Ang flashback ni Taeshin (the Rain when i first met you)

Rain Sound

                                                               ╣"korean" ╣"tagalog"╣*thoughts*╣

 

Ako nga pala si Park Taeshin... As I always said "A broken heart will always be a broken heart"  pero hindi ko alam kung hanggang saan yang sinasabi kong yan...Basta.....

Nagsimula ito dalawang taon na ang nakakalipas....

(flashback : 2 years ago)

 

 

Taejun: " Sige taeshin mauna muna ako kailangan na kasi ako ni umma sa bahay eh..Hiramin mo muna itong payong ko, wag ka magpaulan ha."

Taeshin "sige bye"

Pauwi na sana si taeshin ng biglang lumakas ang ulan *Naku mukhang hindi pa ako makakauwi, lakas ng ulan at hangin eh, baka bumaliktad ang payong ni taejun wala akong pambayad,mamaya na lang siguro kapag humina na ang ulan* isip isip ni Taeshin. Kasalukuyang nasa waiting shed ng school si taeshin ng may lalaking sumilong.. Unti-unti nang nagsipaguwian ang mga estudyante *Hayyy~~~ Mabuti pa sila makakauwi na, may kotse naman sila at may sundo eh..* Malapit na dumilim at sila na lang nung lalaki ang naiwan sa waiting shed ngunit hindi pa humihina ang ulan..Ilang minuto ang lumipas at humina na rin ang ulan "Hayy sa wakas makakauwi na rin ako" pauwi na sana si taeshin nung makita nya yung lalaki na malungkot dahil hindi pa sya makakauwi, wala kasi syang payong. Nilapitan ito ni taeshin "Ahh kuya, gusto mo sumukob? Baka kasi mamaya pa huminto ang ulan. Mag-isa ka lang jan eh." alok ni taeshin ngunit "Ha? Sigurado ka? Wag na baka hindi tayo kasya, mababasa ka lang." "Ayos lang naman sa akin kuya, sige na kuya malay mo baka bukas pa huminto ang ulan sige ka" "Wag na~" "Ok sige ikaw bahala." paalis na sana si taeshin nung hinawakan ng lalaki yung kamay nya "Ahh mukhang tama ka,baka bukas pa huminto ang ulan, pwede makisukob?" "Oo sige ba." at  nagsimula ng maglakad ang dalawa.. May katahimikan sa atmosphere ng dalawa. "Ahh-- Ako nga pala si Joonmyun, Kim Joonmyun ng section 3-A. Ikaw?" "Ahh nasa higher level ka na pala, ahh ako? Ako si Park Taeshin, section 2-A" "Parehas pala tayo A, siguro sobrang talino mo?" "Hindi naman kuya." "Wag mo ako tawaging kuya, Joonmyun na lang." "Ahh sige." at tahimik nanaman ang atmosphere nila. "Ahhh taeshin, mas mabuti siguro kung ihatid kita sa bahay mo tapos pahiramin mo nalang ako ng payong. Nakakahiya kasi kung ako pa ang ihahatid mo" "Ahh sige ikaw bahala." "Saan nga pala direksyon ng bahay nyo?" "Jan, oh." at nakarating rin sila taeshin sa bahay nila. "Dito na ako, salamat sa paghatid ha." "Oo sige, uuwi na rin ako." "Basta, ibalik mo yang payong ha." "Oo naman, salamat sa pagpapahiram ha sige mauna na ako, madilim na kasi." "Ah teka, ito flash light, kailangan mo yan." "Sige salamat, bye." "Bye Joonmyun."

Pagpasok ni taeshin sa bahay nila, bumungad ang kanyang umma.

taeshin "Umma, nakabalik na po ako."

umma "Maligayang pagbabalik anak, pasensya na ha kung hindi ka namin nasundo ng appa mo  medyo busy kasi kami."

taeshin "Ayos lang po iyon umma, ang mahalaga ay nakauwi na po ako."

umma "Oh sige anak, magbihis ka muna habang magluluto ako ng dinner natin."

taeshin "Sige po umma."

Pagpasok ni taeshin sa kwarto nya, agad syang nagbihis ng damit at napagisip-isip *Joonmyun? Kim Joonmyun? ang gwapo nya at mukhang mabait, mukhang nagkakagusto na ako sa kan-- teka teka anu ba yang iniisip mo taeshin.. hindi pwede yang iniisip mo.aish, gutom lang yan kumain ka na nga sa baba*

At bumaba na papunta ng dinning room si taeshin at kumain sila ng umma nya..

umma: "Ahh taeshin anak, kamusta naman mga grades mo?"

taeshin: "Matataas naman po umma."

umma: "Patingin nga ng card mo."

taeshin "Teka lang po kukunin ko muna"

--

taeshin "eto po umma."

umma "Ang tataas nga, dahil jan may regalo ako sa yo."

taeshin "Ano po iyon umma?"

umma "Bukas, bibilhin natin kung anong gusto mo."

taeshin "Wag napo umma, sapat na po yang mapirmahan nyo ang card ko para maipasa ko bukas"

umma :"Oh sige anak, kumain ka lang ah"

taeshin " Opo umma."

Pagkatapos kumain nila taeshin ng dinner, tinanong nya ang umma nya

taeshin "Umma, kaylan po uuwi si appa?"

umma "mamaya pa daw"

taeshin "Ahh sige umma matutulog na po ako."

Umakyat na si taeshin papuntang kwarto nya. Matutulog na sana sya nang dinalaw nanaman ni Joonmyun ang isip nya...

*Aish anu ba taeshin, sabi ng hindi ko sya gusto, ah final na hindi ko sya gusto.. umalis ka nga sa isip ko shooo shoo alis SHOOO*

Matagal ring nag isip-isip si taeshin hanggang dalawin sya ni Mr.Antok at nakatulog na nga sya ng naka nganga.... Ewww ang laway...

 

A/N whoo eto na yung rain when taeshin met joonmyun... sorry kung hindi masyado maganda, i'll try next time^^ salamat po kung may nagbabasa, alahyu po ♥♥♥

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
maknae_taeshin
sheeet wala akong maisip! sorry ho wala akong update ^^'

Comments

You must be logged in to comment
PK-Natalie
#1
Chapter 9: OMO!! >//< sabi na nga at si Chanyeol babes yuneh!! kasama pa si Bacon! <3 eeeeeeh. kiligmats. hahaha~!! thanks sa UD. ^O^ hwaiting ulet sa next update.. :**
PK-Natalie
#2
Chapter 8: EHMERGHED !! Si Chanyeol babes naba yun ? o baka si Gramps? XD Lol. HAHAHA ! hihi. Nakaka eksayt ! :D
Ms-I-dont-know
#3
I will look forward!

update agad ha!^^