TPG: Chapter Two.

The Poser Guy

Chapter Two. 

 

-Emery Cali Andrada-

 

"Pak na pak yung pangalan! Sebastian Alec Ortega! Gwapo na nga. Gwapo pa ng pangalan. Siya na!" May taas taas pa siyang effect ha. "Huwag ka ngang maingay." natatawa kong sabi sakanya. Eh nakakatuwa naman kasi talaga. Mukha kasi siyang tanga. Hahaha.

"Tingnan pa natin yung ibang photos niya." excited na sabi niya. "Yuck. Stalker siya." sabi ko sabay higa, at nanuod nalang ng spongebob. "Atleast gwapo iniistalk ko no. Kyaaah! Ang gwapo niya talaga oh! Tingnan mo! Inlove na talaga ako, pero mabait kasi ako. Kaya sayo nalan siya." 

Tiningnan ko naman yung iPad. Mukha namang tao, may mata, ilong,bunganga. Tao nga. Nanuod nalang ako at pianabayaan ko na si Ritten tingnan yung timeline ni...Uh.... Ano na bang pangalan? Basta yung gwapo daw, yun. Nagsisisigaw pa siya. Kahiya naman sa mga katulong na nakakarinig. 

Humiga na si Ritten pero nag-iipad parin. Adik. Jablis.

"Ano bang gusto mo diyan kay Spongebob? Korni kaya." Anong korni? "Hindi siya korni. Hindi mo lang talaga gusto yung mga cartoons movie." 

"Tama ka diyan bestfriend. Kaya matutulog na ako. At maghahanap pa akong ng trabaho bukas." Aba. Seryoso talaga siya sa magtratrabaho siya ha. Sa isang mayamang katulad niya. Nah. Spoiled yan sa nanay at tatay niyan. Kaartehan lang gagawin niyang sa trabaho otherwise mag-ingay. "Nagawa mo na yung resumae mo?"

"Oo naman! Pati yung damit ko ready na! Pak na pak! Goodnight Sissy!" sabi niya sabay halik sa cheeks ko. Sa right side siya ng bed ako naman sa left. "Goodnight." Hanggang sa naantok narin ako. Pinatay ko na yung T.V at nagkumot. Makapag aircon kasi si Ritten. Max, naka number 10 pa. Kainis. 

Tiningnan ko yung iPad ko nasa side table sa right side, sa side ni Ritten. Don niya nilagay yung iPad. Nah. Bukas ko nalang gamitin. Tinatamad na akong kunin.

 

-

 

Pag-kagising ko ng umaga wala na si Ritten kaya eto mga katulong lang kasama ko dito sa bahay. Wala naman akong mapuntahan dito, meron naman pero wala akong kasama. Kaya tambay nalang ako dito sa bahay. Kinuha ko yung iPad ko at nagfacebook.

*Chatpop*

 

Sebastian Alec Ortega: Hi.

Gavva ako ichat nito? Eto ang ayaw ko eh. Tsk.

Emery Cali Andrada: :)

Hindi po ako masungit. HAHA. Masungit lang ako sa mga taong mayabang.

Sebastian Alec Ortega: Well. Hindi ko na itatanong pangalan mo. Halata naman na. So ilang taon ka na?

Emery Cali Andrada: 10 years old.

I lied. Pagtripan ko nga. HAHAHAHA! 

Sebastian Alec Ortega: Really? Wow. You're young. Call me Kuya then.

Emery Cali Andrada: Why?

Sebastian Alec Ortega: Because, I'm 22 years old and you're 10 years old only.

Aba't! Hoy! 20 na ako! Ay. 10 nga pala sinabi ko. Stupid.

Emery Cali Andrada: Whatever. KUYA. Happy?

Sebastian Alec Ortega: Can i have your number?

Agad agad?! Aba KOYA! Hindi tayo close! 

Emery Cali Andarada: Nope. We're not close. And im a kid, so i don't have a cellphone.

Sebastian Alec Ortega: Really? Then.. fine.

Tss.

Emery Cali Andrada: :))

You know. Umma kind person. 

Sebastian Alec Ortega: So, saan ka nag-aaral kiddo? i bet. mayaman ka, halata sa profile picture mo.

Oh crap! Hindi naman pang 10 years old yung mukha ko sa DP ko! Anong katangahan ang ginagawa ko?!!

Emery Cali Andrada: Hahaha. :D Yeah. That's not me. That's my sister.

Another lie again.

Sebastian Alec Ortega: Really? She's gorgeous. 

I know. Im gorgeous. That's me . 

Emery Cali Andrada: Oh? Sasabihin ko sakanya yung sinabi mo. Don't worry.

Sebastian Alec Ortega: Thanks kiddo.

I'm not a kiddo! Ugh. Bakit pa kasi ako nagsinungaling. Ang tanga tanga ko!

Emery Cali Andrada: Stop calling me kiddo. It's annoying.

Sebastian Alec Ortega: You're a brat huh. Tell me about your sister.

Emery Cali Andrada: Sino ka para magbigay ako ng information tungkol sakanya?

Sebastian Alec Ortega: You're Kuya. :))

Emery Cali Andrada: You're annoying! Really!

Sebastian Alec Ortega: Why? Wala akong ginagawa sayo.

Emery Cali Andrada: Whatever.

Kainis na lalaking to! 

"Im home!" sabay bukas ng pinto ng kwarto ko. "Aga mo naman?" 

"Duh bestfriend? Anong oras na kaya?! It:s 3 in the afternoon. Anong maaga don? Wala ka bang relo diyan?" tiningnan ko naman yung phone ko na nasa side table. Alas tres na nga. Anong oras ba ako nagising at hindi ko manlang namalayan yung oras. "Kumain ka na ba?" tanong niya pa ulit. I shook my head. "Tara. Kain tayo sa baba. Adobong manok ulam. Pinaluto ko kaninang tanghalian. Alam ko kasing tatanghaliin ka ng gising! And im right! As always." Tss. Kahit kailan talaga.

"As always. (sarcastic tone) Minsanan lang sabihin mo."

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet