in between dreams

JJ303

unedited


Ang lamig, antok na isip ni Joy, bahagyang naririnig ang alarm ng cellphone nya at ulan sa labas, habang yakap ang malambot, mabango, at malaming nyang unan. "Ang sarap matulog.." sambit nya, gumulong-gulong pa ng bahagya sa kama nya, mata’y nakapikit pa. Tuesday ngayon at maulan pero may pasok sya sa school. Bwisit.


 

Habang naririnig nya ang patak ng ulan sa may bintana, nagko-contemplate sya kung worth it ba i-risk ang kanyang academic future para sa dagdag na oras sa kama nya. Inisip nya kung anong subjects ang meron sya ngayong araw at nang maalala na isang minor subject lang sya at hawak pa ng sobrang chill na prof kaya madali ang naging desisyon nyang hindi na pumasok.


 

Pabalik na sana si Joy sa mahimbing at komportableng tulong nang maramdaman nyang lumubog ang isang parte ng kama nya.


 

"Joy, bangon ka na, may pasok ka pa." sa boses at amoy ng shampoo nito, alam na ni Joy na ang umupo sa kama nya ay ang favorite nyang dormmate, si Wendy. At in a true Wendy fashion, mukhang G na G pumasok dahil amoy bagong ligo na ito.


 

"Ihhhh," reklamo ni Joy, not sure pa kung nagpapa-bebe sya or dahil sa katamaran nya. 


 

"Joy," tunog nagbabanta ito. "Come on, bangon na,"


 

Sa pagkakatanong ito, tamad na binuksan ni Joy ang isang mata nya, kita nyang naka-bihis na ito ng white uniform. Ang cute talaga ni Wendy sa white uniform nya. Tuesday ngayon kaya lecure ito sa campus kaya naman hindi ito naka-scrub suit, "Wendy, pwede bang wag na tayo pumasok sa iskul?" tanong nya, ala-Kadenang Ginto, baka lang makalusot.


 

Deadpan na tinignan lang sya ni Wendy, halatang medyo napipikon na, pero bago pa ito makapagsalita, bumukas ang pinto. One of their dormmates, Irene, poked her head, "Nag-suspend na ng class. Tulog na kayo uli," and as quickly as she came, she was gone.


 

Ironically, this made Joy perk up. "Yey!" masayang bulalas nito at napa-upo pa nga.


 

Rinig din nila ang dalawa pa nilang dormmate na sina Seulgi at Yeri na humiyaw din sa tuwa.


 

Wendy scoffed, iiling-iling pa, "Galing din ‘no, pag ginigising to come to school, antok na antok, nung nag-suspend ng klase, alive na alive?" she said, shaking her head.


 

Ngumiti lang si Joy na nagpapa-cute. "Of course, masaya pag walang pasok, pwede–" naputol ang sinasabi niya nang tumunog ang tyan ni Wendy.


 

Sa pagkakatanong ito, sya naman ang tumingin kay Wendy (na namumula ang cute na cute na pisngi) with an unimpressed look. "Naka-bihis ka na para pumasok pero hindi ka pa pala kumakain!?" medyo naiiritang tanong nya.


 

Parang nabaliktad ang sitwasyon dahil si Wendy na ngayon ang tatalakan. "Late na kasi," Wendy weakly explained, slightly smiling and sticking her tongue out, with a V-sign. Pasalamat sya cute sya, isip ni Joy bago umiling at umirap at bumangon na sa kama. Wendy was confused, "San ka punta?" tanong nito, patayo na rin ito ng kama at susunod na sa kanya.


 

Umiling uli si Joy bago at pinatong ang dalawang kamay nya sa balikat ni Wendy at pilit na paupo pabalik sa kama nya, "Dyan ka na lang, ako magpapakain sa’yo,” ngumisi ito sa innuendo na ikina-pula ng pisngi uli ng isa, pero bago pa ito maka-rebat, nagsalita na uli si Joy, “De, seyoso, dyan ka lang, magluto ako ng pancakes,"


 

Napa-kurap si Wendy, halatang hindi nya inaasahan ang acts of service ni Joy pero na rin naman nakaka-gulat na sweet itong si Joy sa kanya. Mapang-asar si Joy by default pero she’s also such a sweetheart. Napangiti sya sa wakas, she decided she’d take Joy’s offer–one part because although Joy managed to make her heart skip a beat so early in the morning and one part because admittedly, she’s still kinda tired. Galing sya kagabi sa rehearsals sa theater show nila sa club tapos maaga syang gumising para sa lectures today.

 

 

Tahimik sa common area pag labas ni Joy, a rare feat knowing pag andito silang lahat sa dorm. Nakakapagtaka lang na kanina lang ay ang ingay pa ni Seulgi at Yeri pero ngayon tahimik na.


 

Kaya naman nagulat sya nang madatnan si Yeri na gumagawa ng cereal bowl pagdating niya sa kitchen. Actually nagkagulatan pa silang dalawa.


 

“Bakit biglang ang tahimik?” tanong ni Joy, habang nagbubukas ng mga cabinet, naghahanap ng pancake mix. 


 

Mabilis nyang nakita at nagsimula nang mag-mix sa bowl. 


 

“Umalis si Seulgi eh,” sagot ni Yeri.


 

Takang napatingin si Joy kay Yeri, naghahalo pa din, “Ang bilis naman? Parang narinig ko lang sya ang saya saya nyo sa suspension,”


 

“Umalis agad eh,” hindi mapin-point ni Joy pero parang may mali, “May bonding daw sila sa photography club,” unprompted na dagdag ni Yeri.


 

“Ahhh,” tugon nya. “Kasama ba yung tropa ng pinsan ko?”


 

“Si Winter? Aba malamang! Yon naman favorite nyang junior, syempre deadma na lang sa promise nyang sasamahan nya ako mag-rank sa ML, di ba?”


 

Gustong matawa ni Joy nang magets nya what’s wrong, pero syempre pinigilan nya. “Yaan mo na, si Wendy na lang ayain mo mamaya pag tapos namin kumain,” Naka-kunot ang noo ni Yeri nung tumingin sa kanya. Tinaasan nya naman ito ng kilay, “Bakit?”


 

Hindi sya sinagot ni Yeri at bubulong-bulong syang iniwan nito sa kusina.


 

{Eh isa pa din yong may favorite, para namang hindi nya alam. Hirap ng walang may favorite!}


 

Hindi na hinabol ni Joy ang nagto-toyong kaibigan at nagpatuloy sa pag-aayos ng breakfast nila ni Wendy pero bago pa din sya matapos, pumasok naman si Irene.


 

Nagtaka naman si Joy nang buksan ni Irene ang cheap coffee maker nila. Pero bago pa sya magtanong, nagsalita na ito.


 

“Masama loob ni Yeri kay Seulgi, baka makatulong ang coffee,” nakangiting paliwanag ni Irene.


 

Napangiti na lang si Joy, si Irene talaga may favoritism. Bumalik ang atensyon nya sa nilulutong pancakes. Well,  may kanya-kanya naman tayong favorites.

 

...

 

Bago pa makapasok si Joy pabalik sa kwarto nya para tawagin ang favorite dormmate nya at kumain sa dining area, naririning na nyang may tumutugtog, at sa pagbukas nya ng pinto, hindi na sya nagulat na tulog na si Wendy sa kama nya.


 

Nakita nya ang white na uniform nito na nakasabit sa likod ng study chair nya. Bahagyang inayos nya ito para hindi malukot lalo. Dumapo kay Wendy na may suot nang pambahay na oversized shirt na upon closer look, narealize niyang kanya pala. Hindi napigilan ni Joy na mapangiti, smol bean..cute.


 

Sa pagmasid sa mahimbing na pagtulog ni Wendy looking so soft and comfortable sa kama nya, dagdag pa ang malamig na paligid at patak ng ulan sa labas, biglang nakaramdam ng antok si Joy. 


 

Agad na nakalimutan ni Joy ang nilutong mga pancakes at tumabi kay Wendy sa sariling kama nya. Automatic na sa likod ni Wendy sya pumwesto–just like how they are pag nagmamarathon ng series sa couch sa living area. Joy as the big spoon at Wendy, the small spoon.


 

When her slightly cold hand touched Wendy’s now-warm sides, the older girl slightly turned to face her and sleepily smiled, welcoming her touch.


 

“Ang lamig ng kamay mo,” saway ni Wendy pero hinila ang kamay ni Joy para i-balot sa sarili.


 

“Sorry,” not sorry.


 

“Okay lang, I like it, actually,”


 

Namuo ang mapayapang katahimikan at mabilis na nakaramdam ng pagiging komportable si Joy, kaya mabilis din syang nilalamon ng antok.


 

Siguro dahil sa malamig na panahon at ang makapal na comforter.


 

Pero baka dahil sa amoy na amoy niyang mabangong shampoo ni Wendy.


 

Or Wendy’s softness.


 

Or maybe it’s Wendy’s warmth.


 

..or it’s a little bit of everything.


 

Sa pagpikit ng mata nya, bahagya nyang naririnig ang music na pinapatugtog ni Wendy.


 

[We got everything we need right here

And everything we need is enough]


 

In-absorb ni Joy ang lyrics at hindi mapigilan mapangiti sa mga ito.


 

[Just so easy when the whole world fits inside of your arms

Don't really need to pay attention to the alarm]


 

Hinigpitan ni Joy ang yakap kay Wendy.


Check out that song here. :)

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
redsummer0801
#1
Chapter 1: Ang lameeeggggg ng tubig di ako makaligo may pasok pa ako pero inuna ko basahin to sa trono.


Wala bang kiss sa bunbunan dyan joy??
germsrocket #2
Chapter 1: ang lameeeg kinikilig ako
tealundertones
#3
Chapter 1: naka double deck ba sila? if oo so si wendy sa top bed? also shawrawt sa kadorm ko nung college na engineering student taena mo bday ko non di mo ko inalok kumain ng almusal kahit as a kapwa pinoy lang nagugutom na ko non (di nya alam bday ko tsaka di kami close pero kahit na) kaya siguro tayo pinaghiwalay ng pandemic eme
_wendyshon_ #4
Chapter 1: Grabe, mas nadama ko tuloy ang lamig tonight 😭 sana all may kayakapan😭 Thank you po for this author 💙💚