Maling tao at ang flying shoes ni Jodie

The pursuit of happiness
Please Subscribe to read the full chapter
          Napaka unpredictable talaga ng buhay no matter how well we plan. It does not always bring happiness and give us all we want. Regardless kung gaano man tayo magsikap or kung gaano man natin kagusto to move our life according to our own direction, it does not move according to our wishes.    Kagaya nalang ng panahon ngayon. Bago umalis kanina ng bahay ay nag-wish pa ako na sana magtuloy-tuloy na ang maaraw na weather. Kampante naman ako kasi wala namang sinabi sa weather forecast kagabi na mag-iiba ang panahon ngayong lunes. Ang sabi pa nga ni google feels like 40 degrees celcius ngayon.    Pero bakit biglang may pa ulan? Parang may bagyo pa nga kasi ang lakas ng buhos ng ulan simula kanina. Nagpapasalamat nalang talaga ako at pagbaba ko kanina sa sakayan ay tumigil sa pag-iyak ang sky kahit papano. Sana naman i-suspend nalang ang class ngayon. Mukha kasing tumahan lang sandali ang kalangitan tapos iiyak na naman. Bukod pa dyan hate ko talaga ang ganitong uri ng panahon.    Maingat na naglalakad na ako ngayon papasok ng school. Pano ba naman kasi nakita ko yung ibang na-uunang students na natatalsikan ng maputek na tubig mula sa inaapakan naming blocks. Para syang blocks na parang tiles? Ewan ko ba ang hirap i-describe basta ang panget ng inaapakan namin ngayon. Kung ba’t ba naman kasi ganito ang ginawa nila sa daan papasok ng campus? Isang maling hakbang mo lang goodbye, malinis na stockings. Kaya naman ingat na ingat talaga ako. Ang layo naman kasi ng main campus mula sa gate. Maulan pa talaga kung kelan wala akong dalang sasakyan may kahabaan pa naman ang lalakarin. Ito na konting hakbang nalan---Ay putek!    Mabilis kong chineck yung kaliwang binti ko. Lechugas lang kasi may konting dumi na ito. Masamang tinignan ko yung lalakeng kadadaan lang. Patakbo parin itong pumapasok sa entrance ng main campus. Inis na napa-groan nalang ako. Wala na naman akong magagawa. Alangan namang sigawan ko pa yung lalake at magdabog dito dahil lang sa pagkaka-dumi ng stockings ko. Hinihiling ko nalang na kung sino man ang lalakeng yun ay madapa sana sya mamaya. Manghihingi nalang din ako mamaya ng wipes kay Jodie para alisin ang kaonting dumi sa stockings ko.    Tiniklop ko muna yung payong ko. Hindi na rin naman umuulan. Bubuksan ko nalang ito mamaya at ilalapag doon sa katabing room. Bumabaho kasi yung payong at madaling magka rust kapag tiniklop mo agad na basa. Mabuti nalang at gen math ang unang subject ko ngayon. I’m sure na wala kaming gagawin. Last week kasi lagi lang naman nagsasalita yung professor ng kung ano-ano about sa subject. Like paulit-ulit lang nyang sinasabi yung coverage ng topics this sem na mae-encounter namin tsaka yung tungkol sa groupings ng magre-report. Syempre sama-sama agad kaming magkakaibigan.    Lumingon ako sa likod ko dahil may kanina pang bumubusinang sasakyan. Feeling ko ako na yung binubusinahan. May reserved parking kasi sa mga students na nagdadala ng car sa loob ng main campus. May kalayuan nga kasi ito mula sa gate kaya naman nagdadala talaga ng sasakyan yung iba. Pag-lingon ko eh yung pamilyar na sasakyan lang naman ni Jeno ang nakita ko. Hindi na sana ako lumingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad.    Bumaba ang bintana katabi ng driver’s seat at syempre ang annoying na mukha ni Jeno ang bumungad dito. “Need a lift, Kali?” magiliw na tanong nya. Umirap lang naman ako at bumalik nalang ulit sa paglalakad. Mangungulit na naman to.    Patuloy lang ako sa paglalakad at patuloy lang din naman sa pagsunod sa tabi ko ang sasakyan ni Jeno. Badtrip na talaga ako. Kapag nakita kami ni Kuya guard na ganito magkaka-record na naman ako sa office.    “Kali hindi mo ba talaga ako bibigyan ng another chance?” ito na naman sya nagsisismula na namang mangulit.    Nagkaroon kasi kami ng fake relationship nitong si Jeno para lang matigil sa kakakulit sa’kin ang mga friends ko. Ganun naman lagi ang ginagawa ko para matigil lang sila sa ginagawa nilang pagset-up lagi sa’kin. Maghahanap ako ng guy na pwedeng magpanggap na boyfriend ko then titigil na sila. As long as in a relationship ako it doesn’t matter kung sino basta nakatali ako tinitigilan nila ako. Para bang yun ang sign nila para wag ipilit ang gusto nila.    But in every fake relationship na ginagawa ko there’s a deal. No feelings involved. It’s all just a show. That’s my golden rule and Jeno broke that rule.    “Our deal is over Jeno. Tumigil ka na.” sabi ko. Napapatingin na ako sa ilang students na nakamasid sa’min. Para bang nag-aabang sila sa pwedeng mangyari.    Nakalimutan ko. Katulad ko, kilalang-kilala din ng lahat si Jeno. Nai-stress na ako.    Nagulat ako ng bigla nalang tong lumabas ng car nya at humarang sa harap ko.    Gosh! This is so…    Huminga ako ng malalim. “Jeno, can you please stop? Wala na yung deal.” Hininaan ko ang boses ko sa last part. Baka may makarinig na iba, mabuking pa ako.    “Kali, we’re not over unless… may bago ka na? May nahanap ka na bang kapalit ko? Who is he?” parang gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko sa frustration na nararamdaman ko towards him.    Ang kapal ng mukha.    “Jeno—”    “No, Kali. Tell me may bago na ba?” panghahamon nya. Iniinis nya ako lalo. Porket alam nya ang tungkol sa deals na pinag-gagawa ko.    Napapatingin na ako sa paligid. Sino naman dito ang pwede kong mahila para lang tumigil ang kumag na to?    Nagpapanick na ako. Kung sana ay nandito lang ang dalawa kong friends I’m sure na hindi ako magugulo nitong si Jeno.    “See, wala ka pa naman palang nahahanap na kapalit ko.” he smugly said.    Bahala na talaga.    “May nahanap na akong kapalit mo Jeno.” sabi ko. Tinitignan ko yung guy na palapit sa kung nasaan kami. Sorry na agad. If ever na girlfriend nya ang kasama nyang babae baka tumalon nalang ako sa rooftop ng avr building. Pero sana naman hindi diba. Nakayuko lang naman yung girl na kasama nya at busy sa phone kaya mukhang safe naman na hilahin si kuya.    “Oh, talaga? Sige nga, sino?” puta ka talaga Jeno. Tinignan ko ulit yung guy na naglalakad na mukhang di pa aware sa dramang nangyayari sa harap nila.    Malapit na sila.    I mentally prepared sa kung ano man ang pwedeng mangyari.    Pikit matang hinablot ko nalang yung kamay nung guy na kakalagpas lang sa’kin.    “Sya ang bago ko Jeno.” nagulat pa ako sa boses ko. My god. Napalakas pa ang pagkakasabi ko.    Feeling ko natigilan yung ilan sa mga nakatambay at naglalakad tapos parang sa’min na nakatingin. Jeno’s reaction naman was so priceless. Bahala na talaga. Paninindigan ko nalang to.    Hindi ko na pinansin ang mga mata ng ibang students. Naglakad na ako at nilagpasan ang di parin makapaniwalang si Jeno. Kailangan ko pang mag-sorry dito sa guy na nahila ko. Nahihiya pa akong harapin sya.    Lakad lang ako ng lakad. San ba ako pupunta para kausapin itong guy? Palingon-lingon ako sa paligid baka sakaling makita ko man lang sila Jodie. Minsan kasi pakalat-kalat ang mga yun lalo na kapag ganitong maaga.    “I think pwede mo ng bitawan ang kamay ko.”    Nagsalita sya so I immediately let go of his hand and slowly humarap sa kanya.    “Sorry abo—Putangina sino ka?!” gulat na napamura ako ng makita ko na ng tuluyan yung taong hila hila ko.    “Diba ako dapat ang magtanong nyan?”    What the actual !    It’s a girl.    Babae.    Woman.    Napatakip nalang ako ng bibig. Kaya pala Jeno looked dumbfounded kanina and ang mga tinginan ng mga student kanina kakaiba.    “I’m so sorry!” nakapagsalita na rin ako.    This is a serious problem. Papanong kamay ng babaeng to ang nahila ko? Eh nasa right side naman sya kanina nung guy?    Tinignan nya ako ng masama.    “It’s all your fault.”    “Huy, teka!” bigla ba naman akong hinila.    “Let me go!” pagpupumiglas ko.    “Stop resisting at sumama ka nalang sa’kin.” Inis na sabi nya. Huminto sya sa paglalakad habang hawak-hawak parin ang kamay ko.    “I’m sorry na nga diba? Hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang ikaw mahihila ko.” sabi ko. Mukha kasing may balak syang gawing masama sa’kin.    Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero mas lalo nya lang hinihigpitan ang pagkakahawak dito.    “Bitiwan mo na nga ako.” pakiusap ko.    “No.” seryosong sabi nya. “You need to come with me.”    Huh? Ba’t naman kailangan kong sumama sa kanya?    Nagsimula na ulit syang hilahin ako kaya todo pigil ako sa kanya. I’m sure na mamumula talaga nito wrist ko.    “What the heck! Bakit ba ang kulit mo?!” galit na sigaw nya.    “Bakit mo ako sinisigawan? At bakit mo ba ako hinihila? Kung naiinis ka dahil sa nagawa ko sayo, sorry na nga diba?!”    “Sumisigaw ako kasi nakakairita ka! At pwede ba sumama ka nalang kung talagang nagso-sorry ka.”    Napatingin na ako sa paligid namin. May iilan ng nakikiusosyo samin. This is not really good.    “Bakit nga kasi? San mo ba ako dadalhin? Siguro you’re a kidnapper noh?” pang-aakusa ko sa kanya. “Look, Miss kidnapper I’m not that rich, wala kang makukuha sa family ko.”    Mas lalo ko yata syang nainis dahil napahilamos na rin sya ng mukha at namumulang tinignan ako.    “Mukha ba akong kidnapper?! Sa ganda kong to? And hello pano ka napunta sa bagay na yan? Gusto ko lang na ayusin mo ang ginawa mong paghila sa’kin kanina.” nangigigil na sabi nya.    “Ang taba ng utak mo.” dagdag nya pa.    “Ano pa ba kasi ang gusto mo? Sorry na nga diba?"    “Hindi enough ang isang sorry lang. Ang laki ng ginawa mong eksena kanina kaya let’s go, may kailangan kang gawin.” Hinigit nya ulit ang kamay ko but this time mas nagpumiglas ako.    She’s a total stranger. Kahit pa sabihing may nagawa akong mali hindi pwedeng basta nalang akong sumama sa kanya. Nagsorry na naman ako I think enough na yun.    “Stop resist—”    “KALIIIIIIII!”    Sobrang bilis ng pangyayari. Nakita ko nalang si Jodie di kalayuan sa’min at ang lumilipad na sapatos nito papunta sa direksyon ni…    Sapul!    Napatakip ako ng bibig sa gulat. Parang tumigil din sa mga ginagawa nila yung ibang nakapaligid sa’min.    Jodie’s shoes. Tumama, saktong sakto. Sa mukha ng babaeng nahila ko.    She looked really mad ng bumagsak na sa lupa yung sapatos na tumama sa pisngi nya. Sobrang pula ng mukha nya. Bumaba ang tingin ko sa kamay nya. Her knuckles turned white at napapadiin na ang pagkaka-hawak nya sa kamay ko. I slowly looked sa direction ni Jodie mouthing the word run.    Kailangan nya talagang tumakbo.    “W-Who…” nanggi-gigil na bigkas nya. “Sino ang bumato ng sapatos na to!” malakas nyang sigaw dahilan para mataranta ako. Napa-singhap nalang din yung iba sa sigaw nya. Si Jodie naman ay mabilis na tumakbo palayo hila-hila si Yana.   Ano ba naman kasi ang pumasok sa kukote nya at bigla-bigla nalang syang nambabato ng sapatos?    Mas nagiging complicated na rin ang sitwasyon. Dumarami na ang students sa paligid sa’min. Kailangan ko ng makaalis dito.    “Ah, m-may pupuntahan pa kasi ako. Una na ako ah.” aalis na sana dapat ako ng mas huimigpit ang hawak nya sa kamay ko at galit na galit na nilingon ako.    “River!” sigaw ng isang babae na patakbong lumalapit sa’min. Napatingin sa kanya ang babaeng kasama ko.    Ito bang babae ang tinutukoy nya?. Uh, oh mukhang kaibigan pa sya nitong babaeng nahablot ko. Ngumiti agad sa’kin yung girl ng makarating sya sa tapat na’min.    “May nalaman kami kay Jarvis.” she said grinning at tinignan pa ang kamay namin nitong kasama ko.    “Riveeeer!” uh, oh may dalawa pang babae ang papalapit sa’min ngayon.    Oh, my god. I’m in big trouble. Mukhang friends nya ang mga to.    Kailangan ko na talagang maka-alis.    Tinignan ko ang kasama ko na mukhang naka-recover na mula sa nangyari sa kanya kani-kanina lang. She looked calmer ngayong nandito ang mga friend nya. Hinawakan sya sa balikat nung isa sa
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
EzraSeige
#1
Chapter 2: 😣😍💙❄
howdoyouknowmee
563 streak #2
UYY ANG INTERESTING!!