Black Diary oneshot

Black Diary


Pagkadilat ko ng mga mata ko, binati ako ng kulay puting kisame at nakakabulag na ilaw ng bumbilya. Tumingin ako sa kanan, sa kaliwa, puro blangko. Sinubukan kong iangat ang aking kanang kamay upang kuskusin ang mga mata kong tila dinapuan ng astigmatismo.

Tinignan ko ang paralisado kong braso, puro mga aparato at mga plaster. Pilit kong sinuportahan ang pangitaas kong katawan gamit ang aking dalawang siko para umupo ng diretso.

"Hi Miss Sofie!" Bumukas ang pintuan na nagkukulong sa akin dito sa kulay puting selda, Naglakad papalapit sa aking kama ang babaeng may ari ng mala-anghel na boses. Nakita niya akong nagpupumilit umupo kaya kumaripas siya ng lakad papunta sa akin. Binaba niya ang dala-dala nyang mga papeles sa katabi kong kulay puting lamesa. Inalalayan nya akong umupo, nang nakasandal na ang aking likuran sa ulunan ng kama, saka lang umupo ang nars sa tabi ko.

"Miss Sofie, alas dose na, oras na para inumin mo ang gamot mo." Pagkakain ko sa mapait na gamot saka nya inilapit ang gilid ng tasa sa mga labi ko. Nang nangalahati na ang maligamgam na tubig, ibinaba nya ito katabi ng kanyang mga papeles na nakalakip sa kulay kape nyang paniklop.

"Oh Miss Sophie, pinapabigay ulit nung secret admirer mo." Iniabot sa'kin ni ate Mary ang kulay rosas na kahon, "Sabihin mo na kasi sa'kin kung sino nagbibigay nitong mga Strawberry Milk ate Mary." Umiling-iling ako na parang bata, ngumiti sakin si ate Mary tapos kumindat. "Dadating din yung time na magpapakilala sya sayo." Tumayo sya, kinuha ang bandehado kung saan nakalagay ang mga gamot ko pati narin kung saan nya inilagay ang mga papeles.

Pagkalabas ni ate Mary, tinitigan ko ang maliit na kahon sa kamay ko, "Sino ka ba talaga?" Tinignan ko ulit ang mga inisyal na isinulat niya sa sulok ng karton, NMP.

Ibinaba ko yung gatas sa tabi ng mga natanggap ko kamakailan. Tatlong araw na akong nakaconfine sa ospital at tatlong beses narin akong nakatanggap ng paborito kong gatas. Binuksan ko yung pangalawang drawer sa katabi kong lamesa, kinuha ko ang pinakainaalagaan kong kwadernong kulay itim umpisa nung high school pa lang ako; dito ko sinusulat lahat ng ayaw kong sabihin sa iba, lalong-lalo na yung mga bagay na hindi ko kayang sabihin.

Dalawang araw ang dumaan hindi parin ako gumagaling, ayaw parin nilang sabihin sa'kin kung ano yung sakit na dahilan kung bakit nadirito parin ako sa ospital na ito.

Umpisa kahapon umaga na ako binibigyan ni NMP ng gatas, pero ang gumulat sakin ay nung may natanggap akong note kasama ng gatas na bigay niya.

Good morning princess! :)

Hanggang araw-araw lagi nang may kasamang kulay asul na papel ang mga bigay niya, bawat umaga tuloy puro tukso ang natatanggap ko kay ate Mary. Bawat araw naguguluhan narin ako sa sarili ko, mas inaasam ko yung araw na magpapakilala siya sakin.

Inayos ko yung kumot ko habang nakapikit, halos isang oras na siguro akong nagpupumilit matulog pero hindi ko talaga kaya. Kaya pumikit nalang ako at gumawa ng mga istorya sa isip ko. Makalipas ang kalahating oras narinig kong bumukas yung pintuan, dahil likas akong matatakutin hindi na ako nagmalakas at nagpatuloy sa pagpikit. Napailing ako ng konti nang may humawak sa pisngi ko at nagsalita, "Good afternoon princess"

Ang sarap pakinggan ng boses niya, gustong-gusto ko ng dumilat at makita ang mukha niya pero inantay ko muna na ipagpatuloy niya yung sinasabi niya.

"Nung unang beses kitang nakita nagandahan na kaagad ako sayo, gustong-gusto kong lumapit sayo kaso baka hindi mo ko pansinin.. hindi kasi ako yung tipo ng lalaki na kapansin-pansin." Dahil sa sinabi niya lalo tuloy akong nagtaka kung sino talaga siya, sa pananalita niya kasi parang kilalang-kilala niya ako.

Binuksan ko ang mga mata ko pagkatapos niyang magsalita, "Ikaw si NMP?" Gulat na gulat siya kasi bigla niyang hinila yung kamay nya palayo sa mukha ko.

Huminga siya ng malalim saka tumango, "Sabi na ganyan magiging reaksyon mo eh." Tumingin ako sa mata nya pero tumingin siya sa ibang lugar.

Si Nicky, sya si NMP, bakit hindi ko man lang naisip yun? Masyado kong pinilit yung sarili kong kalimutan siya kaya hindi sumagi yung ideya sa utak ko. Si Nicky Melvin Perez yung crush ko nung high school kami, kulay dagat na mata na di mo aakalain na kayang tumingin sa babae na para syang basura. Di ko inakala na yung lalaking sumira sa buhay ko dati ay siyang parehas na lalaki rin na nagpangiti sakin umpisa nang naospital ako.

"Sof, di ko sinasadya yung ginawa ko dati kung bibigyan mo lang ako ng pangalawang pagkakataon para patunayan sayo na hindi na ako katulad ng dati.. please" Kitang-kita sa mga mata nya yung pagiging tapat sa mga salita nya. Tumango ako saka ngumiti sakanya.

Araw-araw bumibisita sya sa kwarto ko, paminsan-minsan sinasama nya yung mga kaklase namin dati nung high school, yung iba nga sakanila nagdadala pa ng mga regalo, pero pinakamadalas kong nakukuha strawberry milk. Paminsan-minsan din pinapaalam niya kay ate Mary kung pwede daw ba niya ako ipasyal sa labas, pero hanggang sa may garden lang, pumapayag naman pati yung mga doktor.

Araw-araw niya akong pinapasaya, yung tipong sa sobrang saya ko nakalimutan ko na yung dahilan kung bakit ako nasa ospital. Pero wala nga namang happy ending, dumating kasi yung araw na kahit gusto kong ngumiti para ipaalam sakanya na okay lang ako, hindi ko parin kayang itago yung katotohanan na bilang na yung mga natitirang araw ko.

Dumating din sa puntong nawala na yung pinaghuhugutan ko ng saya at enerhiya, hindi na bumisita si Nicky sa kwarto ko umpisa nung nalaman niyang may leukemia ako. Unti-unti akong nawalan ng ganang mabuhay, Parang nawalan ng kahulugan ang buhay ko sa mundo. Ang korni pakinggan pero totoo, siya na yung naging inspirasyon ko, siya yung nagbigay sakin ng pag-asa, siya yung nagpapaniwala sakin na balang araw sasaya rin ako, na kahit may sakit ako may bukas pa. Pero wala eh, siya yung sumuko sakin, kung siya mismo nawalan ng pag-asa.. tingin mo may dahilan pa para mabuhay?

Hinanap ko siya kay ate Mary, sabi niya umalis daw si Nicky pagkasabi niya sakanya kung ano yung sakit ko, nagpumilit akong tumayo sa kinahihigaan ko, "Hahanapin ko si Nicky!" paulit-ulit kong sinabi kay ate Mary, pati yung mga doktor pinapatigil na ko, nawalan na daw ng pag-asa si Nicky sakin, wag na daw akong umasang babalik siya.

Umpisa nung sinabi sakin ng mga doktor yun, hindi na ako kumakain, hindi na rin ako umiinom ng mga gamot ko, kaya laking gulat ko nang binalitaan ako ni ate Mary at ng doktor ko na gumagaling ako. Kinausap narin nila ako na ipagpatuloy yung paginom ko para mas bumilis yung paggaling ko.

Makalipas ang ilang buwan, tuluyan na akong gumaling at pinayagan narin nila akong lumabas ng ospital pero siguraduhin ko daw na bumalik parin ako sa ospital para magpacheck-up.

Pagkalabas ko ng ospital sinalubong ako ng nanay ni Nicky, may inabot siya sa'kin na kulay itim na kwaderno, pinapabigay daw ni Nicky. Pagkatanggap ko ng kwaderno umalis na yung nanay niya, pagkabukas ko sa unang pahina may nahulog na papel, pumunta ako dun sa lugar na nakasulat sa papel.

Inapakan ko yung preno ng kotse, pagkatingin ko sa labas nagulat ako nung nabasa ko yung karatula sa may gate. Bakit ako pinapapunta ng mama niya sa sementeryo? Bawat tapak papalapit sa puntod kung saan ako pinapapunta, ay may luhang kasabay na tumutulo.

Huminto ako sa tapat ng nitso kung saan nakalagay ang bangkay ng taong minsan din naging dahilan ng paghinga ko, napaluhod ako sa tapat ng lapida nya at humagulgol. "Hindi ka man lang nagsabi sakin. Bigla ka nalang nawala, kung alam mo lang muntikan na akong mamatay. Umpisa nung di mo ko binisita nawalan na ko ng pag-asa. Nawalan na ko ng dahilan para mabuhay. Nung gumaling ako akala ko makikita kita, yayakapin mo ko at sasabihin mo 'sabi ko sayo eh' pero hindi eh.. ano 'to? akala ko ba magkasama tayo palagi? tapos ganito? ang ihaharap mo sakin itong puntod mo? ang daya mo. ang daya daya mo." Pinalo palo ko yung lapida nya habang patuloy sa pagiyak.

Yakap-yakap ko yung diary ko nang biglang humangin ng malakas, tumayo ako at binasa ang bawat pahina, kinabisado ko bawat linya, bawat bantas. Napaluhod ako ulit nung umabot ako sa pinakadulong pahina. 'Hindi mo naman kailangan na ipagdasal ako, tignan mo nangyari kung hindi ka nagmadali sa pagmaneho papuntang Quiapo hindi ka sana naaksidente, hindi ka sana namatay, hindi sana ako umiiyak sa tapat ng puntod mo, hindi sana ako mag-isa ngayon.'

September 18, 2011

Sof, siguro habang binabasa mo 'to nakatapat ka na sa puntod ko, Sorry hindi kita mayayakap ngayon. Sorry hindi kita masasamahan sa puntod ng mga magulang mo, Okay lang.. rinequest ko kay Mama na pag kinuha na ako ng Diyos itabi nila ako sa mga magulang mo, para kahit papano parang nakasama mo narin ako. Sorry kung bigla akong nawala, nung nalaman kong may Leukemia ka tumakbo ako palabas hindi dahil nawalan ako ng pag-asa na mabubuhay ka, tumakbo ako papunta sa kotse ko at nagmadali sa pagmaneho papunta sa Quiapo, magmamakaawa sana ako sa Diyos na wag kang kukunin sa'kin hindi ko kasi kakayanin. Pero habang nagmamaneho ako naisip ko kung isasakripisyo ko kaya yung sarili ko, at ikaw nalang yung mabubuhay papayag kaya Siya?

Naalala ko pa nung isang gabi ang himbing-himbing ng tulog mo, narinig kitang nagsalita.. "Nick, mahal na mahal kita. Wag mo kong iiwan pls." Gusto sana kitang gisingin at sabihin sayo na mahal din kita kaso naisip ko, Titiyempohan nalang kita, gusto ko pagsinabi ko sayo na mahal din kita; gusto ko katabi kita, sa simbahan, katapat ang pari sa may altar. Kaso hindi ako umabot eh.. kaya ngayon ang masasabi ko nalang,

"Sising-sisi ako kasi di ko man lang nasabi sayo kung gaano rin kita kamahal."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet