Isa

Laro
Please log in to read the full chapter

Ako lang ba, or mas masaya talagang kasama ang mother's side ng family tuwing may special occasions? 

 

Mas prefer ko talagang kasama tuwing Pasko at New Year 'yung maternal side ng pamilya namin. Mga pinsan ko sa side na 'to 'yung mga legit na ka-wavelength ko. Pati nga mga tito at tita ko, game na game sa lahat ng trip namin.

 

Sa side ng tatay ko, walang ginawa mga tiyahin ko dun pag family reunion kung hindi magpayabangan tungkol sa mga anak. Puro alahas at pera pa mga pinag-uusapan. Mga pinsan ko pa dun, hindi ko alam paano pakisamahan. Lalo na 'yung mga hindi ko kapareho ng political stance. Mga out of touch sa realidad.

 

Isa pa, mas nakaka-vibe ko talaga mga pinsan ko sa side ng nanay ko dahil kahit 'yung mga mas matanda naming pinsan eh nakikisama pa rin sa aming mga mas bata. Talagang parang isang malaking tropahan lang 'tong angkan namin.

 

Kaya ito, as usual, dito sa bahay namin ang Noche Buena, at pumupunta lang 'yung mga kapatid ni mama at mga pinsan ko.

 

"Huy, Winter," lumingon ako sa pinsan kong si Chaewon na tinawag ako. "Iinom ba tayo?" Simula nag-college kami ni Chaewon, nasali na kami sa usual inuman session after ng Noche Buena.

 

"Hindi ko alam sa inyo. G lang naman ako," pabebe kong sagot kasi nandyan 'yung nanay ko at baka matawag na naman akong lasengga.

 

Si OA 'yan si mama eh. Last year na holidays lang naman niya akong nakita mag-inom. Pangalawang beer ko pa lang nun, na-call out agad ako.

 

"Winter, ikaw na bata ka, nagiging hobby mo na 'yang pag-inom. Lasengga ka na ah."

 

'Yan exactly 'yung sinabi niya sakin last year. Eh nun nga lang ako uminom ulit simula nung lecheng pandemic na 'yan.

 

"Iinom na naman kayo. Itong mga batang 'to, wala ng ginawa kung hindi uminom." 'Yan na nga sinasabi ko. Umeksena na si mama.

 

"Pabayaan mo na 'yung mga bata. Pasko naman ngayon. Minsan na lang din sila mag-gather nang ganito oh." Sa mga ganitong moments, nagpapasalamat talaga ako sa tatay kong hindi KJ.

 

"Opo nga, tita. Minsan lang naman po." Ngayon lang nakasapaw 'yung mga pinsan kong takot rin sa nanay ko.

 

"Bahala kayo. Malalaki naman na kayo. Basta magliligpit kayo ha," parang nangbabanta si mama. "Ayokong makakita ng kalat dito bukas ng umaga."

 

Bago pa kami makasagot, iniwan na kami ni mama at nakisali na siya sa chikahan session nila tita ko.

 

"Ano na? Bili na ba tayo?" Lumitaw bigla sila kuya Jaehyun at kuya Baekhyun. Mga dakilang financer kapag nag-iinuman kaming mag-pipinsan.

 

"Tara na!" Atat na atat na sabi ni Chaewon. Alak na alak na 'yan? Well, same.

 

Gusto ko munang enjoyin itong holiday season dahil pagpasok ng January eh kailangan ko na harapin ang paparating na finals season.

 

Parang gago naman kasi 'yung academic calendar ng UP. Dahil sa pandemic, nasira 'yung usual schedule na dapat December nakapag-finals na. Dahil na-delay ang start ng school year, sa January pa ang finals week namin. Hindi ko tuloy fully ma-enjoy 'yung holidays dahil hindi pa tapos ang sem ko.

 

Tapos sobrang nakakapagod pa dahil online class. Ewan ko ba kung ako lang, pero parang mas maraming requirements ngayong nag-remote learning. Sana mag face-to-face classes na ulit, dahil ubos na ubos na energy ko sa online class na 'to.

 

Kailangan ko ng breather kaya g na g rin akong makipag-inuman sa mga pinsan ko ngayon.

 

Usual routine lang kami. Sasama kami ni Chaewon sa dalawang kuya namin, kami bibili ng alak sa 7-11, habang naghihintay 'yung ibang mga pinsan namin sa bahay.

 

Ngayon, sa bahay, binantayan na ni kuya Baekhyun 'yung videoke habang nag-iinuman kami dito sa sala. Wala namang nag-rereklamo kasi maganda naman boses niya.

 

"Anong year ka na nga ulit, Winter?" Tanong sakin ni ate Seulgi habang nagsasalin siya ng Alfonso sa shot glass na iniabot niya sakin.

 

"Third year na rin," sagot ko bago ko inumin 'yung shot na binigay niya. Nagmadali rin akong inumin 'yung Coke na nasa harap ko after.

 

Tumatanda na raw kasi kami kaya dapat daw eh wag na pang-baby girl ang inumin namin. Last year 'yung soju na may yakult at flavored beer lang ininom namin eh. Di ko alam sa topak nila at ngayon eh Alfonso ang binili. Though may flavored beer pa rin naman.

 

Kaso itong Alfonso kasi 'yung pinapaikot nila. Parang mamaya ulo ko ang papaikutin ng alak na 'to. Ang tapang. Ang panget ng lasa.

 

"Ikaw ba Chaewon? Anong year ka na?" Siya naman ang tinanong ni ate Seulgi.

 

"Magka-batch lang kami ni Winter."

 

"Hala, ang bilis naman ng panahon." Oo nga eh. Dati lookout lang kami ni Chaewon kapag nag-iinuman mga mas matanda naming pinsan. Ngayon, kasali na kami dito.

 

"Oo nga. Dati lang pulang pula 'yan si Winter nung patago nating pinatikim ng Red Horse tsaka Tanduay Ice," natatawang pag-rerecall ni ate Jisoo.

 

Naaalala ko rin 'yun. Buti na lang, I can hold my alcohol well now. Hindi pa rin naman ako malakas na manginginom pero at least hindi na ako mapapatumba ng tikim tikim lang. Kinakaya ko nga 'tong Alfonso ngayon eh.

 

Nagtuloy-tuloy lang kaming mag-kwentuhan. Nagbukas lang ako ng phone ko saglit para sana mag-reply sa mga kaibigan kong bumabati ng Merry Christmas. Pero may isang message na kakaiba.

 

From Karina? Di naman kami close. Groupmate ko lang siya sa isang GE subject ko this sem. In-open ko 'yung message niya, at sana di na lang pala.

 

Karina Yu [2:33 a.m.]: Hiii

Karina Yu [2:33 a.m.]: [sent a photo]

Karina Yu [2:34 a.m.]: Ask ko lang sana if alam mo tawag sa ganitong design? Wala kasi akong idea eh 😅

Karina Yu [2:34 a.m]: Ginagawa ko lang yung part ko sa final project natin

Karina Yu [2:50 a.m.]: Merry Christmas pala & sorry sa abala 😅

 

'Yung gusto ko nga muna kalimutan saglit 'yung responsibilities ko pero itong si anteh, Christmas na Christmas, mag-chachat about schoolworks.

 

Wala ba siyang Pasko? INC ba siya? Lagot ka kay Jesus, di mo ko hinahayaang mag-celebrate ng birthday niya. Lord oh. May makulet. Charot.

 

Tsaka bakit hindi siya sa GC ng group namin nag-chat? Ako lang ba ang mukhang hindi nag-Papasko? Mukha ba akong INC? Bakit ako ang minessage?

 

Binack ko na lang nang hindi nag-rereply. Seenzoned ka muna today. Gusto ko munang mag-enjoy. Grabe siya eh. Hindi muna bumati. Yung greetings niya pa eh afterthought lang.

 

"May ka-LQ ka? Bakit nakakunot 'yang noo mo?" Tanong sakin ni Chaewon.

 

"Wala. Issue ka naman. May classmate kasi akong nag-chat tungkol sa schoolwork." Binuksan ko ulit phone ko, at pinakita ko kay Chaewon 'yung message.

 

"Grabe naman siya. Paskong pasko, teh."

 

"Kaya nga, diba? Kainis. Di ko nga siya papansinin." Binalik ko na 'yung phone ko sa bulsa ko.

 

"Pero speaking of LQ," simula ni ate Jisoo. "Diba may jowa ka, Winter? Musta kayo?"

 

Parang lalong tumaas ang presyon ko sa tanong. Charot. Well. Wala pa naman akong napagkwekwentuhan ng mga nangyari noong mga nakaraang buwan kung hindi si Chaewon at mga katropa ko.

 

"Next question, ate," si Chaewon ang nagsalita.

 

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
tobykaiii
#1
Chapter 1: Hello po tor miss ko na pinky
gompringles
#2
Chapter 1: Ang cute ng story pero bakit parang magpapaiyak ka sa huli lods?
EzraSeige
#3
Shuta nangangamoy angst 🙃🙂😀☠️
lattecream #4
merry christmas author sana hindi sya iwan kung si w man yan o si k 😭
howdoyouknowmee
547 streak #5
Okay lods upvote ko na agad 😏