Agent 4

Lady Devonshire aka Agent Issyl

Agent 4

 

 

 

 

Napatingin ako sa likod ko. Pinapasok sa loob ng van si Devonshire. Wala itong malay. "Devonshire!" pero bago ako makatakbo papunta kina Devonshire ay biglang may tumakip ng ilong ko at unti unting nawalan ako ng malay.

 

 

[Warehouse]

 

 

Unti unti akong dumilat. Madilim yung lugar. Nakatali ako at alam ko na nasa likuran ko lang si Devonshire. Iisa nga lang yata ang ipinangtali sa amin eh. Wala pa siguro itong malay dahil nakapatong sa left shoulder ko ang ulo nito.

 

 

"Devonshire. Devonshire!" inalog alog ko pa ang katawan ko para magising ito.

 

 

"Hm---were kidnap!" biglang sabi ni Devonshire. "We need to get out here."

 

 

"Paano? Eh wala nga tayong suot na gadgets."

 

 

Tumawa ng mahina si Devonshire. "Your wrong sweetie. I have one. As in ngayon sinisira ko na ang taling nakatali sa atin."

 

 

"Wow thats nice to here."

 

 

"Na makakaalis din tayo dito?"

 

 

No. Na tinawag mo akong sweetie. Its like music on my ears. Hey Alexius! Whats happening on you. "Yes."

 

 

"Yeah thats---"

 

 

*Iiieeenk*boom*

 

 

"Gising na pala ang prinsesa at prinsipe ng Saint Isidore." wika ng isang lalaki na may pagka-chubby.

 

 

"Whatever war freak." walang ganang sabi ni Devonshire. "Your such a loser."

 

 

-___-" kaylan pa naging Angelina ng Yaya and Angelina the movie si Devonshire.

 

 

"Aba't---" takang sasampalin nito si Devonshire pero pinigilan ito ng kasama nito.

 

 

"Whoa. Wag mong saktan yung unica hija ng mga Cyrus."

 

 

"Ito kasi eh."

 

 

"Be ready." mapanghamong sabi ni Devonshire.

 

 

Anong be---ah! Natanggal na ang mga tali namin sa kamay.

 

 

"One two three tayo!" sabay kaming tumayo at may kinuha ito sa bulsa ng palda nito. Yung pen/gun/knife/light. "Use it." at binato sa akin ang pen.

 

 

"Paano ka---" biglang hinigh kick ito ni Devonshire. Napasubsob ito sa sahig.

 

 

"Ayoko sa lahat nakakabwisit na ang pagmumukha madaldal pa!" sigaw ni Devonshire.

 

 

Ako naman ay nakipagbakbakan sa kasamahan ng binubugbog ni Devonshire.

 

 

Nagsipasok na lahat ng kidnappers. I use the pen nung muntik nang saksakin ng isang kidnapper si Devonshire. Suntok dito. Suntok doon. Tulog lahat ng kidnappers. Wala namang binatbat itong mga kidnappers namin.

 

 

"Agents we need back up. Na-trace niyo ba? Okay okay." napatingin sa akin si Devonshire at lumapit na sa akin. "Another remember. Dapat may suot kang simpleng gadgets sa katawan mo."

 

 

"Yeah."

 

 

 

 

[Cyrus Mansion]

 

 

 

Sumama sa akin pauwi ng bahay ko si Alexius. Nandoon kasi ang parents ni Alexius.

 

 

"Waaah! Oh my, oh my! Hija are you okay." bulong ko kay Alexius. "Pustahan tayo. Yan yung sasabihin ni mommy."

 

 

Napatingin sa akin si Alexius kaya kaya... Waaah! Kenuha niya secon kes ko! O__O

 

 

Biglang bumukas ang pintuan ng bahay namin.

 

 

"Oh my!"

 

 

Naghiwalay kami ni Alexius. Waaah! Nakuha na nga ni Alexius ang vergen leps ko, tapos makikita ng parents ko ngayon na naghahalikan kami! Unfair naman eh!

 

 

"Hijo, oh my! Kayo na ba ng unica hija ko?" bulalas ni mommy.

 

 

"HINDI PO!" sabay na sabi naming dalawa.

 

 

Bigla kong tinulak si Alexius.

 

 

"Aray naman!"

 

 

"Bakit kasi bigla bigla ka na lang  lumilingon. Narinig mo namang binubulungan kita eh! Nakakainis ka." waaah nakakainis talaga!

 

 

"Anong binubulong mo hija sa anak ko?" curious na tanong ni tito. Papa ni Alexius.

 

 

"Na kami na raw po---aray! Joke lang!"

 

 

Binatukan ko siya. Peace po tayo. Wag kayong magagalit kung sino man nagnanasa kay Alexius ko. "Lagot ka sa akin. Na-kidnap na nga tayo kanina ganyan ka pa! Pahihirapan kita bukas!" >.< O.O Ang shunga mo Devonshire!

 

 

"Okay lang. Basta sagutin mo lang ako ng sweet yes mo." *winky winky wink*

 

 

Galing mo gumawa ng kwento! "Tse I hate you!" then pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat na ko then pumasok na ako ng kwarto ko.

 

 

*U are my everything kowareteku melody

Kimi no neiro ga tokedae numareteku

Chikatta ano tobo-tachi wa

Ima mo mada atatakai mama na no ni*

 

 

Ganda ng ringtone ko. Narinig ko lang yang song sa Japan nung may mission ako doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko. Buti di nasira ang cellphone ko. Ui si Agent Icarus tumatawag.

 

 

"Ahn nyeong haseyo, Konnichiwa, Ciao, Ni hao, Ola, Bonjour, Hello."

 

 

"Sus maryosep ang dami mong sinabi, iisa lang yung ibig sabihin." angal ni Anamae. Anamae na lang tawag ko sa kanya wala naman ako sa trabaho.

 

 

"Eh sa trip ko eh." ^____^

 

 

"Chaka ng trip mo! Bay da wey, eniwey serious this time. Pumunta kayo dito, may new mission." joker na voice biglang naging serious. Tsk. Ganyan lang talaga kaming mga agents.

 

 

"Okay babush!" need na makababa kaagad para makausap si Alexius. May new mission kami. Ahlabyu kung sino ka mang new client ka!

 

 

 

 

 

 

"Alexiuuuuuuss!" patiling tawag sa akin ni Devonshire habang pababa ito ng hagdanan.

 

 

Tsk. Makabasag eardrum naman tili nito. "Bakit?"

 

 

"We have to go." seriously nakita ko na naman yung katauhan ni Agent Issyl kay Devonshire. Mas gusto ko pa yung dating di ko alam na agent si Devonshire.

 

 

"Why?" ?__?

 

 

"Nasaan parents natin?"

 

 

Tsk. Bumalik ka nga Devonshire. "Nasa library sila. May mahalaga daw silang pag-uusapan."

 

 

"Great!" at kinuha nito ang cordless telephone sa tabi ng sofa at may dinial. "Hello daddy. Aalis lang kami ni Alexius... Safe kami kasi may car kami. Nah! Don't worry daddy... Oh I love you mwuah!" tumingin sya sa akin. "Lets go." nauna itong lumabas.

 

 

Tsk. Nang-iiwan na lang basta basta.

 

 

 

 

 

 

"Agent Issyl and Agent Alexia, ito ang new mission niyo." binigyan kami ng tig-iisang folder.

 

 

Tiningnan ko kaagad ^___^ eh sa excited ako eh. Paki niyo. Chos. Wow! Out of town ang mission. Ito ang gusto ko. Yahoo!

 

 

"Sa Korea po?" tanong ni Alexius kay Chief.

 

 

Hindi sa Japan yung mission natin. "Chief kailan alis? Excited na ako."

 

 

"Next month." sagot ni Chief.

 

 

Next month pala eh.

 

 

^___^

-___-

O___O

>___<

 

 

Baket next month? Di ba pwedeng bukas na lang?

 

 

"Alam ko yung iniisip mo Issyl. We need more proof above this human traffiking in Korea bago umaksyon kaagad." ui serious si Chief.

 

 

"Opo." >__< obviously may proof na.

 

 

"And one more thing. May ugnay sa mission niyo sa Saint Isidore ang pagkakakidnap sa'yo."

 

 

Napasalumbaba si  Alexius. "And ano po yun?"

 

 

"May nalalaman na yung parents niyo tungkol sa mga teachers and students na drug pushers. Nang nalaman yun ng sindikato, so they kidnapped you two. Para matakot ang parents nyo at hayaan lang nila na ipagpatuloy ng mga teachers at student na gawin ang pagtitinda ng drugs sa loob ng campus." umupo ito. "Sila din ang nagpasabog ng yateng sinasakyan ng ate mo Alexia."

 

 

I know that news. Sumabog ang yatch ng kung nasaan ang ate ni Alexius at ngayon ay nawawala ito. Tiningnan ko si Alexius. Galit ito.

 

 

Hinawak ko ang kamay ni Alexius means relax. "Alexius." nawala ang galit sa mukha ni Alexius. Buti na lang. Masama magalit si Alexius.

 

 

"Ano ang pangalan ng sindicate group na yan?" 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet