same thing....

when i saw him crying

 

When I saw him crying..

 

 

Hay~ eto nanaman po tayo, nagbabasa nanaman ako dito sa library nagaantay na magdismissal yung pinsan ko at yung mga kaibigan nya, sa regular class kasi sila naka-enroll...

 

 

 

Psshh... Bakit kasi half-day lang yung special class? Yan tuloy lagi na lang ako nagbabasa dito sa library, lahat na ata ng libro dito nabasa ko na pati dictionary, encyclopidia, autobiography, research papers and other chuva and stuff.Pero syempre joke lang yun, paOA lang.

 

 

Hay~ naiinip na talaga ako... Pakilala kaya ako? Haha.. Ako nga pala si Alyson Ysabelle Yang. Bakit Yang? Well, I'm half korean, half Filipino. I'm 16 yrs. old and I believe in the saying "Kung maikli ang kumot, matuwa ka! Bakit? Akalain mo yun tumatangkad ka pala?"

 

 

 

Tama na nga itong kalukahan ko!

 

 

 

Anong oras na kaya?

 

 

 

Tiningnan ko yung orasan na malapit kay Ms. Marquez, the librarian.

 

 

 

1:30 pm pa lang? Ay sus, makapaggala nga muna...

 

 

 

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at lumapit kay Ms. Marquez para hiramin yung binabasa kong libro. Sa labas na lang ng librabry ko yun babasahin ang sakit kasi sa pwet ng mga upuan sa librabry ehhh..

 

 

 

*--*

 

 

Matapos kong mahiram yung libro, nagpunta na lang ako sa soccer field.

 

 

 

At naupo sa shade ng isang malaking puno sa tabi ng field, at nagbasa na lang ulit.

 

 

 

....

 

 

 

"Miss, this is my spot would you go away."

 

 

 

Hay~ istorbo sa buhay. I did not look up and ignored THAT person.

 

 

 

"Ewan ko sayo." sagot ko at nagpatuloy pa rin sa pagbabasa.

 

 

 

"Miss, please I'm tired would you please just go away. I told you this is my spot." pilit pa din nya.

 

 

 

Bwisit na lalaking eto..

 

 

 

"Bakit ba dito sa punong ito kailangan mong umupo? Pwede naman dun sa isang puno di ba?" I said without looking up from my book.

 

 

 

"That is my spot!" pasigaw nyang sagot.

 

 

 

"Hay~ Sensitive . Tumabi ka na lang kaya sakin? Ayokong umalis eh, pasensya na but this is also MY spot." I looked up and noticed na ang 'Prince' ng school, Si Choi Ren pala ang kausap ko.

 

 

Pakelam ko naman? Bahala sya sa buhay nya. I don't like him and hopefully I never will. Nagbasa na lang ulit ako, nagbasa ng nagbasa ng nagbasa ng nagbasa...

 

 

Napansin ko na lang na umupo na sya sa kabilang side nung puno and he just sat there looking at nothing in particular…

 

Just having a very pained expression on his face, and I just shrugged it off…

 

 

*--*

 

 

"Fudge!" napasigaw ako nung biglang umalog yung punong sinasandalan ko.

 

 

 

"Ano bang problema mo?" tanong ko sa lalaking nasa kabilang side nung puno. Nakatayo na sya at yung fist nya ay nasa trunk pa rin ng puno.

 

 

 

Tumayo na ako at nilapitan sya, "Psst, ano problema mo?" tanong ko ulit sa kanya.

 

 

 

 

No response.

 

 

 

 

Kinulbit ko sya.

 

 

 

 

No reaction.

 

 

 

 

Nagaalala na ako..

 

 

 

 

Nilapitan ko pa sya lalo, nitry kong tingnan yung mukha nya pero nung nakita nya yung ginagawa ko bigla syang umupo at tinakluban yung mukha nya.

 

 

 

 

Wala na akong masabi, umupo na lang ako sa tabi nya at hinaplos ang likod nya...

 

 

 

 

"Gusto mo bang sabihin sakin yang pinoproblema mo?" tanong ko sa kanya.

 

 

 

 

Umuling lang sya...

 

 

 

 

Nanahimik na lang ako...

 

 

 

 

Ilang minuto rin aming ganun, naririnig ko pa rin ang paghikbi nya, ang pipigil ng pagiyak nya.

 

 

 

"Wag mong pigilan, Ilabas mo lang ang talagang nararamdaman mo."

 

 

"Ilabas mo lang ang talagang nararamdaman mo" ulit ko pa, at ayun na nga naiyak na talaga sya ng tuluyan. Patuloy parin ako ng paghaplos ng likod nya.

 

 

Hindi ko na maintindihan ang gagawin ko, hinintay ko na lang humupa ang luha nya.

 

 

 

After his cries faded away and was replaced by the sound of nature an eerie silence was left between us.

 

 

"Thank you" he finally broke the silence.

 

 

"You're welcome"

 

 

"Uhmm... I have to go. Thank you." he stood up at umalis na without turning back.

 

 

I stayed there muna until I heard the bell.

 

 

Dismissal na. Kailangan ko ng pumunta ulit sa library dun kasi ako sinusundo ng pinsan ko...

 

 

*--*

 

A week after I found out that his mother died that day I saw him. I was glad I was there to comfort him then...

 

But I have nothing more to say about what happened..

 

 

 

*--*

 

 

 

5 months has passed since the incident with "The Prince" and I haven't seen him since. Well, occasionally I would see him when he passed through the corridors and looking inside rooms seemingly looking for someone.

 

 

But other than that there was no more encounter between the two of us…

 

 

 

 

And I would like to keep it that way.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
immab2uty0513 #1
@kpopartory Thank you, haha.. you've made me happy... Babaw ko right?
kpopartory
#2
Nagustuhan ko ung istorya mo, at sa pagkakasulat mo.
Nakita ko sa random story ito.