It's Only Time

This Modern Love
Please Subscribe to read the full chapter

Our household typically awoke to quiet mornings. However, today held a distinctive air, a stark contrast from the usual calm. There was an undercurrent of anticipation that hinted at the significance of the day. The new semester starts today, and my brother and I found ourselves inevitably running behind schedule on our first day as sophomore university students. The air in the house resonated with the symphony of hurried footsteps, the fading echoes of the local morning show, and our father’s voice telling us to hurry up.

We would’ve been in campus by now if we had just left for our dorms the night before but instead my brother and I opted to spend the last day of vacation within the comforts of our loving yet somehow chaotic home. 

 

“School ID, Wallet, Key card para sa dorm, cellphone, payong… Ano pa ba?” My mother thinks out loud.

 

Parehas na kaming nakatayo ng kapatid ko sa harap ni Ma habang iniisa-isa niya yung mga bagay na dapat namin dalhin. Tinignan ko mabuti lahat ng mga dala ko to make sure I didn’t forget anything important. Kung mayroon man, pwede naman ako bumalik since medyo malapit lang ang bahay namin sa campus pero mas okay na mag double check para hindi na rin hassle kay Dad. Ayaw niya kasi na mag-commute kami ng kambal ko pauwi sa amin.

 

Kahit anong mangyari ipagpipilitan niya sunduin kami kapag uuwi dito sa bahay.

 

“Wala na, Ma. Ikaw ba, Min?” Tanong sa akin ni Mingyu, ang nag-iisa kong kapatid at kambal na hindi ko kamukha. Carbon copy kami ng parents namin. Nakuha ko mukha ni Ma at siya naman ang nag-mana kay Dad.

 

“Kumpleto na.” I gave a quick nod to my brother and in an instant we enveloped our mother in a tight hug, sandwiching her between us.

 

“Mag-iingat kayo parehas, ha? Huwag na huwag magpapalipas ng gutom at siyempre pagbutihin ang pag-aaral.” Our mother reciprocates the hug. Kahit naman na pangalawang beses niya na kami i-send off ng ganito, eh halata pa rin talaga ang lungkot niya. May pagka-clingy din itong nanay namin eh. 

 

“Opo. Love you Ma.” We said in unison
“Love you too mga anak”

 

We broke off the hug and hurried outside, each of us carrying a duffel bag. Dali-dali kami sumakay sa naghihintay na kotse sa labas ng gate namin. Sa passenger seat umupo si Mingyu at ako naman sa backseat na naupo. 

 

“Dad, tara na!” Mingyu energetically says. Ito din yung isa sa pagkaka-iba namin.

 

Napaka-energetic nito ni Mingyu sa umaga at ako naman yung kumbaga parang lantang gulay.

 

“Kapag may nakalimutan kayo, just text me. Ihahatid ko nalang sa dorm niyo mamayang gabi.” Our dad says while he adjusts the rear view mirror and eventually starts the car. Siguro kahit trenta na kami ni Mingyu, baby pa rin ang turing sa amin ni Dad. Hindi naman ako nagrereklamo, ang cute nga eh. 

 

It took us an hour and a half to arrive sa campus. Wala naman talaga pinipiling araw ang traffic dito sa Pilipinas, mas malala lang today dahil sa opening of classes. Sa harap ng campus dorm kami hinatid ni Dad para maibaba muna namin ang gamit before pumasok. 

 

“Thanks Dad! Love you!” Humalik sa pisngi ni Dad si Mingyu at agad ng bumaba ng kotse. 

 

“Ingat pauwi Dad. Love you.” Sumingit ako sa space sa may centre console at humalik din sa pisngi ni Dad bago bumaba. 

 

My brother and I stood on the sidewalk, waiting for our dad to drive away but before he does, he rolls the passenger side window down.

 

“Ming! Min! Mag-iingat ha? Huwag masyadong mag-gala. Ang pag-aaral pagbutihin.” Paalala ni Dad sa amin. 

 

Parehas kami nag bend down para makita si Dad ng mabuti. Nagkatinginan kami ng kambal ko at mabilis din binalik kay Dad ang aming mga mata.

 

“Yes sir!” Sabay muli namin sinabi with matching saludo pa. Mga kambal nga naman. 

 

Umalis din kaagad si Dad. Parehas kami nag check ng phone ni Mingyu. Sunod-sunod na messages ang natanggap ko galing sa mga kaibigan ko. Iisa lang naman ang laman ng lahat. Ang tanong ng taong bayan eh kung nasaan na ba raw ako. Kung hindi sa malamang eh gano’n din ang mga messages na binabasa ng kapatid ko. 

 

“Mauna na ko sa field. Ilalagay ko nalang sa locker yung gamit ko. Ikaw? Pwede ko rin ‘yan isingit sa locker.” Tinuro ni Mingyu yung bag ko. 

 

Ang locker na sinasabi niya is yung para sa mga athletes. Varsity basketball player kasi si Mingyu. Malaki yung mga lockers nila doon sa dugout at sa tingin ko nga kasya naman pero ayoko na dumaan doon bago umuwi mamaya.

 

“Una ka na, ilagay ko nalang ‘to sa dorm. Medyo maaga pa naman, for sure hindi pa tapos speech ni Presi.” Sabi ko 

 

“Oks. See you nalang, boss” He extended his arm with his hand forming a fist. 


“Ingat ssob.” I bumped his fist with mine and with that he made his way towards the campus field where the opening ceremony was being held. 

 

I turned around to face the campus dorm building.

 

Hyacinth Hall, we meet again.

 

All at once, nag-sink in na sa akin na tapos na talaga ang bakasyon at start nanaman ng stress at sleepless nights.

 

I took out my key card and pressed it against the scanner. The glass door unlocked and I ushered myself in. I gave a curt smile to the lobby receptionist who then gave me a puzzled look. Nagtataka siguro ‘to kung bakit andito pa ako sa dorm, eh nag-simula na yung opening ceremony. 

 

Bago pa siya may masabi, I power walked towards the elevator. 

Sorry ate hehe

 

While waiting for the lift, I opened my phone once again and opened the group chat I had with my friends.

 

Skusta Clee ænjoyers 🔥

Ningning na walang ⭐: HUY @bhoxzs MJ Asan na u? Dito na us.

Wonwoo Bulag 👓: Late yan si boss, galing sa bahay nila eh.

Ningning na walang ⭐: Ha? Hakdog? Akala ko ba bumalik na sila kagabi sa dorm ni Mingyu my honeybunchsugarplumsweetiepie 😍

JinRyu Fresh 🍶:  

Wonwoo Bulag 👓: Kunwari di ko nalang nakita yung kasunod ng Mingyu…Nag request daw kasi si Tita na ngayon nalang sila bumalik ng campus dorm.

Ningning na walang ⭐: Bashers! Bakit ba?!  Ayaw sa akin ni MJ eh. Edi dun tayo sa kambal! Baka siya na ang pag-asa ko maging isang ganap na miyembro ng pamilyang Kim.

Wonwoo Bulag 👓:  Apeylido lang habol mhiE?

Ningning na walang ⭐: Omsim! Lakas ng dating eh. Yizhuo Ning-Kim. O diba? PAK NA PAK!

 

Wonwoo Bulag 👓: Sige sabi mo ih. 

Wonwoo Bulag 👓: Pero legit, saan ka na boss? @bhoxzs MJ

Wonwoo Bulag 👓: Kayo rin saan banda? @Ningning na walang ⭐ puntahan ko kayo

JinRyu Fresh 🍶: Nasa gedli kami malapit dun sa shortcut papunta sa canteen. Bili kami tubig. Apaka init kasi.

Wonwoo Bulag 👓: oks punta ako diyan

Wonwoo Bulag 👓: @bhoxzs MJ sunod ka dito 

 

I chuckled and typed in a reply.

 

Me: Daan lang dorm saglit. Ibaba lang gamit ko tas deretso na ko diyan. 

With the sound of the elevator ding, I slipped my phone into my back pocket and pressed my floor number. Seconds later the elevator door opened, I got out and went straight to my unit. 

I entered my code and yet another door unlocks itself in front of me. I placed my duffel bag on the couch and took out my school ID and binder notebook. My eyes scanned the room, as if familiarizing myself once again with the space I’ll be living in for the next few months. 

 

“Kinaya last sem, kaya ulit this sem.” I heaved a sigh and showed myself out.

 

“Gutom na ko. Saan niyo balak kumain?” 


“Nag-post ng thrist trap yung crush ko beh. Ito oh” 


“Wala naman gagawin ngayon. Puro intro lang, cut na tayo!” 


“Gago, si Ma’am Soriano raw prof natin diyan? GG go next.” 


“Akala ko ba move on na ha?! Eh ano yung IG story mo kagabi?!” 

 

Samu’t saring pag-uusap ang bumati sa tenga ko pagdating ko sa field. Tuloy-tuloy pa rin ang speech ng university president at kita naman sa mga mukha ng mga estudyante na katulad ko na bored na sila. Hindi naman masyadong tirik ang araw pero ramdam pa rin ang init.

 

Naalala ko ang sinabi ni Wonwoo na nasa bandang gilid daw sila ng field kaya naman dali-dali na ako naglakad papunta roon. Buong bakasyon ko hindi nakita sila Wonwoo, Ryujin at Ningning kaya medyo excited ako makita sila. Sinulit kasi namin ng pamilya ko itong nakaraan na bakasyon. Maya’t maya ang pag book ng nanay at tatay ko ng mga local tour kung saan-saan.

 

Buti na nga lang at napayagan si Mingyu na hindi muna sumama sa summer training camp ng team niya. Napapayag ni Dad yung coach niya, saying na he’ll personally train his son instead. Retired professional basketball player kasi si Dad. 

 

During his time as a player, Dad was considered the greatest. Bukod sa mukha, nakuha din ni kambal yung kahusayan sa basketball ni Dad. Kaya hindi na rin nakakapagtaka na sumunod itong si Mingyu sa yapak niya. Noong una, ayaw talaga ng tatay namin na turuan o kahit nga pag laruin ng basketball si Mingyu.

 

He didn’t want his son to feel obligated to follow his footsteps pero kalaunan bumigay rin naman si Dad. 

 

Our whole family saw my brother’s genuine passion for the sport so after a serious sit-down conversation with our dad, he finally backed down and let Mingyu pursue the same path he did. Sa totoo lang, akala ko rin na-pressure lang si kambal sa basketball na 'yan pero hindi pala. Sabi niya, masaya raw siya tuwing naglalaro, at imbis na pressure ang kaniyang nararamdaman sa mga pinagsasabi ng ibang taong wala naman ambag sa pamilya namin, ginagawa niya itong motivation. 

 

Mindset ba, mindset. 

 

“Kung ako sayo, Won, I-block mo na. Kaysa naman tiisin mo yan.” Nangibabaw ang boses ni Ningning na nakaturo sa phone na hawak ni Wonwoo.

 

“Huy, hinaan mo naman boses mo baka may makarinig.” Pag suway naman ni Wonwoo na bigla nalang napayuko ng kaunti.

 

“Paano ba niya nakuha number mo?” tanong naman ni Ryujin

 

“Hindi ko nga alam eh. Hindi rin naman ako masyado nagre-reply sa kanya.” Wonwoo shrugs his shoulders.
“Ang alam ko lang, nakasama ko siya sa isang class last sem.” He continued.

 

“Ano meron?” ang bati ko sa kanila. 
“Andiyan na pala si boss” bati ni Wonwoo sabay pag apir sa akin
“YO!” naman ang kay Ryujin

 

“Ano pa nga ba? May umaaligid nanaman dito kay Wonwoo.” Iritang pag sagot ni Ningning. Kasabay nito ang pagpalupot niya sa kaniyang kamay sa braso ko.

 

“Baka naman kasi gusto lang makipag-friends saka—“ naputol ang sinabi ni Ryujin ng marinig namin ang sunod-sunod na notification na galing sa phone ni Wonwoo. Kitang-kita sa lockscreen yung nag-iisang pangalan na dahilan ng pag tunog ng cellphone niya.

 

“Siya ba 'yan? Baka nga need mo na i-block.” Sabi ni Ryujin. 

 

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
rintor
#1
This is so well written 😖, can’t wait sa further updates🫶🏻🫡
kwinminjeong
#2
Chapter 3: sobrang bait ni minjeong shet i love it, pero ang eksena hui yeji si ryujin yan 'no,, kyime natuwa kz si ryujin nung nalaman na si karina yung rumeyt ni boss mj eh 🤠
kang_ddeul
#3
Chapter 2: ang cute nila huhu 💗