O_____________O

S-Si ... S-Si L-Lu --- L-Lu -- O///////////O

Agad-agad akong tumayo at dahil sa biglaan kong pagtayo tumama ang noo ko sa dibdib nya. OHMYGOLLYWOLLYWOW ! O///////O

"S-Sorry ! S-Sorry ! S-Sorry ! M-Mianhe ! M-Mianhe ! S-Sorry !" paulit-ulit kong sabi habang yuko ako ng yuko. Ako na ang pinakamalas sa lahat ng malas ! Mas malas pa ko kay Bebang ! >_______<

Napatigil lang ang pagyuko ko ng pigilan nya ang noo ko gamit ang kamay nya. F-CK ! HOMAYGAAAAAAHD ! >////////<

"Tsk. Apology accepted. Here, take this." sabi nya at binigay sakin ang payong NYA, "and go home. SAFE." dagdag nya pa at bigla nyang pinitik ang noo ko.

Teka nga, di ko masyadong nagets .. pakiulit nga po yung 4 last words.

"and go home. SAFE" - isa pa nga.

"and go home. SAFE" - isa pa ulit ! isa pa !

"and go home. SAFE" - last na talaga !

"and go home. SAFE"

UWAAAAAAAAAAAAH ! O_O Sinabihan nya ko na mag-ingat ako .. blessing in disguise ata lahat ng kamalasan ko. Bigla na lang ako tumingala at nag-thankyou sa langit habang magkasalikop pa ang dalwa kong kamay.

Nang mahimasmasan ako agad ko syang nilingon para sana ehem~ mag-thankyou. Pero nakita ko syang tumatakbo at walang payong. SHETE ! baka magkasakit sya dahil sakin ah ! Ugh ! tatakbo na rin sana ko para isauli etong pinahiram nya nang matanaw ko SILA.

OPO .. SILA .. ANG BUONG EXO ! O_______O

Nang makarating sya sa kinaroroonan ng buong grupo, huminto muna sya saglit at nilingon ako. Sakto namang nakatingin ako sa kanya. Kaya nagtama ang aming paningin.

*DUB.DUB.DUB.DUB.DUB*

Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Nakita ko ring lumingon si Lay at ngumiti.

"Be careful next time ! Ms. Hello Kit-- OUCH !" daing nya nang batukan sya ni Lu--- at hinatak na sya paalis. Hindi ko masabi nang diretso ang pangalan nya ..

"At bakit alam ni Lay yung Ms. Hello Kitty ?!" >//////////< sabi ko habang nakahawak ako sa noo ko kung saang parte nya ko pinitik.

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

Maaga akong nagising kinabukasan. May pasok ako ngayon at may trabaho ako sa Bubble TeaShop mamayang 4. Tulog pa si Sheen, sya ang ka-dormate at best friend ko isama mo na ang pagiging nanay at tatay nya. Schoolmate ko din sya, kaya lang iba ang course nya sa course ko. Photography ang hilig ko kaya naman, dito sa room namin panay pictures ng EXO na ako mismo ang kumuha. Linalagay ko sya sa isang malaking frame, yung pang life-size ? tapos ico-collage ko sya. 3 to 5 siguro ang frames tapos isama mo pa yung mga posters ko.

Actually, halos mapuno na nga tong' kwarto namin pero para sakin kulang pa. Malaki naman tong' nakuha namin ehh, infact hiwalay ang kitchen. Dapat hindi ito ang kukunin namin dahil half lang nang pinakamura ang kaya ko. Pero dahil si Sheen ay naka-drugs nang araw na yon XD sya ang nagbayad LAHAT. Basta daw ako magluluto dahil ayaw nya pang malason sa mga linuluto nya. Hindi sya marunong, hindi sya sanay, at lalong hindi sya mahusay sa pagluluto. Baka, ikamatay namin ng maaga ang lulutuin nya.

Minsan nga nagrereklamo sakin yan dahil panay stolen daw mga kuha ko. Tapos punong-puno na raw yung kwarto namin sa dami ng nakalagay. Nasusuya na daw sya =_________= reklamador ! If I know, nahuli ko sya nung isang gabi na hinahalikan yung wallet-size picture ni Kris at ilalagay nya sa ilalim ng unan ! Kunwari pa kasi ehh !

Lumabas nako ng kwarto saka nagluto. Inuna kong niluto yung breakfast at babaunin namin. Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi kami salat sa mga pagkaen. May donasyong natatanggap si Sheen mula sa magulang nya kaya madami kaming stock.

Nang matapos kong i-prepare yung mga pagkain ginising ko na yung sleeping beauty *nasusuka ko ! joke XD* 

Habang sya kumakain na, may iba pa kong niluluto bukod sa breakfast at baon namin. Sushi rolls, pati mga gulay yung pinre-prepare ko. Meron ding onting meat tsaka rice. Inilalagay ko na sya sa color blue na lunch box ng magsalita si Sheen.

"HOHOHOY ! Lintek, ano na naman yan aber ?! para sa kanya na naman ba yan ?!" sigaw ni Sheen. Shete >___< sakit sa tenga !

"Oo ! jusko jugigo, di mo kailangang sumigaw ! ang tinis ng boses mo. Ang sakit sa tenga Sheen !" nakabusangot kong sabi sa kanya.

"PANONG DI AKO SISIGAW ?! NAKNGTETENG NAMAN LUNAAA ! UMUWI KA KAGABE NA BASANG-BASA TAPOS NILAGNAT KA PA ! AT NGAYON MAY SINAT PA ?! ANONG KAENGOTAN ANG PUMASOK SA KOKOTE MO AT IPAGHAHANDA MO NA NAMAN NG LUNCH YUNG KOLOKOY NA YON ?!" bulyaw niya sakin.

Linagnat kasi ako kagabe pero sinat na lang ngayon. Matagal na rin akong gumagawa ng lunch para sa kanya. Hindi ko nga alam kung natatanggap o kinakain ba nya ehh. Pero tumigil ako last year ata ? Tapos ngayon, gumagawa ulit ako. Parang thank you diba ? Kase pinahiram nya yung payong nya sakin.

"Ano ba ! Parang thank you ko na to' dahil sa pinahiram nya ko ng payong." maikli kong paliwanag habang nilalagay ko na sa color blue din na tela yung lunchbox atsaka ko tinali. May inipit din akong note :)

"Bakit ? sure ka bang matatanggap nya yan ? sure ka bang kakainin nya yang pinaghirapan mo ? Baka nga itapon pa nung guard yan ehh !" naiirita nyang sabi.

Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil baka nga hindi nya to' matanggap or worst hindi nya kainin. Pero, diba ? Try lang naman ULIT ! Think positive ! matatanggap at makakain nya to' ! AJA !

"Alam mo friend, 7 years na ang lumipas. Sa tingin mo ba kilala ka pa nya ? Marami nang nangyari sa buhay nya na wala ka. Tsaka sobrang sikat na nya ! kahit gaano pa ka-tight ang closeness nyo non. Iba na ang ngayon." sabi ni Sheen saka tinapik ang balikat ko at dumiresto na sa banyo para maligo.

Bigla akong napaisip .. Hindi na ba nya talaga ko natatandaan ? Sabagay .. 7 years na ang lumipas. 3rd year college nako, at alam ko sya naka-graduate na . Pero diba ? 3 years din kaming mag-best friend.

Kaya lang, iba na nga ang sitwasyon ngayon ..

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

Flashback

[3rd Year Highschool]

"My Lulu !" tawag nya sa akin habang tumatakbo.

"Oh, kala ko may practice kayo sa soccer ?" tanong ko nang makarating sya sa harap ko.

Tinaas nya ang kanang kamay nya para magsabi na saglit lang. Habang ang kaliwang kamay nya ay nakasuporta sa tuhod nya. Hiningal ata dahil sa pagtakbo, di ba naman engot ehh =_______=

"Tara ! may sasabihin lang akong importanteng mahalaga" sabi nya kapagkuwan ay bigla kong hinatak. Takbo kami ng takbo hanggang sa makarating kami ng open field kung saan sila nagpa-practice. Wala nang tao dun, tapos na siguro yung practice nila.

May mangilan-ngilan pang babae ang napapadaan at tumataas ang kilay kapag nakikita kami. Campus figure kasi sya, soccer player din at marami talaga syang fans. May fansclub pa nga ehh !

"Ano ba yung sasabihin mong importanteng mahalaga ?" sabi ko.

Hindi sya sumagot. Sa halip may kinalkal sya sa bag nya at kinuha ito at iniabot sakin. Ganon na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko yon !

DSLR CAMERA ! O___________O

"B-Bat mo binibigay sakin to' ? Teka ! san mo galing to' ? Saka bakit mo ko binibigyan ng ganto ?" sunod-sunod kong tanong sa kanyang nakangiting mukha.

"First. It' my gift to you, remember ? I have no any gifts to you when our birthdays came ?" Yep, parehas kami ng birthday. April 20. May regalo ako sa kanya pero sya wala. Nakalimutan nya. Pero, hindi naman ako nagalit. Nagtampo, oo pero hindi rin naman nagtagal yun.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy sya.

"Second. I bought that ! You think I'm a thief ?" he said then he chuckled. Nakatulala lang ako sa kanya habang tumatawa sya.

"Third. I'm giving this to you for it is my gift to you .." he paused for a while and continue, "and my remembrance" he smiled but that didn't reach his eyes. I saw sadness cross his beautiful eyes.

"Huh ? Bakit remembrance ?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Remember when I went to Myeongdong ? Someone approached me and he offers me something." sabi nya habang nakatingin sa langit.

"Ano bang in-offer nya ?" medyo nahuhulaan ko na. Pero patuloy pa rin ako sa pagtatanong. Malay nyo, joke lang pala nya yon. Mahilig kasi syang mang-good time.

"He wants me to be a trainee in a big group." sabi nya kapagkuwan, "and I accepted it." dagdag nya pa.

"Ohh ?! WOW ! SISIKAT KA NA ! ANG GALING MO ! GANDA KAYA NG BOSES MO !" bulalas ko dahil nabigla rin ako sa sinabi nya. Bukod sa magaling sya mag-soccer, mahusay din syang kumanta. Kaya no wonder nakuha sya ! plus his looks ! perfect !

Ngumiti sya nang bahagya, pero hindi pa rin umabot yun sa mata nya. Bakit parang ang lungkot nya ?

"Oh, ehh bat ang lungkot mo ? SMILE ! Ano ka ba ! sisikat ka na ! kailan ba yung training mo ? ilang months ang training ?" sabi ko nang may ngiti sa labi.

Humarap sya sakin. "Bukas na training ko. Aalis ako papuntang South Korea. Hindi months ang tagal. Years, more or less 5." diretso nyang sagot.

Biglang napalis ang ngiti ko at napalitan ito ng lungkot. Nararamdaman kong malapit nang tumulo ang mga luha ko. Pero pinipigilan ko, ayokong makita nya kong malungkot sa pag-alis nya. Gusto ko makita nyang masaya ko para sa kanya at susuportahan ko sya sa mga pangarap nya. I smiled widely, a FAKE one.

"Ayos lang yon ! saglit lang yan ! pag sumikat ka ako ang number one fan mo ! wag mo kong kakalimutan ahh ! HA-HA-HA" sabi ko sa kanya at ngumiti pa nang mas malapad. Alam ko mukha nakong retarded sa pagngiti at pagtawa ko dahil ang totoo naiiyak nako.

Nakita ko syang ngumiti nang bahagya at tumingin ulit sa kalangitan.

"Silly, I will never forget you little kitty. You're my precious bestfriend. My Lulu" sabi nya. Shet ! gustong-gusto ko na umiyak ! pesteeeee !

"Promise ?!" sabi ko at inilabas ang pinky finger ko para sa pinky promise namin.

"Promise." he smiled and reach my pinky finger with his and entertwined it.

Tinawag sya nang mga team mates nya kaya naman tumayo na sya. May practice pala sila. Tinawag nya lang ako para magpaalam.

Tumakbo na sya pababa. Nang makarating sya sa ibaba, lumingon sya sakin at sumigaw.

"Goodbye ! See you soon ! Please, take care of that camera huh ?! BYE, BYE MY LULU !!" sigaw nya saka tumalikod na.

Saktong pagtalikod nya, nagsipatakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Goodbye, Lu .. see you soon. Sana, makilala mo pa ko." bulong ko habang tigmak sa luha ang mata ko.

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

*Bubble TeaShop*

Tapos na ang klase ko, nandito nako ngayon sa Bubble TeaShop. Nagpalit nako ng uniform, isang above the knee na blue and pink skirt, white long sleeves na hanging polo at roller skates ang suot ko. Ganito ang uniform namin dito, medyo kakaiba. Ok lang, kakaiba rin naman ang pangalan ng shop na to'. Naka-messy bun lagi ang buhok ko na may garterize head band lang. Ayokong nilulugay. Masyadong sagabal kapag nag-aaral at nagtatrabaho ako.

Nagbell na yung sa cashier ibigsabihin may bagong order. Sumigaw si ate Jelle mula sa labas. Waitress lang ako dito.

"One Mochachinno cream and strawberry shortcake, please !" sigaw ni ate Jelle.

"COMING !!" sigaw ko din at kinuha na yung inabot ni Kuya Lance sakin. Sya ang taga-gawa ng mga kakaibang drinks at pastry dito. Boyfriend sya ni Ate Jelle :)

Lumabas nako at pumunta muna sa tapat ng cashier para tanungin ang table number.

"Ate Jelle, anong table number ?" pabulong kong tanong.

"Number 8, Luna." sagot nya. Kaya naman, binuhat ko na yung tray at mabilis na pumunta sa table 8.

Habang papunta ko sa table 8, hindi ko napansin ang babaing nakaharang ang paa sa daraanan ko.

*BLAAAAAAAAAAAG !*

Dahil mabilis ang pag-iiskate ko at napatid pa ko. Dumulas ang tray na hawak ko at bumagsak ito sa sahig kasama ko. Sumakto ang mukha ko sa strawberry shortcake. SHETEEEEEE ! >_________<

"HAHAHAHAHAHAHA !" malakas na tawanan ng mga babae. Kilala ko kung sino ang mga yon. Sila Veronica ! >..< s-hit talaga ! punyatera talaga sa buhay ko yang mga yan eh ! tsk, si Veronica lang naman ang leader ng mga sasaengs at malaki ang galit sakin mula nung highschool kami, f-ck !

Tatayo na sana ko nang may magsalita sa likod ko. Nanigas ang buong pagkatao ko.

"Do you know that I hate bullies ?" malamig nyang sabi kila Veronica. Todo, deny at pagtatanggol naman sa sarili ang ginagawa nila. Kesyo daw, hindi sinasadya ang pagkapatid ko. Kesyo, natawa lang daw sila pero tutulungan naman ako. Utuuuuut ! Neknek nyo ! ngayon manginig-nginig kayo sa takot. Hah ! napakasasama ng mga to'.

Dahil siguro napundi na sya sa kadaldalan ng mga pugita. Kaya pinutol nito ang pagsasalita nila.

"ENOUGH !" mejo malakas na pagsabi nya dahilan para magtinginan ang mga tao sa loob ng TeaShop.

Nagulat na lang ako ng may mainit na kamay ang humablot sa braso ko at itayo ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino sya.

"Tsk." tanging sabi nya lang nang makita ang pagmumukha ko na punong-puno na cake.

May kinuha sya sa jeans nya. Bigla na lang nyang hinawakan ang baba ko para itaas at punasan ang mga dumi sa mukha ko. Nang sa palagay ko ay wala na saka lang ako nagsalita. Lumunok muna ko ng ilang beses dahil feeling ko nawala ang dila ko.

"A-Ahhh .. A-Ano-o , t-thank y-you-u p-po." sabi ko at saka yumuko at tuloy-tuloy na umalis. Dumiretso ko sa banyo at doon naghilamos.

Pagkatapos ko maghilamos ko ay nagtagal muna ko ng ilang minuto. Tumingin ako sa salamin at tumili nang pagkalakas-lakas.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH !!!!!!" walang humpay kong tili. Nakapikit pa ko at nakahawak sa dibdib kong mabilis ang pagtibok.

Bigla naman pumasok si Ate Jelle na may hawak na walis at handa ihambalos sa kung sino man.

"HOY ! SINO KA ?! LUMABAS KA DYAN ! INANO MO SI LUNA HAH ! IHAHAMPAS KITA SA PADER PAG NAHULI KITA !!" bulyaw ni Ate Jelle sa loob ng c.r.

Agad naman akong napahawak sa bibig ko. Shete ! medyo malakas pala ? kala ko mahina lang ehh :3

Lumapit naman si Ate Jelle at sinapat ako kung ayos lang ba ako. Tumango-tango na lang ako.

"Ehh, wala namang pumasok dito." nahihiya kong sabi at kinamot ko pa ako ulo ko.

"Eh, bakit ka sumigaw ?! kala ko may hampaslupang pumasok dito ! jusmiyo naman Luna." nalolokang tanong ni Ate.

"A-Ahhh .. may-may nakita kong ipis ! oo ! tama ! ipis .. lumilipad kaya natakot ako at sumigaw. Pero namatay na sya dahil bumunggo sya sa pader. Ang tanga nya no ?" nagpapanic kong sabi kay Ate.

"Huh ? Ganon ba ? kala ko kung ano na. Osya, sige .. maiwan na kita." nagtataka at kakamot-kamot na sabi ni Ate Jelle.

Nung lumabas si Ate Jelle, saka lang ako nakahinga ng maluwag at napangiti ng wala sa oras.

PAKSHET ! Magkamatayan na pero di ko sasabihin yung dahilan ! XD

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

Wala akong pasok ngayon sa school. Sa TeaShop naman, mamaya pang 4. Maaga akong gumising. Kumain, naligo at nagbihis na ako. Nag-iwan din ako ng sulat sa kamahalan na ngayon ay tulog pa -_____-

Nang mailagay ko na sa noo ni Sheen ang sticky note, kinuha ko na yung pinakamamahal kong camera at gumora na papuntang SMTown. Well ! may practice sila ng Growl ! \^_________^/ dahil sa friday ay may concert sila dito. Shetnessss ! hindi ko kaya ang VIP ! mapa-standing o naka-upo man yan ! dun na lang siguro ako sa dulo. Pero pipilitin ko sa gitna. Kahit dulo basta gitna para makakuha ako ng perfect shot nya ! :D

Pagdating ko sa tapat, as usual madami ang nauna sakin. Kaya naman pumwesto nako sa spot ko. Ang DULO. Kinuha ko ang camera ko at inayos na ang pagkaka-zoom in nito. Tinesting ko pa kung makikita ba at malinaw. Habang iniikot ko sya, may napansin akong bagay sa gilid ng labasan ng SMTown.

SHET ! YUNG LUNCH BOX !

Nagmamadali akong lumapit don. Nagexcuse ako ng nag-excuse. Kahit pa naiipit at nakakarinig ako ng mga masasamang salita sa mga taong nadadaanan ko. Wala akong pakialam, gusto kong makuha yung lunch box at SANA makita itong walang laman.

Nang makarating ako sa gilid, muntik pa kong madapa dahil sa mga paang nakaharang. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin at agad-agad akong pumunta sa may gilid ng labasan at dinampot yung lunchbox saka bumalik ulit sa likod para tingnan.

Nang makarating ako sa likod. Umupo muna ako sa may tabing-daan. Nakatitig lang ako sa lunchbox. Mabigat pa rin kasi sya. Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ko yung tela na nakabalot sa lunchbox.

Nang matanggal ko na yung tela. Lalong nanginig ang kamay ko nang unti-unti kong binubuksan yung lunchbox.

BULLS-HIT ! O________O

Ang linis nung lunchbox ! wala syang laman na kahit ano ! kaya pala sya mabigat dahil sa pictures na nasa loob. Mga polaroid pictures nila ... ng EXO ...

Kinakain nila yung lunch na ginawa ko para sa kanya ! Grabe ! Nakakagulat ! O___O

Yung picture ni Chanyeol ! kinakain nya yung sushi habang naka-v sign !

Si Baekhyun ! pinagdiskitahan nya yung bacon rolls na may petchay ! at pilit pinapalaki ang mata.

Si Kris naman, yung crab sushi ang isinusubo habang naka-ok sign.

Si Kai at D.O nag-aagawan sila dun sa gulay na may konting sabaw. Yun yung nakalagay sa lower part ng lunch box. Actually, malaki yung lunchbox na binili ko. Kasi alam kong laging deliver ang kinakain nya kaya dinamihan ko.

Si Suho at Chen ! XD nag-eespadahan ng chopsticks ! bwahahaha, mukha silang engot promise !

Si Xiumin lalong lumaki ang pisngi dahil punung-puno ng kanin at fried bacon ! XD

Si Lay at Tao ! nakanganga pa habang tinatawanan sila Suho at Chen !

Si Sehun, hawak-hawak yung lunchbox .. na wala nang laman. Teary eyed sya !

Lipat pa ako ng lipat. Hinahanap ko yung kanya. Binali-baliktad ko na rin yung album para lang makita yung kanya. Tiningnan ko na rin sa second layer pero wala pa rin.

Nanlulumo akong napahinga ng malalim. Wala syang picture. Kinain nya kaya tong' lunch ko para sa kanya ? o pinamigay nya lang sa kanila dahil ayaw nya ? Haaaay ..

Tatayo na sana ko nang maalala ko yung last layer at yung note ko kung nabasa nya ba ! Ganun na lang ang gulat ko nang makita sa last layer yung note ko at may kasamang color blue na note din.

"Thanks for the lunch :) They said that it was delicious. Hindi ako nakatikim dahil inubos nila, and para makabayad ako I took pictures of them eating your 'masterpiece'. I hope, it'll make you happy :)"

Kamsahamnida !

- XiaoLu

Para akong tanga dito na umiiyak mag-isa samantalang yung ibang fans hayok na hayok na dahil paparating ma daw sila. Hindi ko sila iniintindi, basta ako may sariling mundo dito. Tinago ko yung note nya sa bulsa ko at tumayo na para umuwi. Masyado nang maganda ang nangyari ngayon, sapat na yun para sakin :)

[×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×][×]

*CONCERT NIGHT !!*

Sabi ko sa inyo diba ? :D sa dulo na naman ako. Pero buti na lang sa gitna ! thank you sa mataray kong best friend na si Sheen ! XD sumingit sya ng sumingit ! HAHAHAHA ! eto na ang concert night ! and eto na rin ang last night nila dito. Aalis na sila, meron pa kasi silang ibang pupuntahan bukod dito. Hindi ko na ulit sya makikita. Kailan kaya sila ulit babalik dito ? Sana naalala nya ko. Nakakalungkot lang, aalis na sila pero ni-isa wala pa rin akong picture nya ! sana magdilang-anghel si Sheen at makakuha ko ng inaasam-asam kong perfect shot !!

Nagsimula na yung concert. Halos lahat nakikisayaw at nakikikanta. Mapa-korean man o Chinese yung kanta sinasabayan nila. Sobrang bilib ako sa mga fans nila. Nagtyatyaga ang mga ito makita lang sila at masuportahan. Hanga rin ako sa sarili ko dahil sa mga pagtyatyaga ko. Kahit pa sa first day na nandito sila MALAS agad ang inabot ko pero naging way pa yon ng pagkakita ko sa kanya ng malapitan. MALAS din nung second day dahil sa nangyari sa Bubble TeaShop, pero napalitan ulit yung ng saya dahil tinulungan nila ako, specially nya. Kung ano-ano pa nasabi ko kay Ate Jelle na bumangga ang ipis sa pader at namatay ! eh, ang totoong dahilan lang naman ay kinilig ako dun sa ginawa nya ! >/////////>

Kahapon ! kahapon ang pinakamemorable sa ngayon. Dahil dun sa mga nakakatawa nilang shots, bwahahahaha. Natatawa na lang ako mag-isa pag naaalala ko. Lalo akong natuwa at napaiyak at the same time dahil sa note nya. Na-appreciate nya yung ginawa ko at tinawag nya pang "masterpiece" kahit hindi sya nakakain, nagpasalamat pa rin sya.

Sana ...

Sana ... kilala nya pa ako.

Sana kilala nya pa si Luna De Guzman. Ang best friend nya mula 2nd year hanggang 4th year highschool. Oo, ahead sya sakin ng one year. Pero naging malapit pa rin kami sa isa't-isa. Napakamemorable nang first encounter namin hanggang sa last. SANA ! SANA TALAGA MAALALA AT MAKILALA NYA PA KO .. Yun lang talaga yung wish ko bago sila umalis~

Papatapos na pala ang kanta nilang "Baby Don't Cry". Siya at si Chen ang kumakanta. Halos lahat tahimik at damang-dama yung pagkanta nila. May mangilan-ngilan na nagpipicture sa kanila. Ako ? kanina pa ko kumukuha nang picture nilang lahat. Pero sa kasamaang palad pag sa kanya ko na itututok yung camera. Laging panget ang shot na nakukuha. Kaya naman tumigil muna ko sa pagkuha. Maya-maya na lang siguro.

Nang matapos ang kanta nila. Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa concert. Yung iba nagpunas pa nang luha nila. Napaiyak sila sa tindi ng emotion sa kanta. May mga sumisigaw na,

"SARANGHAEYO ! WE ARE ONE ! WE ARE EXO !"

at sabay-sabay na magpapalakpakan.

Tumigil ang palakpakan ng bigla syang tumikhim, sign na magsasalita sya. Lahat ng EXO ay nasa likod nya at nakangiti kaya naman hinanda ko na yung camera ko para kuhaan sila. Lalo na sya.

Sumilip ako sa maliit na butas ng camera ko para tingnan kung malinaw. Malinaw sya at maganda ang position nila. Pipindutin ko na sana ang buton sa DSLR nang bigla sya nagsalita ..

"I want to make a short message to my precious Lulu .." sabi nya.

Parang tumigil ang buong mundo ko. Hindi ko inaasahan na maaalala nya yung tawag nya sakin. Bumilis ang pintig ng puso ko.

"Thank you for all your efforts to support us, me specially. I know, iniisip mo na lahat ng efforts mo ay nasasayang dahil hindi namin naa-appreciate. That was all wrong. I appreciate what ever you do. And as for thanking you, I made this short message for you." sabi nya.

Habang nakasilip ako sa camera ko nakita kong nakatitig sya sa direksyon ko. Ramdam ko mula sa mata nya na sincere sya sa mga sinasabi nya. Hindi ko napigilan ang maiyak. Lumuluha ako dahil sa saya, na alam ko hindi nya ko nakalimutan. Hindi ko magawang pindutin ang buton sa camera ko dahil sa sobra kong pag-iyak. Ramdam ni Sheen ang mga hikbi ko kaya pinatatahan nya ko sa pamamagitan ng paghaplos sa likod ko. All this time na akala ko nakalimutan na nya ko ay mali pala. Sobrang mali.

"Kahit na lumipas ang 7 taon hindi kita kinalimutan. Marami man ang nagbago sakin kahit kailan ay hindi magbabago ang samahan natin. Ikaw pa rin ang Ms. Hello Kitty na nakilala ko, ang precious best friend ko, at higit sa lahat ikaw ang Lulu ko .." dagdag nya pa.

Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi nya ang mga salita na yon. Napakatagal kong hinintay na sabihin nya yon. Lahat ng nangyari sakin ay worth it. Lahat ng galos, at pagkabasa sa ulan ay worth it. Lahat ng efforts ko hindi nasayang.

"And for the last time, I'm leaving again but I'm promising you that I will never forget you. Goodbye ! See you soon ! and please ..." nakatitig nyang sabi sakin. Alam ko, alam nyang nandito ako sa dulo.

Kulang ang iniyak ko nung umalis sya kumpara ngayon.

"Don't Cry ..." sabi nya saka ngumiti. Nagnining-ning din ang kanyang mata kaya alam kong masaya sya.

Sakto ang lahat.

Nakuha ko ang mga kasagutan sa lahat ng katanungan sa isip ko.

Nakuhaan ko rin sya ng malinaw. Yung nakangiti at alam kong tunay iyon.

Tumalikod na sila upang bumalik sa backstage. Tapos na ang concert. Lahat ng fans ay naantig sa message nya. Yung iba umiiyak din at sa huling sandali bago sila tuluyang umalis sa stage sumigaw ang mga tao ..

"SARANGHAEYO ! WE ARE ONE ! WE ARE EXO !"

Tiningnan ko yung kuha kong picture sa kanya, at bumulong ..

"Goodbye .. see you soon, saranghae Luhan, saranghae~ .." at muli, pumatak na naman ang luha ko.

That was probably a Perfect shot ..

A Perfect shot From a Far ..

[THE END]

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
julietjinbamlu #1
Chapter 1: Hello nga po pala ^^
kahit gabing-gabi na at 5 pa ang gising ko bukas, tinapos ko to dahil bida ang pinakamamahal ko..
Angganda talaga .
julietjinbamlu #2
Chapter 1: WATDA NAMAN AUTHOR!!! ANGSAMA MO! PINAIYAK MO KO!!!!!! HUHUHUHU.. BIAS KO SI LUHAN EH T^T First tagalog fic na nbasa ko to pinaiyak pa ko :(
Pero angganda :) Nabuhayan ulit ako ng loob oh. May pag-asa kaya??