Chapter 3

Destiny

Ngayon ay Linggo ng umaga, at ayaw mo ito, dahil ibig sabihin nito ay Monday na naman bukas. Ayaw mo talaga ang pag-aaral. Pero wala kang magagawa. Kung hindi lang talaga nakakahiya ang walang pinag-aralan eh hindi ka na talaga mag-aaral. Hindi naman sa tinatakwil mo ang paaralan, sadyang ayaw mo lang talagang gumising ng maaga at buong hapon na nakaupo.

Sa totoo lang, ikaw ang isa sa mga excellent student sa buong school. Take note. BUONG SCHOOL~ Hindi ka magiging excellent kung hindi ka matalino. Syempre matalino ka, kaya nga tamad ka na eh. Pero hindi yun dahilan para mag-absent ka o hindi ka na makikinig sa iyong guro. Syempre good manners mayroon la din. Nirerespeto mo ang iyong mga guro. At ang lahat. Gusto ka nga ng lahat sa school eh. Hindi mo lang alam.

Tamad kang bumaba ng hagdanan at dumiretso sa sala, umupo ka dun at binuksan mo ang T.V. Nagulat ka pagkabukas ng T.V. Nagsisisi ka bakit late ka bumangon. Tiningnan mo ang iyong orasan.

"aaaahhhhh!!!!!!!" Sumigaw ka ng sumigaw. Nagwawala ka at umiiyak sa sobrang inis. Bakit? Kase...

"Yeonie! Ano nangyari sayo? Bakit ka sumisigaw? Ah! Bakit ka umiiyak?!" Nagapa-panic na tanong ng iyong mahal na ina. Mahal ka masyado ng iyong ina. Halos mahulog siya sa hagdanan habang bumababa siya para puntahan ka dahil narinig ka niya.

"Omma!!! Hindi ko naabutan yung Inkigayo!! Hindi ko sila napanuod! Huhu" Umiiyak mong sinabi sa ina mo. At ang nakakagulat eh..

"Ano?! Bakit anak? Dapat gumising ka ng mas maaga. Kawawa ka naman~" Naiintindihan ka ng mga magulang mo. Nalulungkot sila para sayo kung may namissed ka mang gawin.

Eh? Bakit ganito itong pamilya nito? Hindi ba masyadong exaggerated? Hindi lang makanuod iiyakan na? Parang ikamamatay lang?

Well, Medyo O.A nga. Hayy~ pero ganyan sila. Wala tayong magagawa. Ini-spoiled si Jiyeon ng mga magulang niya. Dahil ang pananaw nila ay bibigay nila lahat ng gusto mo, ayaw nila na maramdaman mo ang naramdaman nila noong sila ay kasing-edad mo. Kahit na spoiled ka. Tinuruan ka naman nila ng mabuti. Alam mo ang tama sa mali. At isa kang napakabuting tao, masunurin at mapagmahal na anak.

"Next time kasi, don't oversleep. Para maiwasan natin ang ganito" Nakangiting sinabi sayo ng ina mo.

Napakabuting ina hindi ba? Sa pagkumporta niya sa iyo, ikaw ay huminahon. Kaya naisipan mong panuorin nalang ang performance ng B1A4 sa youtube.

Sa araw na ito, naubos ang oras mo sa harap ng computer. Uhm to be honest araw-araw talaga. Sporty ka rin kasi. Favorite sport mo ay Surfing! Ay, sport ba yun? Sa paglipas ng oras, nararamdaman mo na ang mga mata mo ay unti-unting napapagod at napapagod hanggang sa makapunta ka sa dreamland.

 

 

~~~~

Chapter 3 :) Naedit na!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)