talking about it
My Past Life
One year and one months ago....
Sinamahan ko si mama na pumunta ng post office.. May business kasi ang mama ko so palagi syang may pinapadala na products nya (mga korean dress at mga collection). Pero, bago kami nakarating sa post office, habang nakasakay kami sa sasakyan, may kakaiba akong nararamdaman. Parang feeling ko sobrang excited ako na pumunta doon.
Umma: Shin, bakit ka ngiti ng ngiti?
Shin: Excited po kasi ako..
Umma: Bakit ka naman excited eh post office lang naman pupuntahan natin.
Shin: Ewan ko po mama, pero pakiramdam ko gusto ko na bumalik doon....
Umma: Bumalik? Anong ibig mong sabihin? Eh hindi ka pa nga nakakapunta doon..
Shin:Ewan ko mama, kalimutan nyo na lang po yon.
Pagpasok namin sa post office, iba na pakiramdam ko... Pakiramdam ko matagal na akong nakapunta doon kahit na first time ko palang...
Walang tao doon maliban lang sa mga nagtatrabaho at syempre kami ni mama..
Paikot ikot ako sa post office, parang may hinahanap na kung ano..
Nagpaplay yung music at masarap sa aking pandinig kaya para talagang matagal na ako tumatambay doon..
Old music ang nagpaplay pero sobrang sarap pakinggan...
"two lovely flowers~ one is red, the other's white~ wondering what the other wil say~ should i pick one to stay~~"
tunog ng music.. Ako naman, na kanina pa palibot libot ay napakanta rin..
Tapos sa may harap ay may napansin akong isang card,maliit na card na may drawing na batang babae na may flower na hawak.
Binasa ko ang title (which is nakalimutan ko na ngayon)
Pagkabasa ko ng title, agad kong sinabi na "Yan yung batang nagpapasalamat sa nanay nya at bibigyan nya ng bulaklak.." namilog ang mga mata ko sa sinabi ko at tinakpan ko ang bibig ko... Binasa ko ang card at BOOM!
Yun nga ang laman ng sulat..
"Bakit ko alam kung tungkol saan ang sulat ng card? Eh hindi ko pa nga yan nakikita o nababasa dati.." tanong ko sa sarili ko.
Tinawag ako ng mama ko para pumasok sa loob *kasi nasa labas ako*
Pero pagkapasok ko, napansin ko ang mga locker sa gilid ng pinto papasok ng post office at may hinanap ako na locker number, nung nahanap ko na, feel ko gusto kong buksan at kunin ang envelope..
Iniling ko ang ulo ko at pumasok na lang sa loob..
Sa loob ay nakita ko ang sandamakmak na envelopes at mga drawer na may lamang sulat na halos mapuno na..
Lumapit ako sa may drawer at may hinanap.. Ewan ko ano nangyayari saken, pero napansin ng mama ko na may iba sa aura ko nung oras na iyon..
Umma: Shin! Halika dito, wag kang makealam jan. Baka may mapunit kapa jan..
Shin: Opo.
Hinawakan ni mama ang noo ko at tinanong "Ikaw ba talaga yan?"
"Bakit mama?"
"May iba kasi sa aura mo, parang hindi ikaw nakikita ko ngayon."
"HA?! Bakit po mama?!"
"Kasi kung maglakad ka at gumalaw, parang alam mo na itong lugar na ito pero hindi ka pa nakakapunta dito dati.."
"Ewan ko nga rin po mama eh, pero pakiramdam ko may kailangan akong hanapin na sulat.."
Patuloy parin sa pagplay ang music.. Lumabas ako at pumunta sa sulok kung nasan ang mapa..
At may hinanap ako na lugar..
"San ba yun.. dito.. dito. ah! dito! dito nga yon!" sanabi ko at tinuro turo ko yung lugar..
"Teka, bakit ganito? Parang gusto kong magbukas ng isang sulat galing doon sa locker.." sabi ko sa sarili ko..
Pumasok ulit ako sa loob ng post office at umupo sa isang upuan kaharap ng hagdan..
Patuloy parin ang music at pakiramdam ko na gusto kong umakyat papuntang second floor pero hindi ko ginawa...
Hanggang nakatulog ako sa kinauupuan ko...
Masarap ang tulog ko, talaga sobra.. Pakiramdam ko nasa kwarto ko ako..
Iba talaga, parang may warmth ako na nararamdaman...
Ngunit may gumising sa akin..
Mama ko kasi aalis na kami.. Pero pakiramdam ko ayaw ko umalis doon.. Gusto ko doon lang ako.
Pero di pwede eh..
ilang araw rin kaming pabalik balik doon kasi madaming pinapadala si mama, ganon parin ang nararamdaman ko tuwing pumupunta kami doon.. At ibang kaligayahan ang nararamdaman ko tuwing nasa post office ako...
-end of flashbaek-
May 12, 2013 , 11:30 pm
Kasalukuyan akong nagfefacebook at kausap ang kaibigan kong si Ran habang nasa tabi ko naman ang kuya kong si Baekhyun..
*at dito nagsimula ang feels ko.. ang ibig kong sabihin yung about sa past life ko*
Shin: Dating ako?
Ran: I mean yung past life mo
Shin: past life?
Ran: Oo, yung nagreincarnate sa iyo..
Shin: Eh ano naman koneksyon nun?
Ran:ganun daw yun eh, kaya daw kapag may isang lugar kang napuntahan tapos parang familiar sayo, pero never mo pa napuntahan, ibig sabihin yun daw yung lugar na napuntahan na ng past life mo.
Shin: ahh kaya pala nung last last month dinala ako ng mama ko sa isang post office, tapos feeling ko nakarating na ako dun kahit di ko pa napuntahan, tapos pang old yung music pero masarap pakinggan, tapos nakatulog ako dun, masarap tulog ko, feeling ko matagal na ako dun kahit first time ko palang dun.....
Ran: Ano na nangyayari ngayon?
Shin: nangyayari ngayon? Yung nakita ko yung word na Anterograde, biglang lumabas ang tibok ng puso ko at parang may naalala ako na
Ran: Na? Naku-curious na talaga ako sa past life mo
Shin: Isang parang park pero may curve na parang glass na bubong tapos may mga ilaw sa paligid, color blue, green, dark pink, red,yellow..
yun tapos may mga parang vines gud sa gilid tapos naglalakad daw ako, tapos may isang bench at maraming poste ng ilaw,
tapos daw wala daw tao dun, feeling ko parang garden.... tapos aish, parang may hinahanap daw ako o parang may humihintay saken na tao, feeling ko parang yung taong yun is special someone,
yun pumapasok sa isip ko nung nakita ko ang word na anterograde tapos bumubulis ang tibok ng puso ko,
medyo nangingiyak tapos may orasan rin... aishh nangingiyak na ako
Ran: Wow haba nya ha
Shin: pwede mo ba ako tulunga?
Ran: Ano prob mo?
Shin: Yan na nga
Ran: Naku baka mayaman ka nung past life mo
Shin: Ewan wala akong maintindihan sa lahat.. tapos naka-scarf na brown at parang hindi dito sa pinas
Ran: omo! Baka di ka pinoy nung past life mo
Shin:Ewan ko,
Habang nag-uusap kami ni Ran, si kuya baek sa gilid ko ay namumutla..
Shin: Kuya, ayos ka lang ba?
Baek: Kinikilabutan ako sa iyo.. Sa mga pinaguusapan nyo..
Shin: eo?
Baek: May naalala ka pa ba na connected sa cause ng anterograde amnesia?
Shin: opo
Baek: Ano?!
Shin: Car Accident
Baek: Kaya pala nagkakaganyan ka...
Shin: Siguro nagkaroon ng Anterograde Amnesia yung isa sa mga past life ko dati..
Baek: Kaya nga nagkakaganyan ka...
Shin: Ano ibig mo sabihin kuya baek?
Hindi sinagot ni kuya baek ang tanong ko at bigla na lang syang umalis...
Shin: Kaya nagkakaganito ako?
Isang malaking question mark ang nasa isip ko..
"My past life..... Kaya ako nagkakaganito? Bakit ganon? Wala akong maintindihan sa lahat.... Ang hirap... Sobra.."
tumulo ang mga luha ko.. Di ako makatulog ng gabing iyon...
Marami akong tanong na nangangailangan ng mga kasagutan... Hanggang ngayon, hindi ko parin mahanap ang sagot.....
A/N:
Napakawalang kwenta diba? Base kasi yan sa totoong nangyari sa akin....
Pero sana nag enjoy kayo sa pagbasa at sana nagustuhan nyo.....
wala ako sa mood eh.. pasensya....
Comments