Fin.

simula pa nung una
Please Subscribe to read the full chapter

 

I like listening to music. 

 

Mahilig akong makinig sa mga kanta hindi lang pampalipas ng oras. Syempre given na rin yung nagiging pass time ko siya pero gusto ko yung habang nakikinig ako, nakakakilala rin ako ng iba’t ibang artists.

 

Sa sobrang dami nga ng mga kantang napakinggan ko, ang dami ko na ring napakinggang artists. 

 

Sabi nga sa Spotify wrapped ko, I have listened to a total of 2,416 artists in just a year. 

 

TMI ba masyado? 

 

Okay lang yan, minsan lang naman ako magshare ng mga ganap sa buhay ko. 

 

Back sa pakikinig sa mga kanta, gusto ko kung paano nare-relive ng music yung mga past moments ko once na mapakinggan ko siya. Para kasi akong nakakapagtime travel everytime na may matrigger na memory yung kantang ‘yon.

 

Gusto ko rin kung paano ako napapagalaw ng beat ng kanta kasi one moment, nagchichill lang ako tapos another moment, bigla ko na lang nakikita yung sarili ko na umiindak na sa beat. Hindi naman ako totally dancer pero kaya ko namang sumayaw. I can do some moves. 

 

Pero bago pa ako magkwento sa dance history ko, gusto ko lang i-emphasize kung gaano ka-powerful ang music. 

 

Lalo na kung yung lyrics pa ng kanta ay maganda pa yung pagkakablend sa melody at beat niya. Tapos minsan, relatable pa yung lyrics sa nararamdaman mo.

 

I know this series of thoughts are so random.

 

Bigla ko lang kasing naalala yung memories ko nung high school nang may narinig akong kanta.

 

Being in high school….brings back so many memories.

 

“Huy natutulala ka na naman dyan.”

 

Yujin, one of my workmates snapped her fingers in front of my face.

 

“Ikaw ha, sino iniiisip mo?” may malisya niyang tanong. 

 

Ganyan naman siya lagi. Kung wala siyang masasagap na balita sa ibang cubicle, lagi siyang nagpupunta sa akin. Di ko na lang siya pinapansin. Kailangan ko pang tapusin ‘tong report ko.

 

I work as a financial analyst for a living. 

 

Mahirap pero kinakaya naman. Ginusto ko ‘to eh. Dapat kayanin ko. 

 

So far, I can provide for myself independently na at hindi na ako umaasa sa parents ko but sometimes I still miss the time when I still had so much time for myself and updated on what’s happening lately. 

 

Hindi ko naman sinasabing hindi na ako updated ngayon.

 

Alam ko pa nga na break na si Taylor Swift at Joe Alwyn eh.

 

Tiningnan ko ang oras, malapit na sa oras ng timeout ko. 

 

Konti na lang at makakauwi na ako. 

 

Promise pagdating ko sa condo, matutulog agad ako.

 

Wala pa kasi akong maayos na tulog this week. Ang dami kasing tinambak sa akin na paperworks na kailangan kong tapusin by this day. Buti na lang at wala akong pasok bukas. I’m planning on resting all day.

 

“OMG!”

 

Para akong nagising sa upuan ko nang biglang magtilian ang mga katrabaho ko. 

 

Good for them tapos na siguro nila yung mga naka-assign sa kanila para magkaroon na ng time for them to gush about this certain singer.

 

Alam ko kung ano yung tinitilian nila kasi rinig na rinig ko ba naman hanggang dito yung boses ni Yujin.

 

“Grabe na siya mga mare ang ganda na ng song tapos ang ganda pa ng visuals. Kaya crush na crush ko siya eh!”

 

“Yujin baliko era na ba this?”

 

“Hala ngayon mo lang nalaman na bakla ako?”

 

“Totoo ba?!”

 

I could only laugh habang nakikinig sa kanila. I was tired from my work but my workmates always make it seem like our job was not tiring at all para makapagchismisan pa sila freely at work. 

 

Nagkaroon pa talaga sila ng time para makinig ng kanta.

 

Hindi na ako lumapit sa kanila para makitingin ng mga ganap para matapos ko na agad ang trabaho ko. Gusto ko na kasi talagang umuwi.

 

Mabuti na lang at mabilis na lang akong natapos.

 

“Pauwi ka na Karina?” tanong ni Yujin nang mapansin niyang naglakad ako sa harap nila.

 

Nakakumpol pa rin sila hanggang ngayon sa computer ng isa pa naming workmate. Hindi pa rin sila tapos mag-usap about doon sa singer na pinag-uusapan nila kanina. 

 

“Oo matutulog na ako. Bye guys!”

 

“Hindi mo man lang ba papanoorin yung crush ni Yujin?”

 

“Hoy anong crush pinagsasabi niyo! Karina bago ka pa magselos, wala akong crush. Ikaw lang talaga crush ko,” Yujin defended herself and winked at me. 

 

“Ewan ko sayo,” I laughed and then waved them goodbye. “Alis na ko. Ingat kayo dyan.”

 

“Ingat Karina!” They waved me goodbye at nang makalayo na ako ay tinuloy na nilang manood sa pangunguna ni Yujin. 

 

I heard some snippets of the song habang naglalakad ako papuntang elevator. Somehow, it sounds familiar. Parang narinig ko na siya dati pero imposible naman na narinig ko na ‘yon kasi parang bago lang naman yung kanta. 

 

Maybe I was just thinking things.

 

Ang tagal na non.











 

***


 

High School Days


 

Hindi ko alam kung paano ako nahantong sa ganito. 

 

Pagod na ako pero hindi pa rin kami tumitigil tumakbo.

 

May nanghihila kasi sa akin eh.

 

“Tara na Karina!” excited na sabi ni Winter habang hatak-hatak ako. May bitbit siyang gitara sa likod niya at parang hindi man lang siya nabibigatan kahit tuloy-tuloy ang takbo namin paakyat.

 

Wala eh excited siya. Alangan namang pigilan ko pa siya. 

 

Kahit feel ko mapupunta na kami sa guidance this time.

 

Pero ano namang paki ko kung mapupunta kami doon. Hindi naman ako nag-iisa eh. Sabi nga nila, kung babagsak ka, dapat may kasama ka. At kasama ko doon si Winter.

 

“Tabi!” 

 

Ang daming tao sa hallway kaya ang ingay nitong kasama ko na pinapatabi sila.

 

Meron pa kaming ibang nababangga kaya ako na lang ang humihingi ng sorry kasi hindi man lang nagsosorry itong si Winter.

 

“Sorry!”  “Pasensya na!” “Tumabi kasi kayo!”

 

“Hoy saan punta niyo?”

 

In the middle of our running, nakasalubong namin sila Giselle at Ningning na kakalabas sa isang room. Medyo nakakagawa na rin kasi kami ng commotion. Yung ibang estudyante napapatingin pa sa amin. Kami lang naman kasi yung tumatakbo.

 

"Ano na namang binabalak niyo?"

 

“Kakanta si Winter!” sagot ko sa kanila at hindi ko na nagawang huminto tumakbo kaya nalagpasan namin agad sila.

 

“Anong kakanta?!”

 

It only took the both of them a second para marealize kung ano ang balak naming gawin.

 

“Ah okay! Gets!”

 

“Good luck siguro!”

 

“Wag kayo papahuli!”

 

“Oo, thanks!” 

 

“Tumabi kayo dyan dadaan sila Winter!”

 

At tinulungan na rin nila kami sa pagki-clear ng daanan. 

 

Isang akyat pa sa hagdan at malapit na kami makarating sa broadcasting room.

 

In a matter of moment, nakarating na rin kami sa wakas. 

 

Huminto ako sa may pintuan at pinanood na lang si Winter na tumuloy sa loob kung nasaan yung mic. 

 

Buti na lang at walang tao ngayon dito.

 

Ginagamit lang kasi yung room na ‘to kung may announcements ang school o kapag ginagamit ito ng broadcasting club. 

 

This time, they were on their break kaya nagmamadali kami ni Winter na pumunta rito so she could do whatever she’s planning. 

 

Syempre nagustuhan ko yung plano niya kaya nandito ako sa labas para maging lookout. Sana pinasunod ko na lang sa amin kanina sila Ningning para hindi lang ako yung mag-isa na nandito.

 

Winter started setting up her guitar at tinest na rin niya kung gumagana yung mic.

 

Nakatingin lang ako sa kanya nang lumingon siya sa akin.

 

“Go!” 

 

Nagthumbs up ako sa kanya as a support.

 

“Kaya mo yan!” sabi ko pa.

 

She smiled at me and then focused on a certain button.

 

Pinindot niya ‘yon at pagkatapos ay umilaw na yung on-air word sa taas ng pintuan. 

 

She’s live.

 

Maririnig na siya ngayon ng buong school kung gagawa siya ng ingay.

 

“Hello, San Pedro High School!"

 

Nag-echo sa buong hallway ang boses niya.

 

"Nagtataka siguro kayo kung kanino galing yung napakagandang boses na ‘to. Let me take my time para magpakilala. Ako nga pala si Winter Kim from Section 4A, at kakanta ako.”

 

Nagstrum siya ng random note sa gitara niya tapos nagsalita ulit siya.

 

“Nga pala, kasama ko nga pala ngayon ang best friend ko. Isa-shoutout ko lang siya. Shoutout kay Karina Yu ng section 4A pati na rin sa dalawa ko pang kaibigan na sila Ningning at Giselle!" she said excitedly at masaya pang kumaway sa akin.

 

Nagsimula na akong sumenyas sa kanya. 

 

Nadidistract na naman siya eh. 

 

Konting minuto na lang ay papunta na dito yung mga teacher.

 

"Wala na tayong time!" I mouthed.

 

“Okay ito na nga, kasi masyado nang atat si Karina na kumanta ako."

 

"Yabang talaga," mahina kong sabi.

 

"Yung kakantahin ko ngayon ay originally ako talaga ang nagsulat. I know bilib na naman kayo sa ‘kin,” she chuckled and positioned her fingers on the instrument.

 

Winter started playing her guitar. 


 

Play this song: Aking Prinsesa

 

“Wala akong pera, walang magarang sasakyan

At kung sasabihin, ako ay simpleng tao lang

Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo

Pero aking maipapangakong

 

Araw-gabi, kaya kitang pagsilbihan

Hatid at sundo, ako ay lagi lang nandiyan

Pangako sa 'yo ay 'di na kita iiwanan"


 

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya. 

 

She looks serious in her element pero mahahalata mo ring nag-eenjoy siya.


 

"Mahal kitang labis, susubukan ko kahit

Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit

At sa bawat araw na tayo'y magkasama

Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa”


 

Nagawa pa talaga niyang mang-asar ng kindat sa akin.

 

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang may narinig akong mga tumatakbong yabag.

 

Bigla akong naalarma.

 

Nandito na sila.

 

Winagayway ko agad yung kamay ko para mapansin ni Winter.

 

The song stopped abruptly kaya nag-echo yung string ng gitara sa speakers.

 

"Oops hanggang don na lang pala muna yung parinig ko sa song. Teaser palang kasi 'yon pero wag kayo mag-alala, next time na marinig niyo 'to, kumpleto na siya."

 

Dali-dali niyang inayos ang mga gamit niya at tumakbo na palapit sa akin.

 

"Tara na!" 

 

Hinatak na niya ang kamay ko at sabay kaming tumakbo papalayo sa broadcasting room. Narinig pa namin yung sigaw ng ibang mga teachers para patigilin kami.

 

Pero hindi kami huminto.

 

Tawa lang kami nang tawa.










 

***

 

Present:



 

Giselle: Girl, meet up tayo


 

Karina: Busy pa ako ngayon eh


 

Giselle: Meet-up tayo o ipapakatay ko si siopao?


 

Karina: Ningning?


 

Giselle:  Yes?



 

Sabi ko na eh. 

 

Giselle is not the type na bigla-bigla na lang nagsasabing ipapakatay ang pusa ko.

 

At sa oras na subukan lang talaga nilang ipakatay ang pusa ko, kakatayin ko rin si tika. Yun yung pet na butiki ni Ningning.

 

Sino ba naman kasi yung gagawing alaga yung butiki? Si Ningning lang. 




 

Giselle:  Kailan free time mo?


 

Karina: Hindi ko pa sure but I think I have time this weekend


 

Giselle:   Okay sunduin ka namin mamaya


 

Karina:  ???


 

Giselle:   Wait!

 

                Ngayon na pala

 

                Out mo na diba? Nandito na kami sa parking


 

Karina:   Seriously


 

Giselle:  Teh alam naming tatamarin ka na kapag sa weekend pa yan    -ningning




 

Okay, she has a point.

 

Pero bakit ngayon?





 

"Alam mo bang may bagong bukas na resto ngayon malapit sa Mejia Building?"

 

"Hindi, ba’t ko naman aalamin?"

 

"Girl seryoso ka ba? You should know the latest trends!"

 

Alam ko na pala yung reason kung bakit ngayon pa nag-aya sila Giselle.

 

Meron na naman kasing nalaman si Ningning na bagong bukas daw na resto at balita niya ay masarap daw mga dishes nila. 

 

Ningning is a foodie.

 

Every time na may mabalitaan siyang masarap na kainan, hindi siya magdadalawang-isip na magtry ng food nila. 

 

Minsan, silang dalawa lang ni Giselle, at minsan naman ay kasama ako. It was always a wonderful experience trying new food. 

 

According to Ningning, bawat tao ay may iba-ibang style ng pagluluto. Adobo for example, we always knew what it tastes like pero nag-iiba pa rin talaga ang lasa niya depende kung sino ang nagluto. 

 

Ningning likes to know kung paano nga ba ang lasa ng adobo sa iba't ibang tao.

 

Ang sagwa ata pakinggan.

 

Pero ayun sana makuha niyo yung gist.

 

Sabi ni Ning in her own words, "It was fun learning about food kaya!"

 

Kaya eto ako ngayon, kasama na naman si Ningning para kumain.

 

"Nandito na tayo."

 

Parang makalumang bahay ang exterior ng resto. Katulad siya ng mga bahay noong panahon pa ni Maria Clara.

 

"Sabi nila masarap daw yung mga lutong bahay nila dito. Gusto ko rin i-try."

 

"Parang lahat naman ata Ning gusto mong i-try.”

 

“Iba ‘to sa mga natikman ko na dati. At saka balita ko once daw na matikman mo yung food nila, hahanap-hanapin mo raw.”

 

Pumasok na kami sa loob at nag-order ng pagkain. Habang naghihintay kami sa table, doon na kami nagkamustahan.

 

“Kumusta kayo? Grabe it’s been a long time coming but we here now.”

 

“Lyrics ba yan ng kanta?”

 

“Hindi kaya!”

 

“Ba’t parang familiar?”

 

“I think it’s ‘Fire’ by 2NE1, Giselle.”

 

"Sinisira niyo trip ko ha."

 

"Totoo kaya! I-search niyo pa yung lyrics," pagtatanggol ko sa sarili ko kasi totoo namang kanta 'yon ng 2NE1. I remember myself jamming to that song when I was a kid.

 

"Anyway, kumusta ka na Karina? Ang tagal na ng huling balita ko sayo."

 

"Last time I checked, nagkita lang tayo last week ah?"

 

She glared at me kaya tumawa ako and finally answered her. 

 

"Wala pa rin namang pinagbago. I'll be in my computer all day and then I'll sleep kapag gabi na. Kayo ba kumusta kayo?"

 

"Ayun medyo na-busy rin ako sa work lately kasi ang arte-arte ng client namin gusto ganito ganyan. Once na may ipakita si Giselle na design sa kanya, ipapa-modify niya and once na ma-modify na, sasabihin niya ibalik na lang daw sa dati like girl? Hindi mo kayang mag-stick sa isang desisyon?" Tuloy-tuloy lang si Ning sa pagra-rant habang natatawa lang sa tabi niya si Giselle.

 

"Ba’t naman mas stressed ka pa kay Giselle eh trabaho niya yun?" 

 

"As an engineer na kasali rin sa pagpaplano ng bahay, nai-stress rin ako. Kasi naman minsan yung mga designs na pinapakita ni Giselle, pang out of this world."

 

"Mahirap gawan ng solution?"

 

"Exactly."

 

Hindi man lang tumigil si Ningning para mag-isip kung ano ang isasagot niya.

 

Napansin kong nakatitig na si Giselle sa kanya. Huli na ang lahat nang ma-realize ni Ningning ang sinabi niya.

 

"So, ganon pala tingin mo sa designs ko?"

 

Uh oh. May mag-aaway pa yata.

 

"No, I mean baby ang ganda kaya ng mga designs mo." 

 

"Pero sabi mo it will be hard to build."

 

"Yes, pero kaya ko yun gawan ng paraan." Lumapit si Ningning sa kanya ang squeezed her hand.

 

At nagsimula na nga silang maglambingan sa harap ko. 

 

Right in front of my salad?

 

"Baby, bati na tayo.."

 

Habang busy pa sila sa business nila, let me take my time para ipakilala sila.

 

Ningning and Giselle go way back in high school. 

 

Gusto ni Ning maging civil engineer while Giselle wants to be an architect. It was a perfect tandem kasi magkaibigan na silang dalawa so they could be of help of each other in the future. Bonus na lang siguro na naging sila on the way and they’re still staying strong until now.

 

"Sa ating apat, tayong tatlo talaga yung nahiwalay ng career path 'no?"

 

Tapos na sila magsuyuan?

 

"Naalala ko pa dati nung nagsulat tayo sa form kung anong plano natin after high school, lahat sila nagulat kasi ang layo ng mga list of courses natin."

 

“True, si Winter lang yung nag-stick na ituloy ang music.”

 

I smiled at that.

 

Winter really has a passion for music. It is one of the things I admire about her. 

 

Dati palang lagi na siyang nagkekwento sa amin nila Ningning tungkol sa interes niya sa paggawa ng kanta.

 

"Sabi pa niya dati diba one day daw sisikat siya tapos makikita na lang natin siyang nagpeperform sa TV."

 

"Oo nga tapos sabi pa niya libre daw niya yung ticket natin once na magkaroon siya ng concert."

 

"Taas talaga ng pangarap eh 'no?"

 

We all laugh at that. 

 

Winter is always positive about things.

 

"Kumusta na kaya siya ngayon?"

 

Napalitan na lang ng mga ngiti ang mga tawa namin kanina nang magtanong si Giselle kung nasaan si Winter.

 

Ilang taon na rin ang lumipas. We already graduated from high school and entered the university.

 

We still had contact with her during our 1st year at the university but somehow Winter, our friend, slowly slipped away.

 

Until we graduated and had our first job, we didn't get any news from her.

 

And now I wonder kung nasaan na siya.

 

"I also wonder how she's been doing these days," mahina kong sabi. 

 

"Grabe na kasi si Winter bigla na lang hindi nagparamdam eh 'no? Masasapak ko talaga yun kung bigla siyang magpapakita sa harap ko ngayon."

 

"Baby dapat si Karina ang gagawa niyan kasi siya yung best friend eh."

 

Tumingin silang dalawa sa akin. 

 

Kita yung concern sa mukha nila.

 

"Ba't naman ganyan kayo makatingin?"

 

"Girl syempre ikaw yung best friend tapos bigla na lang hindi nagparamdam diba. Ano 'yon na-ghost ka? Wala man lang paalam?"

 

“Oo nga eh. Sa ating apat, kayong dalawa yung pinaka-close.”

 

“Alam mo Giselle hindi lang best friends yang dalawang ‘yan dati eh. May term na ngayon yung mga GenZ sa ganyan ngayon.”

 

“Ano?”

 

“BFF Premium daw.”

 

Natawa ako. “BFF Premium ka dyan.”

 

"Question lang. If ever ba na bumalik siya, anong gagawin mo?"

 

"Bakit feel ko bigla na lang may kakanta ng jopay sa background?" biro ko. Nakikita ko yung mga ganito sa Tiktok eh. Palagi kasing pinapanood ni Yujin sa work. Paano daw kung bumalik yung greatest what if nila, ano daw gagawin?

 

"Ay bakit Karina? Hindi mo ba siya greatest what if?" Tanong ni Ning.

 

Lahat kami natahimik.

 

They were both waiting for me to answer nang dumating na yung mga pagkain kaya nabaling na yung atensyon nila doon.

 

“Ang bango ng pagkain ha.”

 

“Sabi ko kasi sa inyo masarap daw dito based sa research ko.”

 

Kumakain na kami ngayon. Mukhang nakalimutan na rin nila Ningning yung topic namin kanina. 

 

Pero kung sasagutin ko man yung isang tanong kanina…







 

Siguro kung mabibigyan man ako ng pagkakataon, gusto ko ulit siyang makausap.







 

Matutulog na dapat ako pagkauwi ko. Hindi na rin naman kami nagtagal pa kanina kasi meron pa raw silang ibang appointment ngayong araw. Biglaan lang rin talaga yung pagsundo nila Giselle sa akin kanina after ng work kasi spontaneous daw silang dalawa. 

 

Mas matutuloy daw kasi lahat ng plano kapag hindi mo pinagpaplanuhan. 

 

Oo nga natuloy naman.

 

Pero bago pa ako maka-akyat sa floor ko, may tumawag sa akin sa baba. Sabi nila meron daw nagpadala sa akin ng package. Pagka-check ko ng address, galing siya sa probinsya. May ipinadala na naman siguro si mama.

 

Kaya ito ako ngayon, nag-a-unbox ng package. 

 

Pagkabukas ko bumungad agad sa akin yung mga pictures ko nung high school. 

 

Tinawagan ko si mama. 

 

Sinagot naman niya after ng ilang ring.

 

“Ano yun, Rina?”

 

“Ma, bakit mo pinadala rito yung mga gamit ko nung high school? Diba nakaayos lang yung mga ‘to sa kwarto?”

 

“Wala na kasing space don ‘nak, time na para bawasan.”

 

Ang funny rin nitong si mama eh. “Babawasan tapos ipapadala niyo naman dito?”

 

“Ayaw mo nun magkakaroon ka ulit ng trip down memory lane tuwing titingnan mo yung mga nandyan. Rina, ibababa ko na ‘tong tawag nagluluto pa ako.”

 

“Ma?..Ma!”

 

Binaba na nga niya yung tawag.

 

Tiningnan ko ulit yung kahon sa harap. 

 

Sa mama talaga oh. Parang pinadala na niya lahat kasali na yung mga scratch paper ko dati eh.

 

Kinuha ko yung mga notebook.

 

Nandito pa rin pala ‘to?



 

Karina and Winter’s Notebook




 

Pagkabuklat ko, bumungad sa akin yung mga notes ko.

 

Ito yung notebook na ginagamit namin ni Winter dati tuwing nagsusulat siya ng lyrics ng kanta.

 

Raw copies, unrevised versions.

 

It was purely written on what came to us at that time.

 

Pero sa buong paghahalungkat ko ay may isang bagay na nakakuha ng atensyon ko.

 

“Ano ‘to?”

 

Parang hindi ito sa ‘kin.

 

“Cassette tape?”

 

Binaliktad ko para makita kung may nakasulat.







 

Winter Kim.





 

Paano napunta sa akin yung gamit niya?

 

Triny ko pang maghalungkat at may nakuha akong isa pang papel. It was a letter at naka-address siya sa akin.






 

Karina,

 

I hope you will find this letter along with the cassette tape. Kung akala mo namali lang ng pwesto yung gamit ko, you’re wrong kasi para sa’yo talaga ‘to. 






 

Winter?


 

Itinabi ko muna yung letter na hawak ko at kinuha yung cassette tape.

 

Buti na lang at naisipan kong bumili dati ng cassette player. Memabili lang talaga ako dati kasi sayang naman yung sale.

 

Hindi ko naman alam na magagamit ko na siya ngayon.

 

With a pounding heart, I clicked play.

 

Nagsimula nang umikot yung tape and I heard her familiar voice again.

 

“This will be a compilation of the songs written by sino pa ba? Syempre ako. Baka Winter Kim yata ‘to. Actually matagal ko na ‘tong nasulat pero kulang pa ako sa budget para mairecord ko silang lahat eh kaya kung sino man ang unang makakarinig nito, aba ang swerte mo naman.”

 

Hindi ko napigilang matawa.

 

“Typical Winter,” I mumbled. 

 

Sabi niya compilation daw ‘to ng mga kanta.

 

Is it an album?

 

Nasagot naman yung tanong ko nang magplay na yung unang kanta. 

 

Ang nostalgic pakinggan ng intro niya.

 

Naalala ko yung kantang ‘to yung dahilan kung bakit ako na-guidance.


 

“Wala akong pera, walang magarang sasakyan

At kung sasabihin, ako ay simpleng tao lang

Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo

Pero aking maipapangakong”










 

***


 

High School Days


 

Ngawit na ngawit na ako.

 

Kanina ko pa hawak sa may ulo ko yung dalawang makapal na encyclopedia. Idagdag niyo pa na ngawit na rin ang tuhod ko dahil kanina pa rin ako nakaluhod.

 

Totoo nga talaga yung sabi nila na kung masaya ka ngayon, mawawala rin iyon kinabukasan.

 

Kasi hindi na ako masaya sa pwesto ko ngayon.

 

“Ayusin niyo yung kamay niyo hindi siya straight oh.”

 

“Winter bumababa na yung kamay mo, sumbong kita kay ma’am Tolentino.”

 

“Nyenye.”

 

“Ma’am oh si Winter!”

 

“Huy Giselle joke lang ‘to naman!”

 

“Ngawit ka na ba Karina?” tanong sa ‘kin ni Ningning. Lumapit pa sya sa akin para tingnan ang itsura ko. Tutulungan niya kaya ako? 

 

“Oo eh ang bigat na ng hawak ko, Ning,” nagpaawa pa ako sa kanya kaya tinulak niya yung mukha ko habang natatawa.

 

“Wag kang magpaawa sa akin ng ganyan Karina. Kasalanan niyo yang dalawa ni Winter. Hindi ako damay dyan.”

 

Humalukipkip pa siya at umiwas ng tingin sa akin kasi nakanguso pa rin ako. “Bahala nga kayo dyan ni Winter. Tara na Giselle.”

 

“San punta niyo?”

 

“Kakain na kami!”

 

At umalis na nga silang dalawa. 

 

Naiwan na lang kaming dalawa ni Winter dito sa harap ng pintuan ng guidance office.

 

I looked at Winter.

 

Katulad ko nakaluhod rin siya habang hawak niya sa taas ng ulo niya yung gitara niya.

 

Kahit nakatakas kami kahapon sa mga humabol sa amin, ipinatawag pa rin kami kanina sa guidance office. Hindi naman kasi hamak na kilala kami dito sa buong school lalong lalo na si Winter.

 

In-announce rin naman kasi niya yung pangalan namin kahapon doon sa mic. 

 

Kaya pagkadating na pagkadating ko pa lang sa school, sa guidance agad ang diretso ko. Naabutan ko pa si Winter na prenteng nakaupo at kumaway pa nang makita ako.

 

Pagsasabihan lang naman dapat kami pero nainis yata si ma’am kasi parang walang paki itong kaibigan ko na na-guidance kami kaya nadagdagan tuloy parusa namin. Halos mag-iisang oras na rin kami dito na nakaluhod.

 

Gutom na ako.

 

“Karina,” tawag ni Winter.

 

“Ano ‘yon?”

 

“Gutom ka na?”

 

“Medyo.”

 

“Tara na.”

 

“Huh?”

 

“Tara na.” 

 

Binaba na niya yung kamay niya at umayos na ng tayo.

 

“Huy anong ginagawa mo? Baka mahuli ka ni ma’am,” saway ko sa kanya. Ayoko nang madagdagan yung parusa ko ‘no.

 

“Okay lang ‘yan. Sabi niya isang oras lang tayo dito. Tingnan mo isang oras na. Lagpas pa nga tayo ng 10 minutes eh.”

 

Nilahad niya yung kamay niya sa akin. “Tara?”

 

Umiling na lang ako at kinuha na yung kamay niya para tumayo.

 

“Hephep ba’t kayo tumatayo?”

 

Saktong papaalis na kami nang dumating ulit yung dalawa naming kaibigan.

 

“Ba’t bumalik kayo? Kala ko ba kakain na kayo?” tanong ko sa kanila.

 

“Naisip kasi namin na kawawa naman kayo kung wala kayong kasabay kumain eh.” May kasama pang buntong-hininga yung pag-eexplain ni Ning. Ang drama talaga.

 

“Tara na nga gutom na kami ni Karina.”

 

Nauna nang maglakad si Winter habang kaakbay niya si Giselle.

 

Sumusunod lang naman kami ni Ningning na maglakad sa likod nila nang humarap sa amin si Giselle.

 

“Ning, ano gusto mong kainin? Kami na ni Winter ang bibili.” 

 

Malapit na rin kasi kami sa bungad ng canteen at marami na ring tao. 

 

“Sweet and sour na lang kung meron. Libre mo ba ‘yan Giselle?”

 

“Hindi ‘no. Akin na pera mo.”

 

“K!” 

 

Padabog na binigay ni Ningning yung pera niya at pagkatapos non ay humiwalay na kami sa kanila para maghanap ng vacant chairs.

 

“Ano ba kasing naisip niyo at pumunta pa kayo sa broadcasting room kahapon? Tingnan mo tuloy na-guidance pa kayo, tsk.”

 

Sa totoo lang Ning, hindi ko rin alam eh. 

 

“Idea ‘yon ni Winter, nahatak lang talaga ako doon,” sagot ko.

 

Tinaasan niya ako ng kilay. “At hinayaan mo naman?”

 

I shrugged and smiled sheepishly at her.

 

“Ewan ko talaga sa inyong dalawa.”

 

Binilisan ni Ningning maglakad kaya hinabol ko siya at inakbayan.

 

“Ma, I’m sorry!”

 

“Hindi na kita anak simula ngayon!” Sakay niya sa trip ko kaya natawa kaming dalawa.

 

Hindi nagtagal at nakabalik na rin yung dalawa dala yung mga pagkain namin.

 

Nilapag naman ni Winter yung binili niyang pagkain para sa ‘kin.

 

“Thank you,” sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain.

 

Pero hindi ko matuloy kasi kanina pa nakatingin sa akin si Ningning.

 

“Bakit?”

 

“Wala lang. Naalala ko lang hindi ka pala tinanong ni Winter kanina kung ano gusto mong pagkain.”

 

“Hindi ko naman na kailangan tanungin ‘yon kasi alam ko naman na gusto nitong si Karina eh. Saka paborito niya kaya ‘to,” singit ni Winter.

 

Kitang-kita na yung ngisi ni Ningning ngayon. 

 

“Ay, parang jowa lang?”

 

“Syempre, best friend ko ‘to eh,” sagot ni Winter at ginulo niya yung buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kakasuklay ko lang nito kanina eh. Magkatabi lang kasi kami ng upuan habang sa harap naman namin nakaupo si Giselle at Ningning.

 

“Ang sabi ko jowa. Ba’t naman biglang na-best friend zone?”

 

“Huy Ningning kung ano-anong sinasabi mo baka mamaya magustuhan talaga ako nitong si Karina eh. Di naman kasi hamak na ang ganda-ganda ko diba?”

 

Inirapan ko siya. Ang taas-taas kasi lagi ng tingin sa sarili.

 

“Maghunos-dili nga kayo.” Umakto pa akong parang masusuka nang tingnan ko si Winter. “Never kong magugustuhan si Winter ‘no.”

 

“Mamatay ka man?” singit ni Giselle.

 

“Mamatay man ako.” 

 

“Aray!” Humawak si Ningning sa puso niya at inalalayan siya ni Giselle. “Ang sakit. Tagos na tagos!”









 

***


 

Pauwi na kami ngayon.

 

Sabay-sabay dapat kaming apat pero may dadaanan pa raw kasi si Ningning kaya nagpasama siya kay Giselle.

 

“Diretso uwi ka na?” Tanong ni Winter.

 

Napaisip ako.

 

“Parang ayoko pang umuwi eh.”

 

“Tara sa bahay? Nood tayo movie.”



 

Pagkadating namin, kinuha ko na agad yung CD book niya. Kaya gustong-gusto kong tumambay dito kila Winter kasi meron siyang compilations ng mga DVDs na nakalagay sa parang album. Basta lahat ng mga nabibili naming DVDs sa tiyangge, doon namin nilalagay yung CD para madali silang mahanap kapag manonood na kami.

 

“Meron na agad sa’yo ‘to?” mangha kong tanong nang makita ko yung bagong labas pa lang na movie ng kathniel. Sabi nila maganda daw ‘to kasi based daw ‘to sa isang wattpad story.

 

“Ah ‘yang She’s Dating The Gangster? Syempre—”

 

“Pinanood mo na?”

 

“Hindi pa. Gusto ko sabay nating panoorin.”

 

“Dapat lang.”

 

“Ano bang gagawin mo kung napanood ko na?”

 

“Sasapakin kita.” Pinakita ko pa sa kanya yung kamao ko.







 

“Ano, sasapakin mo pa ba ako?”



 

“Tumigil ka nga!”


 

“Para kang batang umiiyak alam mo ba?”


 

“Isa Winter.”


 

“Umiiyak si Karina sa movie oh,” asar niya pa.





 

Sinamaan ko siya ng tingin.

 

“Bakit ikaw hindi ba?”


 

Lumapit ako para matingnan nang mabuti ang mukha niya at di ko napigilang matawa.


 

“Oh bakit anong masama kapag umiyak?” tanggol niya sa sarili niya. Parang kanina ako pa yung api sa aming dalawa.


 

Kakatapos lang namin panoorin yung movie at hindi ko naman alam na ganon yung mangyayari sa movie lalo na yung ending niya.

 

I didn’t know that such words as I can’t breathe can hold a big meaning lalong lalo na kung isa kang hopeless romantic na tao.

 

Akala ko ako na yung may mugto ang mata sa aming dalawa pero mas magaling pa lang umiyak itong si Winter.

 

“Alam mo para ka nang panda.”


 

Tumalikod sa akin si Winter.


 

“Hindi ako namamansin ng mga nang-aasar sa akin.”

 

“Ikaw kaya nauna!”










 

“In a few months, gagraduate na pala tayo ‘no?” sambit ni Winter.

 

Tapos na kaming manood ng movie pero nandito pa rin kami sa kwarto niya.

 

“Oo nga eh. Hindi ko rin maimagine na natapos na natin yung high school.”

 

“Hindi mo talaga maimagine kasi puro ka lang naman kalokohan.”

 

“Sumasama ka naman sa lahat ng kalokohan ko.”

 

“Syempre best friend kita.”

 

Winter looked at me. Her eyes looked calm. 

 

“Ikaw ba, anong plano mo pagka-graduate natin?” tanong ko sa kanya.

 

Umiwas siya ng tingin then looked at her room.

 

Puno ang kwarto niya ng mga posters ng mga banda from international to local.

 

Nakadisplay rin dito yung ibang awards niya sa mga sinalihang music contests noong bata pa siya at sa gitna naman non nakalagay yung trophy namin nang sumali kami sa battle of the bands.

 

Winter and I….are members of a band.


 

“Alam mo na..siguro itutuloy ko ‘to,” She gestured at her room, “yung paggawa ng kanta.”

 

“Alam mo ba kung bakit ako fan ng Eraserheads?”

 

“Kasi magaganda mga kanta nila?”

 

“Hindi pero malapit na rin doon. Gusto ko rin maging successful katulad nila balang-araw. Yung tipong kahit ilang taon na ang lumipas, kinakanta pa rin ng mga tao yung kanta mo,” sagot niya.

 

“They started from scratch bago sila lumaki. Siguro yon yung naging motivation ko para ipagpatuloy ‘tong pangarap ko. Sabi kasi nila mahirap daw kumita kapag ito yung tatahakin mong career diba?”

 

Tumango ako.

 

“Kaya nga hindi tinuloy ni daddy yung ganito kasi konti lang yung kita at minsan wala pa nga pero anong magagawa ko? Dito ako masaya eh.”

 

“Wala namang taong nagiging successful agad-agad. It’s all about the right timing for everything kasi hindi naman lahat lalapit sa’yo agad. Kailangan mo lang magtiwala at maniwala na dadating rin siya someday.”

 

“Naniniwala ka pala sa right timing na ‘yan?” biro ko sa kanya. 

 

“Minsan na nga lang ako magseryoso tapos gaganyanin mo pa ako. Kaibigan ba talaga kita?” sabi niya kaya hinampas ko siya habang natatawa siya.



 

“Kung hindi ka pa uuwi, what if tulungan mo muna ako gumawa ng lyrics?”

 

“Anong kanta ba yan?”
 

“Yung kanta na kinanta ko dati sa broadcasting room.”

 

Nagtaka naman ako doon. 

 

“Hindi mo pa ‘yon tapos?”

 

“Oo hindi pa. Pinag-iisipan ko nga kung ano yung right word na ilalagay ko sa 2nd verse.”

 

“Pakita nga.”

 

Lumapit ako sa kanya nang inilabas niya yung notebook niya.



 

Winter and Karina’s Notebook



 

“Ba’t nandyan yung pangalan ko eh sa’yo yan?”

 

Tumawa siya. “Syempre paano kung wala ako edi sa’yo mapupunta. Swerte ka kasi sa’yo na mapupunta pamana ko.”

 

“As if naman may makukuha ako dyan.”

 

“Meron.”

 

“Ano?”

 

“Mga kanta ko.”

 

“Ewan ko sa ’yo.”



 

Aking mundo ay tila bang nakidlatan

Sa panaginip ay lagi kang nariyan


 

Kinuha ni Winter yung gitara niya at saka kinanta yung part na ‘yon.

 

“Hanggang dyan pa lang yung nagagawa ko pero hindi ko sure kung maganda ba siya pakinggan.”

 

Binasa ko ulit yung lyrics at nag-isip.

 

“Paano kung palitan mo ng nakaabang yung nariyan?”

 

“Oo nga ‘no. Mas gumanda siya.”

 

“Bilib ka na naman sa ‘kin,” proud kong sabi.

 

Kinuha ko yung ballpen at dinugtungan ko yung nasulat niya.




 

Aking mundo ay tila bang nakidlatan

Sa panaginip ay lagi kang nariyan nakaabang

Hindi makatulog, hindi ka maalis sa isipan ko

Kaya aking maipapangakong


 

Binigay ko sa kanya yung notebook at binasa niya yung nakasulat.

 

Pagkatapos non ay nagsulat rin siya ng panibago.



 

Malayo man ay akin pa ring pupuntahan

Kahit ang pera ko ay kinse pesos lang

Lahat ay gagawin upang makasama ka lang









 

“Mahal kitang labis, susubukan ko kahit

Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit

At sa bawat araw na tayo'y magkasama

Dala ko ay ligaya

 

Mahal kitang labis, susubukan ko kahit

Wala 'kong palasyo na abot hanggang langit

At sa bawat araw na tayo'y magkasama

Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa”

 

 

“Grabe iba talaga kapag si Winter na yung nagsulat.” 

 

Pumalakpak si Giselle.

 

“Pwede nang manalong Song of the Year yan Winter,” dagdag pa niya.

 

“Oo nga eh ang ganda parang may pinaghuhugutan. Anong title ng kanta?” tanong ni Ningning.

 

Saglit na tumingin sa akin si Winter.

 

“Aking Prinsesa.”

 

Ningning side-eyed me. 

 

“Tingnan mo pati title may hugot rin.”

 

“May pinaghuhugutan talaga yan. Syempre para yan sa future jowa ko eh.”

 

“Future jowa raw oh. Nasan na kaya yung future jowa mo? Nandito kaya siya?” Giselle wiggled her eyebrows pa para effective. 

 

Napailing na lang ako. Ayan na naman sila sa mga pang-asar nila.

 

Ito yung unang beses na marinig nila Ningning ng buo yung kanta. After ng ilang revisions sa lyrics, natapos na rin namin finally yung buong lyrics ng kanta at ang una naming gustong makarinig nito ay ang mga kaibigan namin.

 

Magkakasama kasi kami ngayon para magpractice.

 

Actually hindi lang naman kami ni Winter ang members ng banda.

 

Kasama namin doon si Giselle at Ningning.

 

Si Giselle sa drums, ako sa keyboard and bass, Winter is in charge of the guitars and lead vocals, at si Ningning naman ang main vocalist namin. 

 

Ayun lang.

 

Ang tawag sa banda namin ay Kill Love Band. Kung Ilocano ka, maiintindihan mo agad ‘to.

 

Actually, si Winter yung nagpangalan sa banda and we somehow agreed with the name kasi medyo havey naman siya.

 

 

 

 

 

 

 

Ang totoo talaga niyan, wala lang kaming maisip na pangalan that time. 

 

 

 

 

 

And that name somehow made us famous sa school kaya bakit pa namin papalitan?

 

 

 

 

 

 

“Syempre wala siya dito. Pero sure ako malapit na siyang dumating.”

 

“Dadating ‘yan kung hindi ka magiging torpe.”

 

“Pinagsasabi mo Ning? Kanino naman ako aamin eh wala nga akong crush.”

 

“Asus pakipot ka pa. Karina, wala bang sinasabi sa ‘yo si Winter?”

 

“Huh?”

 

“Kung sino crush niya ganon.”

 

Umiling ako. “Wala naman. Bakit, may crush ka ba Winter?”

 

Umiwas siya ng tingin nang magtagal ang titig ko sa kanya. 

 

Mukhang meron nga.

 

“Wala ‘no!”

 

“Oh ba’t ka namumula? Meron ‘no? Aminin mo!” asar ulit sa kanya ni Giselle habang tumatawa.

 

Nangingiti ko lang silang pinagmasdan. 

 

Sinasabunutan na ngayon ni Winter si Giselle.

 

 

 

 

 

 

 

Biglang lumitaw si Ningning sa harap ko.

 

 

 

 

 

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

 

“Eh ikaw Karina, may crush ka ba?”

 

 

 

 

 

“Siguro? Hindi mo sure?”

 

 

 

 

“Pa-showbiz lang yung answer?” sabi niya at umalis na agad sa harap ko para ayusin yung pagkakasaksak ng amplifier. 

 

 

 

 

 

 

 

Hindi pa rin tapos magsabunutan si Giselle at Winter.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagsimula na ngayong magpatugtog ng minus one si Ningning habang hawak niya yung mic.

 

 

 

Now Playing: Torpedo

 

“Pasensiya na kung ako ay 'di nagsasalita

Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama”







 

Sabi nila ang pinakamahalagang rule daw sa magkakaibigan ay bawal magkagusto sa isa’t isa. 

 

Kasi once na magustuhan mo yung kaibigan mo, marami nang mabubuong uncertainties.

 

Mga what ifs.

 

At isa rin ‘yon sa posibleng maging dahilan ng pagkasira ng friendship niyo.



 

Pero paano ba ‘yan Ning?






 

Meron kasi akong crush.








 

Sa best friend ko. (Na gumugulong na ngayon sa sahig kasama ni Giselle)



 

Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa kanya? 


 

Hindi naman siya mahirap gustuhin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

***

 

 

Present:


 

Totoo ngang matagal na panahon na ang lumipas. Ilang taon na nga rin simula nang magkaroon ako ng trabaho.

 

I think our batch also deserves to have a reunion.

 

Marami nang nagbago.

 

Sure ako curious na rin yung mga dati naming kaklase kung ano nang ginagawa ng isa’t isa ngayon.

 

Maski ako nga rin napapaisip kung sila pa rin kaya yung mga naging kaklase namin dati o hindi ko na sila makilala dahil sobrang laki na ng pinagbago nila?

 

Kumusta na kaya sila?

 

May mga sarili na kaya silang pamilya?

 

I know yung iba meron na kasi friends pa rin naman kami hanggang ngayon sa facebook. 

 

Yung iba naman they chose to travel first before settling in.

 

Yung iba naman mas pinili na lang nilang maging lowkey sa internet. 

 

And some people chose to hide away from social media with no means of contacting them.

 

I am not a totally loner type in high school. May mga naging kaibigan rin naman ako dati aside kila Ningning. Siguro dahil na rin sa Kill Love Band kasi medyo sikat rin yung banda namin noong nag-aaral pa kami. 

 

Tuwing may event kasi ang school, kami lagi yung sinasabihan nilang magperform.

 

Pero kahit ganon ka-sikat yung pangalan namin, hindi pa rin ‘yon kasing sikat ni Winter.





 

Winter..





 

Parang every now and then ata, may natatanggap siyang regalo galing sa mga admirers niya dati.




 

Naalala ko pa na sa akin lagi napupunta yung ibang mga pagkain kapag maraming natatanggap si Winter tapos naghahati kaming tatlo nila Giselle. 



 

A while ago, bigla ulit nabuhay yung class GC namin dati.


 

Sabi nila magkakaroon daw kami ng reunion.



 

I wonder if Winter saw it.




 

Pupunta kaya siya?





 

I would never know of course.

 

 

 

 

 

Giselle:   Nakita mo na yung invitation sa GC?

 

                 Meron daw tayong reunion

 

 

Karina:    Yes, I saw it

 

Giselle:   Pupunta ka?

 

                Pupunta kami ni Ning

 

 

Karina:   Hindi ko pa sure eh

 

 Pag-iisipan ko pa   

 

 

Giselle:   Paano kung pumunta siya?

 

 

Karina:   May contact pa ba kayo sa kanya?

 

 

Giselle:    Wala

 

                 Para bulang biglang nawala si ate mo girl

 

                 Parang ayaw nga tayong kausapin at balitaan eh

 

                 Tototohanin ko na talaga yung sapak ko sa kanya kapag bigla ‘yong nagpakita sa reunion

 

 

Karina:   Ningning?

 

Giselle:     Yes?

 

 

 


 

Akala ko dati sa akin lang siya hindi nagparamdam. 

 

Pati rin pala sa dalawa pa naming kaibigan.

 

I even tried to contact her sa phone number niya pero lagi siyang cannot be reached.

 

Nagpalit rin siguro siya ng number.

 

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit siya parang bulang biglang nawala.

 

It all happened after we graduated.

 

Ang bilis ng pangyayari.

 

She disappeared without a trace.

 

Parang bulang bigla rin akong nawalan ng best friend.





 

Winter, where are you?











 

***

Winter’s POV



 

Parang biglang kumati yung ilong ko.

 

Kailangan ko na ata ulit magcleanse ng mukha, eme.

 

HIndi naman ako totally hindi naglilinis ng mukha ‘no!

 

Malinis kaya ako sa katawan. Ang bango bango ko nga eh.

 

Nag-vibrate yung phone ko kaya tiningnan ko muna kung sino ‘to.

 

Wait...

 

Galing siya kay Yunjin.

 

Ano na naman kayang balita nitong isang ‘to?




 

Yunjin:    huy alam mo na ba ang balita?


 

Winter:   balita na maganda ako?

 

syempre, oo

 

sino ba namang hindi mafo-fall sa kagandahan ko?🙈


 

Yunjin:   hala ang hangin hangin mo talaga gusto kitang tirisin :)


 

Winter:  parang dati lagi mo akong binibigyan ng chocolates ah

 

anyare na ngayon? ayaw mo na ba sa kin😔


 

Yunjin:   kadiri ka talaga winter🤢

 

               past is past umay ka

 

Winter: hahaha ano ba kasi yon?


 

Yunjin:  nag-organize ng reunion sila pres para sa batch natin nung high school

 

              next month daw

 

              pupunta ka ba?




 

Ganon na pala katagal yung lumipas.

 

Parang kailan lang nung naghigh school ako ah?




 

"Anong gala na naman 'yan?"

 

Muntik ko nang maihagis yung phone ko kasi may bigla ba namang nagsalita sa likod ko.

 

"Minju naman! 'Di ba sabi ko 'wag kang bigla biglang susulpot?!" bulalas ko.

 

Hindi niya ako pinansin at nilapit ulit yung tingin niya sa phone ko. 

 

Malapit ko na siyang ipakulong.

 

Invasion of privacy na 'to ah.

 

"May reunion kayo?"

 

"Oo daw, high school reunion."

 

"Balak mo pumunta?"

 

Binigyan ko siya ng tingin.

 

"Ba't ako tinatanong mo eh 'di ba ikaw yung nag-aayos ng schedule ko?"

 

"Oo nga 'no?" Tumawa siya. "Oo nga pala!"

 

"Min, tama na kakapuyat hindi na siya maganda sa utak mo,” sabi ko pero inirapan niya lang ako.

 

Manager ko si Minju.

 

Act

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Trumfeet #1
Chapter 1: Ang angas mo tor🤙
*pinatugtog maybe this time*

🎵🎶Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've been
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'🎵🎶
perp24 #2
Chapter 1: Napa play ako ng “Maybe this time” ni Sarah G, nice story author! 💛
buttercup_
#3
Chapter 1: hoyy ang ganda ng story 🥺🤧
seiikihavre
#4
Chapter 1: thank you po sa wonderful story na ito. isa sa mga babalik balikan talagaaa. ang gandaaa
TYTFshipper
262 streak #5
Chapter 1: Lam mo tor. Dalwang beses ko na sya binasa with same ng tagal bago ko natapos. Hahahahuhu pero regardless, ang ganda talaga nito. Worth it basahin basta mahaba lang free time para di paputol putol 🤧😅 thank you dito otor!! 🥰
carrotmsav #6
ang ganda 😭 thank you to the person who recommended it while i was scrolling on twt. good read
syrenity
#7
Chapter 1: GRABE ANG GANDA NITOOO :")
jiminjeongx
#8
Chapter 1: This is too good! So glad nakita ko ung featured stories.

I haven’t been reading anything until now, and your story brings those excited feeling back. Thank you author! ^^
twentythreeee
#9
Chapter 1: Ang witty nung kill love band! HAHAHAH
ryujinie__
691 streak #10
Congrats! Promoted 🥳