fin.

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
Please Subscribe to read the full chapter

year 1995  

 

Andito ako ngayon sa labas ng bahay namin nagwawalis ng mga natuyong dahon na nagmula sa puno namin, tanaw na tanaw rito mula sa bahay namin ang isla.

 

Habang ako naman ay nagwawalis nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Yizhuo,

 

"Yizhuo!! Halika rito!" tawag ko sa kaniya

 

"Ano na naman ba yan minjeong?" sagot nito sakin habang papalapit sakin, kitang kita sa mukha niya ang pagka irita

 

Grabe pati ba naman kaibigan ko kinasusukluban na ko?

 

"Ay wag mo ko sinusungitan jan ah makikita mo hinahanap mo." sabi ko at ipinakita ang hawak ko na walis

 

"To naman si teh di mabiro,  may bagong lipat doon malapit samin, magandang babae." sabi nito at pabirong ginalaw ang mga kilay nito at ngumisi sakin

 

Loka-loka talaga

 

"Hoy teh bakit ganyan ka makatingin ha?!" sabi ko at taas kilay

 

"Papakilala kita, sakto at may handaan samin mamayang gabi dahil may pa welcome si nanay dun sa bagong lipat. Magbihis ka ng maganda ha, suotin mo yung bistida na binili natin noon sa bayan." Imbita nito sakin

 

"Ano naman gagawin ko dun?" tanong ko

 

"Ano pa ba? Syempre makipag kaibigan. Atsaka samahan mo na rin ako para di ako nagmumukhang kawawa kahit nanay ko pa may ideya nung munting celebrasyon niya."

 

"Oo na sige na."

 

"Yes! Hays ewan ko ba jan kay nanay at may pa celebrasyon pa siya samantalang nung birthday ko nakaraan agay pancit lang inihanda. Tapos nakita ko kanina sa mga handa hindi lang pancit ang ihahain." Pabirong sabi niya at sabay tawa, hay nako talaga

 

Natawa na lang din ako

 

Alam kong nagloloko lang siya sa mga sinabi niya at alam ko naman na naiintindihan niya na gipit si tiyang noong birthday niya at pancit lang ang kinaya ng pera nila pero bumawi naman si tiyang sa kaniya.

 

Naguusap lang kami ni Yizhuo ng bigla akong tinawag ni inang

 

"Minjeong!"

 

"Po?!" sagot ko pabalik

 

Nako baka galit na naman si Consuelo

 

"Tapos kana ba riyan? Agay marami pa kong nakikitang mga dahong naka kalat." Sabi nito at naka pamewang pa papunta sa amin

 

"Magandang umaga po tiyang!" Bati ni Yizhuo kay inang at nag mano

 

"Magandang umaga rin” 

 

"Mauuna na po pala ako! Sabi po pala ni nanay punta raw ho kayo sa amin mamayang hapunan. May celebrasyon po siya doon." Paalam ni Yizhuo sa amin

 

"Sige.. Magiingat kang bata ka ha" sabi ni inang

 

Tumango lang si Yizhuo at tuluyang umalis, humarap naman sakin si inang at tinaasan ako ng kilay.

 

"Bilisan mo riyan nako inuuna pa ang daldal kaysa sa inuutos ko. Bilisan mo at tulungan mo ako doon sa kusina maghain." Sabi nito sa akin at pumasok na muli sa bahay

 

Hays...

 

                                          —

 

Makalipas ang ilang araw ng celebrasyon na iyon, nagkakasundo naman kami nung bagong lipat. Taga ibang bansa pala sila at napagdesisyonan na manirahan na lang sila dito sa Pilipinas.

 

Heto kami ni Yizhuo at ang bago namin kaibigan na si Aeri, siya yung bagong lipat malapit kila Yizhuo.

 

Medyo sosyal siya pero nakakausap naman namin siya ng tagalog dahil isang filipino ang nanay niya habang ang ama naman niya ay japanese.

 

Kwento niya sa amin na tinuruan daw siya ng nanay niya na mag tagalog kaya ayon, hay nako buti na lang talaga kasi kung hindi ay baka dumugo na ang ilong namin ni Yizhuo kakakausap sa kanya.

 

Naglalakad kami sa bayan ngayon dahil napagisipan naming gumala ng biglang may malakas na hampas ng bola ang tumama sa likod ko.

 

"Aray ko hoy hindi kasi nagiingat!" Sabi ko at napahinto kaming tatlo na maglakad at nilingon ko ang may gawa non sakin at naka ngising babae ang tumambad sakin.

 

"Anong bang problema mo?" Tanong ko

 

"Ay sorry sadya ay mali hindi pala sadya." Sagot nito

 

"Aba gago to ah. Ang laki laki ng daan sakin mo pa pinatama yung bola mo." Sabi ko sa kaniya at nilapitan siya

 

"Hoy babaeng maliit, hindi ko nga sinasadya okay?"

 

"Aba ikaw pa may ganang magalit eh ikaw nga tong nakasakit na." Sabi ko

 

Hinawakan naman ni Yizhuo ang braso ko at sinesenyasas ako na umalis na kami dahil kita ko rin na ang daming tao naka tingin samin.

 

"Pasalamat ka at kailangan na naming umalis kundi baka na bangasan na kita." Sabi ko rito at sabay hila sa braso ni Yizhuo at Aeri.

 

"Bye bye liit!" Rinig kong sigaw nito.

 

"Pugo!" Sigaw ko pabalik

 

                                         —

 

Simula nung insidente na yan sa bayan hindi na ko tinantanan ni Karina parati na lang kaming ginugulo kasama ang mga alagad niya. Eto namang mga kaibigan ko ay hindi man lang nagawang tulungan ako at tinatawanan lang ang sitwasyon ko.

 

Mga siraulo talaga

 

"Hoy liit!" Bati sakin ni Karina.

 

"Pwede ba karina wala akong oras makipag talo sayo, kita mong naglalaba ako rito." Sagot ko sa kaniya habang nilalabhan itong mga damit namin

 

"Ang sungit naman, ayaw mo bang tulungan kita?" sabi niya

 

"Wag na hoy baka di mo pa malabhan ng maayos nako ako pa mayayari kay inang."

 

"Edi tutulungan na lang kita sa pag sampay."

 

"Heh manahimik ka jan, di ko kailangan ng tulong lalo na kung galing din naman sayo." sabi ko habang binabanlawan ang mga nilalabhan ko

 

"Sige sabi mo yan eh, dito na lang ako sa gilid aantayin kita matapos." saad niya at sabay umupo sa gilid kung saan may maliit na bangko.

 

"Bahala ka."

 

"Naks pwede kana maging asawa ko." sabi nito habang itinataas baba ang kilay niya

 

"Hindi na hoy! Tatanda na lang akong dalaga."

 

"Sus ako na to oh! Tatanggi ka pa?" Inirapan ko lang siya at binato yung hawak ko tabo

 

"Hoy yung damit ko! Binibiro ka lang eh!"

 

"Hindi siya nakakatawang biro karina. Mamaya marinig ka ni amang at hay nako hindi magugustuhan talaga ang sasabihin niya."

 

"Bakit ano ba?" Tanong niya

 

"Ah basta."

 

                                        —

 

"Magandang umaga po tita pero mas maganda ho kayo." Bati ni Karina sa nanay ni Minjeong

 

"Asus nambola ka pang bata ka, halika pasok." pagyaya ng nanay ni minjeong kay karina papasok sa kanila bahay.

 

"Tita si minjeong po?" tanong niya habang naglalakad sila papasok sa sala nila minjeong

 

"Andun sa likod bahay, may ginagawa ata puntahan mo doon." Sabi ng nanay ni minjeong

 

Tumango lang si karina at dumiretso sa likod bahay nila.

 

Nakita niya doon si Minjeong na nakaupo sa swing na nakakabit sa puno habang pinagmamasdan ang tanawin sa harapan nito.

 

Nabighani si Karina ng makita nya ito, maganda nga tumambay dito ika nga ni minjeong sa kaniya dahil sa tanawing kitang kita ang isla mula rito. 

 

Dahang dahan naglakad si Karina patungo kay minjeong, kita niya kung gaano kalawak ang ngiti ng dalaga habang pinagmamasdan ito.

 

Sa loob ng ilang buwan nilang pagsasama o mas matatawag nilang pangungulit niya kay minjeong ay hindi niya na maitatanggi na nahuhulog na siya rito.

 

"Ang ganda..." Panimula ni karina

 

"Ay anak ng- Jusko naman karina kanina pa pala anjan. Aatakihin ako sa puso sayo eh." Natawa na lang si karina sa itsura ni minjeong

 

"HAHAHAHAHAHA minjeong ang pangit mo pala magulat." sambit niya

 

"Heh! Ano bang ginagawa mo rito? Umagang umaga nanggugulo ka." sungit na sabi ni minjeong sa kaniya.

 

"To naman si min parang ayaw na ayaw mo kong kasama ah."

 

"Talaga!" sabi ni minjeong pero alam niya sa kaloob looban niya na gustong gusto niyang kasama si karina, itinatanggi niya lang ito at baka lalo lang siya asarin ni karina pag nalaman niya yun.

 

"Andito kasi ako para magpaalam na." sabi ni karina

 

"Oh bakit ako ba nanay mo?" sagot ni minjeong at inirapan si karina.

 

"Hindi kasi! Ang ibig kong sabihin ay magpapaalam na ko dahil aalis na kami rito." dagdag ni karina

 

"Oh edi umalis ka, hindi naman kita mamimiss eh." sabi ni minjeong

 

Medyo nasaktan naman si Karina sa sinabi ng dalaga pero tumawa lang siya kasi alam niyang nagbiro lang ito ni minjeong.

 

"Sige na minjeong, alis na ko." Paalam nito.

 

"Sige umalis kana." sambit ni minjeong at dumiretso na sa loob ng bahay nila papasok sa kwarto niya.

 

Ngumiti lang ng bahagya si karina at saka umalis na rin

 

                                        —

 

Makalipas ang dalawang linggo hindi na muli pang nagkita ang dalawang magkaibigan, napasin ito ng kaibigan ni Minjeong, nagtataka siya kung bakit hindi siya sumasuma sa mga gala nila kasama si karina kahit alam nitong aalis na ang dalaga pauwing maynila.

 

Napagisipan niya na puntahan ang kaibigan niya para matanong ito.

 

Kasalukuyang andito siya sa loob ng kwarto nito.

 

"Minjeong! Aalis na si karina mamaya di mo man lang ba pupuntahan para magpaalam?" tanong nito kay minjeong

 

"Hindi na. Baka lumaki lang ulo non pag nagpaalam ako sa kaniya sabihin non na mamimiss ko siya. Heh asa siya!" sagot nito at isinubsob lang ang mukha sa unan niya.

 

"Sigurado ka ba? Kala ko mahal mo si Karina

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
winjeongsimp
hala grabe I didn’t expect na ganito karami ang magbabasa nito. maraming salamat sainyo!! 😭❤️

Comments

You must be logged in to comment
kardinosaurus #1
Chapter 1: nice one erps, pakiss nga 😚😚😚😚😚
YuJiministheStandard
#2
Chapter 1: What if umiyak ako? :((
TYTFshipper
287 streak #3
Chapter 1: Hayyyy 🥹😭❤️
Pengseul
#4
Chapter 1: Ui 😢😢😢 Minjeong 😢😢😢 sakit ah
_soshivelvet
#5
Chapter 1: 🥺🥺🥺🤧🤧🤧
Pengseul
#6
Inchersting...
bbiiWinkim #7
Chapter 1: 🥹🥹🥹
bbiiWinkim #8
Chapter 1: 🥹🥹🥹
yuyuyujimin #9
Chapter 1: 😭😭😭💔💔💔