The Little Things

The Perks Of Being A Fangirl

Dear Stupid Diary,

My name is Alexses.

Yes, it's me again. Dapat yata magpabigay naman ako. But no matter -I need to start this.

Three years ago, I was in love with someone. Nobody else knows about it. Kahit yung mga closest friends ko. I was always the smart one, na minsan lang magsalita, nagpapakopya ng assignments, nagsusulat ng kung anu-ano na ako lang naman ang nakakaintindi minsan. Kaya nga walang nakakaalam eh. I would always be that. Wait. I say three years ago na parang wala na yun ngayon. Hah. I wish. Well, ngayon alam na nila. Pano ko nga ba nailihim yun ng five years? May topak yata ako eh. Pinapanood ko yung mga kaibigan ko na todo spazz over the basketball team, throwing kisses at them, and I sit there cheering for no one in particular. Minsan nakaka-inggit. Para akong hindi normal. 

Enough about me. Let me tell you about him. He's one of the popular boys in school -Kingka? That might be the right term. One of the Elite's of the school. Or used to be, at present time. Palagi siyang nakangiti. It's what caught my attention in the first place. Lalo na yung dimples nya. Hayyyy.... *ehem* Matalino din siya. Sometimes, when his friends goes to the court practicing basketball and pushing each other, he would stay in the benches, or go to the library to have a quiet time.

Odd one out most of the time. Parang ako minsan. Halata naman.

Hmmm.. Dun ko nga siya nakilala eh.

(NAKILALA MO SIYA?????!!!!!!} --oh that's Kevinbabe. Nagulantang lang ng konti. (Konti?! Konti?!)

O////////O Oh, holy f-------rozen peanut butter. Bakit ko sinabi yun?!

(Too late now, ituloy mo na kung ayaw mong ituloy namin pagsapak sayo.)

*clears my throat*

Ayun nga, nakilala ko siya sa library. I was just sitting there, writing a report for English class nung biglang may nadapa sa gilid ko.

-insert meme face here-

Sa sobrang lakas nung sigaw niya, akala ko naman may dumugo na. I remember thinking, ganun siguro ako sumigaw nung hinabol ako ng aso ng kapitbahay namin nung kumupit ng mangga yung  pinsan ko. But that's another story. So, nadapa siya. Ewan ko kung pano. Siguro natisod sa isa sa mga legs ng upuan -we have heavy wooden chairs na sobrang bigat(para daw walang maglabas) -tapos bumagsak face-first sa tiles.

Ouch.

Tumilapon lahat ng libro niya -I remember Advanced Chemistry, Shakespeare Reinvented at isang manipis na booklet. He groaned pathetically. I was about to laugh, but I realized how mean that would be. And that I was in a library. At pag-angat ko ng ulo ko, nakatingin ng masama sa akin lahat ng occupants. WHAT? Like I was the one who screamed like a girl?

KAya no choice ako kundi tumayo at tulungang tumayo yung unggok na tinisod ang sarili. Tanga yata, hindi alam kung gano kasakit bumagsak sa tiles? Buti nga walang nabasag eh.(Concerned ako sa tiles).

Wagas siyang maka -'Thank You' nung nakatayo na siya. ngumiti siya sakin and I looked at him like he was crazy. Hindi ba niya nahalatang napilitan lang ako na tulungan siya?

(Nice first impression?)

'Thanks, uhm -' Halos makita ko na yung question mark sa taas ng ulo niya. 

'Alex,' sagot ko naman. Okay lang naman siguro na malaman niya ang pangalan ko diba? He goes to our school. It's common courtesy. He smiled. 'Thanks, Alex. I'm ---'

Oops.

Sino nga ba siya? Susense muna para ,masaya. 

(Hoy! Walang ganyanan! Si Suho ba?) -si Ruii.Tawa na ng tawa, tapos biglang sumigaw.

Sorry, ganyan ako eh. Basta yun yung nangyari.

(Hayaan niyo na nga lang. First time niya.) -Complement or Insult from Deen.

And fast forward to the present. Or past din.

Well, three years ago, just as when I struck up the courage na umamin sa kanya. We were already friends after all, kahit na magkaiba kami ng circles na tinatakbuhan. He got tall and changed his hairstyle, and started to hang out with the popular peopls. Ako naman, little geek girl padin. Sound too familiar? Don't worry, hindi siguro masyado. Okay. So, pag-amin.

It was Friday, naghanda na ako. By Monday alam na niya -at ng buong campus. 

Hey, hindi ako wagas sa pagka public, pero pag tinamaan ako ng brave sword, all-out ako.

Ready na ko eh. Ready na talaga. Tapos biglang may announcement sa bulletin board na sinundan ng madami pang announcement. Pero iisa lang ang point. Cut off na siya sa Seika High School. Pano? Bakit? Hindi ko alam. Saturday pa pala nakaalis na siya. Lumipat ng school, lumipat ng company. And so goes the proverbial unrequitted love affair.

HINDI NA NIYA NALAMAN.

Napalitan na siya sa group. Nagkaroon na siya ng solo flight. And I'm back to being anonymous, Hindi ko nga alam kung naaalala pa niya ako eh. O kung....

*sighs*

Hanggang dito lang muna, pwede?....

Para suspense talaga.

<3 Lexeii

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet