Sa isang sulyap mo

Pansinin mo naman ako

PANSININ MO NAMAN AKO

 

Busy ang lahat sa practice room ng SM Entertainment. Nagpa-practice ang grupong EXO para sa SMTOWN Week na gaganapin sa Disyembre.

 

Tumutugtog ang Growl at tagaktak na ang pawis nilang lahat pero dahil SM Entertainment nga ito, mamaya na ang pahinga. At kahit hinihingal na si Kris, dapat keber lang kasi kahit anong mangyari, dapat pogi sya.

 

Isang oras pa ang lumipas at finally, nahabag din ang managers nila. Binigyan sila ng 30-minute break.

 

"Break time! Pahinga muna. Gawin nyo na lahat ng gagawin nyo. Pagbalik namin, start agad ulit tayo."

 

Ayos, sa isip ni Kris. Makakalapit na sya kay Lay. Pero bago puntahan ang nakababata, kumuha muna sya ng isang bote ng mineral para ibigay dito subalit paglingon nya, kasama na ni Lay sina Xiumin at Luhan (dahil alam naman nating si Lay ang presidente ng Club XiuHan). Nanlumo si Kris dahil nais sana nyang masolo ang pinakamamahal nyang unicorn.

 

"Kris ge, akin na lang yan," sabi ni Tao, nakaturo sa hawak nyang bote kaya walang nagawa si Kris kundi ibigay ito sa kanyang didi.

 

Inaya sya ni Tao na makitumpok sa kanila ni Chanyeol, Baekhyun, Chen at D.O. at sumama na lang sya dahil magmumukha naman syang kawawa kung nag-iisa sya. Pero bilang ito ang Derp Squad ng EXO, panay kalokohan lamang ang kanilang ginagawa kaya lalong nairita si Kris.

 

Pinanood na lang nya ang bawat kilos ni Lay kasama ang kanyang one true pair.

 

"Dali na, ge! Akbay kayo, daliiiii!" pagpipilit ni Lay sa dalawang kasama. "Para pi-picture-an ko kayo!"

 

Nahihiya-hiya pa itong si Xiumin pero game na game naman si Luhan at agad umakbay at nag-peace sign sa cellphone camera ni Lay.

 

"Ayan! Yehey!" Tuwang-tuwa si Lay. "Isa pa! Ibang pose naman!"

 

"Tama na, Lay! Pawis na pawis ako, oh," sabi ni Xiumin. "Luhan, pakilagay nga itong bimpo sa likuran ko."

 

Lalong lumaki ang ngiti ni Lay habang isinusuot ni Luhan ang kanyang kamay sa ilalim ng t-shirt ni Xiumin. Nainggit naman si Kris sa napapanood dahil sana, sya ang nilalagyan ni Lay ng bimpo sa likod. Hay buhay.

 

Kinuhanan muli ni Lay ng litrato ang dalawa. "Ia-upload ko 'to sa Weibo koooo~~"

 

"Uy, huwag na, Lay!" sabi ni Xiumin.

 

"Okay lang 'yun no. Marami kayong shipper, matutuwa ang mga fans nyo."

 

Samantala, lumabas si Chen at napasulyap naman si Lay sa gawi ng pinto. Pagbalik nya ng tingin sa XiuHan, kasama na pala nila si Sehun na ume-aegyo na kay Luhan.

 

"Oh, Sehun--"

 

"Kailangan talaga, pag tinatawag ako, buong pangalan?!" pambabara ni Sehun kay Lay. "Luhannie hyung~~ ilagay mo naman itong towel sa likod ko~~"

 

Dahil malandi si Luhan, ilalagay na sana nya ang twalya sa likod ng maknae ngunit inagaw ito ni Lay.

 

"Bakit mo naman inagaw, Lay?" tanong ni Xiumin. "Hayaan mo nang si Luhan ang maglagay. Picture-an mo na rin sila." Medyo may halong panunukso sa HunHan itong si Xiumin.

 

"Ayoko nga," sabi ni Lay. "Lumapit ka rito, Sehun, at ako na ang maglalagay."

 

"Ehhh~~" nagpout si Sehun. "Gusto ko si Luhannie hyung ang maglagay. Di ka naman marunong eh!" Pero wala na syang nagawa dahil inilalagay na ni Lay ang twalya sa likod ni Sehun. Padabog na lumayo si Sehun, masama ng tingin kay Lay.

 

Hindi pinansin ni Lay ang inugaling ito ni Sehun dahil bumukas na naman ang pinto nang lumabas sina Suho at Kai.

 

"Oh, dali na, pi-picture-an ko na ulit kayong dalawa bago bumalik sina Manager ge," sabi ni Lay sa pagbaling nyang muli kina Xiumin at Luhan.

 

Ah, napagtanto ni Kris. Kaya siguro panay ang tingin ni Lay sa pinto dahil hinihintay nya ang pagbabalik ng mga manager.

 

Muling bumukas ang pinto sa paglabas naman ni Chanyeol, D.O., at Baekhyun at, as expected, nilingon itong muli ni Lay. Bumalik naman si Chen maya-maya pa at automatic nang napalingon ulit si Lay. Limang minuto pa at sina Suho at Kai naman ang bumalik, na pinanood muli ni Lay. Muling hinatak ng pinto ang mga mata ni Lay nang pumasok na sina Chanyeol, D.O. at Baekhyun.

 

"Saan ka pupunta, ge?" tanong ni Tao nang biglang tumayo si Kris.

 

"Ha? Er... sa banyo."

 

"Sama ako! Kanina pa ko naji-jingle eh, kaso natatakot ako kasi wala akong kasama."

 

"Walang nagawa si Kris kundi isama si Tao sa banyo. Gusto sana nya na pag lumabas sya o pumasok, sya lang ang titingnan ni Lay... at hindi naman talaga sya naiihi.

 

Medyo nagtagal si Tao dahil hindi nito maisara ang zipper ng kanyang pants habang gustung-gusto na talaga ni Kris bumalik dahil nasasayang ang mahahalagang minuto na nagtitinginan na sana sila ni Lay. Nang pabalik na sila ni Tao mula sa CR, nagmadali si Kris at nakipag-unahan sa pinto ng practice room. Nakahanda na ang best smile ni Kris para pag ibinukas nya ang pinto, lilingon si Lay at bubungad ang kanyang toothy grin. Dapat talaga, pogi sya. Gusto lang naman nyang mapansin sya ni Lay. Kahit isang sulyap lang.

Maingay na binukas ni Kris ang pinto para agaw-eksena at masigurong mapapalingon si Lay. Subalit nang malaglag ang paningin ni Kris sa lugar na dapat ay kinauupuan ni Lay sa sulok ng practice room, wala na ito.

 

"Sabi ko, 30 minutes lang ang break!" pagalit na sigaw ni Manager ge. "Marami na nga kayong oras para gawin ang lahat ng gagawin nyo, kung magsi-CR kayo o kung ano pa man! Tapos nale-late pa kayo? Nasasayang ang oras! Nade-delay tuloy ang practice! PWESTO NA!"

 

Dyahe. Nagsorry na lang sila ni Tao at pumunta sa kani-kanilang pwesto. Sumulyap sya nang palihim kay Lay upang tingnan kung nilingon man lamang ba sya nito subalit todo stretch na ito ng kanyang arms at legs para sa panibagong round ng practice.

 

"Okay lang yan, Duizhang," sabi ni Luhan, sabay tapik sa kanyang balikat.

 

Better luck next time.

 

 


 

Author's note:

 

1. Ngayon ko lang nai-upload ang mga larawang kumupas na sa tagal ng panahong hindi ko sila in-upload.

2. Fluff dapat ito eh, kaso hindi ko alam kung anong nangyari sa ending.

3. Matibay ang pananalig ko na shipper ng XiuHan itong si Lay at feeling ko, shipper naman ng HunHan itong si Xiumin.

4. Subscribe and comment lang naman, masaya na ko.

 

TheDarkLordInHiding now signing off~ ^^

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
crpdm15
#1
Chapter 1: Awtsuu naman ka Kris. Hahahaha
minggo
#2
Chapter 1: haha Lol,kawawa si krissssss!!!!!!!!!! xDDD
kroongho #3
Chapter 1: Kawawa naman si kris
Justice for kris!!!!!
Kung pwedeng makascore naman si kris sa sequel please?
:)) landi ni luhan. at ni sehun.
annexing
#4
Chapter 1: Omfg lol at this. :))))))))))) kawawa si Kris eh laging nahahatak ni tao lol