Unang Kabanata

Pick-Up Lines ni Sehun

a/n: Hello guys sorry ngayon ko lang na-update ito jusko noh kaloka. Anyway, matagal ko naman ng nasulat itong fic na ito kaso nawawala yung papel na pinagsulatan ko, pero nalagay ko na sa computer yung kalahati. Yung kalahati lang (sad life). Dapat one shot lang siya kaos baka maging dalawang kabanata siya ang sakit sa puso hahaha. ayun lang bYE.

 

a/n: 2017 NA AT HAHAHAHAHHA  DI KO PADIN NAUUPDATE LOL. PERO ETO ISA PANG PAHAPYAW TUTAL SELU MONTH NA NGAYON! <3

______________________________________________________________________________________________________________________________

“Luhan! Luhan!”

 

Hindi lumingon si Luhan  dahil alam niya kung sino ang tumatawag sa kanya at eto ang huling taong gusto niyang Makita.

 

“Luhan. Oy saglit lang!”

 

Binilisan ni Luhan ang paglalakad papunta sa classroom niya dahil ayaw niyang maabutan siya nitong bwiset na lalake sa likod niya. Ngunit naabutan siya nito at bigla siyang inakbayan.

 

“Babe, hintayin mo naman ako oh! Hatid na kita sa classroom mo.” Tinignan ni Luhan ito ng masama.

 

“Tigilan mo nga ako Sehun!” pasigaw na sinabi ni Luhan at itinanggal ang braso ni Sehun sa balikat niya.

 

“Saglit babe, anong ginawa ko? Sorry naman. Idaan natin ito sa maayos na usapan.” Sabi ni Sehun na kunyare nasasaktan.

 

“Pwede tigilan mo na ako? Doon ka sa mga babae mo. Wag ako!” sigaw ni Luhan.

Tumawa lang si Sehun at sinabing “Lulu please, ayoko sa mga panget.”

Tumigil sa paglalakad si Luhan at humarap.

 

“Pwes tumigil ka na kasi isa ako sa mga panget!” sabay walk out ng bonggang bongga.

 

“Ang ganda mo kaya!” sigaw ni Sehun.

 

“Che! I hate you!” sagot ni Luhan habang patakbong naglalakad.

 

“Love you too baby!”








 

“Di ka nanaman ba tinigilan ni Sehun?” sabi ni Kyungsoo habang pinipigilan ang giggle niya.

 

“Bwiset na nga eh. Alam mo yun?” Nginitian lang ni Kyungsoo si Luhan. “Alam mo feeling ko may gusto talaga si Sehun sayo.”

 

“Which is not true. Nangtitrip lang yun.” sagot agad ni Luhan.

 

Dumating na ang teacher nila at tumigil sa paguusap ang dalawang mag best friend.


 

……


 

Naglalakad papuntang cafeteria si Luhan at Kyungsoo ng biglang sumulpot si Sehun sa tabi ni Luhan.

 

“ANO NANAMAN?!?!”

 

“Luhan, bangin ka ba?” tanong ni Sehun.

 

Nagiinit ang dugo ni Luhan. “Hindi, tao ako kaya tigilan mo yan.”

 

“Sagutin mo na bilis!” sabi ni Sehun.

 

“BAKIT?” pasigaw ni sinabi ni Luhan.


 

“Kasi, nahuhulog na ako sayo. BOOM PANES!” nakangiting sinabi ni Sehun sabay inakbayan si Luhan.

 

Nag ayieeee ang mga tao sa paligid at namumula na mukha ni Luhan. Hindi niya alam kung dahil sa sinabi ni Sehun o dahil sa inis kay Sehun. Maybe the latter part.

 

“Uyyyy kilig siya oh!” sabi ni Sehun habang pinipinch yung cheeks ni Luhan, sabay sampal naman ni Luhan sa kamay nito. “Hindi ako kinikilig!”

 

“Geh. Sabi mo kahit pulang pula yang mukha mo”

 

Dahil dito napatakip ng mukha si Luhan. “Pwedeeee ba Sehun..tigilan mo na ako kung ayaw mong isumbong kita at ipakick out ka!!!”

 

“Okay ng ma-kick out basta mahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo.” Sabi ni Sehun.


 

“GRRRRR YUCKKK..DNXBFDMFNM Kadirii ka!! Ayoko sa mga tulad mo!”

 

“Eto naman joke lang. Maka-react naman. Geh..alis na ako. Sabay tayo uwi mamaya ah may date pa tayo.” sabi ni Sehun at nagwink kay Luhan habang papalakad palayo.

 

Nagtawanan ang mga tao dahil sa napanood nilang scene sa cafeteria. At si Luhan naman ay naguusok na ang ilong at tenga sa galit.

 

Tumatawa si Kyungsoo sa tabi ni Luhan. “Ano tinatawa tawa mo?”

 

“Wala po manang! Tara kain na lang tayo.” Hinila ni Kyungsoo si Luhan na naguusok padin ang mukha.


 

……

 

Sa Classroom..

 

“Luhan, may naghahanap sayo.” sabi ng Teacher nila.

 

Tumayo si Luhan at pumunta sa pintuan ng classroom. Pag bukas niya ng pinto eh sinalubong sya ng ngiting napakagwapo na nagmumula kay walang iba kungdi si Oh Sehun. Nang Makita ni Luhan mukha nito nanlaki mata niya at madaling sinara ang pinto kaso hinarang ni Sehun ang paa niya.

 

“Anong kailangan mo?”

 

“Luhan, you’re disturbing the class. You better go out if your conversation will take long.” sabi ng Teacher.

 

“Yes Ma’am sorry po.” At napilitang lumabas ng classroom si Luhan at harapin si Sehun.

 

Nakangiti lamang si Sehun na tipong nakapikit na ang mga mata niya sa sobrang pagkangiti.

 

“Luhann samahan mo naman ako sa Sementeryo!” sabi ni Sehun.

“HA?!? BAKIT?” napasigaw si Luhan. Bakit sino nasa sementeryo?

 

“Samahan mo akong dalawin yung puso kong patay na patay sayo.”

Biglang kumunot ang noo ni Luhan. “inexcuse mo ako dahil diyan?”

 

Tumawa si Sehun. “Seryoso na…may tanong kasi ako eh.”

 

Nagcross arms si Luhan at tinaas ang kilay. “This better be serious. Ano yun?”

“Kung pinagsama ba yung ikaw at ako magiging tayo?”

 

Ibinaba ni Luhan yung kamay nya at tinignan ng nakamamatay na tingin si Sehun. Muling umusok ang mga ilong at tenga pati na ang bibig..

 

Nakangiti padin si Sehun…

 

“OH SEHUN!!!”

 

At bago pa suntukin ni Luhan si Sehun eh nakatakbo na si Sehun papalayo habang tumatawa.


 

Araw-araw ganito si Sehun kay Luhan, minsan pa nga sa locker ni Luhan siya maghuhulog ng letter na may laman na Pick-Up Line(syempre).

 

“I need 3 things in my life...Sun for the day, moon for the night, and you for the rest of my life.” (napaisip pa si Luhan, marunong pala mag english yung mokong na yun)

 

“Handa ako mapaos, marinig mo lang ang sinisigaw ng puso ko”

 

“Nabalian ata ako ng buto...simula ng mahulog ako sa’yo”

 

“Si Justin Bieber ka ba? Kasi U Smile, I Smile.”

 

Hindi alam ni Luhan kung seryoso ba si Sehun sa mga sinasabi niya, pero iniisip na lang niya na baka joke lang ito at trip lang talaga siya ni Sehun.

 

“Luhan alam mo feeling ko talaga bet ka ni Sehun, baka dinadaan lang niya sa ganyan ganyan. Promise jusko kung joke lang yan grabeng pa-fall naman si Sehun” Sabi ng isa pang kaibigan ni Luhan na si Baekhyun isang araw na magkasama silang nag-recess.

 

“di ako na-fall noh.”

 

“wala akong sinasabi. Sabi ko pa-fall si Sehun.”

 

Pero may kaunting porsyento sa katawan ni Luhan na hinihiling niya na sana nga totoo yung sinasabi ni Baekhyun. Medyo dense lang talaga si Luhan, very very slight lang naman. Sa totoo lang, naiinis na si Luhan eh, dahil sa tuwing nagpipick-up line sa kanya si Sehun sa kaloob-looban niya kinikilig siya(very slight lang talaga. AS IN!). Ngapipigil lang talaga siyang ngumite, pero ngiting ngiti siya at ang hearty niya hindi mapakali. May mga butterflies sa stomach niya, hindi niya mapigilan.

 

Subalit pinipilit niya parin ang utak niya na isiping joke lang ang lahat ng ito.


 

.......


 

Naglalakad si Kyungsoo papuntang Guidance para kunin yung IQ Test Result ng section nila ng marinig niyang naguusap si Kai at Sehun sa CR.

 

“Ang manhid manhid niya pre.” Sa paningin ni Kyungsoo ay si Sehun.

 

“Mukha na nga akong tanga kaka sabi ng mga ka-cornyhan sa kanya. Tapos galit pa siya.” Dagdag ni Sehun.

 

“Eh kasi naman bakit sa ganyan mo dinadaan? Baka naman kasi akala talaga niya joke lang” sabi ni Kai. “Kausapin mo kaya ng masinsinan, sabihin mo yung totoo, na ayun nga Mahal mo siya.”

 

“Tapos ano? Sasabihin niya joke nanaman. Wag na lang. Manhid talaga yun!” galit na sinasabi ni Sehun.

 

“Paano yan? Titigil ka na? Weak ka pala eh.”

 

Tumigil si Kyungsoo sa pakikichismis at lumaki pa lalo ang mga malalaki niyang mata.

 

Puta. Sabi na eh...may gusto talaga si Sehun kay Luhan. Puta fam wait a ing minute!


 

......



 

Pag pasok ni Luhan ng school, alam niyang may sasalubong nanaman sa kanyang bagong letter ng pick-up lines sa locker.

 

Pero pag bukas niya nito, walang note na nalaglag at nagtaka si Luhan. Nge.Himala. Baka nanawa na yun.

 

Expected na din ni Luhan na may sasalubong sa kaniya na maingay, maputi at matangkad ng lalake na babanat nanaman ng corny niyang pick-up line. Ngunit wala at nagtaka nanaman si Luhan.

 

Buong araw walang Sehun na bumabanat sa kaniya. Hindi alam ni Luhan sa sarili niya kung bakit hinahanap hanap niya ngayon yung mga pick-up line ni Sehun.....at si Sehun mismo.

 

“O bakit ang tamlay mo?” tanong ni Baekhyun sa kaniya. Magkakasama silang tatlo nina Luhan at Kyungsoo na naglulunch sa cafeteria ng school.

 

“Wala.”

 

“Wehhh? Di ka na kinukullit ni Sehun ano?”

 

Tumango si Luhan sa dalawa at nginitian siya nito.


 

.......


 

Kinabukasan, wala pa ding Sehun na nangungulit at hindi nakita ni Luhan si Sehun maghapon. Pagod na ba siya? Baka nakahanap na siya ng bagong kukulitin. Diba ito naman gusto mo Luhan? Yung tigilan ka niya?


 

Pumunta si Luhan kay Kai at alam nitong siya yung best friend ni Sehun at tinanong niya kung nasaan ba si Sehun. “Hi Kai, absent ba si Sehun?”

 

“Uy Luhan! Oo eh, masama pakiramdam.”

 

“Ganun ba? Okay thanks ah.”



 

.......



 

“Wala pa ding pick-up lines?” tanong ni Kyungsoo

 

“Oo” matamlay na sagot ni Luhan habang kinakain yung kanin at lechon kawali na nasa plato niya.

 

Tumingin si Luhan kay Kyungsoo “Lechon kawali ka ba?”

 

“Bakit?” tanong ni Kyungsoo.

 

“Wala lang huhuhu di ako marunong mag pick-up line Kyungsoo!!!" patampong sabi ni Luhan habang hinihiga ang ulo niya sa may mesa. Natawa si Kyungsoo sa kaibigan niya at hinaplos niya ang buhok nito. Alam ni Kyungsoo yung mga ganito eh, alam na alam niya.

 

"Ano, miss mo na?"

 

Itinaas ni Luhan ang ulo niya mula sa mesa. "Gago"

 

Lalong natawa si Kyungsoo dito.

 

"Aba bakit? Wala namang masam doon ah?" tanong ni Kyungsoo.

 

" Ewan ko sa'yo!"

 

"Eh bakit ganyan ka umasta?"

 

Pinatong ulig ni Luhan ang ulo niya sa kesa at bumuntong hininga. "Kyungsoo hindi ko din alam."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yunjaesh
#1
Chapter 1: update hahaha!!
fromluhan2sehun
#2
Chapter 1: OTL lakas ng tawa ko hahhahahahhaha pagpatuloy mo lang yan sehun bwahahaha
SoSquishy #3
updateew pmfgsbsj
YielWu
#4
Ahhh uppdaatee
luhanderella
#5
OY TEH ANYARE BAT FOREWORD LANG TO I CRY
Hunhannie813 #6
tuloy mo ateng xD