Koi No Yokan

KAP!eng Barako

Linggo ng umaga, dagsaan ang mga mamimili sa palengke. Mga kapwa okupado sa kanya-kanyang bilihin at trabaho ang mga tao.

"Win! May isa pang trolley don sa gilid, gamitin mo na yon." sigaw ni Ryujin habang tulak-tulak ang dalawang sako ng bigas gamit ang hawak na trolley.

Kaninang madaling-araw mga isda ang binubuhat namin galing fishport na katatapos lang din namin buhatin. Ngayon naman, mga galing sa hacienda ang dine-deliver namin.

Kinuha ko na yung sinasabi ni Ryujin na trolley at lumapit kay Yuna na nagdidiskarga ng mga bigas.

"Yuna, ilang sako na lang yan?"

"Tatlo na lang." sagot niya.

"Manong, paki-double check nung mga nababa na, tatlo na lang pala 'to." sabi ko at binuhat na yung sakong natira para matapos na.

"Hay! Sa wakas at natapos din." halos magkasabay na sigaw ng kambal at pabagsak na umupo sa sahig.

Napailing na lang ako sa inakto ng dalawa. Ang dumi ng sahig, pwede namang maupo sa malapit na upuan na nasa harapan nila.

Pinagpag ko muna ang kamay ko bago kunin ang panyo sa bulsa.

Sobrang init, mga butil ng pawis ang nararamdaman ko sa noo ko, pati likod ko tagaktak na sa pawis.

"Nga pala, Win. Sa Wednesday ng gabi, sabi ni Lolo, kailangan natin sumama sakanya sa bahay ni Mayor Yu. Invited daw tayo sa 30th Anniversary nung mag-asawa." wika ni Ryujin at tumayo na sa pagkaka-upo mula sa sahig.

Huminga ako ng malalim. "Kailangan ba ako don?" tanong ko.

"Malamang! Paborito ka kaya ni Yurme." ani Yuna at natawa kaming tatlo sa binanggit niya.

'Yurme' kasi ang tawag ko sa Mayor namin dahil ang weird bigkasin nang 'Mayor Yu' para sakin, kaya pinaikli ko na lang.

"Pag-iisipan ko, baka kasi wala akong masuot." aniko at napasulyap sa suot na damit.

Maluwang at gusot na may tastas ang suot blue na t-shirt, shorts na itim na abot hanggang kalahati sa hita, at black Nike slides.

"Ngayon pa nga lang ligwak na suot ko." aniko at pinagpag ang dumi na dumikit sa damit.

"Actually, okay na nga yung suot mo ngayon, medyo kailangan lang magmukhang bago para mas maayos." nakahawak sa babang sabi ni Yuna at tumatango-tango pa.

"Oo nga, tignan mo naman mga suot ko kumpara sa suot mo, Julius." pagsang-ayon naman ni Ryujin.

Sleeveless shirt at maong shorts na gutay-gutay kasi ang suot nito.

"Tigilan mo nga ang pangalan ko, Remus at baka di kita matantsa." ganting sabi ko sa pangalan niya kaya natawa naman si Yuna.

"Makatawa si Romulus, oh. Kala mo kay ganda rin ng pangalan." wika ni Ryujin at sabay kaming natawa.

"Hey, guys! Tapos na trabaho niyo?" tanong ng taong kalalabas lang sa magarang sasakyan.

"Boss Gi! Bagi na naman ng tsekot natin, ah?" sinalubong ni Ryujin ng fist bump ang kararating lang na si Giselle at kinilatis ang kotse. "Angas neto, par! Lc200 Toyota, pogi!." sumipol ito at tinapik ng mahina ang kotse.

"You talk like you also don't have a new car, Remus." wika nito kay Ryujin bago tinanggal ang shades at nakipagshoulder-bump saming dalawa ni Yuna.

"May bagong pang-sundo na naman si bossing kay mareng Luningning." ani Yuna at binuksan ang kotse para usisain ang loob.

Napailing na lang siya at lumingon sakin.

"Oh, sayo na yan. Gamitin mo yan kapag pupunta ka sa malayo." anito at nilagay sa kamay ko ang susi ng dati niyang kotse.

"Ayoko niyan, Gi. Mas gusto kong gamitin ang bike ko at saka wala rin akong pambayad sayo."

"Win, sinabi ko bang bayaran mo ng isang bagsakan? Kahit hulug-hulogan mo yan habang-buhay, walang deadline." nakangiting sabi nito at hindi tinanggap ang binabalik kong susi.

"Tanggapin mo na lang yan, Win. Mabubulok lang yan sa garahe ni boss Gi, isipin mo na lang parang tinulungan mo lang din siya magbawas ng space sa parking lot niya." pangumbinsi naman ni Yuna.

"Yeah, that's right." segunda naman ni Gi.

"Tanggapin mo na, Julius. Pwede mo nang i-try mga gusto mong gawin sa loob ng sasakyan." taas babang kilay na sabi Ryujin.

"Tunog manyakis ampota, kaya wala ka ring babae kahit may sasakyan ka, eh." sabi ko at walang nagawang tinanggap na lang ang susi ng kotse.

"Anyway, the reason why I'm here is because, Ning's asking kung pwede daw ba kayong pumunta mamaya sa bahay nila to celebrate her first day of internship tomorrow." nakangiting pahayag nito na mukhang proud na proud sa achievement ng gf niya.

"G na yan, boss! Punta kami mamaya, anong oras ba?" masiglang tugon ni Ryujin at tumatango lang na nagthumbs-up si Yuna na sumasang-ayon rin.

"Right! Before 6 o'clock siguro punta na kayo. How about you, Julius?" baling sakin ni Gi.

"Sige lang." sabi ko at naglakad na papunta sa jeep owner type na ginamit namin papunta rito.

"Yun, oh!" hiyaw ng kambal.

"Gi, babayaran ko 'to, ha? Antayin mo lang." wika ko sabay wagay-way sa susi ng kotse.

"Anytime, Win. Anytime." ngiting wika nito at naglakad na rin papunta ng sasakyan niya.

"Sakay dito kayong kambal sa tuko, wag niyong dungisan sasakyan ni Gi." sita ko nang makitang papasok na sila sa loob ng kotse.

"KJ mo naman, Julius!" kamot ulong maktol ni Yuna at nakabusangot nang sumakay ang dalawa.

"Bye, guys! Before 6 o'clock, okay?" paalam nito at pinaandar na ang sasakyan.

"Umuwi na tayo dahil nanlalagkit na buong katawan ko." nakangiwing wika ko at pinaandar na ang sasakyan.

"Romulus, patugtog mo nga yung BMW na kanta. Dagdag pogi points 'yon kahit jeep lang 'tong sasakyan naten." utos ni Ryujin sa kakambal kaya natampal ng isa ang pisngi niya.

"Pasabugin ko muna ulo mo bago ko buksan." anito at nilagay sa puwitan ang kamay at malakas na umutot, saka kinulong sa kamay ang hangin at tinapat sa ilong ng kakambal niya iyong kamay na may nakakulong na delubyo.

"KINGINA AMBANTOT!" sigaw ni Ryujin at hinila ang ulo ng kambal para i-headlock.

"AH! Aray! Tap! Tap!" sigaw rin nito habang tinatapik ang braso ng kapatid.

"Itigil niyo nga yan! Ang dugyot niyo. Ibangga ko 'tong sasakyan, eh." saway ko sa dalawa at umambang ililiko sa katabing sasakyan.

"Bwisit kasi 'to, eh!" angil ni Ryujin at pabalag na binitawan yung ulo ni Yuna.

"Sus! Kunwari ka pang ayaw mo sa amoy ng utot ko, nakikita kaya kitang sinusundan pa yung hangin para lang masinghot mo lahat!" sabi ni Yuna at sabay kaming bumunghalit ng tawa.

"Imbento ka! Ikaw nga yung adik sa amoy ng pwet diyan, eh!"

At nagtuloy-tuloy na ang diskusyon nila sa kaadikan nila tungkol sa pwet.

Napatigil ang sasakyan namin dahil may mga bakang tumatawid.

Napalingon ako sa kotseng katabi namin sa kabilang lane. Nakangiting nanonood sa amin yung babaeng singkit na nakaupo sa passenger seat.

"Tarantado ka pala, eh! Yung singit mo nga kapag binu-bukaka mo nagdidilim buong paligid, eh!"

Napalingon naman ako sa katabi ng babaeng singkit. Nakasuot ng sunglasses yung driver na babae.

"Ulol! Ikaw nga pangalan mo pa lang naririnig ng mga tao nandidilim na paningin nila, eh!"

Ang ganda ng noo niya, pati yung ilong niya maganda ang pagkaka-tangos.

"At least hindi ko kinain kulangot ko nung bata ako!"

Nang madako ang paningin ko sa mapulang labi ng niya ay biglang bumulis ang tibok ng puso ko. Natural ba yung kulay non?

"Pakyu! Buti nga kulangot lang kinain ko at hindi tae ng kambing, katulad mo!"

Bigla namang umangat ang dulo ng mapulang labi nito at nakataas ang isang kilay na lumingon samin.

!

Napaiwas ako ng tingin dahil mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hoy! Ba't naalala mo pa 'yon?!" saka lang naging malinaw ang nakakarinding boses boses ni Ryujin sa tenga ko nang mapalingon ako sakanila.

"Malamang may pic---AAHH!!" naiwan sa ere ang sasabihin ni Yuna nang biglang pinaharurot ko ang sasakyan nang makitang wala ng nakaharang na mga baka sa harapan.

"Julius naman! Bakit may pagharurot?! Muntik na akong tumalsik gago!" nakaka-kapit na sigaw ni Ryujin. Si Yuna nakatulala at namumutla lang na nakakapit sa hawakan.

Natawa ako nang malakas at binagalan ang takbo ng sasakyan nang makaliko na kami pauwi sa hacienda.

"Nanlalagkit na kasi ako."  

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
yoojimmm
#1
Chapter 3: tor when ud? (っ˘̩╭╮˘̩)っ
yhielswift013
#2
Chapter 3: kakatawa yung kay Ryu!!! Keep it coming po ☺️
baconpancakesss
#3
Chapter 1: ang lt shuta. can't wait for the next chap boss
GeudaeroAirplaneMode
#4
Chapter 1: aliw HAHAHAHAHA
Mys_na_kita #5
Chapter 1: Juliuuuus!

https://twitter.com/still4mikhs/status/1663549763336409088?s=20
cleofierayne 12 streak #6
Chapter 1: Ayan unang chap palang aliw na aliw na ako hahahah
kwinminjeong
#7
Chapter 1: BWHWHBSKSNAHAHA ang lt naman ng kambal tuko pota grabeng bungad agad yan ha kabantutan agad nila ang aliw grabe pero sino kaya nakita ni wintot dun mukhang si rina vebs
yhielswift013
#8
this is so my lane. Seated na po agad!!!!!
kath09 #9
Naalala ko sa name mo si pinkish hahaha
Kannakobayashi09 12 streak #10
Seated 😌