Love Story

1 Minute, 1 Second
Please Subscribe to read the full chapter

 

Rated M for mature discussions and cuss words.

 

#VALUE!

 

. Tangina talaga.

 

Napamura si Karina sa isip ng lumabas ang error instead of the expected result sa formula niya. Ang haba na pamandin dahil andaming demand nung isang lead na iconsider na row and columns. 

 

Now she has to review the whole xlookup formula na nilagay niya.

 

Mali ba yung xlookup function or nagloloko na naman si Excel?

 

Malakas kasi mantrip to minsan eh lalo na pag syncing na sa cloud. Wala naman siyang magawa kasi according sa company privacy policy nila, lahat dapat ay encrypted sa server nila. Nakakainis tuloy kasi magbubuklat na naman siya ng mga 10 tabs ng sheet kasi gulo gulo yung sorted data na generated ng isang tool.

 

Kainis.

 

Malakas ang buntong-hininga na pinakawalan niya.

 

“Karina?” May tumawag naman sa kanya na kasamahan niya na si ate Yoona na kaclose niya na din. Mas tenured nga to sa kanya pero ito din naman ang nag-encourage sa kanya na mag move up 6 months ago even if kasali din siya sa naconsider na tao.

 

“Po?” tanong niya at iniwan muna ang tingin sa excel file para sa Project Cupcake.

 

“May naghahanap sayo sa lobby.” pagbabalita nito sa kanya. Nagreready na itong umuwi dahil tapos na ang working hours. Then she threw a onceover look sa babaeng namamayat na dahil sa pagiging busy. “Teka, naglunch ka man lang ba?”

 

“I didn’t have time.” pag-amin ni Karina.

 

“Baliw ka. You should have taken it. And go eat or something. Isusumbong kita, tamo.” pangaral at banata pa ng nakakatanda sa kanya. “Go na, makakahintay naman yan bukas.” pag-assure pa nito.

 

“B-but…” tatanggi pa sana siya kaso matalim na ang tingin sa kanya ng nakakatandang babae. “Or gawin mo sa bahay? It’s 5pm na oh.” paalala nito. 

 

“And I don’t think you’ll want to miss out on who’s waiting on you.” 

 

“Hala, oo nga pala.” with that, Karina saved her file na muna and dali dali ng inayos ang mga gamit niya. Nagmabilisang suklay at puyod na lang siya ng buhok habang inaayos ang salamin sa mata. 

 

Then sabay na silang lumabas ni Yoona papuntang lobby.

 

Ang excitement na nadarama niya ay napalitan ng inis dahil sa dami ng taong nakapalibot sa bisita niya. Well, head turner naman talaga siya with her ginger-curled hair and baby pink sleeveless dress na lalo pang nahighlight ang fair skin niya and y body.

 

Winter Kim had always been gorgeous…even then and now. 

 

“Babe!” maligayang bati nito na may dala dala pang bouquet ng sunflowers for her.

 

“Hi, babe!” Karina returned the enthusiastic greeting with a big smile on her face. Ang inis at pagod niya ay napaltan ng sigla ng tumayo ito sa magandang pagkakaupo nito sa couch at sinalubong siya.

 

Napangisi tuloy ng mayabang si Karina kasi andami pa ding nanunuod sa nobya niya ngunit lahat ng attention nito ay directed sa kanya. They can only stare but she got the girl. 

 

“This is for you.” malambing pang sabi ni Winter sabay halik agad sa kanyang pisngi. Wala itong pakialam kung PDA na sila sa office lobby ni Karina. 

 

May ibang nagulat, may ibang nainggit while there was that encouraging smile like Yoona’s. Kilala naman na din si Winter ng kanyang ibang workmates dahil naisasama niya to minsan sa team building nila.

 

“You don’t have to.” sabi ni Karina ngunit tinanggap din naman ang bulaklak at inamoy pa to. Malaki ang ngiti na tumitig siya sa nobya niya. “But thank you, babe. Bakit ka pala andito? And what’s with the flowers?”

 

“Ouch. Di mo ba ko namiss?” OA na sagot nito tapos nagpout pa. Napangiti tuloy si Karina kasi ang ganda ganda lang nito sa pinkish na cheeks and lips nito. “I wanted to surprise you.” nagmamaktol pa na sabi nito.

 

“Well, I am pleasantly surprised.” sambit naman ng empleyado dahil alam niyang kagagaling lang sa business trip ng nobya niya kasama ng daddy niya. Nakakakilig din na kahit pagod ito ay una siyang pinuntahan nito imbes na magpahinga. “How’s Palawan, babe?”

 

“Boring…” nag-roll eyes naman ito kasi tamad talaga to pag-usapan ang work. “Let’s go?” aya nito ng mapansin na nakaharang sila and medyo madami pa din silang audience. 

 

From an outsider's perspective, hindi sila bagay.

 

Winter is reeking with class and privilege while Karina was just any typical employee. But do they care? Of course not. Every minute and second that Karina spends with Winter is precious. 

 

And she won’t let people's judgments dictate their relationship.

 

“Okay.” pagsang-ayon naman ni Karina as she clung onto her jowa to the parking.

 

-

 

“So, what do you wanna do today?” tanong ni Winter as soon as they hopped inside her Mercedes S class Coupe na color black. Her girlfriend’s car is flashy but deserve niya naman since graduation gift yun ng parents niya for graduating with flying colors.

 

Karina and Winter actually met at the university as rivals in academics and swimming. From hate to love relationship din. Winter was pissed that Karina tries too hard until she finds out that the latter has to do it for the scholarship that she has to maintain.

 

Kaya naman Winter only accepts defeat if it’s from Karina. 

 

“Actually, di ako pwede babe.” malungkot na balita ni Karina as she remembered na may pending deliverables pa siya. Nakain yung oras niya ng interview kanina and as much as she hates it, urgent din ang request ng client sa report na need tapusin.

 

“Whyyyy???” parang batang whine ni Winter. It would have been cute kaso she was frowning sa pagconcentrate sa pagdrive. Mukha tuloy siyang galit. Though Karina has been with Winter for a long time to know better.

 

“May tatapusin kasi ako tapos bukas na siya needed to present sa client.” Karina reasoned out at napahilot na nga sa sentido nang maalala kung gano kahaba yung formula ng aayusin niya. 

 

'Tangina talaga.' mura niya sa isip.

 

“B-but…” Winter’s sad voice made Karina look at her. Nagsoften naman lalo ang puso ni Karina sa sobrang lungkot nito.

 

“Sorry babe, gusto mo magdinner ka na lang sa bahay?” offer na lang niya as a compromise. At least they'd get to spend more time together that way. Karina lives with her family at a small squatter house kasi mas tipid for her. 

 

Winter frowned at the suggestion since their house always made her uncomfortable. It's not about the size per se, she has reservations about the way her family treats Karina.

 

“How about you stay over in my condo and I’ll cook? Dala mo naman laptop mo and I have a stable net.” counter offer na lang ni Winter, already maneuvering to a nearby member’s only shopping mall na madadaanan nila to get groceries.

 

“Is that okay with you?” alanganin na tanong ni Karina. She was extremely guilty that she barely had time between the two of them. And even if nahihiya siya, she agrees na mas comfortable sa unit niya. “I’m really sorry babe.” 

 

“It’s okay…just as long as I get to be with you.” pagconsole ni Winter sa nobya niya as she parked her car to the available spot tapos pinatay ang engine. “I miss you so much kaya.” 

 

“I miss you din, so bad.” pagyakap naman sa kanya ni Karina ng matanggal na niya ang seatbelt. Hinimas himas din nito ang braso niyang malambot upang maglambing. “So, what happened in Palawan ba?”

 

“Same old, same old.” Winter intertwined their fingers when she answered as she nozzled on her hair na amoy shampoo pa din kahit maghapon nang nasa opisina. 

 

“So, iuuwi na ba kita?” tanong niya kahit alam niya na naman ang sagot since nasa grocery na din sila.

 

“Yes, babe. Chat ko lang si mama.” pagsang-ayon naman nito as she grabbed her phone sa pocket niya and chatted her mom. Nakinuod lang naman si Winter as she let Karina sink into her hold.

 

Clingy talaga.

 

“Okay. What do you wanna eat?” tanong niya ng tinago na nito ang phone nito. 

 

“Hmm…I miss your carbonara.” request nito sa kanya while meeting her eyes sa rearview mirror. Nagngitian sila muna doon. Tapos nanggigil si Karina sa pisngi niya at hinayaan niya naman.

 

“Then carbonara it is.” Winter playfully slapped Karina’s hips para umayos na ito then turned to unbuckle her seatbelt na din para makakilos na sila. Medyo mainit na din sa loob ng sasakyan. Following her body movements, umayos na din ng pwesto si Karina.

 

Winter opened the door on her side and tumakbo para i-open yung door para sa nobya niya. All the while, Karina can only look at her girlfriend with pride. Wala na talaga siyang mahihiling pa sa understanding niyang jowa.

 

Malas man siguro siya sa pamilya or sa estado ng buhay ngunit maswerte naman siya sa taong minahal niya. Sino nga ba ang mag-aakala na ang isang kagaya ni Winter Kim ang magiging nobya niya? 

 

Kahit siya noon, di niya naman inaasahan na magkakagusto ito sa kanya noong college.

 

But now that she has someone like her, she has no intentions of letting go.

 

 

“Happy Birthday!” bati ng mga server as they sang for Karina inside the famous Filipino restaurant. Katabi niya ang nobya niya at kasama niya ang parents niya at mga kapatid niya. Isa isa namang inihain na ng mga server ang kanilang order na galing sa 1000 peso gift certificate ng company niya.

 

Masaya na si Karina sa idea na madadala niya ang pamilya sa mga gantong klase ng restaurant dahil kahit fast food ay hindi niya masyado naranasan while growing up. Jeepney driver ang tatay niya at labandera ang nanay niya.

 

Nagsikap siya sa scholarship kaya siya nakapagkolehiyo at ngayon siya na ang nagpapaaral sa mga kapatid niya. Namamasada pa din ang itay niya at naglalabada pa din ang nanay niya ngunit pangkain na lang ang gastos nila.

 

Everything else sa bahay ay kargo na niya. 

 

Malayo pa siya from being successful pero she’d like to think na malayo na din ang narating niya at 24 years old. Kaya naman masaya siya na mararanasan din ng pamiya niya yung eat out sa mga 3-star restaurant.

 

“Ito lang?” pagrereklamo ng bunsong kapatid ni Karina na si Wonbin ng makita ang pagkain. Mas madami kasing gulay kesa karne at dahil nga namulat ito na natutugunan na niya ang basic needs nila, hindi ito natuwa sa nakita.

 

“Nubayan ate, ang corny naman ng cake.” pagrereklamo ng kasunod na kapatid niya na si Ryujin. Bagamat mas appreciative ito, nadismaya din ito sa maliit na cake na naihain nila.

 

“Sana sa bahay na lang tayo kumain.” pagmamaktol din ng tatay ni Karina kasi wala ang gusto niyang pata. 

 

“Sobrang konti pa. Kakasya ba yan satin?” matabang na tanong ng nanay niya.

 

“Uh, ito lang kasi ang covered ng voucher eh.” pag-eexplain naman ng may birthday. Nasaktan man siya pero mas worried siya sa bisita niya na hindi sanay sa pamilya niya. Kitang kita niya ang pagdilim ng mukha ng nobya niya sa direktang reklamo ng pamilya niya. 

 

Winter never liked the way that her family treated her. Madalas nila ito pagdiskusyonan ito in private though Winter's upbringing manage to make her act civil to them. Pero pagagalitan niya din si Karina in private kasi hinahayaan niya lang sila to disrespect her like that.

 

Unlike ng lukewarm reaction ng pamilya niya, masaya na si Winter na Karina spends her time outside their home. Sa sobrang daming binabayaran nito bilang breadwinner, dapat pa silang maging grateful na may pahandaan pa ang birthday niya.

 

Ni wala nga sila miski isang regalo sa nobya niya eh. Winter momentarily compared her family sa nobya niya. Minsan ay siya pa ang nahihiya dahil lagi siyang binibilhan ng dad niya ng kung ano ano. Pati mga kapatid din niya ay laging may pasalubong sa kanya sa mga out of town trip nila - overseas man or local.

 

Meanwhile, swerte na si Karina if mabigyan man lang siya ng bracelet na gawa sa nylon strings ng kapatid niya. Kahit nga siguro crochet na flower baka umiyak na ito eh. Nag-abot si Ryujin ng regalong t-shirt kanina pero mali din yung size kaya napunta lang din sa kanya.

 

Gayunpaman, Karina never harbored ill feelings sa pamilya niya.

 

Hanga lang talaga si Winter kung gaano ka-understanding si Karina sa kanila when she can never understand how they can treat someone so precious that way. Kaya naman nagdecide na lang siyang i-reward ang jowa niya dahil deserve niya naman.

 

Besides, hindi man ito magsalita ay alam niya na nag seself-blame na naman ito for not being enough sa demanding family niya. Winter should know, it was a recurring argument nung nagsisimula pa lang sila dahil minsan “sobra” magbigay si Karina sa pamilya but they always make her feel otherwise.

 

“Ano po bang gusto niyo?” magalang ngunit madiin na tanong ni Winter. She motioned to the waiter to bring over the menu upang magdagdag na lang ng order. It’s not like it’s a problem for her anyway.

 

“Babe naman…” pagreklamo ni Karina. Ayaw niya kasi na gumagastos ng sobra si Winter sa kanya kahit afford niya naman. Besides, nahihiya na din siya talaga since may out of town gala sila na ito din ang sasagot ng accommodation.

 

Basta daw nakaleave siya sa work for 5 days.

 

Himala nga na napapayag niya ang boss niya eh. Thankfully, nakapag-start na din ang bagong BA so siya muna ang sasalo sa workload ni Karina for a week. She has been working hard so deserve niya daw ang break.

 

“Birthday mo naman. Take it as an extra gift.” cool naman na sagot lang ni Winter at inabot na yung menu sa mga reklamador. The elite just focused on how Karina looked so beautiful with her body hugging dress and hair tied in a high ponytail. Even with a simple make up, litaw pa din ang natural beauty nito.

 

“Pero…mag out of town pa tayo tapos…” paalala ni Karina na worried about their agenda after this lunch. Papunta kasi sila ng Subic since they both wanted to swim and bond together. Sobrang naging busy sila sa kanya kanyang work responsibilities lately. "May new glasses pa ko. Andami mo ng gastos."

 

Napangiti na lang si Winter kasi pati ba naman mga small token of appreciation niya eh nagwoworry pa to. Inayos niya na lang ang bagong salamin nito at nakita niya ang paggulp ni Karina sa flex ng toned muscles niya ng umangat ang sleeve ng damit niya.

 

Winter was just wearing a casual oversized shirt and shorts para comfy siya mag drive ng mahaba. She really wants her girl to enjoy her day stress-free cause Karina has always been on the edge.

 

“It’s okay.” Winter assured with a warm smile. Then nagwink siya playfully sa nobya niya. Their surrounding was filled with murmur about additional orders na di na siya nakialam pa. “Para saan pang nagpapaalila ako kay daddy kung hindi ko gagamitin sayo diba?” 

 

Trust fund baby na din kasi si Winter. She was set for life dahil malaki ang naiwan ng lolo at lola niya sa kanya ng mamayapa ang mga ito. Paboritong apo kasi siya dahil bunsong babae sa papa niya.

 

She had no reason to work so hard sa office dahil sa mga ate at kuya niya nakaatang ang responsibility. It’s just that Winter still wants to earn her keep lalo na at di masyado boto ang magulang niya sa nobya niya.

 

Some about them not being from the same circle but who the hell cares?

 

“But you don’t have to spend a lot on me.” Karina argued, still feeling upset that her own effort wasn’t enough. It was her birthday yet she was feeling upset with her qualities. It seems that whatever she does, it will never be enough.

 

Winter gave her an understanding smile.

 

“I can afford it naman.” the younger assured then straightened the frown out of her forehead using her thumb. Wala siyang pakialam if other onlookers are looking at her panlalambing sa big baby niya. 

 

“And tuloy na tuloy ang out of town natin, okay? Akong bahala sa gastos.” 

 

“Okay, babe.” Karina let Winter win this time around. "I'll give a bit for gas."

 

“Kung san ka magiging mas okay. Now smile, please?” 

 

Karina smiled at her pero maliit lang.

 

“Wider…babe.” 

 

At doon na tuluyang natawa si Winter kasi nagpakaOA pa si Karina and pulled her cheeks to make it wider. Gigil tuloy na pinugpog niya to ng halik ng magsolo na sila sa kotse ni Winter after ihatid pauwi ang pamilya nito.

 

Stress-free trip, here they go!

 

 

“This is Giselle, Ningning and Yeji.” pagpapakilala sa kanya ni Winter sa 3 babae na sumunod lang sa kanila sa Subic. They already spent 3 days here and the 3 would be with them for the rest of their trip.

 

According to Winter, malalakas lang daw ang trip ng mga friends niya kasi kakauwi lang from out of the country gala. Minsan nakakalula lang talaga ang mga kwento ni Winter about her circle. 

 

“Hi…” nahihiyang bati ni Karina at inayos ang salamin sa mata matapos niyang makipagkamay sa mga kaibigan ni Winter. Childhood friends niya to be exact. Ngayon lang sila nagmeet kahit 3 taon na sila ng nobya niya dahil busy siya sa trabaho at madalas din out of the country ang mga ito. Bukod kasi na protective ang daddy niya sa nobya niya ay mas gusto ni Winter na magdate sila pag hindi lulong si Karina sa work.

 

Sinuri naman ng tatlong pairs ng mata ang kabuuan ni Karina. Inisip ng babaeng may wolf cut na mabuti pinaltan niya yung salamin niya sa mas stylish na regalo ni Winter at sinunod niya ang payo nito na iba ang isuot than her usual baggy pants and crop top. Kahit papano ay presentable siya sa white t-shirt and high waist pants niya na body fitting.

 

Yun nga lang, hindi mapagkakaila na ibang level ang mga kasama niya dahil kagaya ni Winter ay may air of sophistication sa kanilang lahat. Hindi malalaki ang logo ng brand ng mga suot nila pero mahahalata sa tela at fit nito na mamahalin ang mga gamit ng mga ito. Medyo nakakahiya isabay ang ukay ukay budol niya.

 

“It’s nice to finally put a face to a name.” yung Giselle ang unang nagsalita. She had that brunette straight hair and madaming rings sa daliri. She was wearing a black Givenchy top and pants.

 

“Yeah, Winter has been talking a lot about you.” dagdag din ni Yeji while showing off her eyesmile. May kamukha siyang cartoon character lalo na yung mata. Ang ganda din nito with her pink dress.

 

“Good things, I hope.” kabadong sagot ni Karina sa kanila..

 

“Bukambibig ka nga eh.” It was Ningning. The blonde na pinakabata daw sa friend group. Ang suot niya ngayon ay y top and oversized pants. Pinagtitinginan ang table nila dahil bukod sa magaganda talaga ang mga ito ay mahahalata talaga ang estado nila sa buhay with the way they hold their spoon and fork.

 

Nahihiya tuloy kumain si Karina ng seafood ng nakakamay. Though the best naman kasi maghimay ng crab using fingers. Nakasuot sila ngayon ng plastic gloves as they enjoy lunch sa isang seaside restaurant inside Freeport Zone.

 

“Girls, don’t terrorize my jowa.” protective na sabi ni Winter as she calmly appeased Karina with an assuring smile. Like her elite friends, ang gorgeous lang din ni Winter sa beach dress niya na pinapatungan ng white bikini sa ilalim.

 

“Not planning on it.” Yeji snorted at nag roll eyes pa. She’s thinking that Winter is overreacting since sobrang whipped lang nito sa nobya niya. Nagfocus na lang siya sa pagkain ng fish since it’s the easiest to eat without making a mess with her hands.

 

“So, from what clan are the Yu’s?” straightforward na tanong ni Giselle. Curious about the existence of this Karina who suddenly barged into her friend's life. Maliit lang ang inner circle nila and everybody practically knows everyone.

 

The majority of the people could come from the agriculture side, maybe crops, shopping malls, or mga development builders. Meron ding mga corporations, fashion, multimedia, or politics. Even sindikato people. 

 

They’re very welcoming naman regardless.

 

“Clan?” naguguluhan na tanong ni Karina.

 

“Girls...” pag-cut ni Winter while giving Giselle a stern look. “She’s from the Yu clan, obviously.” 

 

“I know. I mean, what business?” pag-usisa na din ni Yeji, mildly intrigued. Yun kasi ang topic nila while driving there. Ningning actually opened up the topic and while Winter had been telling about their university adventures, never nabanggit yung family background niya.

 

“Wala kaming business.” pagclear naman ni Karina agad, getting tha hint.

 

“Aaahhh.”

 

There was silence after that at tanging pagtama lang ng spoon and fork sa plate ang madidinig pati ang pagnguya. Dinaan na lang ni Karina sa pagkain ang obvious na pag-iba ng timpla ng mga kasama niya.

 

She couldn’t look at them and see the pitiful look that she’s always getting when she’s with her girlfriend. Sanay na siya doesn’t necessarily mean na it hurts any less. 

 

But Karina would always usher that unpleasant feeling aside.

 

Pakialam ba nila?

 

Basta masaya naman sila together.

 

“She works as a business analyst.” pagbibida ni Winter sa kanyang nobya sa mga kaibigan.

 

“Cool.” awkward na sabi ni Ningning pero halatang wala ng interest sa kanya ang mga ito. O sa mga sasabihin niya. Ganun naman talaga yun. Or maybe mas madami lang talaga interested if isa ka sa connections na beneficial sa kanila. That's human nature naman.

 

“So, Win, how’s Tito Max pala?” tanong ni Giselle sa kaibigan, mas interested pa sa daddy ni Winter kesa sa employee lang na kasama nila. Nagiging wary lang din siya since madami na din silang nakasalamuha na gold digger growing up. 

 

Winter gave her an apologetic look dahil sa asta ng mga kaibigan niya. Karina smiled sa nobya niya and paid it no mind. She wasn’t interested in pleasing her friends naman. Though thankfully, Winter always tries to include her in the conversation when she can.

 

Like how much they enjoyed swimming on the beach here in Subic dahil pareho silang part ng swimming team before. Then they went to the duty-free stores kasi bet ng 3 kasama nilan na magshopping daw before island hopping.

 

Kahit papano, Ningning was able to casually talk and joke with her after the trip. 

 

 

“Honey, where’s your guest?” tanong ng mommy ni Winter sa kanya as she sat alone on the table designated for her and her friends. Pati ang empty seat sa tabi niya na nakaharap directly sa stage. It was her parents 30th wedding anniversary, renewing ng vows and officially ay ipapangalan na sa kanya ang company subsidiary na kanyang hahawakan. It was a sign that her father trusted her already since napatunayan na niya ang sarili niya dito.

 

Kaya importante ang gabing ito sa kanya.

 

Isang tao lang naman ang tinutukoy ng mama niya since it’s hard to make them agree to bring someone over. Lalo na at nasa magkaibang circle sila ng nobya niya.

 

Napapayag niya ang mga magulang niya na imbitahin ang nobya niya sa celebration nila dito sa Marriott Hotel. Maliwanag sa buong function hall na nirentahan nila. Lahat ng bisita ay bongga ang mga suot na cocktail dresses. 

 

Enggrande naman talaga ang mga party nila palagi dahil parte na din nito ang pagpapalawak ng network nila sa mga pang business people and potential investors. 

 

Inasikaso niya na ang susuotin ng nobya niya since event niya naman ito. She just really wanted her there dahil Karina gives her strength lalo na at nakakadrain ang social functions na ganto. Despite being used to the lavish decorations and being surrounded by the same crowd all her life, pakiramdam ni Winter ay nag-iisa siya dahil wala pa si Karina.

 

The woman who kept her grounded and taught her a lot of things in life more than her social bubble could ever make her see. Don’t get her wrong, she was grateful that she had all this growing up. Pero Karina made her appreciate all the things that she currently has and be grateful sa fortune nila.

 

“She’s coming, mom.” pag-assure ni Winter sa mom niya with a faint smile. “Baka natraffic lang.” pagdadahilan niya though she wasn’t really sure. Kanina niya pa tinetext si Karina ngunit wala pa siyang natatanggap na sagot.

 

Nakita niya ang relieved sigh ng mama niya.

 

“Okay, okay. Your other friends are here. Pati sina Jaemin. Be a dear and greet them, okay?” paalala ng mommy niya ng mamataan ang bagong pasok na mga bisita. Lumiwanag din ang kislap ng mata niya when he mentioned the name. 

 

“Yes, mom.” mabilis na pag-oo na lang siya.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
taeng_sica
#1
Chapter 1: wala na ba talagang kasunod 'to? baka may mas isasakit pa.. char!
Burgerking_ #2
Chapter 1: hahahaha gagi dma ko yung sakit tnginaaaaaa
TaeNySea
#3
Chapter 1: sakit tor
minjeongbunny
#4
Chapter 1: I really don't like angst stories 😭 ang sakit huhuhu
Curryfontina
#5
Chapter 1: Awts
nabs_infp
#6
Chapter 1: When outside factors' opinions are louder than the rational voice inside your head, it would cloud your emotions and decisions toward the relationship and your partner.

They both weren't at fault here, there's just so many things to consider.

We can't blame Karina if she constantly chooses to be present and the one who provides for her family, even though we know they are ungrateful. When K also opened up about her having the urge to prove herself to the people who matters to W although the latter didn't ask her to, it was valid.

We can't blame Winter for wanting more than the offered time and attention from her girlfriend. Her, feeling that she's not part of the priorities came from continuous situations wherein Karina CAN'T go to and with her, especially to special and important events. She came from a clan where money isn't a problem so she won't understand the need to sacrifice personal needs and wants for her family. She has the right to demand from her girlfriend, and getting tired is valid.

The conversation showed how mature they are. It was great, really heartfelt. I thought I was actually between them, watching the exchange.

The ending was perfect. Them, seeing each other after a year, still with the gifts they gave to each other, only proved that love will find its own way to let them meet halfway.

Maybe.

Kudos, tor! (sabay pahid ng luha)
Shigaviguleh #7
I just love how realistic this story is. Hindi palaging "love wins all" because of how society works. Mas masasaktan lang sila kung ipipilit pa ang hindi pwede. Thank you po for sharing the story 😚
fanficethusiast #8
Chapter 1: 😭
mivoriel
#9
Chapter 1: She's working hard to not disappoint kaso halos nawalan siya ng oras kay win. Magkabilang mundo nga raw naman. She strives harder pero yung nasa paligid niya dinodown. Nakakalungkot lang na hindi lahat na pagkakataon ay mananalo ang pagmamahalan.

Thank you po for sharing this amazing story!!
altrowinxizm
#10
fair enough! very practical po for both sides, I liked how they ended up 😅