final.

I’ll Never Get Over You Getting Over Me
Please Subscribe to read the full chapter

Karina's POV   

 

"Guys, meron daw tayong reunion next week." Saad ni Ningning sa tabi ko

 

Andito kami sa bahay ko nagiinom, trip lang namin bakit ba?

 

Anyways ayun na nga, dinagsa ako ng mga tukmol kong mga kaibigan.

 

Nagsi-datingan ba naman dito sa bahay tapos may dala-dalang alak? Aba sino ba naman ako para tanggihan yan. Eme.

 

"Pupunta kayo?" Tanong ni Yunjin samin

 

"Tingnan ko muna schedule ko" sagot ko

 

Yung iba naman naming kaibigan ay umoo lang na pupunta sila.

 

"Sa tingin niyo dadating siya?" Tanong ni Ning

 

"Siguro? I heard na nakauwi na siya." Sagot ni Ryujin sabay inom ng beer na hawak niya

 

Alam ko naman kung sino yung tinutukoy nila kunwari dedma lang ako pero kilalang kilala ko kung sino.

 

"Uy Kars, ikaw sa tingin mo pupunta ba si Winter sa reunion natin?" Tanong sakin ni bunot.

 

I just shrugged my shoulders.

 

"Hindi ako sure. Wala na kong balita sa kaniya." Sagot ko.

 

Tumango lang naman siya.

 

                                         —

 

Nakadating na kami ni Ning sa venue kung saan magaganap 'tong small reunion naming magkakaibigan.

 

Dito lang din naman sa bahay ni Giselle, kaibigan ni Winter.

 

Yung iba naming friends ay nauna na rito kaya dalawa lang kami.

 

Sus mga excited.

 

Pagka-pasok namin sa main door nila, bumungad agad yung iba naming kaibigan

 

"Uy ayan na sila oh!" Turo samin ni Yujin

 

Lumapit naman sila samin sabay yakap

 

"Grabe ang tagal na rin nung huli tayong nagkita-kita." sabi ni Chaewon

 

"Oo nga, i think nung graduation pa yun?" sabi naman ni Ning

 

Ngumiti lang ako sa kanila.

 

Sa totoo lang, namiss ko rin sila.

 

Hindi kami nagkikita madalas sa sobrang busy sa mga sarili naming trabaho.

 

Lumingon-lingon naman ako sa bahay ni Giselle na para bang mah hinahanap.

 

Nabaling naman yun nang tapikin ni Chae ang balikat ko sabay abot ng beer.

 

"Hinahanap mo siya 'no?" Tanong nito

 

"Sira. Namamangha lang ako kasi ang laki ng pinagbago ng bahay nila Gigi." Sabi ko

 

"Salamat pala dito" dagdag ko pa, i was referring sa binigay niyang can of beer.

 

"Sus, kilala kita Rina. Wag mo na itanggi." Sabi nito.

 

Natawa lang ako at umiling.

 

"Tara sa likod ng bahay nila, andun si Gi at yung iba." aya nito sakin.

 

Tumango lang ako at sinundan siya.

 

Pagka-dating namin sa garden nila Giselle, nakita ko siya na nag-iihaw ng bbq katabi niya si Ryujin na pinapaypayan yung iniihaw nila.

 

"Oh ayan na pala sila eh" sabi ni Ning na nakaupo sa monoblock

 

"Rina!!" Sigaw ni Gi at takbo papunta sakin sabay yakap

 

Jusko muntik na kami matumba

 

"Omg girl! Namiss kita!" Sabi nito

 

"Miss u too Gi."

 

"Wow ha, feel na feel ko yung pagka-miss mo sakin." Sabi niya sabay irap sakin.

 

"Sira. Totoo naman namiss din kita."

 

"Sige na nga." Sabi niya at humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin.

 

"May snacks jan, yan muna dahil hindi pa luto yung ibang pagkain.” Sabi nito at tumango lang ako sa kaniya bago siya bumalik sa ginagawa nila ni Ryujin.

 

Dumiretso ako sa tabi ni Ning, naghahanap siya ng kanta sa song book.

 

Meron kasing karaoke.

 

Ayan na naman siya.

 

May nilagay siya na kanta at inabot sakin ang mic.

 

"Luh?"

 

"Ayoko kumanta, ikaw na lang." sabi ko.

 

"KJ mo naman bevs, bilis na kasi." pilit niya.

 

Agad akong napalingon sa gawi nila Giselle nang marinig ko siyang sumigaw

 

"Winter!!!!" Rinig kong sigaw ni Giselle at tumakbo papunta sa babaeng yun.

 

Nakatitig lang ako sa gawi nila.

 

Ang ganda niya pa rin hanggang ngayon.

 

Bagay sa kaniya yung kulay ng buhok niya.

 

Para ngang walang pinagbago, ang ganda pa rin.

 

"Uy kars.." agad naman napawi ang tingin ko nang tawagin ako ni Ningning.

 

Tumingin ako sa kaniya,

 

"Ano na naman?"

 

"Gusto mo coke?"

 

"Oo."

 

"Mismo?"

 

"Sobra."

 

"Sira ulo, coke mismo kako at anong sobra jan kala ko ba naka move on kana?" Agad naman akong natauhan sa sinabi ko

 

Tumatawa si ning sabay abot ng coke mismo sakin.

 

Shuta nakakahiya.

 

Naka move on naman na ko eh.

 

Slight.

 

Eme.

 

Nakita ko naman na naglalakad na yung dalawang mag best friend papalipi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winjeongsimp
let me know your thoughts. . your comments are very much appreciated and I’m sorry for the errors and typos, nagmamadali kasi ng type kaya hindi na napapansin.

Comments

You must be logged in to comment
kardinosaurus #1
Chapter 1: 😡😡😡