New Friend Request

Love Online

Nakahiga lang si misha at bored sa bahay nila, tila isang musmos na hindi mapakali sa bahay, halos paulit ulit lang ang mga ginagawa niya, sino ba naman anghindi mabobored? bukod sa paulit ulit na nakagawian ang ginagawa niya sabayan pa ng mala isnoberang bestfriend niyang wala nang inatupag kundi ang lovelife nito.Kaya napagisipan nalang niyang magbukas ng fb bago pa siya maunahan ng magaling niyang ate, ang tangi lang niyang ginagawa sa computer ay kundi nag eedit ng picture, gumagawa or nagbabasa ng fanfic ay nag iispazz sa iniidolo niyang kpop group at talaga namang ang gwagwapo at talented,

"Grabe ang gagaling talaga ng mga oppas ko! syempre lalo na si bias Jerome" napangiti nalang siya at nag istatus sa fb niya

"I want to see my oppas, I want to see them perform in the stage here in our country, but it looks impossible" She posted. may ibang mga kafandom niya ang nag like at nag comment until there's a new friend request, nagtaka siya dahil bibihira lang ang nag-aadd sa kanya, kalimitan ay nabloblock panga siya sa ka-ka add sa mga ka fandom niya at nang makita niya ito, si bias jerome ang nag-add sa kanya, pero hindi siya naniwala na si bias talaga yun

"malamang sa malamang RP lang yon" napaisip niya, pero kahit na ganun ay inaccept parin niya ito, syempre si bias na iyon, kahit RP lng yun feel narin niyang inadd talaga siya ni bias. She was reading a fanfic when she check her fb she notice one notif, she almost drop her jaws when she saw that the RP of Jerome comment in her status

"Don't lose hope! your oppas will be sad if they'll know that nae! hwaiting!" it says, napangiti nalang siya at nilike ang comment nito, pero ang mas nakakagulat ay chinat pa ito nito, gwapong picture ni bias +nagcomment sa status mo [at talagang concern siya sayo] + chinat ka = wagas na kakiligan 'Ano bang problema ng taong ito?'napaisip niya, kahit na medyo naiinis na siya pero talagang kinilig siya, hindi niya pwedeng sisihin ang RP/RolePlay World kasi meron din siyang account nito, yung ka OTP ni jerome ang inaaRP niya

"I read what you post in FB"
"kkk um... nae Bias? lol"
"LOL that's right! I am your bias loljk"
"YAH! don't you fool around xD btw why do you pm me... my bias?"
"Nothing.... I just need someone to talk to, RP world is being boring lately"

"Grabe nosebleed naman ako dito, kaya iniwan ko na ang RP eh, pati ba naman sa real account ko sinusundan parin ako ng ng mga engrish engrish na yan!" sabi ni misha sa kanyang sarili
"Oy ate misha, anong nangyayari sayo? sinong kausap mo jan?" tanong ng bunso niyang kapatid na si Sungmin, napabuga siya ng hangin at napakamot sa batok
"Hay nako! wala ano, teka bakit kaba nandito sa kuwarto namin? alis nga shoo! shoo!"
"Grabe ka ate misha, manghihiram lang naman ng pambura eh" napakamot nalang si misha sa noo niya at sabay kuha sa pambura at ibinigay sa kapatid niya
"Oh ayan, ewan ko sayo bata ka! sige na alis-alis, nang iistorbo ka ng moment eh" umalis na si sungmin at sinarado ang pinto at syempre pinag patuloy ang pakikipag chat kay jerome

"slr, well I have a RP account lemme add you~" pumayag naman si jerome at doon na sila nag chat sa RP, tinawag nalang ni misha na 'Jerome' ang kachat nya para ma feel talaga niyang kachat siya ni bias, hanggang sa lumipas ang oras at nagingclose sila sa isa't-isa, sino banaman ang hindi maaaliw kausap si misha? likas na madaldal yan, mahina lang talaga sa english kaya minsan na mimisunderstood siya ng mga kausap niya. Inoff niya ang kanyang laptop dahil offline na si jerome at tinatamad narin siyang gumawa ng anupaman sa harap ng laptop niya

Nahiga nalang siya sa kanyang kama at nag daydream, experto siya pagdating doon, bumabagabag sa isip niya ang tungkol kay jerome na kung bakit siya talaga ang nag add at kinausap pa talaga siya nito, paulit ulit itong bumagabag sa utak niya hanggang sa biglang pumasok sa kuwarto si sungmin at tumalon sa kama nito.Ang ate ni misha at siya ng magkasama sa iisang kuwarto habang si sungmin naman ay kasama ang kanilang nanay at ang papa nila? ayun nagsosolo sa iisang kuwarto

"Oy sungmin, ano nanaman ba ang ginagawa mo dito!?"
"Isosoli ko lang naman ang pambura mo ate eh.."
"o sha sha akin na" kinuha niya ang pambura at humilata siya sa kanyang kama
"panira ka tlaga ng moment ikaw bata ka" bulong niya at umalis na ang bunso niyang kapatid, hanggang sa nakatulog ito

Lumipas ang maraming araw naging close ang dalawa at walang araw na hindi sila nag-uusap, unti-unting napansin ni misha na parang gumagaan ang loob niya dito at parang unti-unting nahuhulog ang loob niya pero pinipigilan niya ang kanyang nararamdaman dahil baka umasa lang siya sa wala.

Hanggang sa dumating ang araw na pinaka hinihintay ni misha, ang kaarawan ni jerome at mag cecelebrate din siya ng 1st anniversary niya bilang fan ng favorite kpop group niya.Kakagaling lang ng eskwelahan ang nag aaRP kay jerome, pero tawagin na muna natin siyang jerome pansamantala para di tayo magkanda lito-lito.

Umupo si Jerome sa kanilang sala at napahinga na malalim, kinamot niya ang kanyang noo at nakapalumbaba, bigla nalang siyang pinuntahan na kanyang kapatid na babae at ngumisi

"So, how's your day?" tanong nito nang nakangiti
"Ayun sobrang nakakapagod tapos ang lamig pa sa labas, teka nang-aasar kaba... mei!?" naguusap ang dalawa sa kanilang wika, at medyo maykaya sa buhay kaya pa english english kung makipagusap sa isa't isa
"Ano ba yan, you are so OA ah.."
"You are the one who is over reacting mei" tinarayan niya ito at umupo sa gilid si mei
"I'm just worried" mei mumbled, tinabihan ni jerome si mei at kinurot ang mga pisingi nito
"You don't need to worry about me too muck k?"
"I'm just worried na baka may masamang mangyari sayo, especially in your condition" mei pout and jerome chuckled
"Nako my cutie sis tlaga oh, lika nga dito" niyakap ni jerome si mei nang sorang higpit,

maya maya ay umakyat na siya sa kanyang kuwarto at binuksan ang kanyang phone, pagbukas niya ng fb acc niya sa RP ay nagulat nalang siya at tinag siya ni misha sa cover photo nito, nag effort talaga siya na batiin siya sa mismo nitong kaarawan, ginamit ni misha ang kanyang editing skills para mapasaya si jerome, napangiti nalang si jerome at talaga namang speechless siya, kahit na hindi niya tlaga kaarawan ngayon ay binati parin siya ni misha. Napansin ni mei na tumatawa nang mag-isa ang kanyang kapatid kaya umupo ito sa tabi niya para malaman kung ano ang dahilan

"misha.... since today is my birthday, can...um... you... be mine?"
"but.... jerome, what if your friends get mad at you?"
"It's no big deal, I'll take care of it... so misha can you be mine?"

"aigoo jerome... nae... I'll be yours starting this day"niyakap ni jerome ang kapatid niya sa sobrang tuwa at hinalik halikan ang screen ng kanyang phone

"So that's why you are laughing by yourself? chukhae then!" bati ni mei, tumango lang si jerome habang nakangiti

 

____________________________________________________________

a-yo hi hello BD

dahil sobrang pag durugugo na ang ilong ko sa kaka english sinubukan kong magtagalog, di ko lang alam kung marami ang makakabasa nito x3

it's my first tagalog story but it should be only "one shot story" pero dahil sa marami akong alam na uwi sya sa chapter xD [FAILED]
pero don't worry tapos ko na siyang isulat sa notebook ko, ita-type ko nalang dito sa aff. 

balak kong duktungan itong story na ito.. tungkol kay hae ang isusulat kong kasunod pero, d ko lng tlga sure kong idudugtong ko pa or what, nag dadalwang isip pa ako depende sa magiging resulta nitong 1st tagalog story ko ;~~;

anyways sana nagustuhan nyo sya, sana ♥
baka mga hanggang chapter 3 lang ito(?) minimum of 3 maximum of 4 xD, since naman malapit na sa kalagitnaan  yung story na pinutol ko
don't forget to comment and subscribe kahit na hanggang chapter 4(?) lang sya x3
comment nyo kung kailangan ko pang iduktong ung story ni hae, suggest ;w;

gomawo ♥ love lots from Angela_Kim <3 kitakits sa next chapter ;) ♥

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
cutexcupcake #1
Chapter 1: I wish it was in English :(