star

Shooting Star (Man in Love)

L's POV

 

 

Sapat na sa’kin ang nakaw tingin. ‘Yung pasulyap-sulyap lang, ‘yung ine-enjoy ang mga tawa’t ngiti mo. ‘Yung mga mahabaang kwentuhan na parang wala ng bukas.

Bestfriend FORERVER nga tayo ‘di ba? Kaya hindi mahirap na sumimple sa’yo dahil ang alam ng lahat ay magkaibigan tayo.. ‘Yun nga ang masakit kasi ‘di ko magawang sabihin sa’yo ng harapan ang feelings ko. Alam mo ‘yong andyan ka naeh, sobrang lapit, pero… heto ako, tikom ang mga labi. Hindi ko man lang masabi na gusto kita. Madaling sabihin pero napakahirap gawin.

Torpe na kung torpe pero iba kasi ‘pag kaharap na kita kesa sa iniisip lang kita. Saka, sabi nila mahirap kapag magkatuluyan ang magkaibigan dahil kapag dumating sa point na ayaw nyo na, hindi na maibabalik  o mahirap ng ibalik ang dating samahan.

Natatakot ako na baka sa kagustuhan kong mas mapalapit sa’yo, baka mas lalo ka pang mapalayo sa’kin.

 

 

“Myungsoo!”

 

“Hyung nakakatuwa. Salamat. Uunahan ko pa ang lola kong magka-heart attack.”

Napasapo ako sa dibdib ko bigla. ‘Di ko naman kasi akalaing susulpot si Woohyun hyung.

 

He pat my back as if mapakalma naman nya ako agad.

 

“Dude, masyado ka kasing nag-iisip – sobrang lalim. Kaya pati presence ko ‘di mo napansin.”

 

Tama, sa sobrang lalim kahit ako, hindi makaahon.

Napailing na lang ako st humiga sa damuhan. Sinamahan ako ni Woohyun sa drama ko at humiga sa tabi ko. Eto ang paborito naming gawin – mahiga sa damuhan habang pinapanood ang unti-unting pag-uwi ng mga estudyante.

“I think you should have a girl friend L. Para naman mas mapadalas ang pag-ngiti-ngiti mo. Bata ka pa para maging matanda.”

 

Girl friend? Sino ba namang lalaki ang hindi gugustuhing magkaroon ng girl friend? ‘Yung maganda? y? Matangkad? Makinis? Ewan. Hindi naman kasama ang mga nasbi ko sa mga qualifications ko sa isang babae. Hindi mahalaga ‘yon. Basta ikaw. ‘Yun lang, ikaw dapat.

 

“Hyung, ‘wag mo naman akong itulad sa’yo na malakas sa girls. I’m not you. Okay?”

Hyung cluck his tongue and throw an icy glare at me.

“I’m not a playboy just a lover.” Depensa niya sa sinabi ko.

 

Woohyun and I are known in the school. Sabi nga nila, ‘di lang looks ang meron kami kundi meron ding brain at heart – total package ika nga. Siguro, nakalimang girl friend na siya at ako, counting NOTHING. Ayoko kasing magmadali saka isa lang naman talaga ang gusto ko – ikaw.

 

“Okay. A lover. Do you already have a new prospect?” tanong ko sa kanya. Napabangon sya bigla at pinanood ko syang mag-isip nang nakahiga.

 

“Meron pero, saka na. sya kasi ‘yung tipong fragile. Siguro kung magiging kami, sya na hanggang huli.” Nakakatawa pero nung sinabi nya yun, may nakita akong spark sa mga mata nya. Siguro nga, iba ang babaeng ito s amga past girl friends nya.

“Ang drama~” hinagisan ko sya ng notebook ko.

“Totoo naman eh. Kilala mo ako L. When I love, I give all. Sagad at totoo. Manligaw ka na rin kasi para ‘di lang ako ang inaasar mo.”

“Wala pa akong lakas ng loob.” Bulong ko.

“L. Kelan pa? you know, every second is a chance to move and you are wasting every second of it. Man up bro.”

 

Tama nga, sinasayang ko ang lahat ng pagkakataon. Ever since I realized that I fell for you, I’m wasting every second of my chance. Nilalamon ako lagi ng hiya at takot.

 

“Oo nga pala. Maalala ko, may partner ka na ba sa school dance?”

 

School dance? Oo nga pala. Next week, foundation day at may school dance that night. ‘Pag nagkataon, this will be my first time experiencing a school dance bago grumaduate ng high school.

 

“Wala pa. eh, ikaw? Meron na?”

“Oo. ‘Di na ako lumayo. I asked Jaerin to be my partner. Para safe na rin.” Nahihiya niyang sagot.

“Si.. Jaerin?”

 

Hindi agad nag-sink in sa’kin pero nang makita ko ang ngiti ni hyung – ang sakit. Naunahan ako ng best friend ko. Balak ko pa naman, ikaw ang ayain ko pero wala na. Huli na.

 

“Yep. Si Suzy, wala pa atang partner. You should go and ask her. Tutal may gusto naman siya sa’yo.”

 

Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong ipakita that I’m okay but I’m not.

This dance was never as important for me before pero nang maisip kong I could ask you to be my partner, nagkaroon ako ng konting pag-asa that I could finally tell you everything. Pero, I ruined it.

“L, halilka na. nandyan na si Jaerin. Sabay-sabay na tayong umuwi.”

Bago sya umalis, tinapik nya ako sa balikat. Sana sa tapik na ‘yun eh nagising ‘yung confident na ako – ‘yung confident na Myungsoo at magawa kitang harapin.

 

Hindi ko maiwasang mainggit kay Woohyun habang kinakausap ka nya. Kasabay man kitang maglakad, ‘di ko namn magawang sabayan ang mga ngiti at tawa mo.

 

“Oy, Myungie. Ngiti ngiti rin. Baka mabawasan ang kagwapuhan mo. Naku sayang naman. Ibigay mo na lang kay Woohyun para walang tapon.”

 

‘Pag lingon ko sa’yo, wala akong nagawa kundi mapangiti rin. Ito na ata ang pinakatotoong ngiti ko ngayong araw.

 

“Jae Rin, gwapo rin naman ako ah. Lamang lang ng ialng tulog ‘yang si L.”

 

Sinuntok mo sa tagiliran nya si Woohyun. Madalas tayong magbiruan pero mulang mahulog ako sa’yo, nilamon na akong AWKWARDNESS at HIYA.

 

“Ikaw naman ‘di mabiro. Ang swerte ko kaya kase I have two handsome princes on my left and on my right.”

Hindi talaga matatapos nag araw na hindi mo ako napapatawa o napapangiti. Ikaw lang talaga ang nagagawang pilitin ang mga labi kong ngumiti kahitang gustoalgn nitong gawin ay sumimangot.

 

My heart made a flip ng bigla kang kumapit sa braso ko at kay Woohyun.

 

“Jae Rin, nakabili ka na bang dress?”

“Hindi pa.” sinagot mo si Woohyun. Pinanuod ko lang kayo. Pakiramdam ko tuloy na-out of palce ako bigla.

“I wanna know your dress para maibagay ko sa suit na bibilhin ko, para match.”

“I-sesend ko na lang ‘pag okay na.”

“Hintayin ko ‘yan ha.”

“No problemo amigo. Ikaw, Myungie, wala ka pang partner ‘di ba?”

Ikaw pa talaga ang nagtanong.

“Oo eh. May partner na kasi sya.”

 

Naintriga si Woohyun at pasakay na sana sa bus kaso pinalagpas pa natin. Naman, kelangan bang iparmadam sa’kin kung gano ako katanga?

 

“Ha? Sino ‘yun? Ambagal mo siguro. ‘Wag na kasing patorpe torpe. Walang patutunguhan ‘yan.”

Tama ka Woohyun. Naunahan mo ako eh.

“Hahahaha~ siguro ako ‘yan Myungie. O-oo naman ako kung tinanong mo ako ng maaga.” Pabiro mong sabi.

Natulala ako at ‘di nakasagot agad. Gusto ko tuloy iumpog sasemento ang ulo ko ng malakas. Nahalata mo kaya ang reaksyon ko? Tama ka, ikaw nga pero unfortunately sinapian ako ni “karuwagan” at ‘di kita nagawang ayain. I’m so stupid.

 

 

“Biro lang.~” sabay bawi mo.

 

After 15 minutes of waiting, dumaan na rin na bus. Magkatabi kayo ni Woohyun habang ako ay nakatayo sa giild niyo. Ang tangi kong nagawa ay tumitig sa inyong dalawa.

Inggit na inggit ako dahil dati ganyan tayo; parang walang pakealam sa mundo kung iisipin nilang may relasyon o wala. Gusto ko sana ako ang katabi mo at sa’kin naksandal ang ulo mo. Ini-enjoy ang mahina mong paghilik at ‘di nagsasawang pagmasdan ang tulog mong kagandahan.

Naiinis ako sa sarili ko.

 

***

Wala akong nagawa kundi ayain si Suzy para sa dance. ‘Di nga nagkamali si Woohyun at walang kaabog-abog na o-moo si Suzy. Medyo na-guilty tuloy ako dahil option lang siya at pilit ang pag-aya ko sa kanya.

Dumating ang araw ng dance at ‘di ko matago ang akbang nararamdaman ko. Parang ayoko nang pumunta pero naaya ko nasi Suzy,’di ko sya pwedeng iwan sa ere.

 

Mabilis na lumipas ang oras. It si no doubt that there are lots of pretty girls ngayong gabi but no one had really caught my attention.

Your face for me is the prettiest – with or without make-up, just the simple you.

Another romantic song was played at pang-apat na beses ko na atang sayaw it okay Suzy pero hindi niya ako pinapakawalan.

“Just dance with me L.”

“I’m sorry pero kelangan kong lumabas.”

‘Di ko na kinailangang marinig ang permission niya and walk out from the auditorium, slightly gaining people’sattention.

 

 

***

Nagpunta ako sa may garden, sa likuran ng auditorium. Doon, may isang maliit na fountain at gazeebo. May mga lights  na naka-hang papunta roon at doon ko nakita nag hinahanap ko.

She’s wearing an off-shoulder knee length balloon dress, black hair laying straightly, tucked behind her pearled ears. Ibang-iba ‘pag nakabihis ka – you look even more stunning.

 

“Andito ka rin pala.”

 

I gulp as I walk closer towards you.

 

“H-ha? Ah oo. ‘Di mo kasama si Woohyun?” sumandal ako sa post eng gazebo habang iniiwasan ang tingin mo.

“Nagpaalam ako sa kanya. Gusto kong mag-stargazing. Maliwanag ang langit ngayon eh. Ikaw? Nasayaw mo na siguro ang lahat ng girls.”

I bitmy lip, not removing my gaze on the floor, “oo. Ikaw na lang ata ang hindi.”

“Sayaw tayo.” You offered your hand to me. Hindi ka nagdalawang isip at inaya mo ako.

“Dito na lang tayo para wlanag istorbo. Rinig naman ‘yung music mula rito eh.” Dagdag mo as I took your hand.

Ewan ko ba, kung niloloko ako ng paningin ko, your cheeks appeared redder. Hindi kaya, nagbablush ka?

Kahit medyo kinakabahan ako, pinilit kong hindi manginig ang kamay ko sa waist mo. Eto na nga ba ‘yung chance ko? Masasabi ko nab a ngayon?

 

“Alam mo bang tuwing gabi naghihintay ako ng shooting star?”

 

Shooting star? I looked down at you and as you gaze on the sky, nakita ko ang ngiting gustung-gusto kong pagmasdan.

“Bakit? Dahil magwi-wish ka?”

“Hindi…”

“…nakakita na ako before ng shooting star pero sobrang bilis lang.”

Napangiti ako.

“Syempre. Shooting star nga eh.”

Kinurot mo ako bigla sa pisngi. ‘Di ako nainis kundi natuwa ako.

“Ngumiti ka na naman ulit. I really love your eyesmile. They’re beautiful, parang shooting star kaso mabilis ding mawala.”

I bit back my smile and focus on the floor. Bigla na naman akong nahiya. Kainis.

“Do you know why I really love waiting for shooting stars?”

 

Umiling ako at tinitigan ka.

 

“Eto kasi ang nagpapaalala sa’kin kung gano kabilis mawala ang mga bagay. Mga pagkakataon – pagkakataong gawin ang mga gusto natin, humingi ng tawad, kumain ng paborito natin, matulog o magpahinga, makipagkaibigan o kaya ay pagkakataong magmahal.”

Napahinto ka saglit. Naramdaman ko ang paghigpit ng mga kamay mo sa balikat ko.

“Everythig happens so fast na kung minsan ‘di natin namamalayang wala na tayong pagkakataong ibalik ang oras para gawin ang nararapat antign gawin. In a snap of a finger, flick! Wala na. ‘Di na natin alam kung kelan darating ulit ang pagkakataong iyon. Chances could pass once or twice but third time, we’ll never know when will it be…”

“…it tells me to move. Kumilos agad kung may gusto akong gawin sa buhay. Dahil mabilis mawala ang mga pagkakataon at hindi ko alam kung kalian ulti ito darating. Baka kasi hindi ko na mahintay pa kung kalian ulit iyon.”

“Chances are like shooting stars.” I muttered.

Are you knocking some sense on me? Oo Myungsoo. Oo. Kaya kumilos ka na.

 

Tumango ka.

Ngumiti.

Parang ang-advance celebration tuloy ang mga paruparo sa tiyan ko.

Puno ng kaba at excitement ang dibdib ko.

 

Kusang kumilos ang mga kamay ko at iknabig ka sa aking dibdib. Nakakatawa dahil biglang naging makata ang utak ko sa dami ng mga bagayna gusto kong aminin sa’yo. Tinitigan ko ang mga mata moa t sandali pa’y naramdaman kong pati ang labi ko’y ngumingiti.

Ito na ang sinasabi mong pagkakataon na ikaw mismo ang nagbigay.

 

“Jae Rin, kasi, ang totoo ay…”

 

“Ang totoo?”

 

“JaeRin, gusto…”

 

 

“JaeRin, L. andito pala kayo.”

 

Umurong bigla ang dila ko. Ang bilis nawala ng chance na binigay sa’kin. O, sadyang mabagal lang ako?

 

Sabay tayong napalingon.

 

“Woohyun.”

 

Lumapit ka sa kanya and I just felt that my chance have already slipped away.

 

“Kanina pa kayo hinahanap sa loob. Myung, pasok na~”

 

Hinaltak ako ni Woohyun habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa kamay mo. Nanlambot ako. Naghina ang buo kong katawan.

 

 

***

Hindi ko namalayang ang bilis ng pagtakbo ng oras. Years have passed by at eto tayo ngayon, may kanya kanya ng buhay.

 

Si Woohyun, nagake ng Medicine at ilang taon pa ang bubunuin sa pag-aaral.

Ako, I’ve decided to put up a small coffee shop sa Gangnam and at least it relaxes me a bit. I’ve named the shop, Byul.

Ikaw, ‘di ko alam kung kalian ka babalik ng Korea. Huling balita ko, kumuha ka ng Journalism sa isang sikat na university sa America.

 

“Sir Black coffee raw pos a table 3.”

 

Kinuha ko ang tray ng order at lumabas mula sa counter.

 

Nakasanayan ko na ang mag-serve sa customers. Para sa’kin mas matutuwa sila kapag ang mismong may-ari ang naghahatid ng order nila, because of this, lalong dumami ang customers namin.

 

“Black coffee for table 3, is there something you… Jae-rin?”

 

Buti na lang nailapag ko na ang tray kung hindi ay baka nabitawan ko sa harap mo ang cup.

 

“Hi. Long time no see.”

 

Halos walang nagbago sa’yo. Ang buhok mo, ang pananamit mo, ang pagngiti mo, wala – wala nga sigurong nagbago.

Napaupo ako at alam mo ‘yung pananabik ko sa’yo? ‘di ko mapaliwanag. Naipon lahat ang gusto kong sabihin sa’yo. Handa na ako. Handa na akong aminin na mahal kita at kalimutan ang pagiging duwag ko.

 

“Jaerin, kumusta? Pano mo nalaman ang coffee shop?”

Pansin ko ang abot tengang ngiti ko, sana hindi ka naiilang. Excited lang talaga akong makita ka.

 

“Kay Woohyun ko nalaman. Saka nice name – Byul pala pinangalan mo dito.”

 

Bahagya kang ngumiti.

 

“Oo. Naalala kasi kita.” medyo nahiya ako sa inamin ko pero sabi ko sa sarili ko, ‘di ko na palalagpasin ang pagkakataong ito.

 

Unti-unting nawala ang ngiti mo. Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?

 

May kinuha kang royal blue envelope sa bag mo at iniabot sa’kin.

Bigla akong kinabahan. Ngayon na alng ulit ako nakadama ng takot. Ibang takot. Masakit pero hindi ko alam.

Pagkakuha ko’y binuksan ko agad.

 

“Magpapakasal na kami ni Woohyun. Three years din bago naming maisipang magsettle down. Gusto niya, ikaw ang best man. Personal nya dapat na iaabot yan kaso, he’s too busy for his research, sana raw maintindihan mo.”

 

Para akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Halos ang buong sistema ko ay naging manhid.

 

“G-ganun ba? O-okay alng. Sabihin mo, I’ll be his best man. I’m happy for the both of you.”

 

Tears welled and it wanted to fall down. But please, not in front of you.

 

“Myungie.”

“Jaerin, I’m fine. Sige, kelangan na ako sa loob. Enjoy your coffee.”

 

Hindi na ako lumingon pa. ‘Pag katalikod ko, hindiko na napigilan na tumulo ang luha ko.

 

Pumasok ako sa office ko at ni-lock.

 

Gusto kong mapag-isa dahil ang sakit.

Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil ang tanga ko.

Masakit ang katotohanang huling-huli na ako at wala nang magagawa.

Sandamukal na katangahan ang pinairal ko sa mga nakaraang taon.

Kung kailang handa ka na, saka pa nawala.

Naging mahina ako at ‘di ko nagawang panindigan ang nararamdaman ko.

 

Chances are like a shooting star that passes quickly. So before it’s gone, grasp it as fast as you can, for you will regret, once you’ve missed it.

 

A/N:

Hope you like it...

Comments po...

Thank you for reading.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Gikwang_Enna_L
#1
Chapter 1: Nice story author nim! but it's kinda sad :'(
kernstinfinite
#2
Chapter 1: I felt bad for Myungsoo. Ang sakit rin kasi... Yung chance niya, nawala na talaga. Di bale, akin ka nalang Myung. Hahahaha. Pero nice story, author-nim :)))