One

Maniwala ka, hindi kami!
Please Subscribe to read the full chapter

A/N: I'm not very knowledgeable about basketball so forgive me if things I wrote about basketball are incorrect lol

 

Hindi ako yung tipong nauuna sa mga schedule. Hindi rin ako nalelate. I’m just on time all the time. I love my sleep. Kaya as much as possible, sinusulit ko ang tulog ko at the very last second bago ako bumangon at mag ready para sa araw ako.

 

Same lang ang routine ko araw-araw kasi nakaset na yung time ko. I know how long I prepare sa umaga, I know how long I eat, at alam ko rin kung gaano katagal ang byahe ko papuntang school. Calculated yan lahat kasi I don't like wasting time when I could be sleeping. 

 

Guluhin mo na ang lahat, wag lang ang tulog ko. Real na real. 

 

Mabilis ako maligo. It takes me 15-20 minutes to shower since maikli na ang buhok ko. When I had longer hair, it took longer to wash, rinse, and dry my hair kaya naman I woke up earlier para hindi ako ma late sa first class ko. I decided I hated that. As much as I loved my long hair, napansin ko lang na medyo basag ako sa umaga dahil medyo kulang ang tulog ko. So I cut my hair. 

 

Mas magaan ang ulo ko at may extra 20 minutes ako na tulog. Minsan, I take a shower at night if I feel extra tired at gusto kong mag sleep in for a few minutes. Kaya pag gising ko, I just wash my face and wipe the sleep off my body before I get dressed.

 

It’s a simple routine that I do to make my life easier in the mornings. 

 

Ayoko rin umalis ng bahay na walang almusal. I absolutely cannot function kapag walang laman ang tiyan ko. My mom has ingrained that since we were younger that the most important meal of the day is breakfast. So I take ten minutes to eat tapos 30 minutes rest before ako mag toothbrush. Sabi kasi ng dentist ko na nakakasira ng ngipin ang mag sipilyo after eating. Something about the food breaking down and being acidic. Ewan ko. Naniwala na lang ako kasi naman ayokong mapudpud ngipin ko. 

 

Nagkabraces ako nung high school pa ako kasi sobrang pangit ng ngipin ko. It’s a privilege pero it was the worst two years of my life. Sobrang sakit magpa-adjust. Minsan hindi pa ako makakain for days dahil sa sakit ng ngipin ko. So I take good care of my teeth. Out of everything sa katawan ko, I take care of my teeth the most. 

 

Ang mahal kaya ng ngipin ko for me to not take care of it!

 

Pero kahit gaano ako ka calculated ang time ko everyday, hindi ko talaga maiwasan ang off days. 

 

Mapapamura na lang talaga ako. 

 

My alarm didn’t go off. Dahil sa training namin kahapon sa basketball, sobrang pagod ng katawan ko that I mistakenly used the calculator on my phone as my alarm clock. 

 

Sa sobrang pagod ko, hindi ko na-dry ang buhok ko kaya I slept with wet hair and woke up with a mild headache. At dahil late na ako nagising, I lost 30 minutes and basically had no time to do my usual routine. 

 

Walang suklay, walang kain, just plain headache. 

 

Hindi ko na nga nacheck yung traffic sa phone ko dahil sa pagmamadali. I just hopped on my bike and tried my best to weave through traffic. Buti na lang at hindi masyadong malayo ang bahay namin pero kahit na, maglalakad (or tatakbo) pa ako sa building namin. I just hope na makaabot pa ako. 

 

I didn’t even think twice after I found parking. Basta na lang akong tumakbo sa building namin. Buti na lang wala pa yung prof namin kahit mga five minutes na akong late. It’s not unusual naman for people to look at you when you arrive late pero napansin ko kasi na tinatawanan ako? I don’t usually pay any of them attention kasi I like to keep to myself pero ang obvious kasi ng mga pagtingin at pagtawa nila sa akin. I tried my best to ignore it and went straight to my desk katabi ng best friend ko. 

 

Pagkaupo ko, agad ko siyang tinanong, “Anong nakakatawa?” 

 

Hindi siya sumagot. He just made a fist at me and I was ready to dodge him pero kinatok lang niya yung helmet ko.

 

Helmet ko?

 

 

Helmet ko! 

 

Tawang-tawang pinull up ni Wonbin yung visor ng helmet ko. “Bagong pauso mo ba to, beh?” 

 

Nakakahiya! 

 

Kaya pala tawang-tawa silang lahat sa akin. I quickly took off my helmet and shook my hair just as the prof came in the room. 

 

“Grabe beh, kakagising mo lang ba?” Pagbulong ni Wonbin pointing at my hair. 

 

Tumango ako sa kanya, not paying attention to him. I just ran my finger through my hair habang nakikinig sa prof namin na nagtetake ng attendance. 

 

“Pretty privilege nga naman.” 

 

I just side-eyed my best friend, annoyed sa side comment niya. Anong pretty privilege? Wala naman akong pretty privilege. 

 

“Karina YU?”

 

“Present!” I raised my hand. 

 

Nakita ko ang pagmark ng prof ko sa papel niya. He looked up and smiled at me. “Good luck sa game niyo bukas, Miss Yu.” 

 

Bigla naman tumawa si Wonbin sa gilid ko at umubo sabay sabi, “Kung palalaruin.” Kinurot ko siya ng patago and he screamed in silence. Bakit kasi sumasabat? 

 

“T-thank you, sir.” 

 

“Okay, let’s start.”







***




“Anong nangyari sayo beh?” Wonbin asked while trying to fix my hair. Ilag na ilag naman ako sa pag-aayos niya. Ang kulit kasi ng kamay! 

 

Sabog ako. Sabog na sabog. Halfway through the lecture, sumakit lalo ang ulo ko kasi wala akong breakfast. Two hours pa naman yun! Hindi ko rin kinaya kasi ang boring ni sir, muntik na ako makatulog if not for Wonbin pinching my palm the whole time. 

 

“Bin, mamamatay na yata ako,” OA kong sabi sa kanya. “May pagkain ka ba?” Tanong ko while caressing my tummy. 

 

“Seryoso hindi ka kumain? Kaya pala nakahelmet ka pagpasok. Shunga ka na nga normally, mas shunga ka naman kapag gutom.” 

 

Habang naghalungkat siya ng makakain sa bag niya, sinabi ko sa kanya how I got in late. He just laughed at my mishap this morning. Flinick pa niya noo ko for being so clumsy din. 

 

“Pagod ako dahil sa practice!” Pag whine ko sa kanya. 

 

“Wag ka masyado mag practice, girl. As if makakalaro ka.”

 

Mas sinisira niya talaga ang araw ko. Best friend ko ba to? “Can you shut up?” 

 

“Eto shut up.” Sinubo niya sa akin ang mocha cake na nahanap sa bag niya. “Totoo naman? Minsan isang minuto ka lang naglalaro. Hindi mo pa nga nahahawakan yung bola, girl.” 

 

I was going to say something back pero may biglang nag hi sa akin na kinakahiya ko naman. 

 

“Hi, Karina. Good luck bukas!”

 

Feel ko na agad ang pamumula ng mukha ko. So I put my head down after I smiled at them. Ang weird lang din kasi na kilala ako kahit hindi naman ako sikat sa school. Okay, I’m on the basketball team but like Wonbin said, halos hindi ako naglalaro. 

 

I’m not part of the starting five.

 

I’m not even the player they turn to if they need a sub.

 

I’m literally just a benchwarmer. 

 

“Haba talaga ng hair mo beh,” panunukso ni Wonbin sa akin sabay flip ng hair ko. “Kahit walang suklay, dami mo pa rin fans!” 

 

I slapped his arm. “Ewan ko sayo.” 

 

“Pero seryoso. Ang dami mong fans kahit shunga ka. Pretty privilege talaga.”

 

“Stop saying that! Wala naman akong ganyan.” 

 

“Oh talaga?” Paghamon niya.

 

“Oo nga!” 

 

“Incoming…” 

 

Before I could even say anything, some tall guy blocked our path sa hallway, effectively stopping us from going anywhere. Immediately, napahawak ako sa laylayan ng shirt ni Wonbin kasi ang lapit ng lalaki sa personal space ko. Isa pa, ang strong ng pabango niya. 

 

Hindi siya nakakapogi sa totoo lang. Nakakasuka.

 

“Hi, Karina,” pagbati ng lalaki sa akin. “Pwede ba kitang ihatid sa class mo?” 

 

I think guys pretend they do not see na may kasama ako. I’m literally clinging on to Wonbin. 

 

“Uhm,” hindi ko alam kung paano mag reject politely. It's not the first time this has happened but it always puts me in a difficult position. Kinurot ko na lang si Wonbin which made him drape his arm around my shoulders.

 

Wonbin cleared his throat. “Excuse me, magkasama na kami.” And then he pulled me aside so we could get past him. 

 

Nang makalayo na kami sa lalaki, Wonbin removed his arm on me at hinampas ako. “Teh, galingan mo mag reject next time. Or magjowa ka na.” 

 

“What if mag pretend na lang tayo para tantanan na nila ako?” I blurted out of nowhere. I’m really tired of the random guys coming up to me. And now, some girls are coming up to me na rin. I didn't even come out sa school? Halata ba na babae ang gusto ko? 

 

I looked down at my clothes: white mini shirt from Uniqlo and some cargo pants. Hindi naman yata? Everyone is wearing the same thing as I am naman? 

 

“Nauulol ka na ba, Karina? Ayoko nga. Kadiri! At isa pa, walang maniniwala sa atin, girl. Ayoko ng kiffy, teh, alam ng lahat yan!” 

 

I sighed. What did I expect ba? 

 

Also, nothing good comes out from pretending. Iwas gulo na rin. 

 

“Oo na. Anyway, hintayin mo ako mamaya? Samahan mo akong umuwi, please.” I attempted to act cute sa best friend ko. Ayaw ko kasing umuwi mag-isa mamaya after sa practice namin. And Wonbin ends late naman today. 

 

“Ano oras ba matatapos?” 

 

“Eight yata? Maaga kami matatapos para hindi kami pagod sa game bukas.” 

 

Wonbin scoffed. “Hindi ka naman maglalaro.”

 

“Maging supportive ka nga!”

 

“Supportive ako beh! Pinapanood kita kahit nakaupo ka lang!” Pag defend niya.

 

In all honesty, I only got in the team because of my height. I play ball pero I’m not the best. Pinapasok nila ako kapag clutch na yung laro and need nila ako for blocking. Hindi naman masama ang loob ko na hindi ako nakakalaro. I’m fine by it, actually. Wala naman kasi akong hinahabol na award or achievement. I just wanted to join kaya okay na rin ako kasi chill lang ako at hindi ako nasstress sa games. 

 

“Oo na, thank you na. Per

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yujjiman
#1
Chapter 2: landiin mo na kasi karinaaa
lynne17 #2
Chapter 2: Tawang tawa ako sa "Mama, I am paying attention" hahahaha ang babaw ko 😆
Karina go na magflirt kana ng bongga. Galingan mo beh!!
lazchata17
#3
Chapter 2: hahahahaha lakas amats ni ning at won
nabs_infp
#4
Chapter 2: Hahaha. Ang kulit ni Wonbin at Ning
Etoile__
350 streak #5
kaltukan mo nga si ning and won, karina 🥹
TYTFshipper
265 streak #6
Chapter 2: aaaa update 🤧🤧🤧
cleofierayne #7
Chapter 2: WHAAHAHAH NAPAGKAMALAN PA KARINA GALAW NA TEH NA REALIZE MO GINAGAWA NILA HAHAHAH

Selos na si Winteer moo nagiging awkward na smiles niya habang binabasa ko pag binabanggit si Wonbin hahaahah
howdoyouknowmee
541 streak #8
Chapter 2: Jiminie galingan mo! Ibomba mo na yan!! HAHAHA
Ardem_Joseph23
14 streak #9
Chapter 2: Mag spoiler ka na mag flirt ka sa kanya lol. FYI kamo
listless_radish
#10
Chapter 2: Chapter 2: Bilib din ako kay MJ, she looks like she still keeps her composure kahit selos na selos na sya probably. Tas ginagatungan pa ni Ning and Wonbin.

Jimin, take your flirting up a notch, di kasi alam ng isa na nagf-flirt ka na pala hahaha