FINAL

The One I Love
Please Subscribe to read the full chapter

“And they lived happily ever after” tapos niya sa binabasang libro saka tinignan isa isa ang mga batang nakikinig sa kanya. Kita mo sa mga mata nito na manghang mangha sa narinig na kwento. Nangiti siya saka nag tanong “Do you like the story?”

“Yes teacher” sagot sa kanya ng mga mag aaral niya

“I want to find my prince too teacher” saad ng isa niyang estudyante na lalong naka pag pangiti sa kanya

“You will sweetheart” malambing na tugon niya dito

“Teacher, how about you?” tanong naman ng isa, natingin siya dito

“What about me?” takang tanong niya

“Na meet niyo na po ba ang prince niyo?” nagulat siya sa tanong nito ‘wow’

“Yes. But she’s a girl” confident niyang sagot

“Wow just like my auntie, her prince is also a girl” natingin siya sa batang nag salita

“Really?” tanong niya dito habang naka ngiti

“Yes ma’am” sagot nito na para bang proud na proud. Lalo siyang nangiti

“Tell us the story teacher” saad ng isa

“Ano po pangalan niya?” tanong naman ng isa

“Saan po kayo nagkilala?” hinatak niya ang kinauupuan niya sa may harapan ng desk niya saka nag simulang mag kwento

“Hmmm we met nung highschool pa kami. We both part of the school choir, and eventually naging close kami at naging mag friends. Then suddenly she confessed to me”

“Ano po yung confessed?” tanong sa kanya ng isang estudyante

“Confessed, iyon ang ginagawa kapag gusto mo sabihin sa taong love mo na love mo sila” paliwanag niya

“Ahhhhh” sabay sabay na sabi ng mga ito

“Alliyah nag co-confessed ako sayong love kita” sigaw nang isang lalaki niyang estudyante. Biglang nagkagulo at nagtuksuhan ang lahat. Natawa siya saka tinignan ang dalawang estudyante ‘mga bata nga naman’

“Pero class. Kapag nag co-confessed dapat sincere, dapat galing sa puso” naka ngiti niyang sabi

“Eh paano po ba yon?”

“Uhmm sincere, pwedeng bigyan mo siya ng letters and flowers, or sabihin mo sa kanya ng harapan ng kayong dalawa lang. Like, you should explain it in a sincere way and make them understand kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya”

“Ganon po ba ang ginawa ng prince mo sayo?” tanong ng estudyanteng nasa harapan niya, nginitian niya ito saka hinawi ang buhok na nasa noo

“Yes”

 

“Joy?” dinig niyang tawag sa kanya. Agad niyang nilingon kung saan galing ang boses

“Wendy? Bakit?” taka niyang tanong nang makalapit ito sa kanya

“Ahhm uuwi ka na?” tanong nito

“Yups. Bakit?”

“Sabay na tayo” naguguluhan man siya sa iniaasta ni Wendy ay um-oo pa rin siya

“Sure” tinignan niya ito sa mata “Ayos ka lang ba?” tanong niya sabay hinawakan ang isang kamay nito. Namula ito ng sobra na lalong nakapag paalala sa kanya

“Y-yes” mahinang sagot nito

“Are you sure? Namumula ka kasi eh. May sakit ka ba?”

“Ha? W-wala. Ayos lang ako promise” tinaas nito ang kanang kamay na akala mong sumusumpa ng Panatang Makabayan

“Sure ka ah?” tumango sa kanya ito “Sige tara na” aya nito

“Ahmm pwede bang dumaan muna tayo dun sa park?” hinahagilap niya ang pwedeng mabasa sa mukha ni Wendy pero hindi niya ito makita

“Okay?” medyo alinlangan niyang sagot

“Okay. Thanks” napa taas ang kilay niya ‘super weird’

Nang makarating sila sa kotse ni Wendy ay binuksan nito ang pintuan para maka pasok siya. Nagpasalamat siya dito saka pumasok ng sasakyan. Sobrang tahimik nang biyahe. Hindi sila ganito, so bakit? Napatingin siya kay Wendy na kasalukuyang nag da-drive. Focus na focus ito sa pag da-drive at hindi manlang siya nito tinignan

Nang makarating sila ng park ay agad bumaba si Wendy ng sasakyan para pagbuksan siya ng pintuan. Matapos niyang maka baba ay naglakad ito papuntang compartment niya, binuksan niya ito saka nilabas ang tatlong paper bag. Hindi niya alam ang laman ng mga ito dahil naka stapler. Iniisip niya tuloy ngayon kung may napag usapan ba silang picnic at nakalimutan niya lang na naging dahilan kung bakit hindi kumikibo si Wendy. Nakatingin siya dito pero wala itong sinabing kung ano at nag umpisang maglakad papunta sa may duyan. Sinusulyapan niya madalas si Wendy habang naglalakad sila pero para bang may sariling mundo ito. Hinayaan niya nalang muna dahil alam niyang sasabihin naman nito sa kanya kung ano man ang gumugulo sa isip nito kapag nakakuha na ito ng tiyempo.

Pagka dating nila sa may duyan ay agad siyang umupo dito, pero si Wendy ay naka tayo lang sa may gilid habang naka tingin sa malayo. Hindi niya inaalis ang tingin dito hanggang sa mag salita ito

“Joy?”

“Hmmm?”

“For you” iniabot ni Wendy sa kanya ang dalawang paper bag na hawak hawak niya

“Thank you. Ano to?” sabi niya habang pilit sinisipat ang loob

“Ma-mamaya mo na tignan… ah pag uwi mo” kumakamot ito sa batok niya

“Oh okay” sagot niya. Inialis ni Wendy ang tingin sa kanya at binuksan ang isa pang paper bag na hawak hawak pa rin niya

“For you din” sabay abot sa kanya ng handmade flower bouquet at tatlong pirasong rosas

“Bakit may handmade saka may totoong bulaklak?”

“P-para kahit mabulok na yung totoong bulaklak nandyan pa rin yung handmade na makapagpapaalala sayo na binigyan kita ng flowers” pahina nang pahinang sagot nito. Nangiti siya

“Thank you” ngumiti ito sa kanya. Ilang minuto ang nagdaan ng magsalita ulit ito

“Ahhm Joy? Can I tell you something? But promise me hindi ka magagalit?” bumalik nanaman ang kaba at pag-aalala na nararamdaman niya kanina

“Sure, ano yon?” medyo desperado niyang tanong

“I like you Joy” natigilan siya

“I like you too we’re friends diba?” saad niya na medyo naguguluhan pa rin. Hindi ba nararamdaman ni Wendy na mahalaga din siya sa kanya?

“No, I mean, as in love. Mahal kita Joy” nanlaki ang mga mata niya ng mag sink-in sa kanya ang sinabi ni Wendy “I’m sorry I shouldn’t say that. Please forget i-”

“Totoo ba?” pilit niya itong tinitignan sa mata pero hindi siya nito matignan, pagkatapos ay yumuko ito

“Oo” mahina nitong sagot

“Hindi mo ako pinaglalaruan?” tanong niyang muli

“I will never never going to do that” mabilis na sagot ni Wendy habang nanlalaki ang mga mata

“Then okay” Nawala ang panlalaki ng mata nito pero pumalit ang kunot ng noo

“Okay?”

“Yes, okay. This is not a prank, right?” tanong niya ulit

“It’s not!”

“I trust you” ngumiti siya dito “I want to say, I love you too”

“Ha?” gulat na tanong sa kanya nito

“Mahal din kita Wendy” may ilang minutong katahimikan. Nakita niyang nawala bigla ang lahat ng pag aalala sa mukha ni Wendy at napalitan ito ng ngiti

“So, can I court you?”

“Yes. You can”

 

Bigla siyang nabalik sa wisyo nang maka rinig ng tilian. Nangiti siya nang makita ang klase niyang tuwang tuwa sa kinwento niya

“Tapos teacher, anong nangyari?” tanong ng isang estudyante

“After three months naging kami na” kinikilig niyang sagot

“Yieeee” sabay sabay na tukso nito sa kanya

“But kids, always remember, kung ano man ang naging desisyon ng nililigawan mo, kung humindi man siya o um-oo dapat i-respect mo yon”

“Opo teacher”

“At isa pa, your parents should know kapag may nanliligaw or manliligaw kayo” pag re-remind niya

“Bakit po?” kunot-noong tanong ng ilan

“Para ma-guide nila kayo” marahan niyang sagot

“Edi alam din po ni mama mo saka ni papa mo?” tanong muli sa kanya

“Ofcourse”

 

“Kinakabahan ako Joy” sabi ni Wendy habang pigil pigil siyang makapasok ng gate nila. Tinignan niya ito saka humalik sa pisngi nito

“Don’t worry mababait sila, akong bahala okay?”

“Okay” dinig pa rin ang kaba dito kaya pinisil niya ang mga kamay nito saka ngumiti bago pumasok sa loob ng bahay nila

 

“Ma, Pa, andito na kami” tawag niya sa mga magulang niya

“Anak, eto na ba ang lagi mong kinukwento sa amin ni mama mo?” salubong ng Papa niya sa kanila

“Opo” sagot niya

“Magandang gabi po Sir” bati Wendy

“Sir? Tito nalang iha” nakangiti nitong sabi

“Magandang gabi po tito” ulit na bati Wendy. Tinignan niya ito saka ngumiti

“Eh napaka gandang babae naman pala” biglang sabat ng Mama niya

“Magandang gabi po…”

“Tita nalang din” naka ngiti nitong sabi kay Wendy

“Tita. Magandang gabi po tita”

“Oh siya, tumuloy ka at kumain na tayo” imbita ng mama niya. Sumunod silang mag lakad papuntang kusina. Agad silang kumain pagkatapos maupo

Alam niya sa sariling magugustuhan ng parents niya si Wendy pero hindi sa ganitong kabilis. Nakuha kasi kaagad ni Wendy ang loob ng mga magulang niya ilang minuto pa lang ang nakararaan matapos maupo para kumain. Ngumiti siya. May pinagmanahan naman pala siya

“Bakit hindi ka nalang dito matulog iha? Gabi na” may pag aalalang tanong ng mama niya kay Wendy

“Hindi na ho tita, may meeting pa po kasi ang officers bukas, maaga po akong babangon” tumingin ito sa kanya “baka po magising ko pa si Joy habang nag aayos ako” nginitian siya nito. Tumingin siya sa parents niya at kita niya ang panunukso sa mga titig nito

“O sige ingat ka” sabi ng papa niya

“Salamat po”

“Hatid ko muna siya ah” paalam niya sa mga magulang at saka lumabas

“Bye na? Thank you for inviting me” malambing na sabi ni Wendy

“You’re welcome. If ever you’re still nervous about my parents, trust me, they like you, I can see it” saad niya habang hinihimas ang pisngi ni Wendy. Niyakap siya nito

“I’m happ

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet