Chapter 12

Meant To Be Together

“YOU’VE been avoiding me.”

 

Hindi makatanggi si Kim sa akusasyon ni Gerald sa kanya. Magkasama sila sa loob ng sasakyan nito. Halatang inabangan siya nito ng hapong iyon.

 

Nitong huling dalawang araw  ay iniiwasan niya talaga ito. Madalas siyang lumabas para hindi siya nito mapuntahan sa dorm, madalas niya din patayin ang phone niya. Hindi iyon dahil gusto niyang sundin ang utos ng ina nito kundi nais lamang niyang makapag-isip-isip muna sandali. Nais niyang tantyahin ang panahon at palipasin ang sama ng loob niya. Hindi rin kasi niya alam kung paano pakikiharapan si Gerald matapos niyang makipag-usap sa ina nito.Kung hindi pa nito alam ang tungkol doon, ayaw niyang siya ang magsabi rito.

 

“I know what happened,” sabi nito nang hindi siya tumutugon sa unang sinabi nito.

 

Napatingin siya rito. “Anong nangyari?” patay-malisyang tanong niya.

 

‘Don’t act that way, please. Alam kong ipinatawag ka ni Mommy at kinausap.” Bakas na ang inis sa tinig at mukha nito. “Bakit hindi mo sinabi sakin? It has been two days.”

 

Nagbaba siya ng tingin. “Paano mo nalaman? Sinabi ng Mommy mo sayo?”

 

“No. Aksidente kong narinig ang kuwentuhan ng sekretarya ng presidente ng university at sekretarya ng dean. Are you okay?”

 

“Oo naman,” tugon niya.

 

“Then why are you avoiding me? Sinabi ba ni Mommy na iwasan mo ako?”

 

Napatingin siya rito. “Alam mong sasabihin yan ng Mommy mo sa akin? Alam mo mula nung una palang na hindi ako magugustuhan ng Mommy mo para sayo? Bakit nagawa mong magsinungaling? Kaya pala kahit minsan ni hindi mo ako napakilala sa mga magulang mo, ang dami mong alibi.”

 

“Gusto lang kitang protektahan.”

 

“Hah!” sambit niya. Bumangon ang inis sa dibdib niya para dito.

 

Hinila siya nito at niyakap. Hindi siya gumanti sa yakap nito. “Huwag mong intindihan si Mommy. Ganoon lang talaga yon, wala siyang magagawa sa nararamdaman ko.”

 

“Paano ko hindi iintindihin, eh, nanay mo yon?” Marahas na itinulaak niya ito palayo sa kanya.

 

“Wala nga siyang magagawa. Ano ba ang palagay mo sa akin, bata na kailangang laging nakasunod sa nanay ko?”

 

“Oo!”

 

He sighed. “I know you’re upset. I’m sorry. Kung ano man ang sinabi ni Mommy, kalimutan mo nalang.”

 

“Para namang ganun lang kadali yun, kung mabaligtad ang sitwasyon natin, ikaw ang mahirp at ako ang mayaman, pano kung lait-laitin ka pati ang pamilya mo. Kakalimutan mo nalang ba basta yun?”

 

“Ganoon lang talaga siya. She’ll come around. I know. Ayaw lang kasi niyang hindi umaayon sa plano niya ang nagaganap. She wanted someone else for me. Yung kababata ko. Ayoko naman doon. Ikaw ang gusto ko at wala na siyang magagawa roon.”

 

“Paano kung sabihin kong gusto ko siyang sundin para wala nang gulo? Paano kung makipagbreak ako sayo?”

 

“Don’t you dare Kim. Hindi ako papayag. Pipilitin pa rin kita. Hindi ka puwedeng umalis sa tabi ko. Hindi ka puwedeng makipaghiwalay saakin. I’ll follow you like a shadow. Kahit saan ka pumunta, susundan kita. Hindi kita lulubayan. Kahit sa impyerno ka magpunta, susundan kita.”

 

Kitang kita niya kung gaano kapula ang mukha nito sa galit. Pinigil niya ang sarili na mapangiti sa sinabi nito. Tila lumobo ang kanyang puso. Kaagad natunaw ang tampo niya. Pinigilan na muna niyang halikan at yakapin ito. Gumana nanaman ang kapilyahan niya. Pinagtripan niya pa ito ng kaunti.

 

“Paano kung alukin niya ako ng pera para lumayo sayo?” panunudyo niya. “Alangan namang hindi ko tanggapin, eh pera yun.”

 

“Kimberly Chiu!” may babala sa tinig nito.

 

Hindi na niya tuloy napigilan ang paghagikgik niya. She kissed his lips. “Pasalamat ka, mahal kita.”

 

Napangiti na ito. Niyakap siya nito nang mahigpit.

 

“Everything will be all right. Trust me. I’ll make everything all right for you. Don’t think too much. Don’t run away. Don’t take any money. I’ll give you more someday okay?”

 

“Kung masalita ka para namang mukha akong pera, jinojoke lang naman kita kanina.”

 

“I know, just say okay and kiss me”

 

“Okay” and she kissed him. Ipinagkakatiwala niya ang lahat dito, lahat-lahat. Naniniwala siya sa mga sinasabi nito.

 

***********************************************************

 

PALAPIT na ang pasko. Uuwi na din si Kim sa kanila sa isang linggo. Doon siya mag ce-celebrate ng pasko kasama ang kanyang ina. Hindi man niya makakasama si Gerald sa mismong araw ng pasko, masaya na din siya dahil sa kanila naman ito mag ce-celebrate ng bagong taon.

 

Mapapaaga din ang uwi niya sa kanila dahil sa itinawag sa kanya ni Kikay. Ayun dito may pumunta daw sa kanila na taga bangko at iilitin ang bahay nila na pagmamay-ari ng kanyang ama. Ginigipit na din sila ng mga pinagkakautangan nila. Malakas ang kutob niya na may kinalaman ang reynang si Glydel sa problema nila ngayon. Alalang alala siya sa kanyang Mama dahil wala siya doon. Wala naman siyang magawa dahil hindi pa siya makabili bili ng ticket noon, ayaw niya ding sabihin kay Gerald. Wala nang ikakapal ang mukha niya sa lahat ng tulong na nahihingi niya dito.

 

Lumabas siya upang magtapon ng basura nang may humintong sasakyan sa may tapat niya. At talaga namang umusok ang tenga at ilong niya ng bumukas ang bintana ng backseat at makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Ang bruhang magandang mahal na reyna Glydel.

 

“Get in,” utos nito sa kanya sa malamig na tinig.

 

Gusto na niyang mapaungol. Anak ng tikling naman oh, wala na bang katapusan ang mga problema niya, dumagdag nanaman ang bruhang reyna na ito. Wala na siyang lakas, halos araw-araw na nga siyang gumigising na ganun, hindi niya alam kung ano nanaman ang problema ng katawan niya, bakit ba kasi siyang ipinanganak na sakitin, araw-araw nalang siyang parang liyong ewan.

 

“I said get in. Don’t make me say it again, hija,” anito.

 

Napabuntong hininga siya bago sumunod dito.

 

“Bakit po?” tanong niya dito nang makasakay  na siya.

 

“We’ll talk at my place. I want to end this once and for all. I wanted to play with you but I don’t have that much time. Ayoko ng magsayang pa ng oras sa isang katulad mo.”

 

Nanahimik nalamang siya at hindi na sumagot.

 

Dinala siya nito sa isang marangyang mansiyon. Pinigil niya ang sarili na wag mamangha sa nakikita sa paligid. Pero ayaw niyang masyadong tignan ang karangyaan doon dahil lalo lamang niya natatatak sa isip niya kung gaano sila mag-kaiba ni Gerald.

 

Dinala siya nito sa reception room. Pakiramdam niya ay pumasok siya sa palasyo. Baroque ang style ng silid. Magaganda ang mga furniture at naglalakihan ang mga chandelier. Classic ang motif ng carpets at candleholders. Intricate ang mga frieze sa itaas ng walls.

 

Umupo na lamang siya sa isang magandang upuan. Pero ramdam niya ang panliliit sa mga nangyayari.

 

“Ano pong pag-uusapan natin?” tanong niya.

 

Sa halip na sumagot agad, inutusan nito ang isang katulong na ikuha sila ng maiinom. Tsaka ito umupo sa harapan niya, pati ang pag-upo nito ay sobrang poise, eleganteng elegante.

 

“Nakarating sakin na malapit ng ilitin ng bangko ang bahay niyo sa Cebu, masyado na din kayo ginigipit ng mga pinagkakautangan niyo. Nalaman ko din ngayon-ngayon lang na isinugod nanaman pala sa ospital ang nanay mo. Anong nararamdaman mo ngayon?”

 

Nanlaki ang kanyang mga mata. Sinasabi na nga ba niya na may kinalaman nga ito sa problema nila. Pero mas nabigla siya sa sinabi nito na isinugod nanaman ang Mama niya sa ospital. Dahil siya ay hindi niya pa alam ang tungkol doon. Naunahan pa siya ng reyna malaman, gusto niya tuloy mapaiyak.

 

“M-may… may kinalaman kayo sa---“

 

“Nangutang kayo dapat lang na magbayad kayo. Hindi ko naman kasalanan yon hija, at lalong wala akong kasalanan sa pagkakasakit ng nanay mo. Tanging ginawa ko lang ay bayaran ang mga pinagkautangan niyo na mas gipitin kayo, pati ang bangko. Alam mo ding kaya kong gawing kausapin ang doctor ng Mama mo na wag ituloy ang operasyon na mangyayari sa Mama mo kapag hindi kayo nakapagbigay ng pera agad.”

 

Hinang hina siya sa mga narinig, lalo na ang tungkol sa kanyang ina. Wala siyang magawa ng mga sandaling iyon. Wala ng sing sasama pa sa tulad nito. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.

 

Nasan na ba si Gerald? Naniwala siya sa pangako nito na aayusin nito ang lahat. Nagtiwala siyang kaya siyang protektahan nito. Nasaan ba ito kung kalian kailangan na kailangan niya ito. Wala man lang ba tong ginagawa para sa kanya? Hindi man lang ba ito kumikilos?

 

Ngumiti ang reyna. Sa uri ng ngiti nito ay panalo na ito.

 

“Alam mo ang kayang ko pang mga gawin kapag patuloy mo akong kakalabanin.”

 

“Bakit niyo po ba ginagawa to?” nanghihinang tanong niya. “Ano bang naging kasalanan ko sa inyo?”

 

“Ipinanganak kang mahirap.” Simpleng tugon nito. “Hindi ko inalagaan ang anak ko para lang mapunta sayo.”

 

Wala na talagang mas sasama pa sa ugali nito. Sobra na, kung papipiliin siya mas gusto na niyang ganito siya, kesa maging katulad nito na ubod naman ng sama ang ugali. Hindi na siya nakakibo sa sinabi nito.

 

Bumalik ang maid at dala-dala na ang inumin nila.

 

“Ma’am nandiyan na po si Sir Gerald” sabi ng maid na nagdala ng kanilang inumin.

 

Agad na nabuhayan siya ng loob ng malamang nasa labas si Gerald. May magtatanggol na sakanya, may kakampi na siya.

 

“Sinabi mo bang may bisita ako?”

 

“Opo pero hindi naman naitanong kung sino, basta ang sabi niya lang kakausapin niya daw po kayo pagkatapos ng bisita niyo.”

 

“Sabihin mong pumasok siya rito.”

 

Tumango at umalis na ang maid. Binalingan siya ng matanda.

 

“Go inside that room, I want to talk to my son for a short while. Don’t worry, you can listen to our conversation from there.”

 

Nilingon niya ang itinuro nito. May isang pinto malapit sa kanila. Ayaw na sana niyang pumunta doon dahil gusto niyang makita si Gerald, pero naisip niyang dapat lang na bigyan niya ng kaunting oras na makapag-usap nang sarilinan ang mag-ina.

 

Tahimik na pumasok siya sa loob ng silid. Hindi na siya nagkararoon ng pagkakataong alamin kung ano ang silid na pinasok niya. Sumandal siya sa pader malapit sa pintuan na hindi niya gaanong isinasara para marinig ang pag-uusapan ng mga ito. Gusto niyang marinig kung paano siya ipagtatanggol ni Gerald. Gusto niyang dagdagan pa ang rason upang ipaglaban ito. Nais niya pang higpitan ang kapit dito.

 

“Mom,” narinig niyang bati ni Gerald sa nanay nito. Pormal na pormal ang tinig nito.

 

“Rj, hijo. What a pleasant surprise. Hindi mo sinabing uuwi ka ngayon. Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat ay nasa opisina ka ngayon? Mapapagalitan ka ng ama mo niyan.”

 

“We need to talk, Mom.”

 

“We’re talking now. And what’s with that voice? Why are you so formal?”

 

“I know what you did. I know what you’re doing. And I know what you will do next. Please stop. I’m begging you. Leave Kim and her mom alone. Ako rin po ang nahihirapan sa ginagawa n’yo.”

 

“Lumiban ka sa trabaho at nagpunta rito para lang sabihin  sakin yan?”

 

“Mom, you love me right? Please let me, okay? Huwag na po kayong makikialam sa mga ganitong bagay, nakikiusap po ako sa inyo.”

 

“I love you, Rj. That’s why I am doing this. I don’t want you to associate with that kind of woman. She’s a nobody. Hindi siya nababagay sa isang katulad mo. You can’t love that kind of woman. You deserve someone better.”

 

Bumuntong hininga si Gerald. “You’ve misunderstood, Mom. Sana ay tinanong n’yo po muna ako bago kayo kumilos. This is embarrassing, you know. Sa ginawa n’yo, nagkaroon siya ng impresyon na mahal na mahal ko siya. Na seyosong seryoso ako sa kanya. Mahihirapan akong makipaghiwalay niyan.”

 

“What?”

 

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan na maririnig niya iyon mula kay Gerald. Talaga bang nangggaling dito ang mga katagang iyon? Si Gerald ba talaga ang nasa labas at kausap ang ina nito? Baka naman nagkakamali lang siya.

 

Sinilip niya ang mga ito upang makasiguro kung si Gerald nga ang naroon.

 

“You really believe I’d become serious with her?” pagpapatuloy ni Gerald.

 

“You know me better than that Mom. I was bored with my life. The girls you introduced to me were boring and predictable. When I met her, I thought maybe a poor girl could spice up my life. I wanted to try something different. I have to admit, chasing her was kind of fun. She’s really an amazing girl. But it’s not as if I’m gonna marry her. I’m not gonna spend my whole life playing with her. Alam ko kung sino ako. Alam ko kung anong klaseng babae ang nararapat kong pakasalan. I’m an heir to a vast fortune, and I’m not stupid to fall for someone like her. So please stop acting this way. Pinapahirapan n’yo po ako. This is just temporary, Mom. I’ll break up with her eventually. Don’t make it hard for me. Let me have fun for a while, okay? Let me play and enjoy my life. Hindi magtatagal, lalaki na ang responsibilidad ko. Mawawalan na ako ng panahon upang makipaglaro. Don’t worry, I may find her amazing and amusing now but I’ll eventually get over it. Magsasawa rin ako sa pakikipaglaro sa kanya.”

 

“I may feel something special for her now but I know it won’t last. Hindi iyon mauuwi sa totoong pag-ibig. Ipagpalagay na  po nating mahal ko po siya. Sa palagay nyo ba ay kaya kong tumagal sa mundo niya? Mula pagkabata nasanay na ako sa karangyaan. Iiwan ko rin kaagad ang mundo niya. Kahit pa marahil na totoong ma-inlove ako sa kanya, hindi kayo dapat nagaaksaya ng panahon sa kanya. Kahit pa sabihin kong kaya kong talikuran ang lahat. I’ll still go back to my old world because eventually I won’t be fascinated by the world of the poor anymore. Kapag naranasan ko na ang totoong hirap, I’ll blame her and leave her, too. Do you get what I’m trying to say? I don’t love her that much. She’s just plaything.”

 

“Are you serious?”

 

“Of course. Why would I fall in love with someone like her? So don’t wont waste your time and effort. Don’t let her mom suffer because I would feel terribly guilty. It’s like you’re forcing me to stay with her, to comfort her. Obligado pa akong ipagtanggol siya sa ginagawa nyo. I’ts a hassle and waste of my time too. Ang dami kong iniisip at inaasikaso kaysa rito.”

 

“I don’t know what to say hijo.”

 

“Just promise me you’ll stop now. Hayaan nyo lang po muna ako. Please, don’t complicate things even more.”

 

‘Sure, Rj. Rest assured I’m going to stop now. I won’t stoop so low. Not ever. Mali rin ako. Kung alam ko lang na ganyan pala ang nararmdaman mo, sana ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Oh, well, I enjoyed it, anyway. Matagal na rin walang nangyayaring exiting sa buhay ko.Kahit papano ay ay may nangyaring kakaiba dahil sa babaeng yon.”

 

Bakas sa tinig ng matanda ang kasiyahan at tagumpay. Kung masaya na ito kanina, mas masaya na ito ngayon. Mas nakakasiguro itong panalo na ito.

 

Siya ay nanghihina, talunan na talunan ang pakiramdam niya. Hirap na hirap siyang huminga dahil sa pagpipigil niya sa kanyang mga luha. Nanakit ang dibdib at lalamunan niya.

 

Kasinungalingan lang pala ang lahat ng sakanila ni Gerald. Laruan lang pala ang tingin nito sa kanya. For amusement pala ang purpose niya sa buhay nito. Lahat ng mga pangako at pagmamahal na ipinakita sa kanya ay peke lang pala. Walang totoo kahit isa. Iiwan din siya nito kapag napagsawaan na siya.

 

Unti-unting bumangon ang galit sa dibdib niya. Walang karapatan ang kahit sino na gawing miserable ang buhay niya, ang akala ng mga ito ay basta basta na lamang siyang magpapatalo?

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
miel0806 #1
ms. liaaaaaaaaaaaaann kelan mo ito iupdate? :D update na pretty pretty please :D
honyou
#2
update ka naman
enderez #3
hi nameless...hope maka update ka ulit thanks
galomkg #4
Yes thanks sa update... gawa ka ng maraming marami para happy ulit kami:-):-)
KG4life #5
end na ng fanfic na 'to??!! thank you so much :)
nameless #6
iluvkimerald..hindi pa, may isang chapter pa, di ko pa tapos eh :))
iluvkimerald #7
nameless ?? tpos n b 2 ?? more chapter p ..
nameless #8
hoooyzzt may ipapabasa ako sayo... kaso sa tue. na, ieedit ko pa yun eh ep-ep hahaha
bambzy #9
ahaha...dito tayo mag usap.....:lol
nameless #10
Gagawa akong bago! Ikaw ang bida BAMBZEY ha! wahahahahaha<br />
<br />
Galomkg! joke lang yun hahahha