fin.

BOGAMBILYA
Please Subscribe to read the full chapter

 

BOGAMBILYA
 

Malalakas na katok sa pintuan ang gumising sa tulog mantika na si Winter, bakas sa kanyang mukha ang pagod at inis habang pagewang-gewang itong naglakad para buksan ang pinto.

 

“ATE WINTER ANONG ORAS NA, GISING NA!” 

 

Tuloy-tuloy na kalabog sa pintuan ang gumising sa ulirat ng dalaga at dali-dalian niyang pinagbuksan ang mga tao. 

 

“Jusko!” bulalas ng pinakabata, si Yuna, apo ni Aling Chedeng na naging malapit na sa pamilya nila Winter. 

 

“Winter, anong nangyari sa mata mo girl!” dagdag pa ng isa pa niyang kaibigan na si Minju.

 

Merong apat na kaibigan si Winter: Si Minju, si Ningning, si Yuna, At si Jaemin na kaisa-isang lalaki sa grupo nila. 

 

Pumasok ang dalawang babae sa kwarto at pinagmasdan ang estado ng silid ng kanilang kaibigan na pasuray-suray na bumalik sa higaan. Bukas ang TV, may mga abubot sa ibabaw ng lamesa, at ang mga damit naman na dapat naka salansan sa aparador ay naka kalat sa kama at sa carpet. 

 

Kumurap-kurap na tumihaya ang may-ari ng silid at tumingin sa kan’yang mga bisita. 

 

“Nag-declutter ako kagabi” Bulong nito at humikab.

 

“Anong oras ka ba naglinis bakit di ka natapos?”  Ani Minju. Sabay tapik kay Winter na mukhang dinapuan nanaman ng antok.

 

“Paano na tayo manonood ng senakulo, kanina pa ako tinetext ni kuya Jaemin ‘bat daw ang tagal natin.”  Umiiling na sinabi ni Yuna at binato ng unan ang natutulog, na agad namang yumakap sa malambot na bagay.

 

Hindi na nag patumpik-tumpik ang magkaibigan, nagsimula na silang magpulot ng kalat at nilagay ito sa kahon na nakatabi sa gilid ng kwarto. Mukha ngang nag-ayos ng gamit ang kanilang kaibigan dahil naiba ang ayos ng mga gamit pwera na lang sa flat-screen TV na nakadikit sa pader.

 

Habang nagpupulot, hindi mapigilang magbalik-tanaw ni Minju sa mga memorya ng kanilang kabataan, Ilang mga litrato ng kanilang grupo ang kanyang nakita kaya tinabi niya ito sa ibabaw ng mesa malapit sa kama.

 

Agad namang sumagi sa kanyang paningin ang mga sobre na nakapangalan kay Winter. Nakilala niya agad ang sulat kamay at nag-aalalang tumingin sa namamaga na mga mata ng kanyang tulog na kaibigan. 

 

Mabilis na gumayak ang tatlong babae pagkatapos nilang matagumpay na mahila ang isa nilang kasama palabas ng silid nito, hindi nalang rin eto nagreklamo dahil alam niyang may nahalata ang mga kaibigan sa itsura niya at sa mga gamit na naka-kalat sa sahig ng kanyang kwarto.

 

“Ayan na ang mga prinsesa, mabuhay ang mga madam!”  Bulyaw ng kanilang kaibigang lalaki, naka shades eto at naka kulay itim na damit.

 

“Jaemin, maghunos dili ka nga” Kasalungat ng lalaki ang kasama niyang si Ningning, naka busangot eto at halatang nabilad sa araw dahil sa kanyang namumulang mukha  at tumatagaktak na pawis sa noo at leeg nito. 

 

Napansin naman ni Yuna ang kalagayan ng kaibigan kaya agad na kinuha niya ang binili nilang malamig na tubig sa 7/11 at binigay sa naghihikahos na si Ningning. 

 

“punta na tayo main road para marami tayo makita”

 

“Ang layo naman”

 

“Bakit muna malungkot ang beshy ko?” 

 

Malokong sagot ni Jaemin kay Winter.

 

Napatanong si Winter sa sarili kung may alam si Jaemin at kung halata ang pamu-mugto ng kanyang mga mata, kahit naman mag kwento siya sa lalaki ay panigurado na hindi ‘to makaka-intindi dahil walang alam ‘to sa nangyari sa kanya.

 

Tatlong taon na nilang kaibigan ang lalaki, pero wala parin ‘tong malay tungkol sa buhay niya dati. Bagaman masasabi niya na isa ang lalaki sa pinaka-malapit niya sa tropahan, natatakot pa rin siya na magkwento rito.

 

“Sabi ni mommyla, kain tayo bukas sa bahay” Biglang aya ni Yuna, naglalakad na sila sa kahabaan ng santol street palabas sa daanan ng mga sasakyan at tao.

 

“Hala, bet! miss ko na si mommyla”

 

“Gora lang, bawal tumanggi sa grasya”

 

“Korek ka dyan. kaso, mukhang kaya ako tanggihan ni ate Winter.” Tumingin ang lahat kay Winter. 

 

“Tignan ko muna” Nakatanggap ng iba’t-ibang reklamo ang dalaga. 

 

Ipinaliwanag niya sa kanyang mga kaibigan ang kanyang rason ngunit hindi ito tumalab. Ginamit pa nila ang “mommyla” nila na kilala ng nakararami bilang si Aling Chedeng. Wala rin naman nagawa si Winter at pumayag na rin dahil pinagtulungan na siya ng apat niyang kaibigan. 

 

“NARIRINIG KO NA YUNG HAMPAS, DZAI” 

 

Hindi nagtagal ay nakita rin ng grupo ang mga taong punong-puno ng dugo ang likod, kitang-kita rin sa mga kasamahan na umaalalay sa kanila ang talsik nito. 

 

Naging tradisyon na ng magkakaibigan ang panonood ng senakulo tuwing semana santa. Mga aminado mang makasalanan, naniniwala pa rin sila sa pagdarasal at paghingi ng tawad. 

 

“Grabe ‘yun, oh. Tignan niyo humiga si kuya!” 

 

Hindi na gaanong marinig ni Winter ang paligid niya, tanging paghampas nalang ng bulyos (ginagamit na pang hampas sa likod ng mga namamanata) ang kanyang naririnig. Tahimik na pinagmasdan ni Winter ang mga deboto na hindi magkamayaw paluin ang sarili nila upang humingi ng tawad at awa sa diyos. Lahat naman tayo may kailangan at makasalanan, pero gaano ba kalalim ang pinaghuhugutan ng mga deboto at nakakaya nilang saktan ang sarili nila?

 

Naalala n’ya ang sinabi ng kanyang papang, hindi naghahanap ng sakit sa katawan ang mga pilipinong sumasali tuwing semana santa, isa lang ‘tong paraan para

makahingi sila ng gabay sa diyos at ang iba naman ay sadya lamang gustong magpasalamat sa buhay na meron sila at ng kanilang pamilya.

 

Deboto rin ang pamilya ni Winter, hindi natatapos ang taon na hindi kumpleto ang attendance ng kanyang mga magulang sa parokya sa lugar nila kaya lumaki rin siyang taas noo sa banal na simbahan. Pero kasalungat ng paniniwala nila, hindi sila naging mahigpit sa kilos ng unica iha nila. 

 

Napailing si Winter, siya lang naman ang masyadong nag-iisip ng kung ano-ano.



 

“Uy, bukas after mass, sa bahay ha!” Paalala ni Yuna ng matapos na ang pinapanood nila at isa-isa na nga ring nagpaalam ang magkakaibigan maliban kay Minju. Iiling-iling na lumapit ‘to sa kanya at humawak sa kanyang kaliwang balikat. 

 

“Miss mo na ‘no?” 

 

“Baliw” 

 

“Nakita ko kanina yung mga sulat” 

 

Ngumiti si Minju sa kaibigan, “miss ko na rin… pero syempre mas miss mo” 

 

Hindi na napigilan ni Winter ang sarili at hinampas ang kanina pa tawa nang tawa na babae. Siguro, sa iba mababaw at napaka dali lang punan ang problema na anim na taon na niyang dinadala at sinusubukan na sagutan. Ngunit, para kay Winter, hindi niya maayos ang gusot sa kanyang isipan kung s’ya lamang mag-isa ang haharap dito.

 

Lunes na naman bukas. Tapos na ang misa at nagsimula nang lumabas ang mga tao sa simbahan. Hindi alam ni Winter kung anong meron tuwing linggo at masyado siyang nasisiyahan tuwing papasok at lalabas siya ng simbahan. 

 

Napaisip siya.

 

Dahil ba tuwing linggo ay nagkakaroon sila nang maliit na reunion sa simbahan ng mga taong naging parte ng buhay niya o dahil nahahawa siya sa saya na bakas sa mukha ng mga taong dumalo sa banal na misa? 

 

Napatingin siya sa paligid.

 

Ang ganda ganda talaga ng parokya nila. 

 

Punong-puno ito ng mala-kulay rosas na mga bogambilya at hitik na hitik ang mga bulaklak dito. Kalat ang bogambilya sa kanilang barangay. Nagtataka pa nga siya dati kung bakit ang daming Bogambilya sa lugar nila. Sabi naman ng lola niya, sumisimbolo raw ang bogambilya sa bukas palad na pagsalubong sa mga bisita. 

 

“girl, cr tayo.”  

 

Aya sakanya ni Minju bago magpaalam sa mga nakakatanda na kasama nila. 

 

Magpinsan si Minju at Winter.

 

Magkapatid ang kanilang ama at ina kaya naman lumaki ang dalawa na magkasama sa lahat ng bagay, para silang kambal na hindi mapaghiwalay. 

 

“kamiss din pala magsimba” Natawang sabi ni Minju na nasa loob ng cubicle habang nasa labas naman si Winter at nag-aayos sa harap ng salamin.

 

“Kaya ka pinagt-tripan ni lord eh” Loko ng dalaga.

 

“Ikaw rin naman, teh” 

 

“baliw, busy sa college”

 

“Ang OA mo, Winter. Isang araw lang naman hinihingi ni lord para sa presensya natin!”

 

“Dami sinabi. Alam mo naman kung bakit.” 

 

Lumabas si Minju at sasagot pa sana nang may pumasok na dalawang babae sa CR. Mga mukhang bagong salta sa maliit na barangay nila. Pagkalabas nila sa CR, nagkatinginan ang dalawa.

 

“Sino ‘yun? Ang ganda!” Tili ng nakatatangkad na si Minju at inalog sa balikat ang pinsan.

 

“Mas maganda ako” Sabi ni Winter habang naglalakad na paramg model.

 

Akala ni Winter, sinusundan siya ng pinsan dahil sa pagtawa nito. Ngunit pagkatalikod niya ay may hawak na itong cellphone at halatang kinukuhanan siya ng litrato at vidyo.

 

“Nak, Ganda mu d’yan! Dito ka sa harap ng bogambilya. Send ko sa papa mo sa Saudi.”

 

Tawang-tawa si Winter na sinakyan ulit ang trip ni Minju at nag pose. 

 

Nahinto nalang ang dalawa nang biglang mag-vibrate ang cellphone ni Winter. Nagtext sa kanya si Yuna, sila nalang daw ni Minju ang hinihintay sa harap ng simbahan. 



 

“Tagal-tagal niyo talaga magpinsan” Nakasimangot na sabi ni Ningning.

 

“Si Ate Ning kala mo di galing sa mass eh, aga-aga galit na galit” Nagtawanan ang lahat sa sabi ni Yuna.

 

“Galit yan kasi hindi siya sinabihan ng peace be with you ng katabi niya” 

Sulsol naman ng lalaki nilang kaibigan.

 

Nagdal-dalan muna ang grupo bago nagkayayaan na gumayak na at dumiretso sa bahay ng kanilang mommyla para doon kumain ng pananghalian. 



 

              Pag dating sa bahay ng matanda ay agad namang pumasok ang mga ito at hindi magkaugagang 

              tumakbo sa matandang babae na tila kanina pa naghihintay sa kanila.



 

“Oh, Mga anak! Ang tagal niyo na hindi napupunta dito. Lalo na ikaw, Winter.” 

 

Napakamot lang si Winter sa batok matapos yumakap sa matanda at dinahilan ang kolehiyo sa kaniyang madalang na paglabas ng bahay. Hindi rin pinalagpas ng matanda ang pamamayat ng dalaga.

 

Matapos ang kamustahan ay pinakawalan din sila ng nakakatanda dahil tutulong daw ito sa paghahanda ng makakain nila mamaya. Hindi na rin sila nagtanong at pumunta na sa malawak na hardin at nagkanya-kanya sa pagkumuha ng upuan.

 

“Bakit biglaan ata tayong pinakain ni mommyla” Sabi ni Ningning habang tinotono ang gitara na kinuha ni Yuna sa loob ng bahay. 

 

Napansin ‘to ni Winter. Sobrang dami niyang ala-ala sa gitara na hawak ngayon ng kababata.

 

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam.”

 

Hindi na kasi nakapagtanong ang nakakabata nilang kaibigan sa lola nito dahil nakitulog siya kila Ningning at ngayon pa lang nakauwi simula ng manood sila ng senakulo kahapon.

 

“Gala ka kasi. Dapat Ning pinalayas mo na yan kagabi sa bahay niyo” 

 

“Talaga ba, Kuya Jaemin? What if ikaw palayasin ko ngayon dito”  

 

Hindi naman na bago ang bangayan sa kanilang grupo pero pag sumosobra na ay nandyan naman si Minju para umawat.

 

“Kanta ka nga Ning, Yung tila tala ba yun.” Request ni Winter. Nagulat naman siya nang biglang ibigay sakanya ni Ningning ang gitara.

 

“Sige bes! ikaw tumugtog” 

 

Nagsimula nanaman silang mag hiyawan kaya walang nagawa si Winter kundi pumayag na lang dahil sa pangungumbinsi ng mga kaibigan. 



 

Marahan na kinalabit ni Winter ang strings ng gitara na sinabayan naman ng maamong pagkanta ni Ningning. 



 

Parang siyang ibinalik noong highschool sila. 



 

Lima rin sila noon pero wala pa si Jaemin sa grupo nila. 



 

Si Ningning, Yuna, Minju, Siya, at si Karina. 



 

Karina Yoo 



 

     Napangiti siya sa naisip.  Parang bagay nga itong kanta para kay Karina dahil sobrang gandang-ganda siya dito noon pero hindi naman niya magawang lapitan ito. Salamat nalang talaga at close ang pamilya ni Karina sa pamilya niya kaya naging close sila. 



 

Hindi namalayan ni Winter na sumasabay na rin siya sa pagkanta ni Ningning. Siguro kung malungkot ‘tong kanta, kanina pa siya nasabihang baliw ng mga kasama dahil sa malaking ngiti sa kaniyang mga labi.



 

Kasi naman, amoy Karina Yoo yung lyrics ng kanta. 

 

Lumaki si Winter na nagbabasa ng mga pocket books kaya naman hindi na maitatanggi na naging                 sobrang hopeless romantic niya sa kanyang munting crush. Naalala niya na ginawan pa niya ito ng tula    noong elementary siya at ikinumpara niya ang dalaga sa mga bituin sa langit. Sobrang sumasakto ang laman ng tula na ginawa niya sa lyrics ng kanta kaya natatawa siya. 



 

Si Karina Yoo ay ang aking kaibigan.

Ang kanyang kagandahan ay pawang bituin.

Siya’y nagniningning —

mas makinang pa kay ningning.

 

Si Karina Yoo ay parang tala.

hindi ko siya reach —

dahil siya ay maganda at rich. 

 

Si Karina Yoo, Si Karina Yoo —



 

“Si Karina ba ‘yun!?” 

 

Nagising si Winter sa kaniyang pagmumuni-muni nang sumigaw si Ningning. Lahat sila na nasa hardin ay napatingin sa glass door papasok sa bahay. May apat na babae ang naglalakad palabas sa hardin. Nakasunod lamang ang mga mata nila sa palapit nang palapit na imahe ng mga ‘to. 



 

Napatalon naman si Yuna sa kinauupuan ng masigurado niyang kapatid niya ang dumating. Yumakap agad eto at umiyak sa bisig ng nakatatanda.



 

“Ate bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na!” Hagulgol nito at lalo pang hinigpitan ang kaniyang yakap. Natawa naman si Karina. 

 

Ilang taon rin siyang hindi nakauwi sa kanilang probinsya dahil sa kolehiyo. May kalayuan ang city na pinagtutuluyan niya ngayon kaya binilhan siya ng condo unit ng kaniyang nga magulang. Mahirap para kay Karina ang mawalay sa kaniyang kapatid at sa kaniyang lola, nasa states kasi ang mga magulang nila kaya minsan lang din nila ito makita ng personal.

 

“Laki mo na ah.” Puna ni karina at nagpumiglas sa yakap ng kapatid. 

 

halos Tatlong taong hindi nakauwi ng probinsya si Karina, pero sinusubukan pa rin siyang puntahan ng kaniyang lola at ng kaniyang kapatid sa syudad tuwing may okasyon. Pero dahil sa katandaan ng lola niya ay dalawang taon na rin siyang hindi napupuntahan ng nga ‘to. 

 

“Karina babes omg i missed you so much!” 

 

Yumakap si Ningning at Minju sa kaibigan nila na ilang taon din nilang hindi nakita. Lumapit din si Jaemin at nakipagkamay kay Karina, ngayon niya lang ito nakita sa personal. 

 

Bakit parang may kulang? Tanong ni Karina. 

Tumingin naman ang lahat kay Winter na nakatayo at hawak-hawak ang gitara sa isang kamay.

 

“Hindi mo ako miss?” Malokong tanong ni Karina at nilapitan si Winter na nakabusangot lang na nakatitig sakanya. 

 

“Hindi kita miss” bulong sakanya nito sa tenga ng yakapin siya ni Karina. 

 

Natawa naman ang lahat sa maliit na interaksyon ng dalawa. Siguro sa isip nila, ang cute lang ng nangyari dahil kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi nawala ang dynamics ng dalawa.

 

Para paring aso’t pusa. 

 

Pero kasi may kasalanan si Karina kay Winter.

 

 Siya lamang ang may alam sa kalokohan na ginawa ni Karina kaya hindi nalang siya gaanong nagrereact sa mga kilos na ginagawa ng bagong dating nilang kaibigan. 

 

“Ay oo nga pala, These are my friends from the city. Si Giselle, Yeji tapos si Ryujin.” 



 

“Bakit parang siya lang maliit” Bulong ni Ningning 

 

“Gago, diba yung jesel yung katabi mo kanina Ning?”

 

Agad  namang pinanlakihan ng mata ni Minju ang dalawa. Napansin din nito na ang dalawang kaibigan ni Karina ang nakita niya kanina sa simbahan. 

 

Matapos ang isang oras na usapan ay inaya na ng matanda ang mga kabataan para kumain ng pananghalian. Nagrereklamo pa si Yuna dahil hindi man lang daw siya sinabihan ng ate niya na uuwi pala ito. Kagabi pa naka-uwi sila Karina. Pagkababa pa lang ng kotse ay hinanap niya agad ang kapatid sa kaniyang lola. 

 

“Naki tulog kila ningning” Sabi nito at napailing. 

 

Kaya naman natripan ni Karina na wag muna magtext o sabihin sa kaniyang mga kababata ang kaniyang pag dating. Dapat sa simbahan siya magpapakita sa mga kaibigan ngunit hindi na ito natuloy dahil busy siyang nagpaikot-ikot sa parokya para hanapin ang babae na kinagabihan niya pa hinahanap.



 

“Kainis ka sis, dinamay mo pa si lola sa trip mo kaya pala may handaan bigla.” 

 

“In my defense, Akala ko sinabi na ni lola sainyo” 

 

“Winter, bakit ang tahimik mo nak?” Singit ng matanda ng mapansin nito na hindi umiimik ang babaeng katabi ng kaniyang apo. 

 

“Ah, masarap po kasi yung pagkain.” Sabi nito at ngumiti.

 

“Really? I cooked that” 



 

Nanlaki ang mata ni Winter. 

 

Sino pa nga ba ang mahilig sa lengua sa pamamahay na ito kung hindi si Karina. 

 

“Kain ka pa marami, masarap pala eh.” 

 

“Thank you, pero busog na ako” Sagot naman ni Winter at pinigilan ang kamay ni karina nang makita niya ito na maglalagay ng pagkain sa plato niya.



 

“But… kaunti pa lang nakain mo” 

Napasinghap si Winter at tiningnan ang mga tao na kasama nila sa hapagkainan. Ang mga ito ay pinapanood lang ang interaksyon nilang dalawa.



 

“Karina, subuan mo nalang. Baka nagtatampo lang yang si girl bestfriend.” Ani Ningning. 



 

Nabulunan si Winter. 



 

Mamaya bubusalan na niya talaga ang bibig ng kaniyang kaibigan.



 

Wala na siyang nagawa at tinanggap nalang ang baso na may tubig na marahang inabot ni Karina. 



 

Kainis ka, Karina Yoo. 



 

———



 

“Mommyla, ako na po maghuhugas ng plato.” 
 

Tanging si Winter at ang matanda na lang ang natira sa kitchen. Meron namang mga katulong ang matanda subalit kumakain pa ng pananghalian ang mga “ate” na kasama nila sa bahay kaya nagvolunteer na siyang maghugas. 
 

“Ay huwag na, apo. Si Yuna nalang paghuhugasin ko mamaya” 



 

“Okay lang po, ako nalang. Bayaan niyo na po si Yuna na mangulit sa labas.” 

 

Pagkatapos nang mahabang pangungumbinsi sa matanda ay pumayag rin ito. 

 

Napahinga nang malalim si Winter. 

 

Binuksan niya ang kaniyang cellphone para magpatugtog ng kanta habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan. 

Kung tatanungin si Winter kung gusto niya maghugas ng plato, tatanggi siya agad. Pero sa sitwasyon niya ngayon, parang ang imposible atang humindi lalo’t iniiwasan niya si Karina. 

 

“Hello”

 

“Ay kabayo ni San Pedro!” 

 

speaking of the fallen angel, ay devil pala. 

 

Muntik niya ng mabitawan ang baso na kaniyang binabanlawan dahil sa panggugulat ni Karina. 

 

“Ano ginagawa mo rito? Dun ka nga sa labas.” Pagtataray niya sa babae. 

 

“Sungit.” Natatawang sabi nito at hinalikan sa pisngi ang nakabusangot na si Winter. 

 

“Karina nga, wala kang dulot dito!” 

 

“Pansinin mo na kasi ako, hinanap kaya kita sa simbahan.” 

 

Nang hindi maka kuha ng sagot ay sumandal nalang sa counter si Karina at pinagmasdan ang kaniyang kaibigan na halos tatlong taon na niyang hindi nakikita. 

 

Noong umalis siya sa probinsya nila para sa kolehiyo, nahirapan talaga siyang amuhin si Winter sa chats. Hindi pa uso noon ang video call sa messenger kaya kada free time lang sila nakakapag video chat sa Skype. Nagtuloy-tuloy lang ito hanggang nawalan na sila pareho ng oras para sa mga video calls pero hindi nila nakakalimutan na maglaan ng oras para kamustahin ang isa’t isa. 

 

“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Winter sa kasama nang bigla nalang nito hablutin ang plato na hawak niya. Pinausog siya ni Karina, double tub ang sink kaya tig-isa sila ng lababo ngayon ng kaniyang kasama. 

 

“I’ll wash these with soap, Ikaw mag banlaw. ”

 

Napairap si Winter. 

 

As if hindi niya gets ang gustong mangyari ni Karina.

 

This is their thing. How could she forget?  

 

“Can we talk?” 



 

Hindi alam ni Winter ang gagawin. She’s just fidgeting sa plato na kanina pa niya binabasa ng tubig. Natatakot siya sa sasabihin ni Karina. 

 

It may look like something is not wrong with how Karina was treating her pagkakita pa lang sa kanya nito.

 

Pero she’s doubting. 

 

What if after all that magbago na lahat? 

 

“Can we not do this here?” 

 

Karina just sighed. She knows she ed up kaya napatango na lang siya.

 

———



 

Katatapos lang lumabas ni winter sa CR ng marinig niya ang sunod-sunod na pag vibrate ng kaniyang cellphone na nasa side table. Tinapos niya kasi yung paglilinis ng kwarto pag ka-uwi galing sa bahay nila Lola Chedeng. 

 

Hindi naman kalayuan ang bahay ng matanda, mga limang bahay lang ang layo nito sa bahay nila kaya hindi siya napagod. 

 

Instead na tignan ni Winter ang cellphone niya, kinuha niya ang mga sobre na katabi nito. 



 

April 9, 2009

 

To. Anak Araw

 

Hi, ang puti mo. kaw ba yung daughter ni Bro. Alonzo? My lola told me to play with you dahil wala ka raw friends. You're so pretty how come wala kang friends? 

 

From: Catherine, Daughter of Christ. 



 

April 11, 2009 

 

To. Anak Araw 

 

Ikaw! why did you call me anak ng demon kanina sa school? And in front pa ni dade tapos pinipilit mong hindi ako anak ni jesus? EH CHRIST NGA NAME NI DADI KO!!! 

 

From: galit ako sayo




 

Natawa si Winter. 

 

Hay nako, Catherine. 

 

Nangyari to nung grade 3 sila ni Karina at kakalipat lang nila ng bahay. Unang kita nila sa simbahan ay parang gusto niya na agad makipagkaibigan dito. 

 

Until nakatanggap siya ng letter mula kay Catherine. 

 

“Pa, Sino po si Catherine?” 

 

Sinagot naman ito ng tatay niya.

 

“Ay santo yan anak si St. Catherine of Siena!”

 

“Talaga po? Sinulatan po ata ako ni Saint Catherine of Siena…” 

 

Naalala pa ni Winter ang mukha ng mga magulang niya nung sinabi niya na nakatanggap siya ng letter mula kay St. Catherine. 

 

“Nak, baka naman si karina lang ‘yan.” 

 

Sagot naman sakanya ng kaniyang butihing ina ng makita nito ang laman ng sobre.

 

“Bakit po anak araw tawag sakin? Hindi naman ako amoy araw. Ang sama pala ng ugali nya.” 



 

Kaya pagpasok sa school ay tinawag niyang anak ng demonyo si Karina.

 

Partida, naki kain pa siya ng cake not knowing na birthday party pala ito ng bata na sinabihan niyang anak ng demonyo. 

 

Naalala niya pa na iniyakan niya ang nanay niya dahil ayaw siyang papuntahin sa bahay nila Karina dahil gabi na.

 

“Ma, punta ako kila mommyla” 

 

Pagkakita kasi niya sa sobre ay ganoon na lang ang takot niya. Kailangan niyang mag sorry kay Karina at sa tatay neto.

 

“Tahan na, Winter. Bukas ka nalang gumala.” 

 

Kaya kinaumagahan ay nag dala siya ng manika at mga laruan para ibigay kay Karina. 

 

Hindi pa siya pinansin ni karina dahil hindi raw siya mahilig sa manika. Buti nalang at may dala siyang bayblade kaya hindi rin naka tiis si Karina at naki pag-ayos din sakanya. 



 

“Winter!” 

 

Lumabas naman si Winter sa kwarto para puntahan ang kaniyang tatay.

 

Sinabi sakanya ng tatay niya na nandiyan si Karina sa labas ng bahay nila. Napatingin siya sa expression ng tatay bago niya labasin ang tao na kanina pa nagtatawag. 

 

Napangiti naman si Karina sa itsura ng babaeng kakalabas lang ng bahay. Nagreklamo pa ito na hindi sumasagot sa mga tawag pero hindi naman siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang na lumabas. 

Sinundan lang naman niya ito hanggang maka dating sila sa isang puno ng bogambilya. 



 

“I ed up didn't I”



 

“Well tell me about it, did you?” 



 

Napa hilamos ng mukha si Karina at tumabi sa pagkakaupo ni Winter. 



 

“I… I’m sorry”



 

Although ilang beses na nakita ni Karina ang kababata sa ganitong sitwasyon, hindi na niya alam ang gagawin ngayon dahil sa tagal din nilang hindi nagkita. 
 

“I was just about to message you nung kinagabihang uuwi ako, pero i’ve decided to just surprise you. I went kagabi sainyo pero sabi ni Tito  na tulog ka na” 
 

“Hey…Win” 

 

Niyakap ni Karina ang katabi at taimtim na pinagalitan ang sarili dahil sa kaniyang ginawa. 

 

“Babe”



 

“Baby ko”



 

Hindi kumibo si Winter. 
 

Pero sa loob-loob niya ay kinikilig na siya. Grabe ba. Grabe na siya. Grabe na si Karina. Grabe na ang baby ny—

 

Hindi pwede. 

 

Kailangan niya maging matatag laban sa tukso ni Catherine.

 

“Catherine nga, baka may maka rinig sayo!” 

 

Bulong niya at tumingin sa paligid. 

 

“Sino makakarinig, yung puno ng bogambilya? Let them hear. ‘Yang puno kaya na yan yung unang saksi sa love story natin.” 



 

Taas baba ang kilay ni Karina at binigyan ng magandang ngiti ang nobya na masama pa rin ang tingin sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng nagtatampo na dalaga at nagsimulang kumanta. 



 

Sige na please wag ng mainis 

bumalik ka na saakin

sorry mahal ika’y nasaktan 

bumalik ka na saakin

<
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
GreasyNamIdiot
#1
Taga Pampanga ka ba?
Seulrenity23 #2
Chapter 1: ganda 😭 sana may special chap kung san nag out na sila on both sides 🥺🥺🥺
u_ujiman #3
Chapter 1: ANG GANDA ANG GANDA ANG GANDA GANDA!!

This is so well-written?!?! Hindi ko naman sana balak basahin pa kaso hindi ako tinatamaan ng antok, may klase pa naman ako bukas, kaya sana babasahin ko para antukin pero nabuhay diwa ko kasi ang ganda !! As someone na physical touch ang love language, parang pati ako gumagaan ang loob kada magyayakapan sila ahshahsha when. Anyway, hindi na binanggit sa story but I hope they'll be fine especially they will face it together na! Yey!

Thank you, this was such a nice read!! So refreshing. Napakanostalgic ng bogambilya.
gorjushuya #4
Chapter 1: ang ganda T^T
EzraSeige
#5
Chapter 1: 😤😤😣😏😍💙❄
Winteooooooooo
#6
Chapter 1: Ang gandaaa. Actually, Idk if I was satisfied or not kasi for me, parang kulang pa ‘yung moments nila. I could say that I was satisfied kasi even though their moments with each other in the story are seems short, ngl, kinilig atay ko. HAHAHAHAHA. Medyo unsatisfied since ‘yun nga, if I were them, parang ‘di enough ‘yung moment talaga. I’m not complaining ah kasi ang ganda naman talaga ng story (and I don’t a right to complain 😔💔😜). ‘Yun lang. Sana masarap lagi ulam mo. (⁠ ͝⁠°⁠ ͜⁠ʖ͡⁠°⁠)⁠ᕤ
Yoooon
#7
Chapter 1: woooow