My Past Life

The Past

Kinikilabutan ako .. parang ayoko na isulat yun dito ... =="

Pero kasi sinimulan niyo nang basahin edi tapusin niyo na XD HAHAHA... 

 

=======================================================================================

 

 

 

 

 

 

 

Sisimulan ko sa unang beses na naging creepy ang buhay ko ... Pagtapos ng aksidente na nangyari sakin eh dinala ako sa ospital.. Minor injuries lang naman at hindi naman sobrang lala ... nung nakahiga ako sa hospital bed, nakatingin lang ako sa ceiling kasi walang tao dito ... kakatapos lang ng doctor na ilagay yung mga benda sa mga sugat ko .. yung mga nurse naman eh umalis muna para daw kumuha ng gamot ... balik sa ceiling XD pinikit ko yung mga mata ko kasi feel ko na inaantok ako ... pero nung nakapikit na ako eh imbis na maging black ang scenery eh may nakita akong garden ... colorful siya at ang daming bulaklak na magaganda ... meron ding sparkling thing na nakapalibot sa mga bulaklak na parang kagaya sa mga fairytale movies ... 

 

 

nakatulog na lang ako bigla siguro sa sobrang pagod sa ginawang paggamot sa akin .. medyo masakit din kasi katawan ko dun sa nangyaring aksidente ... 

 

 

nagising naman ako bigla dahil sa ingay ng mga naguusap sa gilid ko ... 

 

 

"Oh! Gising na siya"

 

 

tumayo ako sa paghagiga ko sa hospital bed at nakita ko si Princess (Best Friend ko) at ang Tita niya na may mga nurse at yung doctor ay nasa tabi ko... 

 

 

 

"Ano meron?"

 

Tinanong ko sila pero hindi sila sumasagot ... Lumapit sakin si Princess at niyakap ako ng pagkahigpit higpit .. nakakalimutan ata ng babaeng to na may injuries pa ako -.-

 

 

"Humiga ka ulit. Matulog ka na lang ulit. Bukas na namin sasabihin sayo"

 

 

Sinunod ko naman yung sinabi niya pero hindi ako natulog... pinikit ko lang ang mata ko at tinakpan ko ng unan ang mukha ko ... maya-maya eh nawala ang tahimik sa loob ng kwarto ... 

 

 

"Baka kailangang sabihin natin"

"Hindi niya gustong malaman yun Tita eh"

"Alangang itago natin sa kanya na may Amnesia siya?"

 

 

Napadilat ako sa narinig ko pero pinili kong wag tumayo at kausapin sila ... amnesia ???!!! ako ??? sa mga oras na yun eh naiiyak na ako .. bakit nangyayari to sakin ? at bakit ayaw nilang malaman ko ?

 

 

Kinabukasan eh nakita ko na lang sila na natutulog sa sofa na nasa gilid ko ... Tumayo ako sa kama at lumabas ako ng kwarto ... wala namang mga nurse na nagbabantay nun eh ... 

 

 

Naggala gala ako sa corridor ng hospital dahil boring sa loob at gusto kong magpahangin dahil sa nalaman kong kalagayan ko... Naglakad-lakad na lang ako at hindi ko na alam kung san ako nakapunta hanggang sa makalabas ako at nakarating ako sa hospital garden ... Umupo ako dun sa bench sa gilid ng isang puno dun at tinitignan tignan ko lang yung mga bulaklak na makulay sa harap ko ... May mga pasyente din naman na nandun pero may mga kasama silang nurse at kung di naman eh may kasama silang kapamilya... 

 

 

Hanggang sa may nakita akong bata sa harap ko na naglalaro sa swing.. Nilapitan ko siya at kinausap ...

 

 

"Hello ! Wala kang kasama?"

"Tulog pa po sila eh"

"Ahh ! Tara! Laro tayo"

 

 

Sinamahan ko yung bata sa paglalaro ... Nagslide kami.. Naglaro sa swing at nagup and down sa seesaw ... Ang saya saya ko nung mga oras na yun na para bang yung bata eh kapatid ko ... Ewan ko pero may iba akong nararamdaman sa mga oras na yun ...  Masaya ako na kinakabahan ... Basta ! Naguguluhan talaga ako ...

 

 

"Ian ! Iinom ka na ng gamot mo!"

 

 

 

Natigil yung paglalaro namin ng may tumawag sa bata ... Ian pala pangalan ng batang yun ... Tumakbo na siya paalis at lumapit dun sa nurse na tumawag sa kanya .. Pero bago siya umalis eh lumingon muna siya sakin at tumakbo palapit sakin at niyakap ako... nagulat ako sa ginawa nung bata pero isinantabi ko ang pagkagulat ko kaya nagresponse na lang ako sa yakap nung bata... ''Thank you po!" Ngumiti ako at maya maya eh umalis na sila nung nurse... pakiramdam ko tuloy eh close kami nung bata na yun... bumalik ako dun sa inuupuan kong bench at humuni huni... naghum ako sa tune na papasok sa isip ko... nakaramdam na din ako ng pagkabored kaya bumalik na ako sa kwarto ko... Pagpasok ko sa kwarto eh nakita ko na parang kakagising lang nila... bumalik ako sa kama ko at kinuha ko yung laptop... nagupdate ak sa isa kong story at pagtapos nun eh pinatay ko na agad... ''Ano po ba yung sabi ng doctor?" Napalingon si Princess sakn at nahalata ko na may iniisip siya... ngumiti ako sa kanya at kinuha ko yung kumot at nahiga ako sa kama...

 

 

 

''May .. minor amnesia ka, best'' Hindi ko pinansin yung sinabi nila kasi kagabi ko pa alam... ang weird ko naman kapag nagulat pa ako diba... ''Alam ko. Kagabi pa'' Pinikit ko yung mata ko hanggang sa narealize kong nakatulog na pala ako... hindi ko na rin nakita kung ano naging reaction nila nung sinabi ko yun... dalawang linggo yung lumipas at nakalabas na din ako sa hospital... tinanggal na yung mga benda sa akin pero may natira parin sa kamay ko... Isa lang yung naramdaman ko sa bata na nakapagpagulo ng isip ko... para kasing matagal na naming ginagawa yun nung bata eh... at isa din yung nakikita kong garden nung unang beses akong pumikit at natulog sa ospital... dalawa lang yan sa mga nakakapagtakang experience ko... Ang pangatlo eh sa tuwing tumitingin ako sa salamin eh lagi kong naaaninagan ang sarili kon sa ultimate bias ko...

 

 

At sa tuwing pumupunta kami ng park maging ako lang o may kasama eh hindi ko maiwasan ang makipaglaro sa batang makikita ko...lagi kaming naglalaro sa slide, swing at seesaw...

 

 

 

Isang araw, naisipan kong pumunta sa dati naming tinitirhan... nagpasama ako kay Princess sa pagbisita dun... nasa loob lang ako ng apartment na yun habang nasa labas siya kasi hinahanap niya yung mayari...

 

 

 

Naglibot libot ako dun hanggang sa mapunta ako sa isang kwarto na hindi ko pa napuntahan nung nandito pa kami... binuksan ko yun at isang mataas na bagay ang una kong nakita... nakatakip ang isang tela dun ... at dahil malakas ang curiosity ko eh tinanggal ko yung tela at isang malaking salamin ang nakita ko at may basag ito sa gitna... tinignan ko ang sarili ko sa salamin... at biglang may nilipad na litrato... kinuha ko yun at yung likod ang una kong nakita....

 

 

"Happiest momentt with them"

 

 

 

 

 

Nang tignan ko yung harap eh laking gulat ko dahil nakita ko ang sarili kong nakawedding dress... may mga kasama akong bata at may katabi akong lalaki... madaming bulaklak sa paligid namin na iba ibang kulay... Alam kong ako yun, pero iba lang yung buhok niya... mahaba yun na medyo wavy at mas maputi ang balat niya kesa sakin... nakaputi siyang wedding dress at nakatayo silang dalawa ng katabi niyang lalaki... yung lalaki naman eh nakablack coat at white na panloob at white pants...hanggang balikat lang niya yung babae at nakahand gesture sila ng isang heart... kahawig nung lalaki si Park TaeJun pero medyo kamukha din ni Xian Lim... old look ni Daniel Padilla ang hairstyle niya at ang cute ng mga ngiti niya...

 

 

 

 

 

Natakot ako sa nakita ko kaya lumabas agad ako sa kwartong yun at bumalik ako sa labas para hanapin si Princess... sakto namang nakita ko siya na kausapa yung may-ari... nagkwento siya at sunod sunod na anga tanong namin... sabi niya, kapatid daw niya yung nakatira doon... 28 years old daw yun nang mamatay siya... lalo naman akong kinilabutan nang sinabi niyang kamukhang kamukha ko daw siya kaya daw dun niya kami pinatira... ewan ko kung maniniwala ako sa mga panahong yun... kumain muna kami ng meryenda bago kami umalis...

 

 

 

 

Hindi ko maintindihan kung ano yung mga nangyayari sakin... hindi ko alam kung totoo ba lahat... naguguluhan ako sa mga bagay bagay na nararanasan ko... at ang nagiisang tanong sa isip ko ay kung sino ba talaga ako...

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

===================================================================================

medyo creepy .... oo, maski ako kinilabutan habang sinusulat ko yan ... ayoko na ngang ilagay dito eh kasi nanginginig ako sa takot ... kung meron mang nakakabasa nito na nakakarelate .. feel free to comment ... baka masagot niyo mga tanong ko eh ...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
lumonica067
#1
Chapter 1: Nangyari sayo? :O