Sa Aking Pananabik at Pangungulila

Untitled 1
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

Alas Singko

 

 

Maaga pa pero heto ako naghahanda ng harapin ang araw ko rito sa Australia. Mahalaga ang ito para sa akin, ito ang huling araw ng ilang buwan kong paglalagi dito malayo sa Pilipinas, malayo sa aking pamilya, kaibigan, kay Jimin.

 


Isa nga pala akong Junior Architect sa isang kompanya sa Pilipinas at mapalad akong nakuha bilang apprentice na may 6 months contract. Kailangan ko ito, hindi ako mayaman, payak lamang ang pamumuhay na ibigay sa aking ng mga magulang ko. Gayunpaman hindi naman sila nagkulang sa akin, busog ako sa pagmamahal at pag aaruga na ibinibigay nila sa akin.

 

Kailangan ko ito, sapagkat kailangan kong may mapatunayan sa sarili ko, kay Jimin, at higit sa lahat sa pamilya nya.

 

Apat na taon na ang relasyon namin ni Jimin, nagkakilala kami sa Construction Company na pinagtatrabahuhan ko na pag aari ng pamilya nila. Hindi ako mayaman katulad nila kaya ganun na lang ang galit ng magulang niya ng malaman na girlfriend ko na si Jimin.

 

Mahal ko siya higit sa ano pa man at gusto kong patunayan sa pamilya niya na totoo ang nararamdaman ko para sa anak nila kaya nag doble sipag ako at dahil dun kaya ako nandito.


Tiniis ko ang lahat ng pagod at pangungulila ko sa pagsabak ko dito sa dayuhang bansa. Nag adapt ako sa kung anong work ethics ang meron sa kanila, kinailangan kong mag fit in dahil ang tanging kailangan ko ay mapatunayan ko na kaya ko.

 

Kinaya ko dahil sa pagmamahal ko kay Jimin at nagpapasalamat rin ako sa kanya dahil naiintindihan niya ako at sinusuportahan para sa mga ginagawa ko para sa amin. 


Marami akong natutunan habang nandito pero mas nasasabik ako sa pag-uwi ko sa ating bayan. Lalo rin ng nabalitaan ko sa isa naming kaibigan na ikinagulat ko.

Isang araw kausap ko si Aeri, simpleng kamustahan lang naman kami ngunit bigla na lang siyang mag itinanong sa akin.

 

"Minjeong, totoo ba?"

 

 

"Ano yun Aeri?"

 

 

"Minjeong please kaibigan kita eh"

 

 

"Hindi ko nga naiintindihan yung tanong mo Aeri. Tapatin mo na ako" Nauubos na ang pasensya ko sa pag uusap namin.

 

 

"Narinig ko kasi mayroong nag uusap dito sa kumpanya na bali-balitang may bago ka na raw girlfriend jan sa Australia."

 

 

"Ano?! Sinong nagsabi nyan? Hindi totoo yan Aeri!"

 

 

"Alam ko naman Jeongie, kaso kasi kalat na kalat na to sa buong kompanya."

 

 

"Uuwi na ko, kailangan ko ng makausap si Jimin!" Agad ko ng binaba ang tawag ng kaibigan ko.

 

 

Ilang araw ko na ring hindi nakakausap si Jimin. Hindi ko alam na ito pala ang dahilan. Hindi ako sanay na ganito, napakalaking bagabag nito sa akin kaya ginawa ko ang lahat para mapaaga ang pag uwi ko. Kinuha ko na agad ang pinaka maagang flight na pwede.

 

 

"Uuwi na ako sayo Jimin, Hintayin mo ako."

 

 

 

 

 

 

Pagod man galing sa byahe mas nangingibabaw pa rin ang pangungulila ko kay Jimin, kaya wala na akong ibang ginawa kundi ibaba ang gamit mula sa hotel na aking pansamantalang tinutuluyan at dumiretso na sa condo para makita ko na ang aking pinakamamahal.

 

 

"Jimin"

 

 

"Anong ginagawa mo dito Minjeong?"

 

 

"Jimin nandito na ko, bumalik na ko. Miss na miss na kita mahal" akma ko siyang yayakapin pero nagulat ako sa mga sumunod na salitang binitawan nito.

 

 

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa akin?"

 

 

"Jimin, hindi totoo ang sinasabi nila."

 

 

"Minjeong hindi mo na ako mapapaniwala dahil tapos na tayo, umalis ka na."

 

 

"Jimin, maniwala ka naman sakin oh. Jimin mahal kita hindi ko magagawa sayo iyon. Huwag kang maniwala sa mga sinasabi ng iba tungkol sa akin.”

 

 

"Umalis ka na"

 

 

Hindi ko alam kung anong nangyari, wala akong kamalay malay na ganito pala yung kahihinatnan ng pagpupursigi ko para

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
aespicychicken
Pahimakas 😊

Comments

You must be logged in to comment
bbiiWinkim #1
ryujin aka chiz escudero 🤞🤞😬😬
Enterusername_here
#2
Chapter 2: alam kong inspired by echoxheart to e, pero kahit alam ko na mangyayare. umasa pa din akong endgame sila. kaso, ayun. ouch.
gomtokkim
2149 streak #3
Chapter 2: joke lang pala author char
kimmynjeongg
#4
Chapter 2: ahahahahhaa gagi
gomtokkim
2149 streak #5
Chapter 1: authorrr bitinnnn sana may part 2
CincoYoo
#6
Chapter 2: awit
Hiccups_ #7
Chapter 1: Okay, edi ouch 👍
Enterusername_here
#8
Chapter 1: Umagang kay saket. Sana po may part 2
Elatedbliss #9
Chapter 1: 💔💔💔
Gungdaengie
51 streak #10
Chapter 1: Bitin 😭 part two po please 😭