The reto is now close open-close open!

The best way to your crush's heart, is through their beloved younger sister's reto!
Please Subscribe to read the full chapter

"Hi, Whyn! Gusto mo ng chocolates?" 

 

 

 

"Hi, Whyn! Meron akong Krim Stix dito. Diba favorite mo 'to?" 

 

 

 

"Hi, Whyn! May Peppa Pig akong sfuff toy oh. Gusto mo sayo na lang?"

 

 

 

Iilan lang 'yan sa mga bumabati sa nakababatang kapatid ni Winter habang tinatahak nila ang daan patungo sa classroom nito. 

 

 

 

Kindergarten na kasi ito at saktong merong program sa paaralan ni Winter kaya naisipan nalang ng mga magulang nila na doon na din pag-aralin ang nakababatang kapatid. 

 

 

 

Karga-karga ni Winter si Wynter— yes, that's her younger sister's name.

 

 

 

Hindi niya alam kung ano ba ang sumagi sa utak ng mga parents niya at naisapan nilang parehosin nalang ang mga pangalan nila, which only differs by spelling. 

 

 

 

Napatawa naman ng mahina ang nakakatanda ng biglang nagtsked ang kapatid sa mga bumabati sakanya. With matching eye roll pa yan ha.

 

 

 

Nakalapat kasi ang ulo nito sa kaliwang balikat habang nakapulupot naman ang mga kamay sa leeg nito. 

 

 

 

Siguro ay sinusumpong na naman. Maaga kasi ito nagising dahil Monday na naman at may pasok sila. Winter had also made it a habit na siya ang magpeprepare sa kapatid tuwing umaga. 

 

 

 

And that includes: helping her younger sister shower and helping her get dress into her uniform. 

 

 

 

Kaya gayon nalang ang closeness nila. Kahit na ang laki ng agwat ng edad nila. Eighteen years old na kasi si Winter nang magkaanak ulit ang parents niya.

 

 

 

She had always expressed a younger sister pero sa kasamaang palad, nadiagnosed ang mother niya sa ovaries 'nung pinagbubuntis pa lang nito si Winter. Sabi pa ng doctor, baka daw mahirapan na ulit ito magbuntis. So for years, they were very careful. 

 

 

 

Good thing miracles happen and that's when her younger sister was concieved. Sa birthday niya pa natanggap ang balita kaya sobrang saya niya noon. 

 

 

 

For her, it was the best gift she had ever recieved. Kaya in that very moment, she made a promise to herself that she's going to love, cherish and take care of her baby sister. 

 

 

 

Kaya ayun, spoiled na spoiled ang nakababata sa nakakatanda. Paminsan-minsan ay pinapagalitan na din siya ng Nanay niya dahil lahat nalang daw ng gusto nito eh pinagbibigyan niya. Pero marunong naman siya magdesiplina sa kapatid. 

 

 

 

Sadyang hindi niya lang minsan magawa dahil nauunahan ito ng guilt at dahil cute na cute siya sa bunso sa tuwing nagpapout ito. Dagdagan pa ng mala-puppy eyes na mata nito. Deadly combo para sakanya. 

 

 

 

"Baby, bakit hindi mo sila ginigreet pabalik? Diba sabi ko sayo rude ang hindi bumati pabalik?" Mahinang usal nito sa nakababatang kapatid. Malapit na din nila marating ang classroom. 

 

 

 

"I know what they want, Ate Win. So no." Her younger sister grumbled na sinamahan pa ng pag-ikot ng mata ulit kaya napatawa siya ng onti. 

 

 

 

Hindi niya alam kung saan ba nakuha ng kapatid niya ang kamalditahang taglay nito. Ang ipinagtataka niya lang, sa school lang ito madalas magmaldita. Pero kung sa bahay nila, daig pa ang maamong tupa. 

 

 

 

"Still, Baby. Greet them back, okay? You don't have take what they're offering." 

 

 

 

Pinarangalan niya din ang kapatid na huwag basta-basta tumanggap ng kung ano-ano mula sa ibang tao. Pero hindi naman masama bumati pabalik sa bumabati sayo. 

 

 

 

"Hmmkay." Eto nalang ang nasabi ng kapatid at marahang pumikit. Tama nga ang hinala niya na inaatok pa ito. Napapailing nalang siya sa isip. 

 

 

 

Matapos mabaybay ang ilang buildings papuntang kindergarten area, nakarating na din sila sa classroom. Marami ding parents ang nasa labas at hinahatid ang mga anak nila. 

 

 

 

Meron ding ibang bata na mga nakabusangot at ayaw pa ata pumasok sa loob. 

 

 

 

"We're here na, Baby." 

 

 

 

Huminto si Winter sa harapan ng pintuan ng classroom. Nakita niya pa ang magandang designs sa dingding. Mga pinta ng butterflies na hinahabol ng mga cartoonized kids.

 

 

 

She smiled. Ang nostalgic dahil minsan na din siyang nakapasok sa classroom na ganito.

 

 

 

Ibinaba niya ang kapatid at yumuko para tapatan ang maliit pero cute na cute na height nito. She then gave her younger sister a soft smile bago marahang tinapik sa ulo. 

 

 

 

"Magbehave ka, okay? Huwag maging pasaway at makinig palagi sa tinuturo ng iyong guro."

 

 

 

Nagpout naman ang nakababata sabay napacross arms. "I'm always behave naman, Ate. It's my classmates that aren't. How barbarians." Umikot pa ang mata nito. 

 

 

 

Winter only laughed at that. Savage talaga ang kapatid niya kung gugustuhin. Haynako.

 

 

 

Ibinigay na nito ang Peppa pig themed bag na may laman ng isang Peppa Pig themed notebook along with her pencil case na may dalawang floors at 'yung 64 pieces crayola crayons.

 

 

 

Ang expensive ng kapatid niya. Spoiled nga eh. Si Winter naman kasi ang bumili lahat. 

 

 

 

Tapos sunod naman ay 'yung lunch box nito na may laman din ng paborito nitong PB&J sandwich na gawa ng Nanay nila at Strawberry Dutchmill.

 

 

 

It's her favorite snacks kaya hindi pwedeng hindi siya pabaunan nito araw-araw kung ayaw nilang sumpungin at magmaldita ito. 

 

 

 

Food is life pa naman ang motto ng kapatid niya. Bagay na namana nito sa nakakatanda. 

 

 

 

She stood up at saktong pagtayo niya ay nakatinginan niya ang Student Teacher na si Karina Yu. 

 

 

 

Lumalakad ito papuntang classroom at kararating lang ata. Dala-dala nito ang isang black na briefcase bag. Nakangiti din nitong binabati ang mga magulang at bata. 

 

 

 

Nakita din ni Wynter ang Student Teacher at walang ano-ano'y parang nagbago ang modo ng sumpungin niyang kapatid at masiglang binati ang babae. 

 

 

 

"Teacher Karina! Good morning po!" Her younger sister jumped in joy nang makalapit na ang babae sakanila. 

 

 

 

Sa hindi malamang kadahilanan, si Student Teacher Karina Yu lang ata ang tanging babaeng hindi minamalditahan ni Wynter sa school nila. Taliwas ay para pa nga itong isang tuta sa kabaitang taglay pag andiyan ang dalaga. 

 

 

 

Well maybe it's a given naman siguro dahil dakilang mabait ang babae. Palangiti ito at walang bahid ng kasamaan sa katawan. Para itong isang anghel na bumaba sa langit. Kaya siguro siya nagustuhan ng kapatid niya. 

 

 

 

Aside from that, napakaganda din ng dalaga. Lalo na kapag ngumingiti. Nawawala kasi ang mga nito at napapalitan ng maliliit na buwan. May maliit na biloy din ito sa kaliwang bahagi ng pisnge kasunod ng isang pintok ng nunal sa gilid ng labi. 

 

 

 

"Hi, Wyn. Good morning din sa'yo." Nakangiti at malambing na bati nito pabalik sa bata samantalang si Winter naman ay nakatingin lang sa interaksyon ng dalawa. 

 

 

 

Kasunod naman non ay ang pagpalitan ng tingin ng nakakatanda at ni Student Teacher Karina Yu. May bahid pa din ng ngiti ang labi nito. 

 

 

 

Hindi niya din alam kung namamalikmata ba siya palagi o sadyang pinapasadahan talaga siya ng tingin ng dalaga sa twing magkikita sila.

 

 

 

O baka delulu lang talaga siya. 'Yan ang tamang sagot dun.

 

 

 

"Hi, Winter. Good morning din. May duty ka today?"  

 

 

 

Hindi naman bago ang pagbati ng dalaga sa nakakatanda. Pero madalas lang talagang parang nagyeyelo at naglo-loading si Winter kapag binabati siya nito. 

 

 

 

Naramdaman naman niyang kinurot siya ng nakababata kaya napaayos siya ng tayo at napatikhim. 

 

 

 

"Good morning din, Karina. Tsaka, oo. 8-3 ako ngayon."


(A/N: Wala talagang 8-3 shift guys. Gawa-gawa ko lang for the plot. Pero sana all meron no?)

 

 

 

Isa kasing graduating nursing student si Winter. Napansin siguro nito ang suot na nursing scrubs. Saktong 7:30am naman ang pasok ng kanyang kapatid kaya 7 o'clock pa lang ay nasa school na sila.

 

 

 

Malapit lang din naman ang hospital na pinagdu-dutyhan nila. Pag-aari din ng school na pinag-aaralan niya kaya convenient sakanya ang paghatid-sundo sa kapatid. 

 

 

 

'Yun nga lang, kapag nasaktohan na 'yung rotation nila ay night shift, sila Mama niya ang sumusundo sa nakababata. 

 

 

 

"Oh okay. You take care, Win. Try to enjoy the duty." Binigyan siya nito ng isang magandang ngiti na ikinayelo naman ulit ni Winter.

 

 

 

"I'm gonna go ahead na din. Whyn, let's go inside na?" Pag-aaya nito sa bata. 

 

 

 

"Okay po, Teacher Karina!" Mabilis na sagot ng bata. Ang bilis talaga kausap nito kapag si Student Teacher Karina Yu. 

 

 

 

"Ate, bye bye na po.!" Sinenyasan naman siya ng bata na yumuko. Napangiti naman siya ng halikan siya nito sa pisnge.

 

 

 

"I love you, Ate! See you later!" 

 

 

 

Matiwasay namang naiahon ni Winter ang duty niya. Medyo banas lang dahil natuon sila sa isang toxic clinical instructor.

 

 

 

Ang ironic, hindi nga toxic ang duty, 'yung c.i naman nila. Nalate pa ang pagdismiss sakanila dahil kinorek pa nito ang tinurong mali sakanya in regards to intake and output solvings. Napahayst nalang siya. Tama naman ang ginawa niya. 

 

 

 

Tumingin ito sa suot na relo at isang oras na din ang nakalipas magmula ng dismissal ng kapatid niya. 

 

 

 

Kaya dali-dali naman siyang dumeretso sa kindergarten. Pero bago 'yun, nagstop over muna siya sa cr para mag freshen up dahil baka ang haggard na niyang tignan.

 

 

 

Medyo lang kaya nagpulbo nalang siya at nagpabango pagkatapos ay gumora na. 

 

 

 

Kaunti nalang ang mga bata na natira sa labas ng classroom. Halos nasundo na ang iba. Kadalasan din nag-aabang sakanya si Wynter sa may garden area ng classroom pero wala siyang nakitang nakababatang kapatid. 

 

 

 

Nagtaka naman siya kaya sumilip siya sa bintana at doon nakita ang kapatid na masayang nakikipagdaldalan kay Student Teacher Karina Yu. Silang dalawa nalang ang natitira sa loob. 

 

 

 

Tumatawa pa ito at halatang aliw na aliw sa kinukwento ng mas matanda. Nakapatong ang dalawang elbow sa lamesa at inaalalayan ang mukha. Her mannerism lalong lalo na kapag interesado talaga siya sa pakikinig ng isang kwento. 

 

 

 

"Tell me more, Teacher Karina!" The girl laughed at her enthusiasm. 

 

 

 

"I'm afraid I can't tell you more, Baby. Baka magsumbong ka."

 

 

 

Nagtaas naman ito ng kamay, nanunumpa. "I won't tell po! I promise! I'll even help you!" 

 

 

 

Namuo naman ang kuryusidad kay Winter. Ano kaya ang pinaguusapan nila at ganito nalang kaexcited ang kapatid niya? Nanumpa pa nga. 

 

 

 

"Talaga? Pinky promise?" Student Teacher Karina Yu held her pinky out. 

 

 

 

"Pinky promise!" 

 

 

 

Makikimarites pa sana si Winter nang bigla niyang maisarado ang jalousi ng bintana na nakapaggawa ng ingay dahilan upang mapatingin sakanya ang dalawa.

 

 

 

Napamura naman si Winter sa isipan. Naputol din ang usapan ng kapatid niya. 

 

 

 

"Ate!" Sinalubong siya ng kapatid sa labas at dinambahan ng yakap. Nakasunod naman sakanya ang nakangiting si Student Teacher Karina Yu. 

 

 

 

"Hi, Win. Good afternoon. How's your duty?" Magaang tanong nito sakanya. Hindi man lang nabubura ang ngiti sa labi nito. 

 

 

 

"Medyo hindi maganda kaya nalate ako ng sundo kay Wyn. Pero okay lang naman." 

 

 

 

Dumaan naman ang bahid ng pag-alala sa magandang mukha ni Student Teacher Karina Yu. 

 

 

 

"Oh, are you okay?"

 

 

 

Ningitan naman siya ni Winter. Somehow, gumaan ang pakiramdan niya dahil don. 

 

 

 

"Okay na."

 

 

 

---

 

 

 

"Ate Win, I really like Teacher Karina." 

 

 

 

Napatingin naman si Winter sa nakababatang kapatid. Kasalukuyan nila ngayong nilalakad ang village nila papuntang bahay. Malapit lang naman at exercise na din. 

 

 

 

"Do you like her too?" 

 

 

 

Napatigil naman sa paglalakad si Winter kaya napahinto din ang kapatid. Magkawak kasi sila ng kamay. 

 

 

 

"O-Oo naman. Ba't mo naman natanong, Baby?" 

 

 

 

Napangisi naman ito ng malapad sa sinagot. 

 

 

 

"Nothing, Ate Win."

 

 

 

"But did you know? Favorite niya ang navy blue color just like you and I, Ate Win!" 

 

 

 

"Tapos legos din. She even showed me a picture of the tower she made!" 

 

 

 

"Tapos vanilla ice cream din ang favorite flavor niya because she can elevate it into a Banana Split. Tapos her favorite flowers are sunflowers..." 

 

 

 

At marami pang iba. Puros likes at dislikes lang ata ang narinig niya mula sa bibig ng kapatid. Mukhang mas nakilala pa nga niya ang Student Teacher dahil dito. 

 

 

 

Pero sa kaloob-looban niya, she's thankful for the information her sister was sharing with her. 

 

 

 

Napangiti siya ng lihim. 

 

 

 

Weeks had past and it was now Friday. Last day na rin ng duty ni Winter kaya makakapagpahinga na din siya ng matiwasay. Makakalaya na din siya sawakas mula sa terror C.I niya. 

 

 

 

Tinatahak niya na din ang daan papuntang classroom ng kapatid niya dahil kakadismiss lang nila. 

 

 

 

They also have this sisterly bonding where they would eat their favorite flavored ice cream sa malapit na ice cream shop, malapit lang sa village nila. 

 

 

 

Pero this time, parang may gusto siyang imbitahan na mahilig din sa vanilla ice cream. 

 

 

 

Hindi na kasi natigil ang kapatid at bukambibig nalang nito palagi ang Student Teacher.

 

 

 

Teacher Karina this. 

 

 

 

Teacher Karina that. 

 

 

 

Tuloy, hindi na rin niya maigawang ialis ang babae sa isipan.

 

 

 

It's as if she also developed a certain crush towards the girl. But who was she kidding? Simula pa lang, crush niya na ang Student Teacher ni Wynter. Sadyang mas lumalim lang. 

 

 

 

Dinagdagan pa ng kapatid niya na walang ibang nilabas mula sa bibig nito kundi purong magagandang salita lamang.

 

 

 

Her sister that was never keen towards other people other than her own sister and parents. But Student Teacher Karina Yu managed to get her to like her. 

 

 

 

So there is really something about that girl.

 

 

 

And she wants to know why.

 

 

 

Truth to be told, may naging girlfriends na before si Winter pero hindi rin sila nagtatagal dahil unang-una, gusto lang nila si Winter dahil sa angking ganda nito and nothing more. Nothing else. 

 

 

 

The feelings were never deep but superficial.

 

 

 

Pangalawa, busy din si Winter sa kurso niya. Mas mahalaga kasi sakanya ang studies noon dahil mahirap talaga ang kursong kinuha niya. 

 

 

 

Plus 'yung several hours of required duties pa. Kung may rest days naman, mas pinipili nalang niyang iukol ito sa pamilya at kapatid. 

 

 

 

Kaya nawawalan din siya ng time dahilan ng break-ups. 

 

 

 

Lastly, and most important. Ayaw ng kapatid niya sa mga nagiging jowa niya. 

 

 

 

Nahihirapan kasi sila makisama dahil maldita daw ito— kahit na hindi naman talaga. Kadalasan din binabad mouth nila ang kapatid kesyo brat daw at masama ang ugali kaya turn off na agad si Winter sabay nakikipaghiwalay. 

 

 

 

Sa isip niya. Kung hindi nila kayang mahalin ang kapatid, na mahal na mahal niya. Then, hindi rin nila makakaya siyang mahalin. 

 

 

 

Kaya mas minabuti nalang ni Winter na maging single muna at maging devoted older sister sa nakababatang kapatid. Dadating din naman ang tamang tao para sakanya. 

 

 

 

Tas sinabi pa niya sa kapatid nung one time na naging broken hearted siya dahil kakahiwalay lang nila ng ex-gf niya— na kung sakaling may magustuhan man itong babae para sakanya, then hindi ito maghehesitate na i-date. 

 

 

 

Pero biro lang naman 'yun. Eh ang kaso, mukhang tinotoo nga talaga ng kapatid niya. 

 

 

 

Narating na niya ang classroom sakto sa dismissal ng kapatid. Medyo siksikan pa dahil nag-uunahan ang mga bata na makalabas kaya mas minabuti nalang niya na maghintay sa may garden area. 

 

 

 

"Ate!" 

 

 

 

Nagulat siya dahil sa biglaang pagdamba sakanya ng kapatid mula sa likuran. Nakarinig din siya ng mahinang tawa at alam na alam niya kung kanino galing 'yun— kay Student Teacher Karina Yu. 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
nabs_infp
#1
Re-reading cause I needed baby Wyn's cuteness. 🥺
myouiminguinari
#2
Chapter 1: Kay cute!!!!
TYTFshipper
271 streak #3
Chapter 1: Cutieeee 🤧🤭🥰
aLeJ_Kim #4
Chapter 1: Parang sa buong pagbabasa ko nito, nangingisay lang ako sa kilig
karinasaurus11
62 streak #5
Chapter 1: Cute cute naman ng baby wyn na yan! Naging tulay pa nga sa lovelife ng ate 😁
mind00ngie
#6
Chapter 1: baby wyn 🥹
winrinasaurus
#7
Chapter 1: ang cute cute lang huhu 🥹
infp23
#8
Cover photo pa lang ang cute cute na 🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹
hziose
#9
CUTENESS OVERLOAD 🥹🥹🥹
JiminjeongWK
#10
Chapter 1: 🫶🏻🫶🏻