First and Last

A Day with The One I Love

Chanyeol's POV:

Nanunuod ako ng T.V. ng pumunta sakin si baekhyun. 

"Kuya... pwede bang tabo tayo matulog?" tanong nya sakin. Naiirita nanaman ako sa kanya. Nakakainis kasi minsan e. Tanong sya ng tanong ng kung ano- ano.

Tumayo ako tas pumunta ako ng kitchen para kumuha ng tubig na maiinom.

"Ayoko." sagot ko na lang sa kanya. Buti nga lang yan na lang yun nasabi ko e. 

"Kahit ngayon lang. Please..." nagpumilit pa ulit sya. Nakakainis talaga!

"Bata ka pa ba baekhyun? Wag ka ngang umastang para kang bata. Malaki ka na. Naiintidihan mo?" Ayan. Ayan na ang nasabi ko tuloy sa kanya. Nabwiset na ako e. Nagpupumilit pa eh ayoko nga.

"Sorry kuya. Sige hindi na ako makikitulog sayo." 

"Tss..! Para kang bata." pabulong kong sinabi tas bumalik na ulit ako dun sa harapan ng T.V.


Kinabukasan may pasok kaming dalawa. 5:30 ako nagising tas sya natutulog pa. Hindi ko muna sya ginising hanggang sa bumaba na sya sa sala at ako kumakain na.

"Ba't di mo ko ginising kuya?" tanong nya sakin.

"Mahimbing tulog mo. Baka maistorbo pa kita e." sagot ko sa kanyang tas hinipan ko yung kape ko.

"Kumain ka na kuya?" tanong nya ulit.

"Obvious ba? Di ba may pandesal sa harapan ko?" medyo nagaalte presyon na ako.

"Ahh... sabi ko nga po. Sige maliligo po muna ako." paalam nya sakin

Papaakyat na sya sa taas ng muntikan na syang bumagsak sa sahig. Buti na lang nakahawak agad sya sa pader. Tinignan ko lang sya nung mga oras na yun. Bahala sya sa buhay nya. Malaki na sya ehh. Di na nya kailangan ng tulong ko.

"Mag-ingat ka nga!" 

"Mmm!"

After 1 hour natapos na sya sa lahat. Naka ligo na sya, nakapagbihis na at nakapag-ayos narin. Kakain na lang sya. Hinihintay ko syang matapos. Sabay kaming papasok.

"Bilisan mo naman! Ang himbing kasi matulog e. Pati ako ipapahamak mo pag na-late ka. Ako 'tung maaga nagising tas ako pa tung male-late!" Ewan ko ba kung bakit naiirita ako pag nakikita ko sya palage.

"Tapos na po ako. Tara na po." Sabi nya tas tumayo sya kinuha nya yung bag nya. Lumabas kami tas nilock nya yung door.

Habang naglalakad kami may sinabi ako sa kanya.

"Hiramin ko yung libro mo sa Algebra mamaya ha. May rereviewhin lang ako." sabi ko sa kanya habang sya naman hinihimas nya yung ulo nya. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya. Ba't kaninang umaga pa sya nagkakaganyan.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot.


After 5 mins. narating na namin yung school naming dalawa. 15 mins. na lang at papasok na yung prof. namin.

"Psst! Baekhyun. Pahiram na ako." sabi ko sa kanya. Nakayuko ko lang syang nakita nung oras na yun. Inangat nya yung ulo nya tapos kinuha yung libro tas binigay sakin.

"Good Morning, Class." bati ni prof. namin nung pasok sya sa loob ng classroom.

Nagdi-discuss na si prof. habang itong mga kaklase ko kung ano- anong ginagawa. Nasa kalagitnaan kami ng klase nun. Tinitignan ko kung anong ginagawa nya pero wala syang ibang ginagawa kundi ang paglaruan ang ballpen nya na pinapaikot nya sa mga daliri nya. Halatang hindi sya nakikinig. Parang wala sya sa sarili nya. Hanggang sa dumating yung point na tinawag sya ni prof.

"Explain all the details on how it is solve, Mr. Baekhyun na pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri." sabi ni prof. pero hindi sya galit. May concern syang sinabi yun.

Tumayo sya pumupungay yung mga mata nya. Hindi naman sya inaantok pero pumipikit- pikit yung mata nya. Para hindi maganda pakiramdan nya. Parang may sakit sya? Parang ganun.

"A...no po y..un, P..rof?" tanong nya kay prof. Halata nga talagang hindi sya nakikinig.

"Halatang hindi ka nakikinig mr. baekhyun. Ano bang nangyayare sa'yo. Bakit this past few days nawawala ka sa sarili mo. Lagi kang tulala jan sa upuan mo. May problema ba?" tanong ni prof. with concern feeling.

"S...sorry po."

Maya- maya nag ring yung bell so it means tapos na yung klaseng yun. 

"That's all for today. Goodbye class." paalam ng prof. namin

Nagsitayuan na lahat ng mga kaklase ko. Nilapitan sya ni kyungsoo na Top 3 sa section namin.

"Baek okay lang ba?" tanong nya kay baek. Ako naman nakikinig lang habang nakatalikod.

"O..o. O...kay lang ako, K..yungsoo. S..alamat ha." sagot ni baekhyun.

"Okay sige. Mauuna na ako ha." 

"Mmm!" 

Dalawa na lang kaming natitira sa loob ng classroom. Sya nakatayo pa rin, hinihimas nya pa rin yung ulo nya. Nasa akin yung libro nya sa Algebra, hiniram ko kanina.

"Baek ito na nga pala yung lib--- BAEKHYUN!!!" napasigaw ako sa nakita ko. Nakita kong nakahilata si baekhyun sa sahig. Walang malay.

"Oyy baekhyun! Tumayo ka nga jan. Gumising ka!" sabi ko nun sa kanya pero talagang wala na syang malay. Anong nangyayari sa kanya?

Inakbay ko sya papunta sa clinic ng school namin pero wala dun yung nurse na naka assigned dun. That time dinala ko na sya sa mas malapit na ospital sa school namin. 

"Doc. tulungan nyo po ako. yung kapatid ko po hinimatay." sabi ko dun sa doktor na nakita ko.

"Oh sige. Ilagay mo muna sya dito." sabi ni dok tas inilapag ko sya sa open bed para sa pasyente. Nagtaka ako kung bakit ganun yung mukha ni dok nung makita nya yung kapatid ko. "Nurse Kim pakikuha yung vital sign and blodd test ng pasyente at ibigay mo sakin right away. Bilisan mo! Pati yung X- ray room paki ready na rin." utos ni dok na agad namang sinunod nung nurse. 

"Okay po dok."


Almost 15 mins. ng walang malay ang kapatid ko. After ng ilang minuto dumating na yung nurse sa inutusan ni dok. may dalang papers. Ibinigay nya yun kay dok.

"Dok." wika nya.

Tiningnan ni dok yung resulta and ako naman nakatingin at ready ng makinig sa kanya. Ng biglang...

"Nurse Kim! Pakitawag si Chief nurse at sabihin na pakidala itong pasyente sa X-ray room. We need to check this as early. Pag natagalan pa syang walang malay... maaring... maaring 50/50 na ang buhay nya. Bilis! Tawagin mo na!" mabilis na sabi ni dok. Bakit sobra akong kinakabahan ngayon? Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko?

"Lord, wag naman po sana ang kapatid ko. Kahit ako na lang. Please parang awa nyo na po. Lord..." sabi ko sa isip ko kasi wala na akong magawa kundi ang tawagin sya. Humingi ng tulong sa kanya para iligtas ang kapatid ko. Sana ordinaryong himatay lang 'yon. Sana walang masmang ibig sabihin nun.

Maya- maya dumating na si nurse kim at yung chief nurse na pinatawag ni Doctor Cha. Dinala na nila agad yung kapatid ko sa x-ray room. Sumunod ako. Pumasok silang tatlo sa loob habang ako naghihintay lang sa labas. Nanunuod, naghihintay, at nagdadasal na sana maging okay ang resulta ng kapatid ko. 

Ang hirap mawalan ng magulang, oo inaamin ko. Nagagalit ako sa kanya kasi iniisip ko na dahil sa kanya kaya namanatay sila mama at papa. Hindi ko sya pinahahalagahan nitong mga nakaraang taong magkasama kami. Hindi ko sya binibigyang importansya. Lagi akong nagagalit sa kanya kahit na makita ko lang sya, kumukulo na agad ang dugo ko pero sana naman... wag ngayon. Bigyan pa nya ako ng pangalawang pagkakataon at ipaparamdam ko sa kanya kung paano magmahal ang isang kuya. Hindi ko naiparamdam sa kanya 'yon. 

Maya- maya lumabas si dok. 

"Anong pong relasyon ninyo kay Mr. Baekhyun?" tanong ni dok sakin. Kilala nya kapatid ko? Kailan pa?

"Kapatid ko po sya. At... paano nyo po nakilala ang kapatid ko, dok?" 

"Halika ka po sa office at dun tayo mag- usap." yaya ni dok sakin. Sumunod ako sa kanya.

Dumating kami sa office nya at dun kami nag- usap.

"Ano pong pangalan nila?" 

"Chayeol po. Park Chanyeol." sagot ko tas sinulat nya yun sa papel. Ewan, form ata yun. "Ano pong resulta, dok?"

"Sir..."


Inilipat sa si baekhyun sa private room. Pumasok ako sa loob at nakikita ko nanaman yung sitwasyon nung nasa osiptal pa sila mama at papa na naaksidente sa sasakyan. Umiiyak na ako. Tinakpan ko ng kamay yung bibig ko. Ang hirap makakita ng ganitong sitwasyon lalo na kung mahal mo sa buhay. Umupo ako sa upuan sa tabi nung kama.

"Baek bakit di mo sinabi sakin? Bakit sa iba ko pa nalaman? Bakit hindi mo sinabi ng mas maaga. Gumising ka na jan, andito na ako. nandito na si kuya mo. Please nagmamakaawa ako sayo, baekhyun. Wag ngayon... Wag. Bigyan mo ako ng 2nd chance at ipaparamdam ko sa'yo yung totoong ako. Please... wag mong iwan si kuya ng maaga. Mabubuhay pa tayo sa lob ng 20 years... 30 years... kung pwede nga lang forever na e. Baekhyun... please pagbigyan mo si kuya. Kahit ngayon lang... kahit ngayon lang." Umiiyak na ako habang hawak ko ang kamay nya. Nakayuko ako sa kama ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko... si baekhyun.

"Kuya... wag ka na pong umiiyak. Tama na. Di ba ayaw po kitang nakikitang umiiyak? Shh..." sabi ni baekhyun sakin habang tumutulo ang mga luha nya. "Kuya sorry kung di ko nasabi sa'yo. Nag-alala lang kasi ako na baka mag-alala ka pa sakin pag sinabi ko pa. Baka magalit ka pa sakin at sabihin mong nagsisnungaling lang ako para maging malapit ulit tayo. Kuya... nami-miss na kita ng sobra. Miss na miss na kita... Hanggang dito na lang siguro talaga kuya... hanggang dito na lang siguro talaga. Makikita ko na sila mama sa heaven at wag ka mag- alala magpapaalam ako kay God, mama, at papa na babantayan kita. Promise ko 'yan sayo." sabi nya na para bang ngayon na sya aalis. Na para bang ngayon nya na ako iiwan. 

"Ano ka ba? *sobs* Matagal pa tayong magkakasama. Baek patawarin mo si kuya ha. Sorry sa mga hindi magagandang ginawa ko sayo. Sorry kung lagi nagagalit si kuya sayo. Lagi mong tatandaan 'to ha. Mahal na mahal ka ni kuya. Lagi kang nandito at dito." nangingiyak sa sabi ko. Tinuro ko ang puso ko at isip. Lagi syang nandito sa dalawa at kahit kailan ay hindi sya mawawala. 

"Kuya. Kuya ano ka ba? Matagal na kitang pinatawad. Mahal na mahal kaya din kita. Alam kong alam mo po yun." sabi nya sakin. Oo matagal ko ng alam yun pero dahil nga sa hindi ko sya binigyan ng importansya ay ngayon ko lang naiparamdam sa kanya. Kung kailan huli na nag lahat. May taning na ang buhay nya. Pwedeng mamaya, bukas, o sa makalawa na sya kunin. 

"Pwede bang mag-request baek?"

"Ano yun kuya?"

"Pwede bang matulog ako ngayon sa tabi mo? Kahit ngayon lang, please..." sabi ko. This time ako naman ang magre-request sa kanyang tabi kami matulog.

"Mmm!" sagot nya. Ngumiti naman ako at tumabi agad sa kanya. Tabi kami matutulog ng kapatid ko. 

"Tulog ka na ha, para bukas ipaghahain kita ng pagkain mo. Papaliguan kita at... ipapasyal kita sa mga lugar na gusto mong puntahan." sabi ko bago kami matulog na dalawa.

"Goodnight kuya." 

"Goodnight din. Love you bunso." niyakap ko sya ng mahigpit tapos niyakap nya rin ako. "Love you din kuya..."

Umiyak na ako ng sobra- sobra nung time na habang niyayakap nya ako... bumagsak na yung kamay nya and nung tiningnan ko yung heart beat nya. Flat na. Nakita kong nakapikit na si baekhyun. Yun yung huling words na narinig ko sa kanya. "Love you din kuya..." Gusto ko pa sana marinig sa kanya yung mga words na yun ng matagal pero... huli na e. Wala na akong magagawa.

"Baekhyun!!!" hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko.

 

Hindi ko matanggap na wala na si baekhyun sakin. Isang araw lang ang ibinigay sakin para iparamdam ang pagmamahal ko sa isang taong pinakamamahal ko simula nung bata pa ako.

A Day with The One I Love. 3 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mermaid_monkey13 #1
Chapter 1: nakaka iyak naman *sobs* ang cute ni BaekHyun dito.