never not

Pagsamo (Jinjoo vers.)
Please log in to read the full chapter

 

Sabi nila masakit daw kapag hindi ka pinag-laban ng taong mahal mo. ‘Yung hinayaan ka lang niyang mawala kasi meron na siyang ibang gusto. O kaya, hindi naman ganon kalaki ang pagmamahal na gusto niyang i-alay para sa’yo.

 

Tama naman sila. Masakit talaga.

 

Pero siguro, para sa akin— mas nakakakirot, nakakasuka at nakakagalit— kapag alam mong meron naman kayong laban, pero hindi niyo nilaban. Hindi kayo sumugal. Sumuko na lang kahit alam niyo sa loob loob niyo pwede pa namang manalo.

 

Kasing lakas ng hagupit ng bagyo ang bawat ‘pag-tibok ng puso ko nang sinimulan mo ang nais mong sabihin gamit ang mala-angel mong boses;

 

“Minju…”

 

At sinundan ng,

 

“May sasabihin ako sa’yo…”

 

Mas matindi pa sa surprise oral exam ng professor ko ang surprise factor na dala ng mga sinabi mo. Hindi ka man lang nag-warning. Kahit naman anong sign pwede, pero wala.

 

Para kang si kamatayan na bigla na lang sumulpot sa tahimik kong buhay at sinabing,

 

“Mamatay ka na at susunduin na kita”

 

Oh, baka si kamatayan ka nga talaga.

 

Kasi namatay ako eh.

 

Hindi mo nga lang sinundo pero sumabay sa pagtigil ng paghinga ko nang sinabi mong ayaw mo na.

 

Tandang-tanda ko pa nga, kahit hindi ko ginusto, kabisado ko ang bawat galaw ng labi mo habang binibigkas ang mga salita na pilit kong iniintindi.

 

“I’m sorry, pero we can’t be together anymore. Alam na nila, and they want me to stop this.”

 

At ako naman, si tanga, hinayaan ka lang.

 

Sabi ko, “I understand...”

 

Kahit putang ina ang totoo eh, hindi ko naman talaga maintindihan.

 

Sa buong limang taon na nagkasama tayo, nagawa nating itago, isikreto. Napanatili nating ilihim ang relasyon natin sa nakakarami. Tapos ngayong nalaman na nila, napunta agad sa hiwalayan.

 

Hindi na ba pwede mag-paliwanag? Hindi na ba pwedeng i-waive?

 

Baka naman kaya pang solusyonan. Baka kailangan ko lang silang ligawan.

 

Pero sabi mo, ayaw mo. Huwag na lang. Kasi kilala mo sila. Hindi na magbabago isip nila. Lalo na ‘yung tatay mong sundalo. Tapos ‘yung nanay mong laging nanghihingi sa’yo ng apo. Isama mo pa ‘yung kuya at ate mong sobrang istrikto. At hindi pa natinag, pati ‘yung mga tito at tita mong hilig mangeelam sa buhay ng ibang tao.

 

Kaya siguro pagtapos ng ilang araw, saka ko lang naintindihan.

 

Na kahit anong gawin ko,

 

Mamanhikan. Lumuhod. Magmakaawa.

 

Walang magbabago.

 

Kasi ano ba namang laban ko sa mga taong unang nag-mahal sa’yo?

 

Kaya kahit masakit, sinubukan kong tumayo ulit mula sa pagka bagsak sa lupa ng sabihin mong itigil na natin. Mahirap man sa damdamin, buong puso ko na lang tinanggap ang bagay na kailanman, hindi na muling magiging akin.

 

At simula nung araw na akin nang nakita ng malinaw ang dahilan, sinimulan ko na ring umusad. Kahit maliit, okay lang at least nandoon na ako sa “move on phase”.

 

Masaya naman.

 

Recommended. 10/10.

 

Gusto ko ngang i-congratulate sarili ko eh.

 

Kasi pagkatapos ng tatlong buwan na ‘pagdadrama, pagiinom at pagsasayang ng oras habang hinihintay na bumalik ka, nagawa ko na ulit bisitahin 'yung Instagram mo ng walang kirot na nararamdaman sa puso ko.

 

Charot. Meron pa naman pero mga slight na lang, ganon.

 

Pero hindi ko ‘yon pinagtuuan ng pansin. Pinilit kong takpan ‘yung kirot sa paraan ng ‘pag-bulong sa aking sarili ng mga salita na,

 

‘Minju, naka-move on ka na. Okay na siya. Masaya na si Yujin. At ikaw din.’

 

Kahit na sa loob loob ko, hindi naman talaga.

 

Isang malaking kalokohan, oo.

 

Kaya ayun, pinilit kong tanggapin na lang ang katotoohanan na habambuhay akong magmamahal sa’yo, kahit hindi ka na babalik.

 

Pero isa lang pala ‘yon sa mga bagay na bulag kong pinaniwalaan.

 

Bigla kang nagparamdam at muling ginising ang halimaw na akin nang inilibing sa pinaka ilalim ng laman loob ko.

 

Nag-rereview ako ‘non para sa long quiz namin sa susunod na araw. Sobrang stressed ko na nga kasi kahit anong gawing pagbabasa, wala talagang pumapasok sa isip ko.

 

Napasigaw na lang ako sa inis. Pero ipinagpatuloy ko pa rin. Kahit sumusuko na katawan ko, tuloy lang ang buhay. Tutal sembreak naman na pagkatapos dahil malapit na ang pasko.

 

Tanda ko nasa page 111 ako ng “Economic Structure of Corporate Law” ng biglang nag-liwanag ang cellphone na naka-tambay sa gilid ng table ko.

 

Nung una hindi ko na dapat papansinin kasi ayaw kong ma-distract. But wala rin akong nagawa nang makita ko ‘yung pangalan mo sa notification bar ng 6S ko.

 

Messenger

Yujin sends you a message. 4:11 AM

 

Hindi ko alam kung anong nangyare sa akin basta nagulat na lang ako at napatayo habang hawak hawak ang cellphone, gamit ang aking dalawang kamay. Wala akong pake kahit na ‘yung lamesa na kaninang tinutungtungan ko eh natumba na sa gilid kasama ng mga librong binabasa ko.

 

Wala akong pake kahit mas matalas pa sa tingin ng gutom na agila ang tingin ko sa pangalan mo.

 

Yujin.

 

Yujin.

 

"Yujin."

 

Kahit ilang beses ko ulit ulitin, napapangiti pa rin ako kasi bumabalik ang mga alaala nung una kang dumating sa buhay ko at sinabi ang pangalan mo.

 

Yujin Ahn.

 

Pangalan ng babaeng minahal ko ng sobra. Pangalan ng babaeng pilit kong kinakalimutan nang iwan niya akong mag-isa. Pangalan ng babaeng ngayon ay bumabalik; at akin din namang tatanggapin kahit alam kong ako lang din ang mag-dudusa.

 

Hindi ko alam kung sa lamig lang ba na dulot ng ber months o sadyang kapag sa’yo, nag-mamalfunction ‘yung buong pagkatao ko. Nanginig ako. Ano kayang sumapi sa’yo at bigla ka nanaman nagparamdam? Tila nag-siliparan ang mga tanong sa utak ko, dahilan nang saglit na pagkataranta. Siguro masisira ko ang vitals monitor kapag isinabak nila ang puso kong gustong kumawala sa sobrang lakas nang pagtibok dahil sa’yo.

 

Bubuksan ko na ba?

 

Paano kung prank lang?

 

Paano kung wrong send?

 

Mga tanong na ilang minuto ko ring pinag-isipan at kung hindi pa dahil sa panglawang mensaheng dumating, hindi pa ako titigil.

 

Yujin sends you another message. 4:17 AM

 

Ang ending, hindi ko rin napigilan at binuksan ang mensahe na pinadala mo.

 

Tila ba’y ako’y nasakal dahil sa biglaang pag-tigil ng pag-hinga ko nang makita ko ang mensahe mo.

 

Yujin (4:15 AM): Hi Minju, gmorning!

 

Yujin (4:17 AM): busy ka ba?

 

Oo, busy ako.

 

Pero para sa’yo?

 

Kailanman “hindi” ang magiging sagot ko.

 

Minju (4:18 AM): hindi, bakit?

 

Ayaw kong magmukhang marupok, kahit ‘yon naman ang totoo.

 

Yujin is typing…

 

Nakakatuwa. Parang ganito rin ‘yung naramdaman ko nung una kitang minessage para tanungin ka kung naintindihan mo ba ‘yung rubrics sa project para sa English subject natin.

 

Parang gusto kong sumuka at jumebs. Mas matindi pa ‘yung kaba ko habang nag-iintay ng ire-reply mo kesa sa kaba ko tuwing may presentation ako sa klase.

 

Yujin (4:21 AM): diba malapit sa inyo ‘yung Taytay tiangge?

 

Minju (4:21 AM): Oo, bakit?

 

Sobrang random naman. Kala ko ang sasabihin niya, ”Balik ka na.” Chos.

 

Yujin (4:26 AM): nice. gumagala ka ba don? kelan ka pupunta? may papatingin lang sana ako.

 

Minju (4:26 AM): Actually, I was planning to go there later around 2PM. Ano ba ‘yung papatingin mo? :)

 

Kasinungalingan.

 

Wala sa plano ko na pumunta ng tiangge. Kahit tignan niyo pa sa starbucks planner ko or sa mga sticky notes na nakadikit sa board banda sa section ng “Errands”.

 

Walang “Pumunta ng Taytay”.

 

Pero pupunta ako.

 

Para saan?

 

Para kanino.

 

Yujin Ahn.

 

Para sa kaniya.

 

Pupunta ako para kay Yujin kahit na may pasok ako mamaya. Marketing. Isang major na nagtatagal from 11AM to 1PM. Ang highlight is 1PM ang uwian kaya 2PM ako pupunta.

 

Kahit na wala akong tulog, okay lang.

 

Kasi para sa kaniya ‘to. May kailangan siya eh. Siyempre, ibibigay ko.

 

Yujin (4:33 AM): ay nice. sige. baka may makita kang trousers na kulay indigo na kasiya sa akin. At saka bag na prang sa ano

 

Yujin (4:33 AM): yng parang cute na bag na maliit. Yung prang backpack ni dora hahaha

 

Yujin (4:34 AM): pero brown or red. Need ko kasi sa school.

 

Minju (4:34 AM): Sure :) Mag-hahanap ako. Ayon lang ba?

 

Yujin (4:36 AM): yup. If may nakita ka, message mo ako ah. Salamat

 

Yujin, sa buong 5 years na nag-kasama tayo, kailan ko ba hindi ibinigay ang gusto mo?

 

Minju (4:36 AM): Suresure. Anytime, Yuj. :)

 

Reply ko. And then, I waited.

 

Baka may sasabihin ka pa or may papadagdag.

 

Pero wala.

 

Nakuha ko lang is,

 

Seen (4:39 AM)

 

Gago, grabe ang kirot ah. Parang kagat lang ng dinosaur.

 

At sa ganon lang, ‘don natapos ang temporary happiness ko. Pero dahil isa akong certified tanga, kaya pa nating patagalin ‘yan.

 

How?

 

Sa paraang “i-embody ang toxic positivity”

 

‘Ang mahalaga nakakausap ko na siya ulit. Hindi na ako naka-block. Hahaha.’

 

 

Kinabukasan, stressed ako ng sobra sa class. Kasi nalaman kong kahit sembreak, meron pa rin kaming gagawin dahil ‘yung prof ko na kasing sama ni Satanas, binigyan kami ng research na dapat gawin kahit bakasyon.

 

Muntik na akong dumeretso ng kablockmate ko at sumali sa inuman nila nang biglang nag-message si Yujin.

 

Yujin (2:03 PM): hey

 

Yujin (2:03 PM): otw ka na?

 

Minju (2:03 PM): Hey, yes. I’m on my way now. :) Pasakay na ako ng jeep.

 

Yujin (2:05 PM): ah cgecge. Ingat ka :D

 

Shet naman.

 

Minju (2:05 PM): Thanks. :))

 

Dali dali akong tumakbo sa sakayan ng dyip at iniwan ‘yung mga kaibigan kong kumakain sa fishballan.

 

“Hoy, Minju! Saan ka pupunta?” Sigaw nila habang patuloy lang ako sa pagtakbo sa station.

 

“Taytay. May utos sa akin si Mommy! Bye!” Sigaw ko. Hingal na hingal akong dumating sa station. Buti na lang may nakaabang agad at nakaalis din. Mas mabilis akong makakapunta. Mukhang nag-hihintay si Yujin. Ayaw ko pa naman siyang pinagaantay.

 

Binuksan ko ulit ang phone ko at tiningnan ang convo namin.

 

Kinilig talaga ako sa pa John Lloyd at emoji niya. Ingat daw. Gago.

 

Agad din namang nawala ngiti sa labi ko nang mapansin kong ininbox zone niya lang ang huling message ko.

 

Hays.

 

‘Ayos lang ‘yan, Minju. Warm up lang siguro’

 

Sabi ko na lang sa sarili ko.

 

‘Pagtapak ko sa Taytay, napa-squint ako agad sa sobrang init dahil sa tapat ang araw at ang daming tao, which I expect naman na. Hindi naman nawalan ng tao rito.

 

Pumasok ako sa area ng tiangge at sakto, nahagilap agad ng aking mga mata ‘yung helera ng mga sapatos at bags. Kaya kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger.

 

Minju (2:42 PM): Hey, Yuj. I arrived na sa tiangge. Eto ‘yung mga bag na nakita ko.

 

I sent her the pictures that I took. Kinuhanan ko ng photo ‘yung limang bag na fit sa description na sinabi niya: maliit parang kay Dora at brown or red.

 

Sa limang ‘yon, meron akong nakitang sa tingin ko magugustuhan niya.

 

And tama nga ang hinala ko nang mag-send siya ng screenshot ng convo namin, nakabilog ‘yung photo ng bag na sa tingin kong tipo niya.

 

Yujin (2:51 PM): this one, maganda. I like it :>

 

Minju (2:52 PM): I figured :) kunin ko na ba?

 

Yujin (2:54 PM): opo. abt that nga pala. pwede bang paabunuhan muna? I’ll pay na lng kapag nakuha ko na.

 

Minju (2:54 PM): Sure, no prob :)

 

Minju (2:55 PM): I’ll get this one na and then, I’ll look for the trousers na.

 

Yujin (2:57 PM): cgecge.

 

Inabot din ng almost 4 hours ang ‘pag ikot ko sa Taytay dahil ang hirap hanapin ng trousers na gusto niya. Though may nakita naman ako along the way, kaso hindi niya type ‘yung design at cut so lipat ulit sa ibang booth. Sa tingin ko nga nalibot ko na ‘yung buong tiangge kakahanap.

 

Buti na lang meron akong nakita sa kaduluhan ng Bagpi. 450 lang. Ganda pa ng tela.

 

Umuwi ako ng may dala-dalang plastics. Yes, plastics. Dahil ang dapat na dalawang bagay lang, naging anim. Bukod sa hiniling niya, bumili rin ako ng mga shirts na feeling ko magugustuhan niya. Isang hoodie tapos isang flannel.

 

Kahit naubos ‘yung pera pambili ko ng lightstick ng Red Velvet, ayos lang basta masaya si Yujin. Pwede ko pa namang pag-ipunan ulit ‘yon eh. Etong chance ko na ‘to, minsan lang mabibigay.

 

Minju (8:47 PM): Hey, eto nga pala ‘yung request mo. *sends photos

 

Yujin (8:53 PM): Uy salamat. Ang ganda. Sorry ah inabot ka pa ng gabi

 

Anything for you, baby.

 

Minju

Please log in to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
arvein
Hi. Thank you for reading! Comments are deeply appreciated :)

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet