Part 1

EXO's Love Confession

 

"oy, ano bang  nangyayari sa inyo ni Jongin. Dalawang araw mo na yun di kinakausap ah" kinukulbit-kulbit ako ni Baekhyun.

 

 

"bwiset sya eh. Panira hmp" tumingin ako sa labas ng bintana.

 

 

"ano ngang nangyayari?" ulit nya. Ano ba naman to.

 

 

"out na kayo dun! Tsk. Taaaaooo!" tumayo ako sa upuan at pinuntahan si Tao na kasalukuyang nakikipag-usap kay kapre (Kris). Si Tao lang ang kasi ang hindi nagtatanong sakin, pati si Lay.

 

 

"wag mong kausapin yan Tao hangga't hindi sinasagot yung mga tanong namin tungkol sa kanila ni Jongin" hinila ni Kris palayo sakin si Tao pagkasabi nun. What the heck.

 

 

Sumimangot ako lalo at pumunta na sa upuan ko. Hindi rin nagtagal, nagsimula na ang klase. Buong klase binabagabag ako ni Kai. Putakte. Nararamdaman kong tumitingin sya sakin eh. Deputa. Nasa gilid sa harapan ko pa naman.

 

 

"Lay, itago mo ko sa kanila. Ayoko na talaga magsalita" pagktapos na pagkatapos ng klase, si Lay agad ang nilapitan ko. Sya na lang ang pag-asa ko. Wala na kong kakampi.

 

 

Si Lay, patingin tingin dyan, doon, at kung saan. Parang hindi alam ang nangyayari o kung ano ang gagawin. O nakalimutan nya lang.

 

 

"teka, may gagawin pa pala ako sa club namin" nagkamot pa ng ulo si Lay at humayo na. CLUB?! Amputek. May mga club meetings nga pala ngayon. Tae. Si Kris ang kasama ko sa Arts club. Shete.

 

 

"hoy engot. Tara na sa club. Babagal-bagal ka dyan" tawag sakin ni Kris.

 

 

"che. Hindi ako aattend ng club meetings ngayon. Bahala ka" tumalikod ako at umupo uli sa upuan ko.

 

 

"okay. Magsama kayo ni Jongin. Mga tamad" pagkasabi nya nun eh lumabas na sya ng classroom. POTA. Anong sinabi nya?!

 

 

Naka-nganga ako sa loob ng classroom nang biglang pumasok si Jongin habang umiinom ng coke in can kasama si Jongdae. Napayuko naman ako sa desk ko.

 

 

"di ka na talaga pupunta dun ha? Aalis na ang pogi. Paalam" and with that, umalis na rin si Jongdae. Hindi pa ata nila ako nakikita. Mga tanga talaga.

 

 

Pero putek ng ina. Paano ako makakaalis dito. Jusko itago nyo ko.

 

 

"pfffft" napa-angat ako ng ulo at nakita ko si Jongin na nabuga ang coke na iniinom nya AT nakatingin sya saken.

 

 

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa at hinanap ang number ni kapre.

 

 

"sagutin mo Benben hayup ka..." bulong ko.

 

 

[hello?] hula ko nakasimangot yan.

 

 

"Benben~ balik ka dito sa classroom. Sunduin mo ko please.." bulong pa rin yan.

 

 

[ayoko. Nakakatamad na bumalik] =_=

 

 

"please...gagawin ko lahat ng gusto mo. In one week"

 

 

[ge]

 

 

Bigla na lang nyang binaba. Wtf.

 

 

"J-Jenny" tumingin ako sa kabilang direksyon. "miss na kita" narinig ko ang paglapag nya dun sa coke in can nya.

 

 

"anong gusto mong gawin ko?" tanong ko at humarap sa kanya habang suot ang peymus face ni Sehun at kapre (Kris).

 

 

"bati na tayo.."

 

 

"bati mo muka mo” taray mode ako kunyare. Eh bwiset sya. Sakto ang dating ni Kris. WOOOOOO. Meron din palang pakinabang sakin ang lalaking to. Salamat. “Kriiiiiiiis!” tumakbo agad ako papunta kay Kris at kumapit.

 

 

“puta. Wag ka ngang kumapit sakin =_=” punyetang to.

 

 

Sinuntok ko agad yung tagiliran nya. “gago ka. Arte mo. Tara na!” agad agad ko syang hinila palabas ng classroom.

Dumiretso kami sa Arts club. Well, to be honest, ang Arts club ay hindi naman talaga para samin ni Kris. Hindi kami nararapat don. Abstract ang drawing ko samantalang kay Kris, hindi kayang ipaliwanag ng syensya. Mas matino yung drawing ko to be VERY VERY VERY honest.

Dumating na yung adviser ng club na si Mrs. Jung, kung ano-ano lang ang sinasabi nyan sa unahan kaya natutulog na lang kami.

DISMISSAL TIME


Nag-unat unat ako habang papalabas ng school building. Ang sarap sa pakiramdam na wala akong naririnig na mga pan gerls. Hayahay~

Kontrolado na pala ng school ang mga babae sa school simula nang incident sa canteen. Remember Chapter 1. Nagsumbong si Kris eh, gumawa naman agad ng aksyon ang school kaso, ngayon lang naging effective tsk.

 


“yo es mainggit kayo” dumila ako sa mga pan gerls sa gilid na nagpipigil lang ng feels nila over dito sa mga kasabay ko.

 


“nasan si Jongin?” tanong ni Kyungsoo at binilang kami.

 


“baka naglaslas na. Di pa sila bati ni Chenny eh” sagot ni Jongdae at binigyan ko naman ng death glare.

 


“tawagan mo nga Baekhyun” utos ni Benben.

 


“bakit ako” angal naman ni Baekhyun.

 


“ikaw lagi madaming load dyan ah. Tanong ka pa” said by the Benben.

 


Nakita ko ang pag-irap ni Baekla kay Kris. PUCHA. Bakla talaga si Baekhyun. I kennat.

 


“wala. Cannot be reached”

 


“nasan na yun? Patay ka Chenny, baka naglayas na—aray!” hindi natuloy ni Jongdae ang sasabihin dahil agad ko ring sinabunutan. Bingong bingo na sakin tong lalaking to eh.

 


“hanapin na lang natin” anunsyo ni Kyungsoo. Tumango naman yung iba. Ano ba naman to. Medyo nakaka-konsesnsya.

 


Biglang na lang silang umalis lahat at humayo sa iba’t-ibang direksyon. WTF. INIWAN NILA AKO! “saglet!!” sigaw ko pero boom. Naglaho silang lahat nang sobrang bilis. GRABE.

 


 

 

 

Heto ako ngayon. Luging lugi at mag-isang naglalakad. Parang akong zombie maglakad. Hindi ako sanay na mag-isa lang ako pauwi. Malapit na kong umiyak swear. Malapit na sana ako sa may isang eskinita nang may humila sa uniform ko.

 


“sabi na nga ba ikaw yon” isang pamilyar na babae ang humarap sakin. May kasama syang isa pang babae na mukang paa na tinubuan ng tao.

 


“sino ka?” matamlay na tanong ko. Wala ako sa mood. Iniwan ako ng mga kaibigan ko huhuhuhu.

 


“none other than Hye Ri, Kai’s girlfriend. Pero nag-break kami dahil sayo. Tsch. What a ”

 


Ilang segundo ang lumipas bago mag-sink sa utak ko ang sinabi nya. Nag-break sila ni Jongin dahil saken? OOOOOoooOOOoooOOOohhh. Naaalala ko na sya.

 


“oh. Anong gusto mo?”

 


“I want to teach you a lesson. Kung hindi kami nag-break ni Kai edi sana sikat na ko ngayon. SAYANG”

 


*PAK*

 


Nabigla ako sa pagsugod nang kamay nya sa pisngi ko. WHAT THE .

 


 

 

 

 

“gago ka! Inaano ba kita!” sinugod ko rin sya at tinulak at sinabunutan at pinagtatapakan. Nang bigla naman akong hilahin nung paa na tinubuan ng tao na kasama nya at sinabunutan din. “tangina! Kailan pa nagkaroon ng kamay ang paa?!” sigaw ko habang tinutulak palayo sakin tong mukang paa na to na naging linta.

 


“ ka! Look at what you did to my uniform! YOU ER!” sinampal ulit ako ni HYE RI. YES. NAALALA KO PANGALAN NYA. GAGO SYA. KASAMA NA SYA SA BLACKLIST KO.

 


At dahil sa inis ko sa pagsampal nya uli sakin sinipa ko sya at natumba ulit sya sa sahig. Wtf. ANG WEAK! Tinulak ko naman yung taong mukang paa at sinuntok sa muka. Good for her. Muka na tuloy syang paang tinubuan ng kulugo ngayon.

 


“ang sakit ng anit ko putakte” hinihimas himas ko yung ulo ko. Ang sakit sa ulo!!!

 


“I hate you! May araw ka rin saken!” sigaw ni Hye Ri at tumakbo na sya kasama yung alipin nyang paa.

 


Napaupo na lang ako habang hawak hawak pa rin ang ulo ko.

 


“GAGO! AYOKO NA!” sigaw ko at tuluyang umiyak. Hindi ako sanay nang walang nagtatanggol saken. Sakto lang talaga na badtrip ako ngayon kaya nasampulan ko yung dalawa. Madalas na nagtatanggol saken sa mga ganto si Kris o si Jongin eh. SI JONGIN!

 


Kinusot ko yung mata ko at unti unting tumayo para ituloy na ang paglalakad. Habang naglalakad umiiyak pa rin ako na parang tanga. Bigla na lang nag-vibrate yung cellphone.

 


Kapreng Kris calling...

 


Sinagot ko yung tawag. “h-hello?”

 


[nasan ka?! Hindi ka pa daw umuuwi?!]

 


“eh iniwan nyo ko eh!” sigaw ko at humikbi pa.

 


[tae. Mag-isa ka? Nahanap mo ba si Jongin? Nasan ka?]

 


“mag-isa ako, oo! Wala si Jongin sa tabi ko! At....” tumingin ako sa paligid. “malapit na yata ako sa village” malapit nang dumilim. Ang totoo. HINDI KO ALAM KUNG NASAN AKO! ToT Pag naglalakad kami papasok, hindi ako tumitingin sa paligid kasi madami naman kami. Pag naman hinahatid kami papunta school, natutulog ako sa sasakyan. HINDI KO SAULO YUNG DAAN! ANG BOBO KO!

 


[anong yata? Nasan ka? Pupuntahan kita] concerned Benben in the house. Nakaka-touch.

 


“hindi ko alam..” napahina ang pagsabi ko pero narinig ata ni Kris.

 


[anak ng. Madami bang tao dyan?]

 


“wala masyado. Ang tahimik. Isa o dalawang tao lang ang mga dumadaan dito..”

 


[hintayin mo ko dyan. Wag kang aalis] at pagkatapos nun, binaba na nya.

 


Tumango na lang ako kahit alam kong hindi naman makikita ni Kris. Pinahid ko ang luha sa muka ko. Umupo ako sa isang tabi. Hihintayin ko si Kris.

 


Lumipas ang ilang minuto, wala pa ding Kris na dumadating. Pero may naaaninag akong isang tao na papadaan papunta dito. Familiar yung figure.

 


Naging mala-Kyungsoo nanaman ang mata ko nang makita ko na ang muka nang nilalang na padaan.

 


“J-Jongin....” mangiyak-ngiyak kong bulong.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
allyssaloves #1
Chapter 4: Update soon...
KpopAddict28 #2
Chapter 1: Grabe yung kina tao,Kris at suho kawawa si suho tinawag na maliit LOL
joannakylaverano #3
Chapter 2: ang ganda ng story super gusto ko ng isa pls....ang ganda kasi eh :)