Singsing

Ring Pop
Please Subscribe to read the full chapter

 

Hindi alam ni Jimin kung saan nagsimula yung obsession ni Aeri sa mga singsing. Bata palang sila ay madalang lang makita niya hindi nakasuot ng singsing si Aeri. Bagay naman sa kaniya, kaya wala naman siyang sinasabi sa collection nito. Ngunit, hindi niya aakalaing ito ang maabot ng kaadikan ni Aeri, kasi pati siya ay naadik na rin dito.

Napapaisip lang talaga siya, kelan nga ba nagsimula ang lahat? Noong sila’y kinder palang ba?

 

“JIMINNNNN!! HOOOOYYY!! BALIK MO YUNG RING POP KO!” sigaw ni Aeri na luhaan na. Hinahabol nito ngayon ang kaniyang kaibigan na mas makulit pa sa unggoy kung gumalaw sa playground. 

 

“Nyenye! Ang bagal mo naman Aeri! Akin na to’ ha?” Mapangasar na ngisi ni Jimin. Habang tumatakbo ay binubuksan na nito ang balot ng ring pop. Ang laman nito ay red, at napangiti si Jimin. Alam niya na paboritong ring pop ito ni Aeri kaya binilisan niya tumakbo.

 

“Jimin! Yung ring pop ko!”

Balak na sana ni Jimin na kainin ang hawak niyang kendi, pero napansin niyang ‘di na siya hinahabol ni Aeri. Napalingon naman siya at nagulat sa nakita.

 

“Uy Aeri. Ba’t ka umiiyak?” Agad siyang tumakbo pabalik sa kaniyang kaibigan para pakalmahin ito.

 

“A-ayaw mo kasi i-ibalik ri-ring pop k-ko.” Humihikbi na siya at patuloy na rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Medyo nataranta rin si Jimin at di alam kung anong gagawin.

 

“Yung ring pop...? Ay! Heto oh! Inaasar lang naman kita eh. Sorry Aeri, ito na yung ring pop. ‘Di ko pa nakain yan pramis! Sorry na ha? Sorry talaga!” Tuloy tuloy ang paghingi ni Jimin ng pasensya para mapatahan na ang kaniyang kasama. Nilagay niya rin ang ring pop sa mga kamay ni Aeri at niyakap ito. 

 

“Pramis, bibigyan kita ng maraming ring pop bukas. Sasabihin ko kay Mama kaya ‘wag ka na umiyak, Aeri!” 

Nung napansin niya na patuloy pa rin ang pag-iyak ni Aeri, medyo naluha na rin ang mga mata ni Jimin at napasimangot ito.

 

“Uy, Aeri naman eh. Sorry na talaga, di ko gagawin ulit. ‘Wag ka na umiyak, please?”

Tumingin si Aeri sa kaniyang kaibigan at bahagyang lumaki ang mga mata nito.

 

“Jimin? Bakit ka umiiyak?”

 

“Kasi naman eh! Pag naiiyak ka, naiiyak din ako!” 

 

“H-ha?”

 

"Aeri naman kasi eh!"

 

"Jimin…"

 

“Bati na tayo Aeri, please? 'Wag ka na umiyak. ‘Di ko na uulitin, pramis talaga. Basta, bati tayo lagi.” sinabi nito habang patuloy na tumutulo ang kaniyang luha. Tinignan ni Jimin ang kaniyang kaibigan na parang nagmamakaawa.

Napahigpit ang hawak ni Aeri sa kaniyang ring pop. Hindi niya talaga kayang tiisin ang kaniyang best friend.

 

“Oo Jimin. Bati na tayo."

 

 

Naalala ni Jimin na tinupad niya ang kaniyang sinabi at limang ring pop ang inabot niya kay Aeri kinabukasan. Naaalala niya rin yung tuwa niya noong nakita niya ang malawak na ngiti ng kaniyang kababata. Simpleng ring pop lang naman yun, pero parang nakatanggap ng isang milyon si Aeri nung araw na yon. Ngunit, hindi naman siguro nagsimula ang lahat sa isang red na ring pop, diba?

 

Baka nagsimula siya noong nasa grade school sila?

 

Nasa perya ang dalawang magkaibigan kasama ang kanilang mga pamilya. Magkahawak ang kanilang kamay habang sila’y namamangha sa mga ilaw at palaro. Marami ring mga rides at halatang nasasabik na si Jimin sumakay dito. Para siyang kiti-kiti na hindi mapakali sa tabi ni Aeri.

 

“Aeri! Aeri! Tignan mo ‘yun oh!” sabi ni Jimin, sabay turo sa octopus ride na patuloy-tuloy ang pag-ikot. Rinig na rinig ang mga hiyaw at tili ng mga nakasakay at nakaramdam si Aeri ng takot. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Jimin. Hindi niya talaga naiintindihan kung bakit gustong gusto ng kaniyang best friend na sumakay sa mga nakakatakot na rides katulad ng octopus.

 

“Ang bilis! Natatakot ako, Jimin.”

 

“‘Wag ka mag-alala! Kasama mo naman ako eh. Hahawakan ko kamay mo ‘pag natatakot ka.”

 

“Talaga?”

 

“Oo naman! Pramis, ‘di kita bibitawan.” Tumingin naman si Aeri sa kaniyang mga magulang.

 

“Mommy? Pwede ba kami ni Jimin doon?” Natawa lamang sila, habang ang nanay naman ni Jimin ay napailing.

 

“Hay nako, ikaw talaga Jimin! Inuuto mo nanaman si Aeri! Gusto mo lang naman talaga mag octopus, e? Saka na kayo sumakay riyan pag malaki na kayo. Baka mapaano pa kayo diyan e ang liit-liit niyo!”

 

“Ma naman eh! ‘Di nako baby!”

 

Habang nagtatalo ang mag-ina ay nalipat ang pansin ni Aeri sa isang tindera na may display na mga singsing. Hindi niya namalayan na tapos na pala magbanganyan ang dalawa at sinusubukan na ni Jimin kunin ang kaniyang pansin. Kahit tinatapik na niya ang balikat ni Aeri ay 'di pa rin ito kumibo at patuloy pa ring nakatulala.

 

“Uy! Aeri! San ka ba nakatingin at tulala ka na diyan?” Sinundan naman ni Jimin ang tingin ni Aeri. 

 

“Ay, yung tindahan ba nung mga singsing? Punta tayo?” Agad niya namang nakuha ang atensyon ni Aeri dahil dito.

 

“Pwede ba?”

 

“Oo naman! Ma! Tingin lang kami ni Aeri doon!” sabay turo ni Jimin sa tindahan ng singsing.

 

“Ha? Sige anak, basta wag kayong lalayo ha? Ingatan mo yang si Aeri o malalagot ka talaga sakin Katarina Jimin.”

 

“Ma naman eh! Sino ba talaga anak mo, ako o si Aeri? Alis na nga kami! Tara na, Aeri.”

 

"Ingat kayo ha!" ika naman ng mga magulang ni Aeri.

 

Nang makarating sila sa tindahan ng singsing ay namangha si Aeri sa mga nakita. Agad itong napansin ni Jimin. Mukhang tama ngang pumunta sila rito.

 

“Pili ka isa, Aeri. Libre ko na. Nagbigay rin ng pera si Mama kanina eh.”

 

“Sure ka? Okay lang talaga sayo Jimin?” tanong ni Aeri na hindi mapigilan ang kaniyang tuwa. Napangiti si Jimin at umoo sa kaniya. Ang cute rin talaga ni Aeri minsan.

 

“Syempre naman! Sige na, pili ka na. Kahit ano naman diyan, siguradong bagay sayo eh.” Niyakap ni Aeri nang mahigpit ang kaniyang kaibigan.

 

“Thank you Jimin!” sabi nito na may napaka lawak na ngiti. At kahit nabawasan man ang allowance niya, handa si Jimin bilhin lahat ng singsing sa mundo para makita ulit ang ganung ngiti sa mukha ni Aeri.

 

 

Nakakamiss din talaga maging bata. Naalala ni Jimin kung gaano kacute si Aeri noon. Bungi pa ang ngipin at laging naka-pigtail ang ayos ng buhok nito. Naalala niya rin na doon nagsimula ang kaadikan ni Aeri. Pagkatapos ng araw na yun sa perya, parang araw-araw na nakasuot ng singsing ang kaniyang kababata. Hindi naman siya nagrereklamo kasi dumagdag i

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Uchinagaeri #1
Chapter 1: WOW, konti lang filo na writer ng Kariselle 😭
yomu-chan
#2
Ang kyut nila 🤧
yoonhun07 #3
Chapter 1: This is so cute po 😣 hope you write a lot of Kariselle pairing pa po in the future.
SMYoung
#4
Chapter 1: sobrang cute. ang cute nga ng kariselle at ng scene na yun sa SYNK ROAD. salamat dito sa oneshot na to! sana meron pa ulit next time