Chapter 5

Destiny

Ngayon mas maaga ka ng nagigising simula nung araw na yon. Nadala ka na at ayaw mo na ulit malate lalo na kung alam mong may quiz kayo o ano pa man. Dati si Zelo ang naghihintay sayo, pero simula nung araw na yon, ikaw na ang naghihintay sa kanyang dumating. Tunay ka nga namang natuto sa iyong pagkakamali. Naniniwala ka sa kasabihang, 'Kung ikaw ay naglalakad at nahulog ka sa kanal ay aksidente lang, pero kung maulit itong muli eh ikaw na ang dakilang tanga.' at 'Once is enough, twice is too much.'

Habang naghihintay kay Zelo, naisipan mong mag twitter muna. Since hindi ka masyadong nagtagal kagabi dahil natulog ka agad.

"Hmmn.. Anong balita ngayon?" Tanong mo sa sarili mo. At yun ka, scroll scroll lang. Sumasagap ng balita tungkol sa mga asawa mo, I mean sa B1A4. Hindi ka na masyadong nagiging active ngayon dahil sa studies mo. At dahil dun nadedepressed ka sa tuwing naaalala mong ang dami dami mong nalalagpasang updates *sigh* At ayaw mo ang feeling na yun, feeling mo tuloy wala kang kwentang fan.

*No!!!!! Kailangan kong maging active ulit! Alang-alang kay hubby!! at sa mga babies namin!* Iniisip mo. At habang iniisip mo ito. Naiimagine mo si Jinyoung~ Si Jinyoung na may sweet smile that can melt you~ *Omg!* "Ahh~~ How cute~~" Ito lang ang masasabi mo. Para ka tuloy ewan dahil ang mukha mo ay nakakatawa habang nagiimagine. Daydreaming, umagang umaga. Yan nagagawa ng boredom.

"OH!! ASDFHJKL!! REPLY 1994!! BARO BARO!!" Sigaw mo. Nabulabog tuloy ang nanay mong nasa kusina. Ingay mo talaga! "Yeonnie~ Kalma lang. Baka atakihin ka niyan." Pabiro niyang sinabi pero ang kalma ng pagkakasabi niya.

Syempre, bilang isang mabuting anak, kumalma ka naman kahit papano. Sumisigaw ka nalang ng walang tunog. lol At patuloy na nagtu-tweet.

"Aish! Kasalanan to ni Zelo eh! Bakit kasi ang tagal niya!" Sabi mo na naiirita na pero patuloy parin sa pagtu-twitter.

"Sinong matagal?" Narinig mo siyang nagtanong. Kilala mo na kung sino siya. Walang iba kundi si Zelo.

"Ikaw? Alangan naman ako diba?" Sagot mo sa kanya. Habang niro-roll mo eyes mo. Natawa si Zelo sa actions mo kaya pinitik niya noo mo. Bakit ang hilig niyang pitikin ka sa noo?! Ang sakit kaya nun!

"Aw! Aish! Masakit un ah!" Sinabi mo sa kanya habang niru-rub mo ung noo mo.

"Whatever. Tara na?" Sabi niya sayo sabay talikod. Habang nakatalikod ka pasikreto kang nagsmile :). At sinundan mo siya palabas.

Ang hindi niyo alam, pinapanuod kayo ng ina mo na nakatayo sa kusina. Napailing nalang siya at napabuntong hininga.

At nung nasa may labas na kayo sinigaw mo ang paalam mo sa iyong ina. At ganun din si Zelo.

Ngayon, normal ang lahat. Hindi mo kailangan magmadali, feeling mo safe ka dahil andiyan si Zelo sa tabi mo.

Nang makarating na kayo sa room niyo, pumunta na kayo sa respective places niyo. Sinulyapan mo si Zelo, nakaupo na siya, tumitingin sa labas ng bintana habang hinihintay niyo teacher niyo. Ang ganda niyang pagmasdan. Para bang nasa langit ka sa scene na nakikita mo. Ang calm calm lang talaga. *waah~ parang angel siya~~* Iniisip mo.

Wala ka na naman sa sarili mo. Hindi mo napansin na nasa harap na teacher mo. May kasama siyang new 5 students.

"Ok class, Sila yung bagong students dito. Ok, kindly introduce yourselves." Sabi ng teacher niyo. Habang ginegesture niya ang lima na mag introduce isa isa.

"Waaaaaiiit~!!" Sabi ng isa na galing sa labas. Hinihingal.

"Aish! Hyung! Late ka na naman!!" Sabi nung isa, pero hindi mo sila napapansin dahil busy ka pa sa pagpapantasya mo.

"Sorry sir! Hindi na po mauulit." Sabi niya sa teacher mo habang kinakamot niya noo niya. Ok. Hiya siya. Pero nadivert ung mata niya sayo. At napangiti siya sa sarili niya.

*Sa wakas, makakasama na rin kita.* *smirk smirk*

 

 

~~~~

Chapter 5 :) ahihihi ai para akong tanga. lol btw enjoy~ (kahit boring)

Sa susunod na chapter magsisimula ang lahat. lol

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)