Isa (tara na)

No One Else Comes Close
Please Subscribe to read the full chapter

Nandito na kami sa loob ng jeep papuntang school at itong si ryujin, number one basher ko ata pag di ako naliligo. Akala mo talaga naliligo nang maigi, eh 3 mins lang sya sa banyo tapos na yung ligo nya. 

Mas lamang kaya ako ng dalawang ligo sakanya! 

"Oh, ano? tapos ka na bang bruha ka?" 

"hindi," tatapusin sana nya yung mga rant nya kung gaano ako mukhang iniwan ng anak at asawa "raw" dahil sa hindi ako naligo ngayon nang biglang huminto yung jeep na sinasakyan namin.

Muntik pa ako masagi sa kili-kili ni kuya na nasa tabi ko! 

"Mag sikit-sikit kayo pag upo dahil syam-syam ang kasya ng jeep," sabi ng konduktor. Anong sinasabi nyang syam-syam kami e parang isang kapit lang 'tong pwet ko sa sobrang sikip. Pag talaga ako nalaglag, ako talaga magiging konduktor jan kuya, sinasabi ko sayo. 

May kinuha akong pandesal sa aking bag at kinain ito, si ryujin naman hindi na akong ang main topic ng bunganga nya kundi yung pwet nya sa sobrang sikip ng aming kinauupuan ngayon. Pag talaga ako yumaman, who u kayo sakin. 

"Gago tol, di ko na keri yung pwet ko, parang malalaglag na ata," bulong sakin ni ryujin. Nakita ko naman na talagang nahihirapan na talaga sya.

"Oh, ito pagkain," sabay subo ko sa bunganga nya, ingay-ingay e. Malayo pa kami sa skwelahan namin kasi medyo traffic. Parang malalate talaga kami, baka tatambay nalang ako kina Aling Maria sa kanto para magpalipas ng oras mamaya. 

Biglan huminto nanaman yung jeep, "Oh sakabila, may isa pa. Halika ka dito, ate. Wag kang mahiya marami pang bakante."

Anong klaseng hinithit ni kuya na pati yung pwet namin halay na halay na sa kakakapit dito sa upuan na'to. 

"Di ko na kaya, tol," bulong na sabi ni ryujin.

"Kumapit ka, tol. Massage ko yang pwet mo mamay--"

ANAK NG BUTIKI NGA NAMAN, BUMIGAY NA YUNG PWET NI TANGA.

"Okay ka lang ba, iha?" Tanong ng isang babae na katabi lang ni ryujin. Syempre di ko pa sya natulungan kasi tinawanan ko muna. Um-oo naman kaagad ni ryujin kaya bumalik na sya sa upuan nya. 

"Okay ka lang? syempre okay lang," Pang-aasar ko nito nang makabalik na sa tabi ko. Medyo nangangalay na rin yung pwet ko dahil dito at staka malapit na rin naman kami.  

Tumayo ako, "Tol ko, sa'n ka?" itong si ryujin, clingy. Ipapakagat ko talaga sa aso ng kapitbahay namin yung pwet nyang hilaw. 

"Dyan lang," ngumuso pa ako dun sa konduktor. Naging iba naman ang tingin ni ryujin sa'kin at alam na alam ko kung ano ang nasa isip nito.

AKALA NYA BANG DI KO ALAM NA INIISIP NYANG HAHALIKAN KO YUNG KONDUKTOR?!

May maloko syang ngiti sakin at bago pa sya makapagsalita ay inunahan ko na ito,"Tumahimik ka ryujin, kundi papasabugin ko yang bunganga mo." 

At bilang isang concerned aports ni ryujin, pumunta ako kay kuyang konduktor at sinabit ko yung kaliwang kamay ko. Oo, magkatabi na kami ni kuyang konduktor. 

Feel na feel ko na kung ano ang maging isang konduktor. 

"Hoy, ginagawa mo erp?" singhal sakin ni ryujin. Kinindatan ko nalang sya. Akala mo naman hindi sya natuwa na nakaka-ayos na sya ng upo sa pwesto nya. 

May mga bumaba naman pero di na ako bumalik kasi na-eenjoy ko yung pagiging feeling konduktor ko dito. Ang hangin lang mula rito, muntik pa lumipad yung cap ko, eh ang mahal pa naman to tig 20 pesos sa ukay-ukayan. 

"Okay ka lang ba ryan, ate?" Maka ate si kuya parang mas matanda ako sakanya.

"Oks lang, kuys. Ako pa ba?" Pinakita ko sakanya yung isang braso ko nakakapit sa jeep. "Malakas kaya 'to," tumawa lang si kuya sa'kin. Totoo 'to, kuys. Malakas akong tao, gusto mo ako na yung maging konduktor dito e. 

Joke lang, mawalan pa ng trabaho si kuya dahil sa'kin pero ang talinis ng pride nya no? Pati pwet mo di na makakapit tuloy parin pag tawag ng mga pasahero. Kuys, gusto ko lang sabihin na di kayo mauubusan ng pasahero. 

"Libre na yung pamasahe namin ng kasama ko kuys ah?" tumango naman si kuya kaagad. Tumulong kasi ako kanina na tumawag ng mga ibang pasahero, sinabihan ko pa kanina si kuya na pwede na syang magpahinga at ako na ang papalit sa pwesto nya.

Nandito na kami sa school at tama ako, late nga kami. Napag desisyonan namin ni ryujin na tumambay nalang kina Aling Maria sa tindahan nya at mamaya nalang kami pumasok sa room. Paborito ko talaga dito maging tambayan kahit noon pa. Di naman kita yung tindahan sa school kasi may katabing pagkain ito.

"Iyon parin ba sa'yo, iha?" tanong ni Aling Maria sa'kin.Tumago naman ako kaagad sakanya. Alam na alam nya talaga ang bibilhin ko, v-cut at isang coke yung combo ko dito hehe

"Wow, di halatang palagi ka dito tumambay, pre," Lumingon naman ako kay ryujin na nakangisi at umiinom ng pepsi. Mga pormahan nito halatang nakatas sa kulungan. Pa'no ba naman kasi, naka orange sya ngayon tapos yung pambaba nya ay naka baggy jeans.

Binaliktad ko yung cap ko kasi naiinitan na ako, "Bumalik ka nga sa kulungan kung sa'n ka galing." Pinakyuhan nya kaagad ako at binalik ko rin sakanya yung ginawa nya

Akala nya ha!

Para talaga kaming bata ni ryujin kung umasta. Ewan ko

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
kathy101
Sensya nabusy sa research kaya natagalan

Comments

You must be logged in to comment
cleofierayne 38 streak #1
Chapter 4: WOWWW NAGPA IMPRESS PA NGA. TAPOS SI YUJIN GUSTO PA ATA MAKIKAIN SA HANDAAN 😭🤣🤣🤣
cleofierayne 38 streak #2
Chapter 3: WAHAHAHAHAHAH PATULAN BA NAMN MGA BATA HAHAHA KULIT NIYOOOOO
yujjiman
#3
Chapter 2: HAHAHHAHAHAHAH ANG CUTE
kwinminjeong
33 streak #4
Chapter 2: HAHWHSBSJSNSHAHA PUTSNGINA LAPTRIP SI KARINA AMPOTEK TAMA KA N BEH
howdoyouknowmee
577 streak #5
Kulit hahaha
crimson_snow #6
Chapter 1: Sobrang funny nila Karina and Ryujin 😭