we jus pray of cars

Uptown Girl
Please log in to read the full chapter

Ang ganda ng gising ko! Today kasi yung day na pupunta ako sa car meet sa Alabang.

 

Inaya ako ni Tito Edie sa Karera near FEU Alabang dahil may small gathering daw pala dun ang Civic South.

 

Member na kasi ako dun hehe.

 

 

Recently binilhan ako ng Honda Civic FD ng parents ko. I plan to convert this to Mugen RR.

 

Practical ba? Hindi. Ang lala lumaklak ng gasolina.

 

Pero okay lang. Second car ko naman na 'to. I have my Honda Jazz naman as my daily car. Very comfy and fuel efficient.

 

 

Yung Jazz palang car ko nung nameet ko si Tito Edie sa event ng South Scene sa Shell Lucena. Tito Edie has a lot of cars. Literal.

 

He showed me his garage and I was like... speechless. He owns most of the Civic models. I really love his car collection.

 

 

Yujin calling...

 

"Hoy! Saan ka na? Dito na kami sa shell."

 

"Teka lang kasi. Pinapainit ko pa yung makina."

 

"Bilisan mo na, tanga. Traffic daw sa Sto. Tomas"

 

Ano pa nga bang magagawa ko? Kaya ito ako ngayon nagdadrive papuntang Shell. Sabay-sabay kasi kaming pupunta ng mga kaibigan ko sa Alabang.

 

Matagal na kaming magkakaibigan ni Yujin at Giselle. Nung binilhan ako ng Civic nina mommy, ayun, bumili rin yung dalawa.

 

Andito kami ngayon sa Lucena kasi long weekend pero sa NU Laguna talaga kami pumapasok. 

 

 

Beep! Beep!

 

Nakita ko na yung dalawang panget na nakaupo sa may Krispy Kreme. Tumayo naman sila at agad na sumakay sa mga sasakyan nila.

 

Hindi na ako magpapark dahil malelate na rin kami. Almost 3hrs din kasi byahe namin e 4pm na.

 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Almost 7pm na nung dumating kami sa Karera. Dami na ng tao pero may nakareserve naman na spot sa amin. Fav ni Tito Edie privilege.

 

Katabi ng mga sasakyan namin ay nakita ko ang Civic SIR na legit. LEGIT SIYA! That's one of my dream cars.

 

Pero... hindi ko naman aasahang yung lalabas sa SIR na yun ay magiging dream ko rin.

 

ANG GANDA.

 

Short hair, mestiza, inches shorter than me, mukhang rich girl sa BGC, lahat ata nasa kanya na.

 

I think I just saw the girl of my dreams. EME! SI OA PALA AKO E HAHAHA.

 

"Karina, I want you to meet my daughter. This is Winter." Biglang sulpot ni Tito Edie. 

 

 

Omg! Anak pala ni Tito si Miss SIR.

 

 

Kinamayan ko agad si Winter at agad na nagpakilala. Sumunod naman yung dalawang epal sa likod ko.

 

"Hi Winter! I'm Giselle. Karina's friend"

"Yujin nga pala. Nice ride ah?"

 

Hindi naman umimik si Winter. Ngumiti lang at pumasok na papasok sa Karera.

 

Okay lang. Exempted siya kasi maganda naman.

 

 

Hindi rin naman kami nagtagal sa Karera dahil may pasok pa kami kinabukasan.

 

Around 10pm, umalis na rin kami papuntang Sta. Rosa. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Miss SIR kasi nagmamadali 'tong dalawang panget.

 

 

Parents ni Giselle 'tong may-ari ng bahay. Nasa Japan ngayon sina Tita kaya dito kami nakatira. We decided to split every gastos na makikinabang kaming tatlo. Eversince 1st year college kami, dito na kami tumira.

 

"Papasok pa ba tayo bukas? Anong oras na oh." Daing ni Yujin matapos kaming magpark sa garahe.

 

Buti talaga kasya ang limang kotse dito. Tig-dalawa kasi kami ni Gigi ng kotse habang yung dating kotse ni Yujin, binenta niya para sa FD.

 

"Baliw ka ba? Syempre papasok tayo. Gusto mo bang mapag-initan nanaman ni Sir Robin?" sagot ni Gigi sa kaniya.

 

Hindi na ako nakisali sa kanila at tuluyan nang pumasok sa cr para makaligo na at makatulog.

 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

7am na ako naka-alis sa bahay. 8-10am naman first class ko so okay lang. Iniwan ko na yung dalawa sa bahay kasi for sure late nanaman yun.

 

 

After ng 1st class ko, pumunta agad ako sa bahay nina Tito Edie. Kukunin ko kasi yung Mugen RR body kits na binenta sa akin ni Tito. Hindi na niya daw kasi itutuloy yung bini-build niya na FD ngayon.

 

"Dad, can

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
552 streak #1
Chapter 1: Sana matuloyyy
lovehiver #2
omg I feel kilig naman, I study at mmcl too! lol sana nga may winter kim sa'min, para ganahan ako pumasok 😔✊🏻
crimson_snow #3
Chapter 1: Super interesting start!! Ang cute agad ng interactions nila 🥹